{Trina}
Lunes na pala, last day na namen ni Leo dito sa Baguio at Birthday ko pala ngayon! Happy birthday Self!
Date si Eric ang kasama ko mag celebrate ng birthday ko pero ngayon.. hay single life ! Anyway ok na din kasi kasama ko naman ang aking crush kahit hindi nya alam na birthday ko.. Lumabas na ako matapus kong maka pag toothbrush at mag hilamos. Since free naman kmi gumamit nang kitchen eh mag luluto ang ng breakfast namen ni Leo!
Scambled egg at hotdog with toasted bread and coffee..Pa thank you ko n din for keeping me company for the past 3 days..
{Leo}
Kanina pa ako gising pero hindi pa muna ako lumabas ng room. Nakakalungkot last day na pala namen dito and im not sure if I can send her to airport pa kasi nga I have to go to the office na rin. But its ok. I will see to it na magiging memorable tong birthday nya!
Lumabas na ako para ayain si Trina na mag breakfast pero hindi ko sya babatiin, as if i dont know na birthday nya today...Mamaya nalang sa lunch na prenepare namen for her.
Pag labas ko ay may naka hain nang breakfast sa table... good morning! masiglang bati ni Trina sa aken, morning, sagot ko sa knya na medyo seryoso.
Kain na tayo nag prepare ako ng breakfast for us before tayo umakyat ng Sagada. Yan ang plan namen, mag Sagada kami sa last day mag lunch don at babalik before dumilim since we will be leaving early the next day.
Susunduin na daw tayo ni Jessie in a while, masarap daw siniserve n food don sa resto ng cousin nya kaya light breakfast lang muna tayo pa may energy pang ienjoy ang food naten later, patuloy ni Trina while putting hotdog and egg don sa plate ko. Thank you, tugon ko. Nag patuloy kami sa pagkain ng breakfast at after a while eh may bumusina na sa labas ng bahay, si Jessie. Usapan nameb eh wag babatiin si Trina para ma surprise sya later. Gumayak na kami papuntang Sagada. At dahil kasama namen ang asawa ni Jessie at sya ang nag mamaneho, sinabihan n ako ni Mike na sa unahan na daw at sa likod nalang ang dalawang babae.
Dumating kami nang Sagada ng mga almost 11 kaya dumiretcho na kami don sa resto. Pag dating don ay nagkwentuhan lang kami ng mga kung ano ano habang hinihintay ang order namen.
{Jessie}
Alam kong bet ni Sir si Trina, kasi hindi naman mag aaksaya ng panahon yan sumama sa dito kung hindi. Etong si Trina eh halata ko din na crush nya si Sir sa Cebu pa lang eh mapag hahalata na kaya lang reserve din naman ng slight etong si Ateng kaya hindi nag landi. May binili akong cake para kay Trina at syempre si Sir ang nag request non. actually, inabutan nya na ako kanina ng pambayad.
{Trina}
Happy birthday Self! bati ko ulet sa sarili ko, kasi wala naman may nakakaalam sa mga kasama ko na birthday ko today. Nang may papalapit na waiter at may dalang cake, kinantahan nila ako ng Happy birthday song. syempre na gulat din ako, after non binati ako ni Jessie at nag beso kami, kala mo hindi ko alam na birthday mo noh! sabi nya. Thank you Jessie! Happy birthday Trina si Mike naman ang bumati sa akin. Napalingon ako kasi hawak na ni Sir Leo ang cake tapus tinitignan nya ako, Happy birthday Trins, sana na gustuhan mo ang simpleng surprise namen sayo.. Idea kaya ni sir Leo to lahat! singit n Jessie, namula ako kasi syepre hindi ko naman talaga inexpect to. Thank you po Sir. Diba I told you to drop the Sir pag nasa labas tayo? Ngumiti lang ako at nahihiya ako sa kanya. Hinalikan nya ako sa pisngi at binati ulet ng happy birthday. The whole time na nag lalunch kami eh napansin ko ang pagka extra sweet n Leo sa akin, sabi ko nalang baka he's trying to be nice lang talaga. Pero syempre kinilig din ako.
Natapus ang lunch namen at nag libot libot kami sa Sagada at nag pasyang bumalik na kasi bibili pa kami ng pasalubong.