Someone's POV
"POSTED!" She said habang nakangiting tagumpay.
"Ay gago ka tol anong pinost mo?" Napabalikwas ako mula sa pagkahiga sa kama ng makita ko ang ginawa ng kapatid/utol kong si Victoria sa facebook account ko.
"Hoy wag ka ano jan ha! Talo ka sa pustahan sa basketball kanina kaya ito na ang consequence." She said habang pinadaan daan pa sa mukha ko yung laptop.
"BOYFRIEND FOR RENT?" halos lumawa na ang mata ko sa nakita ko. F*ck! Anong ginawa niya?
"Yeah, I want you to have a date with someone this coming February 14 rather that just staying here and wait for your ex to contact you." Napa-face palm nalang ako sa sinabi niya at bumalik sa pagkahiga.
"Whatever, do what you want." Kahit pa nagmukha na akong call boy dun sa ginawa niya.
"Good boy!" She said tsaka ako binato ng unan. Tsk! Araw niya ngayon at natalo ako sa pustahan namin pero humanda siya sa akin sa susunod na mga araw.
Tangerine's POV
Umakyat na agad ako sa kwarto after ko kumain. Hay sa wakas at makakapagpahinga na din ang tenga ko. Grabe ang ingay ng mag-ina doon sa baba.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung nangyari kanina. Napasubo tuloy ako at kailangan ko ng jowabels na ihaharap sa kanila this coming February 14.
Hmm...paano ba? Binuksan ko yung phone ko para magscroll scroll sa social media. Pampalis oras lang. Like you know? Buhay single charot.
"Eh kung sabihin ko nalang kaya na break na kami sa mismong araw ng Valentines?" I muttered to myself.
Parang mali, edi magsisimula nanamang mapraning si mama nun at maghahagilap nanaman ng mga lalaking anak ng mga kaibigan niya.
Napahinto ako sa pagscroll sa newsfeed tsaka binalik at tila may nalagpasan akong kakaiba. Something like...sagot sa problema ko.
"Boyfriend for Rent." I read the title of his post.
Tinignan ko muna yung mga photo na naka-attached dun sa post niya.
Parang artistahin lang ang level ni kuya ah. In fairness ang pogi saktong sakto sa allergy ko. Malamang maraming jowa 'to. Malamang marami na din 'tong napaiyak charot. Sige na nga basahin ko na yung description bago pa umandar yung pagiging bitter ko.
BOYFRIEND FOR RENT THIS VALENTINE'S DAY.
Short Bio :
NAME: CIB
- Filipino
- 6'0
- Basketball Player
- Speaks Tagalog and English
-Handsome
-Singer
first package:
* hugs for a sec.
* movie date
* Buffet 101
2nd package:
* hugs
* holding hands
* kiss on the cheeks
* tell life stories
* movie date
* date (anywhere)
* Selfies
Special Package:
* hugs and cuddles
* kiss on the lips and forehead
* date (anything and anywhere),
* watch sunset together near the ocean + stories
* holding hands
* Selfies
If you're pretty may 10% discount kapa. *wink*
Napalunok ako ng sarili kong laway matapos ko basahin ang kabuoan ng post niya. Parang ang mahal naman ng packages niya lols o baka kuripot lang talaga ako.
Legit kaya 'to? Baka mamaya trip lang 'to mukhang mayaman naman si kuya.
Nagbasa ako ng ilang comments dun sa post. Shocks! Mukhang wala ng available na slot at dinagsa na ng mahaharot yung post ni kuya.
Sige, matry nga. Kung magrereply siya edi good. Isang araw lang 'to Tangerine.
Tadah! Message request sent!
I shook my head when I realized what the heck I am doing.
Ano bang ginagawa mo Tangerine? Isa tong kabaliwan. Baka mamaya mapahamak kapa dahil dito.
Nilapag ko na yung phone ko sa side table ng kama ko ng biglang tumunog yung messenger ko.
Dali dali ko naman itong dinampot na tila ba may kaagaw ako sa phone.
"Yes miss? What can I do for you?" Napangisi ako habang hawak hawak yung phone ko dahil sa wakas may sagot na sa problema ko.
"Hi. Are you still available on February 14? I really really need you. Babayaran kita ng tamang halaga but don't you dare to touch, hug, and kiss me." Message sent.
Ayan...typing na siya. Sana pumayag siya para matapos na ang kalbaryo ko sa bahay na yun everytime ns bibisita ako dun.
"So what do you want me to do?" He replied.
"All you wanted to do is to pretend to be my boyfriend at ipapakilala kita sa family ko. But don't worry isang araw lang yun." I replied.
Kinakabahan ako habang inaantay yung bawat reply niya bwisit lols. Pakiramdam ko nag-aantay ako kung anong lalabas sa lotto ngayon choss.
"Okay. Magkita tayo for further discussions." Napatalon ako sa kama ko ng mabasa ko ang reply niya. Eto na yun, ramdam ko ng magiging malaya na ako.
"Okay. Thanks." I shortly replied tsaka nagsend ng address na kung saan kami pwedeng magkita.
Problem solved! Ang weird pakinggan but I rented a boyfriend lols.
Someone's POV
"Crisostomo Ibarra Buendia." Nagising ako sa muling pagpasok niya sa kwarto ko while uttering my whole freaking name.
"What?" Irita kong tugon.
"February 14, save that date okay? Oh by the way meet her tomorrow at 5 o'clock pm." She said while leaving the laptop on my desk.
"Meet who?" I asked at ramdam ko na ang pagsalubong kilay ko.
"Just check it out. Okay?" Sabi nito habang nakaturo sa laptop. "At wag na wag kang maging talkshit kung ayaw mong mas malala pa dito ang gawin ko hmp!" Banta pa nito at tsaka ako pinadilatan.
"Okay, fine." I muttered tsaka tumayo na para icheck yung sinasabi niyang kikitain ko.
Humanda ka talagang babae ka kapag ako ang nanalo sa susunod na pustahan.
"Uh-oh~" nasabi ko nalang ng makita ko ang account ko. Sabog sabog lahat ng notifs at inbox. Sa dami ng message dito, alin ba dito ang kikitain ko?
"Her name is Tangerine!" Hiyaw niya mula labas ng kwarto ko.
Tangerine? Baduy! I started to search her name then binasa ko yung conversation.
Okay I'll do it. Ang simple lang naman pala. After this, yung kapatid ko naman ang pagagapangin ko hirap ng ipapagawa ko. Pasimple akong napangiti sa harap ng screen ng laptop.
By the way, I'm Crisostomo Ibarra Buendia. CIB for short. Uhm no, just call me CIB. Bakit ganun ang pangalan ko? My mom is a History Teacher and she loves reading history books obviously, especially the works of Doctor Jose P. Rizal.
I actually don't like it. It just that...hindi suit yung pangalan ko sa panahong kinabibilangan ko. That's why I'm using the name CIB rather than Crisostomo.
My little sister's name is Victoria Buendia. Not so bad. Dalawa lang kaming magkapatid at talagang hilig namin parusahan ang isa't isa.
Well, I got a date huh. Let's see what will happen...