Chereads / Once Upon a Moon / Chapter 6 - Starting to disappear

Chapter 6 - Starting to disappear

Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi parin mawala wala ang mga matang nakatitig kay Victoria. Ang mga maiitim na mata na hindi maalis mula sa kanya, kahit na saan man siya pumunta. Ang mga matang ito ay walang iba kundi kay Teodorico. Kung noon siya ay parang isang linta na hindi mawala wala at palaging nakadikit sa kanya, ngayon ang sitwasyon ay parang kabaliktaran. Kulang na lamang ay hanggang sa banyo ay samahan siya nito.

"Victoria!"

Isang malakas na katok ang narinig ni Victoria sa labas ng banyo. Ito ay walang iba kundi si Teodorico.

Kasalukuyang nasa banyo si Victoria upang iwasan ang mga mata ni Teodorico. Pero wala pa yatang limang minuto ay hindi na mapakali si Teodorico. Pero paano ba naging ganito ito?

Nagsimula ito noong nag away sila ni Teodorico dahil sa gusto niyang umalis na ng bahay.

"Fine, hindi ka aalis ng bahay na ito hanggat hindi ko pa nakikita si Leah."

Kahit na alam niyang hindi maaaring mahalin si Teodorico, ang kanyang puso ay hindi ito kayang iwasan.

Napatingin siya sa buwan. Napakalaki nito at napakabilog, ang ilaw ng buwan ay hindi nakakasilaw at hindi masakit sa balat. Para bang ang ilaw nito ay isang kumot na nakapalibot sa kanyang katawan . Bakit ganon? Kahit na maraming tao ang alam na ang buwan ay walang sariling ilaw at hinihiram lamang ang ilaw na nanggagaling sa buwan ay marami pa rin ang gusto ito.

Inilagay niya ang kanyang kamay sa itaas upang itago ang buwan sa kanyang mga mata.

"Maaari bang maging katulad ng buwan? Hindi naman niya ibig na kunin ang hindi sa kanya pero nangyari pa rin."

Ang buwan na itinatago ng kanyang kamay ay nakikita na. Napalaki ang mata ni Victoria. Dahil ang kanyang kamay ngayon ay dahan dahang naglalaho.

"Panahon na ba?"

Hindi naramdaman ni Victoria na umiiyak na pala siya kung hindi niya nalasahan ang maalat na tubig sa kanyang mukha?

"Bakit ba ako umiiyak? Diba dapat masayahan ako dahil uuwi na ako sa totoong oras ko?"

Pero hindi. Takot ang kanyang naramdaman. Takot na iwanan ni Teodorico na hindi man lamang nakapagpaalam.

"Pakiusap, kunting panahon pa. Kaunting panahon na masabi ko sa kanya kung saan ako nagmula."

Unti unting bumalik ang kanyang kamay na malapit ng maglaho.

Napahagulhol siya ng iyak.

"Salamat."

Sa mga panahong iyon, dahil sa sobrang iyak ay nakatulog si Victoria.

Isang imahe ng lalaki ang nakatingin sa kanya mula sa pintuan. Dahan dahan itong pumunta sa kay Victoria habang ito ay natutulog.

Nasasaktan siya ng nakita niya ang mga bakas ng luha, agad agad niya itong pinunasan.

"Kahit anong gawin mo, hindi kita hahayaang umalis. Hindi hanggat nabubuhay pa ako."

Nakikita niyang unti unting naglalaho ang mukha ni Victoria.

Hindi. Hindi ito pwede.

"Kuya~"

"Hindi ito pwede. Gumising ka, gising!"

Inalog niya ang katawan ni Victoria.

"Gumising kana., gising. Imulat mo ang iyong mga mata."

Samantalang si Victoria ay nasa panaginip.

Dalawang tao ang umiiyak.

"Gumising kana, gising. Imulat mo ang iyong mga mata."

"Kuya?"

Magkasama ang kanyang kuya at si Roj habang umiiyak.

Bakit sila umiiyak?

Bakit parang May umaalog ng katawan ko. Dahan dahang naglalaho ang imahe ng kuya niya at ni Roj.

"Sandali huwag niyo akong iwanan dito!"

Pilit niyang hinahabol ang imahe pero ang layo layo nito sa kanya.

"Sandali!"

Agad siyang napabangon sa kanyang higaan ay agad na may taong yumakap sa kanya.

Napaiyak na lamang siya sa balikat ni Teodorico.

***

"Victoria!"

Ang mga malalakas na katok ang bumungad kay Victoria. Heto na naman sila. Limang minuto pa lamang siya sa banyo ay hindi na mapakali si Teodorico sa labas ng banyo.

"Ano ba naman Teodorico, maghintay ka nga!"

Ang katok ay nawala.

"Ayaw na talaga niyang mawala sa paningin ko no? Kahit ba naman sa banyo?"

Napabuntong hininga na lamang siya. Sa paglabas niya , ang mukha ni Teodorico na nag aalala ang bumungad sa kanya.

"Bakit ba ang tagal mo sa banyo?"

"Eh ikaw kaya ang tumae? Tignan natin kung makakaya mo sa maliit na oras."

Napaubo na lamang si Teodorico at npahawak ng kamay ni Victoria.

"Sige lang, hindi pa ako nakugas ng kamay."

Agad na binawi ni Teodorico ang kanyang kamay, sapat na oras para tumakbo si Victoria papalayo.

"Victoria!"