Chereads / Magic Within Me / Chapter 1 - Prediction

Magic Within Me

🇵🇭NicocolinePH
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 27.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prediction

8th day of Moon-Blood,

Reign of Ziloh Arden, Year 12

Arden Kingdom

Adenburn, Laurence

Maji

Third Person's POV

Napakaningning ng buwan. Ang kislap nito ay tila may nais ipahiwatig. Napakamisteryoso nitong tingnan lalo na at nagkukubli ito bahagya sa mga ulap.

Isang tao ang titig na titig sa langit sa kalagitnaan ng gabi. Ang liwanag na mula sa nagniningning na bilugang buwan ay tila nangungusap at nagnanais ng atensyon. Sa ningning pa lang ng buwan ay may hinuha na sya kung ano ang nakatakdang mangyari.

Napangisi sya at napailing.

"I'll be home soon my love."

Muli ay tinitigan nya ang buwan bago sumabay sa malakas na ihip ng hangin at naging alikabok.

Sa kabilang mundo ay isang babae ang nakatunghay sa labas ng kastilyo. Tinatangay ng malakas na bugso ng hangin ang kaniyang maiiksing buhok. Kasing ningning ng mga bituin ang kislap sa mga mata nya. Malungkot siyang napaluha habang nakatitig sa kawalan. Hawak ang kaniyang malaking tiyan ay tinitigan nya ang buwan.

"Malapit na."

Sa isang madilim na pasilyo, isang aklat ang biglang nagningning. Nagdulot ito ng kakaibang liwanag na bumalot sa buong lugar. Agaw pansin ang liwanag na iyon na nagpagising sa mga pupungas pungas nang mga kawal.

Agad nagmadali ang mga nakasaksi patungo sa tanging tao sa kaharian na makakaiintindi sa pangyayaring ito, ang Orakulo.

Humahangos ang mga kawal ng makarating sila sa tapat ng pintuan ng silid ng Orakulo. Bagama't nakatitig sa labas ng bintana ay tatlong katok lang ang kinailangan at agad na nagbukas ng pintuan ang Orakulo.

"Ano ang inyong kailangan?"

Malumanay na tanong nito, habang sinusuri ng tingin ang mga umabala sa kaniyang tulog.

"Ang. libro-"

Di pa man tapos ang kawal sa pagsasalita ay agad ng tumakbo ang Orakulo patungo sa pasilyong kinalalagyan ng mahiwagang libro.

Ilang daang taon na mula ng magbigay ng propesiya ang mahiwagang libro. Ilang daan na din ang mga nagdaang Orakulo sa kaharian. Di nya inaasahan na sa panahon nya pa bilang Orakulo ito magpapahayag ng isang pangitain.

Tunay nga'ng ito'y makapigil hiningang pangyayari.

Sa isip-isip ng Orakulo ng mapagmasdan ang kakaibang liwanag na nagmumula sa pasilyong iyon. At parang isang malagim na panaginip, ang buwan ay nawala, dumilim ang paligid na nagpapansin sa agaw pansin'g nang liwanag mula sa pasilyo. Saglit siyang natigilan sa nasaksihan bago magpatuloy.

Tanging mga kawal sa labas ang kaniyang nadatnan na agad-agad namang nagbigay galang sa kaniya. Pumasok siya sa silid na kinalalagyan ng libro at agad isinara ang pinto.

Isa isang nagsilutangan ang mga letrang kulay ginto at bumuo ng mga salitang nagpagimbal sa kaniya. Bilang isang Orakulo, prebilihiyo nya ang makapagpalabas ng pangitain na hindi kayang gawin ng mga normal na mamamayan ng Maji.

"Dalawa ang isisilang sa dilim at liwanag.

Itim at puti ang mababanaag. Araw ay didilim, buwan ay mawawala.

Isang pagkakamali, lahat ay mapipinsala.

Isa para sa isa.

Dalawa para isa.

Lahat para sa isa.

Iisa ang dapat buhayin, dugo ay bubuhatin.

Tandaan, araw at buwan isa ang ginagalawan.

Buwan at bituin parehong nagninining.

Itim at puti lamang ang kulay, walang pula, luntian, asul, at abo. Sila lamang ay pangatlo."

Bawat salita ay matalinhaga na nagpasakit ng ulo ng Orakulo. Nagtataka siyang walang pangitain itong ipinakita, tanging mga talinhaga lamang ibinigay.

