Chapter 6 - Chapter 6

"Bhe, alam mo namang mahal na mahal kita at ipaglalaban kita sa kahit sinong aapi sa'yo, pero tingin ko wave na natin white flag natin this time. Wala tayong laban doon."

Yapos ako ni Jem habang nag-aabang ng Grab namin sa labas ng office. Uwian na hindi pa rin kami maka-recover sa mga ganap ngayong araw.

Ang ex-girlfriend ni Sir Chuck ang kaka-promote lang namin na Deputy General Manager. The boss of the boss' boss – ika nga ni Ana Grey sa Fifty Shades.

Ini-shake off ko ang arms ni Jem na nakabalot sa akin.

"Bhe, 'wag ka ngang O.A. diyan, wala naman akong balak 'di ba? Ikaw 'tong kung ano-anong pinagsasasabi sa akin na kesyo may gusto sa akin yung tao, obviously wala naman."

Wala naman talaga kasi. Kakatapos ko lang sa isa, papasok na ulit sa masalimuot na mundo ng pag-ibig? Pahi-pahinga rin.

Humarap ako kay Jem at nilagay ang mga kamay ko sa baywang ko.

"Jem, utang na loob kasi tigilan mo muna ang pambubugaw sa 'kin, hindi pa ako ready. Wala pang kapasidad ang puso ko para magmahal ulit."

Humarap ako sa kalsada habang hinahanap ang cellphone ko.

"Nasaan na ba si manong driver, sabi kanina three minutes nandito na."

Sakto may sasakyang tumigil sa harap ko at binunggo ako ni Jem sa likod na parang tinutulak na ako para sumakay.

Taragis na 'to ayaw magsalita, pwede naman magsabi ng maayos.

I tried opening the passenger side pero naka lock ang door, heavily tinted ang kotse so 'di ko makita ang driver. Kinatok ko ang bintana.

"Pa-open po manong."

Nag-click open ang pinto at sinabihan ko si Jem.

"Doon ka na sa likod maupo, una ka namang bababa."

Si bakla ang bagal kumilos so pumasok na ako sa kotse at nag-seatbelt. Paglingon ko sa labas nandoon pa rin si Jem at nakatayo ng tuwid na tuwid. Ngumunguso siya sa akin pero 'di ko maintindihan so binaba ko ang bintana ng kotse.

"Hoy sakay na. Anong inaantay mo diyan?"

Umubo si manong driver so napalingon ako.

Hindi siya si manong driver.

Oh My God.

Kill me now.

"Hi ma'am. Saan po tayo?"

Nakatingin sa akin si Sir Chuck at nakangiti.

Dahan-dahan akong lumingon kay Jem at bumulong ng "Help."

Napangiting aso si Jem nilagay ang kamay niya sa noo niya na parang masakit at tumingin sa likod niya sa building namin. Bigla siyang tumakbo palayo sabay sigaw, "May naiwan ako sa itaas! Mauna ka na!"

Iinilabas ko ang ulo ko sa bukas na bintana.

"Hoy! Bumalik ka dito!"

Napaatras na lang ako nang unti-unting tumaas ang bintana ng kotse, automatic akong napa-sorry sabay bitaw sa bintana.

Bigla ko lang na-realize na nakasakay ako sa kotse ni Sir Chuck at isinara na niya ang bintana so anong dapat kong gawin? Napalunok ako at habang medyo shaky pa ang kamay pinindot ang release ng seatbelt ko, bago pa mag-retract no'ng seatbelt biglang lumitaw ang kamay ni Sir Chuck at pinigilan ito. Hinatak niya ulit ang seatbelt at ibinalik sa pagkaka-lock.

Napalingon na lang ako sa kanya at napanganga pero sabi niya lang, "Safety first."

Nakatingin na siya sa kalsada at umandar na ang kotse sabay sa pagkakarinig ko ng pag-click ng locks ng doors.

Parang doon sa mga K-dramas na pinapanood ko parang gusto kong itanong, "w-w-w-wae?" yung may kasamang Korean expression ng confusion kasi talagang naguguluhan ako sa nangyayari. At kung ito man ay hindi K-drama at isang horror movie ako na yata yung pinaka-engot na biktima. Sinarahan na ng bintana nang dahan-dahan, nag-sorry pa.

