She laughed and looked at him.
He looked at her, amazed at how beautiful she is. And realized he wanted to hold her in his arms, "You want to dance with me?"
She smiled, "Sure."
He took her hand and she became a bit conscious though there was no one around, "Now?"
He was holding her hand walking towards the middle of the street, "Uh-huh."
"Here?" She asked.
"Uh-huh" He said.
"We're not supposed to dance in the middle of the street", she whispered.
"We should dance in the street", he countered and she smiled.
"We don't have any music."
He swung her around and held her in his arms, "No. We'll make some."
They swayed in the middle of the empty street and she realized how something so simple can mean so much. They danced to the rhythm of their beating hearts.
---
Hingal na hingal pa ang bestfriend ko nang dumating sa cubicle ko, napalingon lang ako sa kanya and nagbuntong hininga matapos ang isa sa mga most favorite parts ng movie na pinapanood ko, all-time favorite "The Notebook".
Tumingin ako sa bestfriend ko habang tinatanggal ang earphones ko, kinwelyuhan sya at hinatak palapit sa akin, "Where is my he? Where is my Noah???"
Nakaupo sa visitor's chair ko si Jem – short for Jeremy. Habang nag-no-normalize ang paghinga nya, ni-facepalm nya ako at nilayo ang mukha ko sa mukha nya, "Tigilan mo nga ako Olga. Lahat tayo may problema sa lalaki ha, wag mo akong paandaran nyang pagddrama mo."
Binalik ko ang earphones ko sa tenga ko, "Then leave me alone!"
Hinatak ni Jem ang earphones ko at hinawakan ang mga kamay ko, "Hoy babae. Pinagbigyan kita ng dalawang linggo ha, tama na yan. Ang payat mo na, hindi ka na naglulunch puro ko mukmok jan sa pwesto mo. Tama nang panahon na yun. Move on na girl."
Tumingin lang ako sa kanya. Jem's been my bestfriend since the day na sinita nya ang shoes ko that did not match my clothes. That was the same month I started in this Marketing firm – 2 years ago.
"Bakla, hindi biro yung isang taon namin ni Kenneth, hindi ba ako pwedeng mag-luksa pa ng onti?"
Biglang binitawan ni Jem ang mga kamay ko, "Fine."
"Thanks girl." Nag-air kisses pa ako pero parang lamok nyang pinapatay bago pa sya tamaan. Bwiset.
"So ano, ayaw mo nang malaman ang balita ko? Ang layo pa naman ng tinakbo ko para makita ka." Nag-pout pa si bakla.
Tumingin sa kanya, nilagay ang mga kamay ko sa baba ko, "Okay fine. What is it?"
Inurong ni Jem ang upuan nya palapit sa akin, "May fresh meat." Tinataas taas nya pa ang kilay nya. Alam ko na ang ibig nyang sabihin syempre dahil sa secret language namin that means – may mga bagong boylet sa office. Pero I've learned from previous experiences not to shit where I eat and I'm pretty sure I don't want to do that again.I mean, durog pa ang puso ko at ayaw ko rin ng panakip butas.
Huminga ako ng malalim at ginulo ang buhok ko, "Jem, hindi pa ako ready okay? Kaka-break lang namin ni Kenneth..."
Sumingit si Jem, "...last month..."
Hinampas ko ang kamay ko sa table, "...2 weeks ago, bakla. Wag ka ngang ano. Anyway, hindi pa ako ready makipag-relasyon ulet okay? Masakit pa e."
Ngumiti sya, "Ang alin?"
Tumawa naman ako, "Gago! Eto o, puso ko!" Sabay turo sa dibdib.
Umiling lang si Jem, "Hoy, wala naman akong sinabing syotain mo yung mga bagong hire diba? Sabi ko lang meron... tsaka hello, malay mo hindi pechay ang hanap? Baka ako ang bet diba?"
May point si bakla, ang asyumera ko nga naman.
Tinuloy na ni Jem ang kwento, "Anyway... Dalawa sila, parehong nasa IT. So if ever may problema ka PC or connection or whatever, alam mo na..."
Hay naku, alam mo yung narerealize mo sa sarili mong hindi ka pa talaga nakaka-move on? Kahit na anong pagbu-'bugaw' sayo ng mga kaibigan mo hindi mo pa rin maisip na may ibang taong makakapuno nung space na nawala sa'yo? It's like the fuckers took a little piece of your heart when they go.
Tiningnan ko lang si Jem, "My PC is fine. My connection is fine. I have no IT problems that need solving right now, thank you very much."
Napaatras si Jem at hinawakan ang puso nya, "Oh my God, have you seen my friend – Olga? She used to be this fun girl..." Sabay tingin sa akin. "Fine. Aalis na ako. Basag trip ka e."
Ngumiti lang ako kay Jem habang iiling iling syang naglakad palayo.
Nung nasa College pa ako, pag-umuuwi ako ng madaling araw sa bahay namin lagi kong iniisip na papagalitan ako ni chang. I have learned kasi na kapag may takot ako pauwi, hindi ako pinapagalitan pero pag kalmado lang ako at walang worries pag uwi, sigurado yan hindi pa ako nakakatungtong sa loob ng bahay may bumubulyaw na sa akin. So earlier today I thought and I claimed I had no PC or connection problems whatsoever... lo and behold, kahit anong pindot pindot ko sa laptop ko walang nangyayari.