Tapos na ang nais nitong ipakita. Unti-unting nagsara ang libro at kusang bumalik sa kinalalagyan nito. Gulong gulo man ay humakbang siya paalis nang silid na iyon at nagulat ng paglabas nya ng silid ay nagkakagulo sa paligid. Humakbang sya paatras pero wala na ang pintong pinanggalingan nya.

Anong nangyayari?

Nagigimbal sya sa nakikita at hindi pamilyar ang lugar na kinalalagyan nya. Nasisiguro siyang wala sya sa lungsod ng Maji, o sa alin mang lungsod ng ikinubling mundo.

Halos himatayin siya nang isang matipunong lalake ang bumagsak sa harapan niya mula sa himpapawid. Putol ang isang pakpak nito at madumi ang puting kalasag nito. Wala pang tatlumpong segundo nang isang lalakeng nakaitim ang pumaibabaw dito mula sa himpapawid. Madungis at amoy dugo ang malalapad na pakpak nitong dumikit sa uluhan nya.

Agad syang napakislot ng madinig ang isang boses babae na sumisigaw.

"Kami ang una at kayo ang nahuli! Amin ang lugar nang Maji!"

Maji? Nasa Maji pa din ako? Anong nangyayari?

Gulat man ay tumakbo pa din siya patungo sa isang kumpol ng mga malalaking bitak ng bato at dun nagpatuloy sa pagmamasid.

Ang babaeng sumigaw ay may pulang mga mata subalit ang buhok ay asul. Matikas ang katawan nito na halata mong batak na batak sa pakikidigma. Naglandas naman ang mga mata ng Orakulo sa kinalalagyan ng matitikas na binata.

Ang lalakeng putol ang pakpak ay may apoy sa mga kamay at sinusubukan pa ding lumaban. Habang ang isa pa ay dala ang maitim subalit kumikinang na espadang naghahanda upang kitilin ang binata sa harap niya.

Naagaw ang atensyon nya ng liwanag sa kaniyang likuran na agad nya namang pinuntahan. Pumasok siya sa liwanag at nagulat sa ayos ng lugar.

Ang lugar ay napapaligiran ng burol at wasak na wasak na makikita kahit sa kakarampot lamang na liwanag mula sa araw. Ang mga gusali ay sira at mga kumpol ng patay na kawal na nakasuot ng itim at puti ang nakapalibot.

Sa gitna ng destruksyon ay isang umiiyak na sanggol ang kaniyang nakita. Ginto ang mga mata nito at natatakluban ng puti at itim na tela ang katawan. Sa awa ay naisipan nya itong damputin subalit sya ay nahigop pabalik sa lugar ng digmaan. Nasa harapan na nya ang isang babaeng nakaputi na siyang tangi ang nakapansin ng kaniyang presensya.

"Hindi ka dapat nandito." Ang mga salitang nagpabalik sakanya sa silid kung nasaan ang libro.

Madungis, amoy dugo, at pawis na pawis ang Orakulo. Hinang hina siyang naglakad at pilit inintindi kung tunay ba ang nangyari o isa lamang pangitain. Aling parte ng ikinubling mundo ang may digmaan? Nang makalapit sa pinto ay nakaramdam siya ng pagkabahala. Bumalik sa ala-ala niya ang pangyayari sa digmaan.

Nang makalabas at matagpuan ang sarili sa pamilyar na pasilyo ay labis siyang naginhawaan. Lumakad siya palabas ng pasilyo at duon ay napansin niya ang paglitaw ng araw.

"Saan ka nang galing Orakulo? Bigla ka na lamang nawala ng sampung araw mula nung pagliwanag ng libro?"

Jettrain Scharvintal Ymova POV

"A-ano? Sampung araw? Subalit kakalabas ko lamang ng silid na iyon." Anong misteryo ito? Una ay ang libro, pangalawa ang digmaan, pangatlo ang sanggol na may gintong mga mata, at ngayon naman ay sampung araw akong nawala?

Sinuri ako ng tingin ng kawal at tumango ito.

"Nagkakagulo ang palasyo dahil sa iyong pagkawala. Nagdesisyon din ang konseho na ipahanap ka sa buong Maji. Ang mga pinuno ng pitong kontenente ng ikinubling mundo ay naririto sa lungsod ng Adenburn upang pag-pulungan ang iyong pagkawala." Mahabang litanya nito habang nagmamadali sa paglalakad.

"Ipaalam mo na nandito na ako. Mag-aayos lamang ako ng sarili." Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa aking tinutuluyan at naligo at kumain.

