Chereads / Once Upon a Moon / Chapter 2 - butt falling from the sky

Chapter 2 - butt falling from the sky

Isang maingay na lugar at punong ng mga kilalang tao ang makikita mo sa hindi kalayuan.

Mayroon kasi ngayong pagtitipon ng iba't ibang tao sa buong mundo na nagaganap sa kasalukuyan. Mga artists, anak ng mga mayayaman at mga businessmen.

"If you excuse me."

Isang binata ang humalik sa isang kamay ng isang babae at halata sa mata at itsura ng babae na ito ay kinikilig.

Sino nga ba ang hindi? Ang lalaking kasama niya ngayon ay ang pinakabatang businessman sa mundo at napakagwapo nito.

"Oh please do!"

Ang lalaki ay nag 'bow' at saka pumunta sa isang hardin. Ang nakangiting mata ng lalaki ay agad na nawala at hindi mo makikita an ng kahit na ano mang emosyon sa kanyang mukha.

Napahilot siya sa kanyang balikat at mababakas mo ang pagod dito. Pagod na siyang makipaghalubilo sa mga tao habang ngumingiti ng peke. Pero ito ang kanyang buhay na hindi niya maiiwasan, isa siyang businessman at lahat ng kanyang mga galaw ay makikita ng lahat.

Napatingin siya sa hardin. Sa wakas ay mayroon ng katahimikan.

Napatingin siya sa buwan. Ang lamig ng gabi ay nakapaligid sa kanya at ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng kakaibang ilaw sa hardin.

Kung ganito lang siguro araw araw, walang problema, walang trabaho at walang pagpapangap...

Pero hindi, bata pa lamang siya ay namulat na siya sa totoo ng mundo. Mundo na kung saan ay puno ng mga mapaglinlang na mga tao. At ano ang gagawin niya para mabuhay? Heh walang iba kundi ang lamangan ang iba.

Napapikit na lamang siya ng mata habang dinadama ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat.

Plak!

Isang mabigat na bagay ang nahulog sa kanyang ulo.

Pink na strawberry.

Namula siya ng malaman niya kung ano ito. Panty!

Tama isa itong maliit na kasuotang paimbaba ng isang babae. Panty.

"Roj, ikaw na ang bahala sa naiwan ko. Isama mo ito sa aking kabaong o mas mabuti pang samahan mo nalang ako. Huhuhu."

"Bago yan binibini, maari ka bang umalis sa aking ulo?"

"Huhuhu Roj, bakit nag iba ang tinig mo?"

"Binibini, hindi ako si Roj na siyang sinasabi mo."

Ng maramdaman ni Victoria na may tao sa kanyang ilalim ay napatayo siya.

"Bastos!"

Isang lumalagutngot sa sampal ang ibinigay niya sa lalaki na kanyang nakita.

Napahawak naman ang lalaki sa kanyang pisngi.

Hindi pa ba sapat ang pagsalo niya sa babae gamit ang ulo niya at hanggang pisngi niya ay dinamay?

"Dahan dahan ka sa iyong pananalita binibini at ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa."

"Sabihin mo, sino ka?"

"Eh bakit ko naman sasabihin sayo? Bakit kaano ano ba kita?"

Napabuntong hininga ang lalaki. Pagod siya para makipag-usap sa taong walang pupuntahan ang usapan.

"Kung ayaw mong sabihin, eh di wag."

Napaupo ang lalaki sa isang 'bench' habang hinihimas ang leg. Kahit hindi mataba ang babae ay masakit parin dahil ang ulo niya ang ginawang parang unan nang ito ay nahulog.

Napatingin si Victoria sa damit ng lalaki. Sobra naman ito makapagdamit sa simpleng bisita sa bukid.

Napatingin si Victoria sa paligid. Hindi ito ang lugar kung saan siya nahulog at hindi mo ito makikitaan ng bundok o kahit na ano mang bukid.

Napatingin siya sa bahay na kung saan maraming tao. Wala ito kanina. Napamangha siya sa desenyo ng bahay. Hindi ito luma pero ang desenyo nito ay parang makaluma, na para ba siyang nasa nakaraan.

Hindi mahina ang utak niya para hindi malaman ang nangyayari dito. Ito na ba ang sinasabi time travel? Hindi mapilitang mapahagikhik siya sa natuklasan.

Agad agad niyang hinanap ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang palda. Laking pasasalamat niya ng nakita ng na roon parin ito.

Sa tabi niya, ang lalaki ay hindi mapilitang magtaas ng kilay sa nakita niyang hawak ng babae. Hindi niya alam kung ano iyo hanggang sa itinapat ni Victoria ang cellphone sa kanyang tainga.

Pero hindi ganyan ang telepono dito.

"Bwisit, bakit walang signal?"

Mukhang nakalimutan ni Victoria kung saan siya ngayon.

Di bale.

"Kuya, anong panahon ngayon?"

Napataas naman ang kilay ng lalaki.

"Malamig."

Napatapal ng noo si Victoria.

"Petsa pala."

"June 13."

"Taon!"

Hindi mapigilan ni Victoria ang mapasigaw.

Halos magalit na ang lalaki sa kanya. Bakit niya tatanungin ang taon?

"1950"

Lalong napasaya si Victoria. Hindi ito malayo sa kanyang taon na kung saan buhay pa ang kanyang iniidulo. Hehe.

Titig na titig siya sa katabing lalaki. Iba talaga ang mukha ng mga tao noon. Hmmm.

"Kuya, sino ang pangalan mo?"

"Teodorico."

"Wahh magkatulad kayo ng pangalan ni Teodorico Soriano Adarna. Siya ang isa sa mga taong hinahangaan ko. Alam mo ba na magkakaroon siya ng asawa? Si Leah Villa Albino-Adarna. Ay Leah Villa Albino pala. Tapos gumawa siya ng isang isang templo at pinangalanan niya itong temple of Leah."

"Sino ka? Bakit mo alam ang buo kong pangalan?"

"Eh? Ikaw si Teodorico Adarna? Heh. Kung ikaw si Teodorico then ako si Leah."

Napangisi ang lalaki.

"At talagang iniisip mo talagang papakasalan kita?"

"Eh bakit ikaw ba si Teodorico Adarna?"

Mukhang hindi nasayahan ang lalaki sa kanyang sinabi at tumayo upang umalis.

"Huwag kang mag-aalala. Hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo."

Huh? Sandali? Siya ba talaga si Teodorico Soriano Adarna? Ang lalaking nagpagawa ng temple of Leah?

Wahhhh!