"Try mo kaya lumaklak ng realidad. – Starting all over again"
Kinabukasan medyo lutang pa rin ako sa mga naganap, hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyari pero tingin ko wala naman akong magagawa. Siguro kung ako weird ang ugali sa mga ibang bagay, baka siya naman may ka-weirduhan ring tinatago.
Anyway, okay na 'yon. Wala naman ako dapat pake sa kung anong problema niya. Back to regular programming.
"Good morning, Olga."
Napalingon ako sa likod ko nang may nag-greet sa akin. Si May.
Huminga ako nang malalim at hinarap siya. I plastered my most convincing fake smile and said, "Good morning, May."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
"I'm so sorry kahapon ha. I mean, that must have been hard for you to see. Kung dati worlds apart na kayo ni Sir Chuck, ngayon universes na ang gap niyo. I feel so sorry for you."
Ay, hiyang hiya naman ako sa babaeng 'to. Ako rin, I feel so sorry for her poor neglected eyebrows – parang gubat na sa kapal. 'Sing kapal ng mukha niya para kausapin ako ng gano'n 'di naman kami close. Pero since nasa office kami and I'm nothing if not professional I need to play this little game every now and then.
I shook my head, "I don't know what you're talking about."
I looked around to show her that I'm done with this conversation, "Actually I don't have time to chat marami pang trabaho. I'll talk to you later."
Wala akong panahon sa'yo 'te.
Pagdating ko sa cubicle ko kinuha ko yung stress ball ko at pinagpipisil ko ng paulit-ulit, ini-imagine ko yung mukha ni May habang nilalamutak ko yung bola. No'ng satisfied na akong hindi ko siya sasabunutan 'pag nakita ko siya I opened up my laptop and started working.
Habang naggagawa ng panibagong spreadsheet for my monthly report, nag-ping ang notifications ko sa cellphone.
Habang tinitigan ko ang phone ko nag-replay sa utak ko yung kanta ni Sara Bareilles na Gravity – yung may mga taong parang may invisible thread na nakakabit sa puso mo, na akala mong nakakalayo ka na nang kaunti nandoon na naman sila sa kabilang dulo hinahatak ka pabalik. 'Yon ang feeling ko ngayon habang tinitingnan ko ang friend request sa akin ni Kenneth.
Remember him? Siya ang ex-boyfriend kong bukod sa in-unfriend ako, ini-block pa ako sa Facebook. So kung ako ang babaeng matino ang pag-iisip, syempre ang sagot ay 'hell no!' Itinakwil na nga ako at kulang na lang ipa-blotter ako sa barangay, 'di ba?
'Yon ay kung matino nga ang pag-iisip ko – eh hinde. Pero syempre nasaktan ako kaya kailangan ko munang linawin ang utak ko bago magpasya, for now, bahala ka diyan maghintay ng acceptance ko, pag-iisipan ko pa kung kalian - baka bukas gano'n.
Kaka-trabaho ko nalimutan ko ang pagkain at 12:30pm na nang mapansin ko ang orasan. Hay, nalimutan ko na naman kumain. At ang magaling kong kaibigan 'di manlang ako tinawagan. So kinuha ko ang wallet ko at pumunta sa elevator, sumakay ako at pinindot ang 7th floor para makapunta sa canteen. Nasa 10th floor pa lang ako nag-open na ang doors at bumulaga sa akin ang napaka-pogi pero napaka-weird naming IT Manager. Pagkakataon nga naman.
Hindi ako kumibo at umurong palayo sa buttons sa elevator dahil alam kong doon siya papunta, tiningnan niya lang ang buttons pero hindi niya pinindot. Pareho kami ng floor na bababaan.
Damn it.
Kung napaka-friendly niya sa akin noong mga nakaraang interactions namin, napaka-cold naman niya ngayon. After niya makitang ako ang sakay ng elevator, 'di na siya ulit tumingin sa akin. So anong gagawin ko?
Imbes na mag-iwasan kami ng tingin I took the opportunity para titigan siya ng malupet. Naka-white longsleeved shirt siya na naka-tuck in sa dark grey pants. Ang shirt niya naka-fold sa napaka-masculine arms niya. Alam mo yung arms na sobrang toned kapag gumagalaw siya nag-sstretch ng very light ang shirt niya over his defined muscles. At ano pa ba? Syempre naka-tuck in 'di ba? So I can't help but check out his butt.
Hindi ko napigilan napalunok ako at tumingin sa reflection niya sa elevator para tignan ang reaction niya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
Bakit ang guwapo mo? Leche ka.
Tinigilan ko na ang pagtitig sa kanya at tumingin na lang sa reflection ko sa elevator. Maayos naman ang itsura ko, naka-wrap up dress ako today hanggang tuhod ko pero kapag naglalakad ako nang mabilis medyo nags-split ang hem at may lumalabas na legs. Sa ibabaw naman hindi siya sobrang iskandalosa pero hapit kaya na-e-enhance ang size B kong boobs. Nagmumukhang mas maliit ang baywang kong naka-slimming corset sa ilalim. Mahirap huminga pero tiis ganda lang.
Biglang nag-ding ang elevator at naunang bumaba si Sir Chuck, napa-buntonghininga ako bago sumunod sa kanya sa canteen. Marami pang tao pero nakaupo na sila, kami na lang ang nahuli so magkasunod pa rin kami sa pila. Paglingon ko sa tables at hinahanap ko si Jem nakita kong nakangiti sa akin si May at tumitingin sa akin at kay Sir Chuck.
Asar talaga tong babaeng 'to.
Tumalikod ako sa kanya at humarap sa pinagpipilian kong pagkain. Sa bwisit ko kay May hindi ko napigilan mapabulong, "Ano ba'ng trip mo sa buhay ko at gusto mong pakielaman? Get a life."
"I'm sorry?"
Napalingon ako kay Sir Chuck na nakatingin na pala sa akin at parang naiirita rin.
Dahil asar na rin ako, 'di ko na napigilan ang pagiging patola, umirap ako at tumingin sa kanya.
"Narinig mo ba pangalan mo? Hindi kita kausap."
Natawa siya, pero sarcastic na tawa.
"Sorry, I forgot you're a little loopy and you talk to yourself."
Hawak ko na ang tray ko na walang laman at sa bwisit ko nawalan ako ng gana kumain so habang binabalik ko ang tray ko sa lagayan I say, "You know what? I lost my appetite."
Tumalikod ako at bumalik sa direksyon ng elevator.
Badtrip! Gutom ka na nga gano'n pa ang mga mangyayari. 'Di bale na magutom huwag lang makasalamuha ang mga lintek na taong 'yon.
Pagsakay ko ng elevator pinindot ko ang 14th floor at pinagpipindot ang close button para magsara na agad ang elevator, pasara na ito nang biglang may humarang na kamay sa pinto napaatras tuloy ako. Bumukas ulit ang pinto at sumakay si Sir Chuck na nakatitig sa akin.