Hindi na ako magtataka na nandito ang Pitong pinuno. Ang librong iyon ay lubhang mahalaga, hindi lamang sa lungsod na to kung hindi sa buong Maji. Ang ipinagtataka ko lamang, anong lungsod at bansa ang lugar ng digmaan?

Bumalik sa aking isipan ang talinhaga. Itim at puti lamang ang kulay, ang iba ay pangatlo na. Subalit mismong ang itim at puti ay nagdidigma, alin ba ang totoo? Sa isang banda naman ng pangyayari ay tambak na patay na kawal ng itim at puti ang makikita. Kung ganoon, sino ang nagwagi? Ano ang parte ng babaeng nakaputi? Saan ba ako nanggaling?

Gulong gulo man ay napilitan akong tumayo. Subalit ang biglang pagtayo ko ay nagdulot ng kakaibang sensasyon sa aking palapulsuhan. Mainit ito at gumuguhit sa kaibuturan ng aking kalamnan.

"Arghh!" Napadaing ako at napaupo ng mas humapdi ang aking balat. Sumulyap ako sa pulsuhan ko at nagulat.

Trust no one.

Nakasulat sa aking balat ang kulay itim na may bahid ng pilak ang mga letrang iyon. Tagaktak ang aking pawis at gulantang pa rin sa nangyari. Ano ang ibig sabihin nito?

Hinawakan ko ito subalit paso lamang ang aking natamo. Napatulala ako sa pag-iisip at di matanto ang gagawin. Ano ba ang nangyayari? Litong-lito na ako.

Di pa man natatanto ang aking gagawin ay nakarinig ako ng mabibilis na katok sa pintuan. Lumabas ako at nakita ang isang grupo ng mga kawal.

"Orakulo! Nandito ka! Akala ko ay muli kang nawala. Nagkakagulo na naman ang mga pinuno at konseho. Kailangan ka nila." Pawisan ang kawal habang sinasabi sa akin ang mga iyon ng may pagmamadali. Siya iyong kawal kanina na aking nakasalubong.

Dama ko na kinakabahan siya dahil tila hindi mapakali ang kaniyang mga mata.

"Pupunta na." Agad agad kong isinara ang pintuan at muling nagpalit ng damit. Naghanap ako ng maisusuot na matatakpan ang pulso ko bago umalis.

Hindi nila pwedeng malaman lahat ng nangyari. Nararamdaman ko na hindi pa ito ang panahon.

Ang buong kastilyo ay nababalot ng tensyon na mararamdaman mula pa lamang sa tarangkahan. Ang mga tagapangasiwa ay nagmamadali at tila hindi pa nakakatulog ng ilang araw.

Iginiya ako ng isang matandang katulong patungo sa pinagpupulungan daw ng mga pinuno.

Pinagbuksan ako ng pinto ng dalawang kawal na nagbabantay sa silid ng pagpupulong.

Agad na napalingon ang mga nagpupulong sa gawi ko at natahimik. Nakakita pa ako ng mga papel na mahinang lumilipad pababa na para bang biglang naihagis sa ere ng kung sino man.

Bumagsak ang papel sa mukha ng taong nasa sentro ng mga upuan na nagbigay daan upang muli itong makakilos.

"O-orakulo! Nandito ka na!" Umalingawngaw ang boses nya sa silid na kanina lang ay biglang natahimik. Agad agad itong tumayo at lumapit sa akin.

Ang kanina lang na tahimik ay muling nag-ingay. Kanya kanyang tawag sa kanilang katiwala at bumulong sa kani-kanilang sarilang lenggwahe.

Sa kabila ng kagaluhan ay isang tao lamang ang nanatiling tahimik. Nakatalukbong ito at nakatungo. Misteryoso din itong tingnan at hindi naaaninag ang mga mukha. Hindi ko mawari kung babae ba ito o lalake.

"Orakulo, umupo ka na at magsisimula na ang pulong. Alam ko na batid mo na madaming tanong ang mga tao dito. " Pinaupo ako ni Haring Ziloh sa kabilang dulo ng mesa na nakatapat sa kaniyang upuan.

Bago ako magsalita ay isa-isa kong sinuri ang mga tao na nandito sa silid. Bukod sa 7 pinuno, ay kasama din nila ang kani-kanilang kanang kamay, naririto rin ang 5 konseho ng Adenburn at si haring Ziloh na namumuno dito.

"Wag na nating patagalin pa, ano ang gusto ninyong malaman?" Tumikhim ako upang mas makuha pa ang kanilang atensyon.