Pero naman, kung ang papatay sa 'yo kasing gwapo naman nito tingin ko pwede na rin. Yung last few moments ng buhay ko parang heaven na rin. Ini-shake ko ang ulo ko para kalugin ang mga kabaliwang sumasapi sa akin.

Napalingon sa akin si Sir Chuck, "You okay?"

Tumango ako ng napakabilis at sunod-sunod kaya nahilo ako. Nagpipigil akong mag-hyperventilate kasi parang kinakapos ako sa hangin. Masikip sa dibdib so binuksan ko 'yong pinaka-unang butones ng blouse ko – naka close neck kasi ako so feeling ko 'di makarating sa utak ko yung dugo.

��Woah! What the hell are you doing?"

Lumilingon-lingon sa akin si Sir Chuck habang nagd-drive.

Itinaas ko lang ang index finger ko sa direction niya na parang at inilagay ko ang ulo ko between my legs.

"Oh my God."

Natatawang sabi ni Sir Chuck habang nagt-try akong ibalik ang hangin sa lungs ko para matigil ang pagpintig ng ugat ko sa ulo.

"Mamamatay na ako tawa ka pa ng tawa diyan!"

Imbes na mag-sorry humalakhak pa siya lalo.

After a few minutes kumakalma na ako. May biglang humaplos sa likod ng ulo ko.

"Hey, okay ka lang?"

Hindi ako cat or dog person, I mean wala kasi akong pets pero at that moment na hinahaplos ni Sir Chuck ang ulo ko parang gusto kong maging pusa at mag-meow meow habang iniaangat ang ulo ko para haplusin niya pa lalo.

Would that be weird?

Hindi ko napigilan natawa ako.

Biglang tumigil ang kamay niya.

"I guess you're okay, the crazy is back."

Huminga ako nang malalim at inangat ang ulo ko. Nang naramdaman kong walang headrush, sumandal ako sa upuan at tumingin sa kanya.

"So tingin mo baliw ako gano'n?"

Ngumiti siya pero sa kalsada pa rin siya nakatingin.

"The good kind of crazy, don't worry."

Nag-cross ako ng arms ko sa dibdib ko, "Kung wala kang pakielam sa sasabihin sa'yo ng ibang tao and as long as wala ka namang nasasaktan, then there's no need to be worried."

"Wow. That's the sanest thing I've heard you say."

At mukha talaga siyang impressed sa biglaan kong pagseseryoso.

Ano bang tingin nito sa akin, clown?

"Sir…" And I emphasized the Sir, "I may not be as eloquent as you and at times I may seem weird but I'm just being myself and I don't take too kindly to being insulted."

Mic drop!

Sa totoo lang gusto kong mag-gesture ng boom panes!

Nanahimik saglit si Sir Chuck but after a few minutes nagsalita na rin siya.

"When you emphasized Sir that was meant to be an insult, right?"

Nag-eyeroll lang ako, as in literal na nag-around the world ang eyeballs ko – really? As in doon sa haba ng sinabi ko at pinagplanuhan kong sagot in english, yun ang nakuha niya – yung Sir?

Bago pa ako makasagot nagsalita na siya.

"Nope. Don't answer that."

Paglingon ko sa kanya he looked sad.

Napaka-weird pero sa sobrang awkward ng situation hindi na ako nagsalita.

Nagulat na lang ako na papasok na siya sa Subdivision namin, pero since ang tagal na naming walang salitaan eh 'di itinuloy ko na. Doon ko lang napansin yung cellphone niya sa driver's side na naka-open ang Waze.

Tumigil kami sa tapat ng bahay ni Tsang, tinanggal ko ang seatbelt ko at nag-click pabukas ang pinto ng kotse. Lumingon lang ako saglit sa kanya at tumingin rin siya sakin.

"Thanks" lang ang nasabi ko at bumaba.

Nakatingin pa rin ako sa kotse niya palayo na ng bahay namin, naguguluhan pa rin ako. Isa lang ang masasabi ko - Anyare?

At napalingon ako sa paligid. Wait.

Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?