Chereads / Once Upon a Moon / Chapter 1 - Una

Once Upon a Moon

šŸ‡µšŸ‡­Living_moon
  • 9
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 40.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Una

Cebu's Taj Mahal o mas kilala sa tawag na Temple of Leah. Isang napakagandang dambana na may napakagandang kahulugan. Isa itong dambana na kung saan sadyang ipinagawa ni Teodorico Soriano Adarna para sa kanyang pinakamamahal na asawa, si Leah Albino-Adarna.

Sa isang 'brass plaque' ay may nakasulat na, "Beloved Wife and Mother: Leah V. Albino-Adarna was chosen Matron Queen of her Alma Mater the University of Southern Philippines. This bronze statue portrays her composure and regal bearing when she was crowned. May the beholder discern her innate beauty, poise and genteelness."

"Yeee!"

Isang matinis na tingin ng isang babae ang nagsalita, ito ay si Victoria. Nagmula pa siya sa isang malayong lugar at sinadya niya talagang pumunta para tignan ang lugar na ito.

Hinahangaan talaga niya ang love life ng dalawang taong ito.

"I constructed this temple in the year 2012 A.D. as a symbol of my undying love for and ceaseless devotion to Leah Villa Albino-Adarna, my wife of 53 years. I adopted an architectural design that can withstand time and still be appreciated for a millennium so this temple will become a landmark of Cebu, where future generations of the Adarna clan ...can come and trace their roots and heritage,"

Mga salitang nakasulat sa likod ng 'statue' ni Leah.

Lalong napaluha si Victoria sa nabasa niya.

"Bilang araw ay makakakita rin ako ng taong gagawa sa akin ng katulad ng ginawa ni Teodorico sa kanyang asawa."

"Gaga ka, may ganyang tao pa kaya ngayon? Hello? Ang Hirap na ngang humanap ng loyal na lalaki, eh ang lalaki pa kanyang handang gawan ka ng ganito?"

Halatang hindi naniniwala ang kaibigan ni Victoria na si Roj na mayroon pang kagaya ng lalaki na katulad ni Teodorico.

"Eh ano ba? Masama bang mangarap ng ganung klaseng lalaki?"

"Hindi naman sa ganon, pero ang mahal kanyang magpagawa ng ganitong klaseng temple!"

Napakamot naman si Victoria ng ulo, dahil alam niyang walang ganong lalaki dito sa Pilipinas na handang gawin iyon. Well kung meron man ay wala itong sapat na pera para gumawa ng ganito.

"Eh ano naman? Hahanap ako ng lalaki at ibibigay ko ang pera ko sa kanya upang panggawa nito."

"Hay na ko, talagang nababaliw kana Victoria. Eh parang ikaw na rin ang nagpatayo non. Eh sabagay mayaman ka nga naman pala."

"Eh nagsabi ang isa. Eh nakakalimutan mo na rin siguro na magpapakasal na kayo ni kuya sa susunod, kaya instant millionaire kana rin noh."

"Gaga, pera yun ni Richard at hindi akin."

"Sus! Pahumble effect ka pa." "Ay kuhanan mo nalang ako ng picture dito."

"Haha, baliw!"

Napatawa naman si Roj. Paano ba naman Eh sa dami ng pwedeng picture, Eh dun pa talaga sa isang statue ng lalaki na walang pan itaas at nakalabas ang ano ng lalaki at mukhang erect pa.

"Roj, ganito ba talaga kapag erect ang ano ng lalaki?"

"Aba malay ko."

"Bakit hindi mo pa ba nakita ang ano ni kuya?"

Namula naman ang pisngi ni Roj sa tinanong ni Victoria.

"Hoy kahit na ganito ako, hihintayin ko parin ang kasal bago ganyan no!"

"Aba! Malay ko ba sa buhay niyo ni kuya."

Napatingin naman ang mga ibang turista sa kanila kaya namumula ang kanilang pisngi sa nila.

Mga inosente!

"Victoria, halika na. Gabi na at malayo pa ang ating pupuntahan."

"Ah sige sandali lang."

***

"Mahirap talaga ang daanan dito sa Cebu. Isang maling galaw mo lang at mahuhulog ang sasakyan dito."

"Oo nga Mang Pedring."

"Well mabuti nalang at magaling na driver itong si Mang Pedring."

Pagsasang ayon ni Roj kay Victoria.

"Eh dapat lang no. Buhay kaya ng pinakamamahal na kapatid ni Richard ang nasa kamay ko."

Masayang nagkwekwentuhan ang tatlo ng may mukhang lasing na driver ang sumagasa sa kanila.

Nagpagewang gewang ang sasakyan nila ni Victoria habang ginagawa ni Pedring ang lahat ng kanyang makakaya para hindi mahulog ang sasakyan sa bangin.

Phew. Sa wakas ay nakaligtas din sila at naging mabagal at maayos na ang pagmamaneho niya.

"Okay lang na kayo diyan?"

Tanong ni Mang Pedring sa kanila sa likod.

"Phew , ah Oo po , diba Victoria?"

"..."

Nang hindi sumagot si Victoria ay napatingin siya dito.

Pero walang Victoria na nandon, kundi ay ang blankong upuan at ang bukas na pintuan ng sasakyan.

"Victoria!"

Habang si Victoria ay parang 'slow motion ' ang nangyari sa kanya. Hindi niya alam na hindi pala niya na sarado ng mabuti ang pintuan.

"Shit!"

Ang huling nakita niya at ang puting liwanang na nagmumula sa buwan.

"Mamamatay na ba ako?"