Chapter 7 - CHAPTER 7

"Oppss! I'm sorry." oh shit!

Mas mabilis pa sa kidlat ang paghihiwalay namin ni Cib ng marinig namin ang boses ni Blue mula sa pinto. Tila nanigas ang buong katawan ko sa pagkabaluktot sa kama ko.

Huta! Baka kung anong isipin naman ng kapatid ko at ikuwento kay mama naku...naloko na!

Kaagad naman akong bumangon sa kama ng maramamdaman kong malayo na si kapatid sa kwarto ko.

Ibinaling ko naman ulit ang matatalas kong mga tingin sa mapanuksong lalaking ito.

An awkward atmosphere came. Nagflashback naman sa isipan ko ang nangyari just a minute ago. Gosh! Muntik na pala kaming magkiss. Kung hindi siya dumating baka mas malala pa sa kiss yung nangyari.

Sayang... I mean YUCK!

"So-sorry. I have to go." He said seriously tsaka naglakad palabas ng kwarto.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Napagulong gulong nalang ako sa kama ng maalala ko nanaman ang nangyari sa banyo. Nakakainis na nakakahiya na ewan argh! Okay fine! Kunwari walang nangyari!

"Nothing's happened, okay Tangerine?" I said to myself at tumango din ako.

Cib's POV

Crap! We've almost kissed. Napasabunot ako sa buhok ko habang bumababa sa hagdan.

Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa kwarto niya. Hindi ako sanay uminom kaya mabilis akong malasing and I guess ganun ang nangyari.

Napatingin ako sa relo ko. 10 o'clock na at andito parin ako sa bahay nila. Tang*na ano bang nangyari sa akin kanina at parang may tumutulak sa akin na halikan ko siya? May amats parin ata ako. I shook my head.

"Saglit." Dinig ko mula sa likuran ko dahilan para matigilan ako at lingunin siya. Nakabihis na siya ng pantulog this time.

Hindi ko rin maiwasang isipin yung nakita ko kanina habang naglalakad siya ngayon palapit sakin. Well, there's nothing special. Hindi ko naman first time makakita ng hubo't hubad na katawan ng babae but f*ck parang pinagpapawisan ako.

"I guess hindi na tayo magkikita pa. And sana hindi na nga. So here's my payment." She said at may inaabot pang sobre sa akin.

Well, I'm actually hesitating kung tatanggapin ko ba since di ko naman talaga trabaho 'to pero pag hindi ko naman tinanggap baka isipin niyang may utang na loob siya sa akin.

"Ano? Hindi mo ba kukunin 'to? Sige ka hindi na kita babayaran."

I half smile then kinuha ko na din yung inabot niya.

"So ayaw mo na ako makita ulit?" I said.

"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na rin." What? Ang gulo ng sinabi niya -.-

"May dalawa ka pang natitira sa package mo. Kiss and selfies." Pangiting sabi ko dito na siyang ikinasira naman ng mukha nito.

"Wag ka nga! Break na tayo." Irap niya sa akin.

"Ouch!" Napaatras ako at napahawak sa dibdib. "Okay then bye." I winked then binuksan ko yung pinto at naglakad palabas.

"Wow." She blurted habang nakatingala sa langit.

Napatingala din ako. Full moon pala kaya ang liwanag ngayon ng paligid at ang aliwalas ngayon ng langit, walang ulap kaya kitang kita ang ningning ng mga bituin.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya. I can see through her eyes how happy she is right now. Ang babaw ng kasiyahan niya siguro madali rin siyang masaktan.

Tangerine's POV

Wow grabe ang ganda ng langit ngayon. Sa bawat kutitap ng mga bituin parang sinasabi nito na masaya sila. Ang ganda pati ng buwan ngayon. Hindi ko naman first time makakita ng ganito pero pakiramdam ko laging first time eh. Natutuwa talaga ako. Minsan ko lang kasi makitang punong puno yung langit ng stars madalas kasi silang natatakpan ng ulap.

*CLICK*

Nadistract ako sa ginagawa ko dahil sa isang tunog na alam ko kung saan nanggaling.