Hinampas ko ng papel ang PC ko, "Bwiset! Pati ba naman ikaw iiwan mo na ako? Hindi pa ba sapat na paghihirap na ang pinag-daanan ko?" Hinampas hampas ko pa ulet ang PC ko, "Bwiset ka. Bwiset! Bwiset!"
May kumatok sa cubicle ko, pagalit pa akong lumingon sa kumatok.
Parang natakot sya at mejo napaatras, "Uhm. Miss Martinez?"
Hmm... may itsura kaya lang mukhang totoy, inayos ko ang hair kong mejo nagulo dahil sa pag-wawala ko kanina, "Yes?"
Lumapit sya ng konti pero parang he wanted to be anywhere but here, "I'm Carl from IT, may problem po ba yung laptop nyo?"
Ah, eto pala yung sinasabi ni Jem na taga-IT na bago. Jusko naman mukhang pinabili lang ng nanay nya ng suka. Cradle snatcher talaga tong si Jem.
Tumayo ako at tinuro kay Carl ang laptop kong ayaw na gumana, "May tinatapos lang akong spreadsheet sa excel tapos namatay syang bigla hindi ko alam kung bakit."
Umupo si Carl sa pwesto ko at tinry na i-re-boot ang laptop ko, "Natinginan nyo po ba kung nag-blink yung battery indicator?"
Pinilit ko talagang hindi mag-roll ng eyes ko, "Oo naman. Naka-charge yan, full battery pa yan no."
Tumingin sya sakin parang napahiya, "Uhm, I'll need to take your laptop po muna sa IT room para i-trouble shoot. If hindi po battery problem we'll need to open it up para ma-check if may sira yung hardware."
"E pano ako mag-ttrabaho? May deadline ako ngayon." Tumingin ako sa oras at nakitang mag-aalas-tres na. Lintek, mapapagalitan na naman ako nito. Bwisit talaga.
Binitbit na nya ang laptop ko at tumayo, "Sorry Ma'am, I'll call in thirty minutes to let you know kung maaayos po ito today, pero kung hindi we'll send you a replacement unit po muna."
Tumango lang ako habang hawak hawak ang bridge ng ilong ko, this week is going to shit.
Kanina pa ako nag-do-door bell dito sa lintek na pintong to pero walang sumasagot. Bakit ba kasi naka-lock lock pa tong pinto e, "IT Room – Authorized Personnel Only".
Pabulong bulong pa ako habang pilit na tinetest kung bubukas na ang pinto, "Hello! Anybody home?!"
"Excuse me." May biglang nagsalita sa likod ko, napalingon naman ako. Mostly sa Pilipinas eye-level lang ang mga tao, so nagulat ako nung nakatingin ako sa dibdib (mukhang magandang dibdib) ng mystery guy na nag-'excuse me' sa akin.
Parang nag-slo mo ang mundo ko dahan dahan kong tiningnan ang dibdib, tapos yung lalagyan ng sabon (yung parang collarbone ganun, mukhang lalagyan ng sabon namin sa bahay), babang may konting balbas parang di sya nag-shave ngayong araw lang, plump lower lips, thinner upper lip, nose – bridge ng nose, matangos na nose, eyes, pilik matang mas mahaba pa sa akin, brown eyes... eyes.... Eyes na nakatingin sa akin... eyes na galit.
Aba teka. Kinalog ko ang ulo ko para matanggal ang pagka-stuck dahil sa matangkad at poging lalaking to.
"Taga rito ka ba? IT?" Hindi pa rin kumakalma ang dugo ko, dahil sabi nung Carl na yun tatawagan nya ako in 30 minutes, alas-singko na wala pa.
Hindi sya sumagot pero parang napangiti, tinuro lang ang ID nya.
Charles Santos
IT Manager
Huh?! Kelan pa kami nagkaroon ng IT Manager? Bagong hire tapos IT Manager agad? Swerte naman nito.
Tumingin ulet ako sa kanya, I will not be sidetracked kahit gwapo ka uy, "Asan si Carl? Sabi nya he'll call me after 30 minutes pero hindi na nya ako binalikan, kailangan ko yung laptop ko."
Itinaas nya ang index finger nya at tinapat sa mukha ko na parang 'wait a sec', may hawak cup ng coffee, ininom, itinapon sa basurahan sa labas ng pinto ang gamit na paper cup. Binaba na nya ang kamay nya, kinuha ang ID nya at tinapat sa scanner sa ibabaw ng doorbell, bumukas ang pinto, binuksan ang pinto at pumasok sya sa loob.
At last, makukuha ko na rin ang laptop ko. Naglakad ako pasunod sa kanya papasok ng pinto nang bigla syang umikot kalahati na ng katawan nya ang nasa loob ng room, bigla syang nagtanong, "Wait. Taga-IT ka ba?"
Napanganga lang ako, yumuko sya at binasa ang ID ko, "Olga Andrea Martinez, Marketing Associate."
Dumerecho sya ng tayo, at umatras papasok sa room, "Sorry. IT Personnel only." Sabay sara ng pinto sa mukha ko.