4am pa lang gising na si Trina. Hindi sya mapakali sa msg na na recieved nya kay Leo. Patulog na sya at tapus nya na iligpit yung mga gamit nya, ng may nag msg sa kanya..
"Hi still up? sorry hindi na ako naka pag paalam kanina nag mamadali na din kasi sila John at Dina. I'll see you tomorrow, susunduin ko kayo ni Jessie sabay na tayo papuntang terminal sa Cubao."
Akala nya eh nag bibiro lg ni Leo nung Sinabing sasama sa pag akyat sa Baguio.
Halos hindi na sya naka tulog sa excitement ng pagpunta sa Baguio or ang makasama si Leo.
Calling Jessie..
Hello? tapus kana?
yes tapus na ako, ikaw?
ok na rin. Nag msg si Sir Leo on the way na daw sya, in 15 minutes daw nasababa na sya.
ok sige kita nlg tayo sa baba..
bago lumabas tinignan nya muna ang suot nya. naka leggings, sneakers and gray t-shirt.
Pag baba niya ay nakasabay na rin sila ni Jessie sa elevator, at wala pang 5 minuto nasa harap n nang hotel ang sasakayan nila ni Jessie.
bumaba si Leo, at kinuha yung mga dala nila para mailagay sa trank ng sasakyan.
imbis na bumalik sa unahan si Jessie ang naunang umupo sa front seat at nag tabi sila ni Leo sa likuran.
Inaantok kapa? tanung ni Leo sa kanya.
no I'm ok..
buong byaheng papuntang Cubao ay napaka tahimik lng nila. Hanggang sa dumating sila sa kanilng distenasyon..
kahit maaga pa eh madami nang tao na naka sakay sa bus patungong Baguio. Kumuha muna sila ng ticket at pagkatapus ay bumili ng makakain sa bus. Pag dating sa taas, punuan na ang mga upuan. May dalawahan dito sa unahan at mapapahiwalay ang Isa sa kanila. Nang sa may bandang dulo ay may tumawag kay Jessie na kakilala at may bakanteng upuan eto sa tabi. Kaya si Trina at Leo pa rin ang naging magkatabi sa kanilang byahe.
Habang nasa byahe, nagugutom kana?tanung ni Leo kay Trina, hindi pa inaantok lang hahah sabay tawa ng mahina.
Sige matulog ka na lang muna may stop over naman siguro to para mag breakfast later? balik tanung ni Leo kay Trina. I'm not sure lang.. sagot ni Trina.
Naka sandal na ang ulo ni Trina sa balikat ni Leo at naka akbay naman sya dito para hindi mahirap sa pag tulog ang isa..
Nagising si Trina sa kalagitnaan ng pag tulog at nagulat sya na naka akbay na sa kanya si Leo habang naka sandal ang ulo nya sa balikat neto. Ayy sorry po Sir, hinging paumanhin nya dito.
Ano ka ba ok lang yan.. And since wala nmn tayo sa company event or sa office please drop the Sir..
Aww ok.. ok po..
napailing nalang sabay ngiti etong si Leo.
Pagkatapus ng mahabang byahe, sa wakas nakarating din sila ng Baguio..
Inihatid ni Jessie sila Leo at Trina sa tutuluyan nila at sinabihang magpahinga na muna at susunduin sila mamayang dinner.
Malapit lang sa Camp John Hay ang tutuyan nila kaya pwede silang mag lakad lakad mamayang konte.
Ang tutuluyan nila ay isang buong bahay na pinapaupahan sa mga traveller na tulad nila. may 2 kwarto eto, kusina at sala. Tama lang sa 2-3 katao.
Pagkatapus nilang magayos ng mga gamit lumabas sila at naisipang mag libot libot sa park.
Ganda dito noh.. Sabi ni Leo
oo nga eh.. tagal ko na gustong pumunta dito Pero palaging di matuloy tuloy. Sagot ni Trina.
Anyway thank you kasi naisipan mo sumama kasi kawawa pala ako pag iniwan ako ni Jessie kasi wala akong makakasama saka makakausap..
Tinawanan na lang sya ni Leo.
Nag libot libot pa sila sa Camp John Hay hanggang sa naisipan na nilang bumalik sa bahay para magpahinga at mag ready para sa hapunan..
Habang nag lalakad sila at nag kukwentuhan hindi na nila alintana na magkahawak na pala sila ng mga kamay.