"Oh ba't andito kapa? Kinuhanan mo pa ako ng picture baka mamaya ipakulam mo ako ah." Giit ko dahilan para matawa siya.

"Sorry. Natutuwa lang kasi ako sa mukha mo kanina. Ang pangit kasi pfff~" he said habang nagpipigil pang tumawa.

"Hays. Umawi ka na nga!" Taboy ko sa kanya. But instead na umalis na siya ay naglakad pa ito palapit sa akin at biglang shoot! Nilagyan niya ako ng helmet at hinawakan ang kamay ko.

"Hoy! Ano 'to? Ano bang balak mo?" Baliw na ata ang lalaking 'to.

"Hindi pa tapos ang contract natin. Wala pa ngang 12 o'clock oh. February 14 pa kaya girlfriend pa kita." He winked then grabbed me palapit sa motor niya. Oh no!

"Angkas na!" Sabi nito habang nakasakay na sa motor niya.

"Saan ba tayo pupunta ha? Baliw ka ba? Nakapajama ako oh. At tsaka...gabing gabi na noh!" Nakita ko kung gaano siya kabilis magdrive kaya NO! Gusto ko pang mabuhay ng matagal.

I was about to remove the helmet ng biglang humirit ito.

"Hep! Aangkas ka o hahalikan kita?" Natigilan naman ako sa sinabi nito at tinignan siya ng masama.

Napangiwi nalang ako at umangkas narin sa motor niya. Ewan ko ba at nagpapadala parin ako sa lalaking 'to.

"Kumapit ka." Ani nito habang nagsisimula ng i-start yung motor niya.

"Ayok-- ahhhhh!" Napahiyaw nalang ako ng wala sa oras dahil bigla niyang pinaharurot yung motor niya. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa likod niya. Shocks! parang abs ata 'tong nakakapa ko. Kaloka 'to! Ano kaba naman Tangerine mag e-end of the world na abs parin nasa isip mo.

Sa sobrang bilis niya magpatakbo this time natameme nalang ako. Malabo na nga mata ko, mas lalo pang lumabo. Yung tipong para kaming hangin na dumaan lang. May nakikita ba ako sa paligid ko? WALA! Hay bahala na! Wag na choosy Tangerine kaya kumapit ka ng mahigpit kung ayaw mong mabura sa mundo.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Pasigaw kong sabi dito para marinig niya ako.

"Basta! Kumapit ka lang sa akin." Tugon niya habang focus lang sa kalsada ang tingin.

"Kumapit naman ako sa kanya pero iniwan parin ako." Mahina kong sabi.

"This will gonna be fun." Sabi pa nito at tila hindi narinig ang pagsesenti ko.

"Fun? Hanggat maari sana ayoko ng maging FUNiwalain." Mahina kong sabi ulit.

"I've heard it." Dinig kong sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa at nag-antay nalang kung saang lupalop ng mundo niya ako balak dalhin. This will gonna be fun daw? Sana nga matuwa ako para worth it naman yung nerbyos ko sa driving skill niya.

Maya maya lang din ay unti-unti kong naramdaman ang pag-minor niya sa motor. Nagpalinga linga ako sa paligid. Puro malalaking puno at mga baboy ang nasa kapaligiran namin joke. Di ko alam kung nasaan kami pero naghahanap ako ng signage na maaring masagap ng malinaw kong mga mata.

"Yayakapin mo lang ba ako magdamag?" Nadistract naman ako sa boses niya at agad kumalas sa pagkayakap.

"Pasensya naman." Nag-enjoy lang choss. Bumaba na ako sa motor niya at ganun din siya sabay tanggal ng helmet sa ulo niya. Samantalang ako? Di ko matanggal tanggal yung helmet na nakakapit sa ulo ko. Tanggalin ko nalang kaya ulo ko?

"Yung girlfriend ko talaga oh~" he said tsaka ako tinulungang tanggalin yung helmet. But wait...

*dugdug...*

Nakakapagpigil hininga dahil ang lapit nanaman ng mukha niya sa mukha ko. Kailangan niya ba talagang yumuko? Ayoko tumingin sa mga mata niya.