"All of it." Si Marceline Law ang pinuno ng Soul. Kilala sya sa pagiging maarte subalit mabangis sa pakikipagdigma. Suot nito ang isang kulay dilaw na kalasag pandigma, ang buhok nitong dilaw ay makinang at mahaba. Kilala man sa pagiging mabangis subalit ang mukha nito ay maamo.

"You know that I'am an Oracle, I do not have the ability to show you what I saw. I can only tell a bit if you will not pursue to ask more." Tango lamang ang ibinigay sa'kin ni Marceline at masungit na umirap sa ere.

"How 'bout you tell first what the book revealed." David Divian ang pinuno ng Dale, kung pag babasehan ang kaniyang itsura ay aakalain mong binata pa ito.

Subalit hindi, si David ay ang pinakamatandang pinuno. Siya ay humigit kumulang isang daang taong gulang na. Ayon sa sabi sabi ay nasaksihan daw nito ang pinakahuling pag bibigay pangitain ng mahiwagang libro. Hindi rin naman nakakapagtaka na umabot ang kaniyang edad sa isang daan dahil iba ang lahi nila, hindi sila tulad ng mga naninirahan sa Laurence at Soul. Ang mga mamayan ng Dale ay mga Elves.

"Dalawa ang isisilang sa dilim at liwanag.

Itim at puti ang mababanaag. Araw ay didilim, buwan ay mawawala.

Isang pagkakamali, lahat ay mapipinsala.

Isa para sa isa.

Dalawa para isa.

Lahat para sa isa.

Iisa ang dapat buhayin, dugo ay bubuhatin.

Tandaan, araw at buwan isa ang ginagalawan.

Buwan at bituin parehong nagninining.

Itim at puti lamang ang kulay, walang pula, luntian, asul, at abo. Sila lamang ay pangatlo." Makahulugan kong wika habang nakatingin sakanila, subalit nalilitong ekspresyon lamang ang ipinakita nila.

"Uhm, can you translate that please? You know, to the language that we all understand." Nagkakamot sa ulo ang binatang nasa likod ng pinuno ng Samara habang sinasabi iyon.

Napagtanto ko bigla na hindi sila nakakaintindi ng lenggwahe sa Adenburn, kaya agad kong isinalin sa unibersal na wika ang talinhaga ng mahigang libro.

"Two will be born in dark and light,

Visions are black and white.

The sun will darken, the moon will be gone.

Make one mistake and all will suffer.

One for only one.

Two for only one.

All for only one.

Only one should be kept alive, upon our shoulders are the blood.

Remember, same place the sun and the moon moves.

Same place the moon and the stars shines.

Colors are only black and white, no red, green, blue, and gray.

They are only the 3rd."

Sinubukan kong itugma din ang mga salita, subalit mahirap talaga lalo na't hindi ito ang aking pangunahing wika.

"What's that supposed to mean?" Kalmado ang pagkakasabi ni Binbining Soia, isa sa limang konseho ng Adenburn.

"I do not know too. That's the only thing I saw." Nais ko sanang sabihin kung ano ang sumunod na nangyari sa akin, ang digmaan, subalit agad kumirot ang aking palapulsuhan.

"You dissappeared for ten fucking day just for that? How the hell that passage is important?" Dismayadong dismayado ang pinakabatang pinuno ng kontinente. Siya si Juanito Deck, ang pinuno ng Clara.

"Juanito! Stop that mouth of yours! If that is what the book says then we have to figure it out! Don't be an a-hole here. You get me?!" Sumisigaw na sabi ni Marceline.

Agad naman akong naalarma ng magpalabas ng apoy si Juanito sa kaniyang palad at nagbabantang papatulan si Marceline.

Agad namang nawala ang apoy nang tumayo si Marceline at titigan ng nakakakilabot ang binatang si Juanito. Napadaing lamang ito at namimilipit sa sakit.

"You've got to be kidding me!" Dumagundong ang kulog sa loob ng silid, halos lumabas ang puso ko sa biglaang pagtayo ni David at nagbabadyang dumagdag sa kaguluhan.

Hindi ako makapagsalita na para bang umurong ang aking dila. Kinakabahan ako dahil alam kong wala akong laban at malaki ang tyansang mamatay ako pag lumaki pa ang gulo.

Patuloy ang pag daing ni Juanito sa sakit habang nagliliyab ang buhok ni Marceline at tumatawa ng parang baliw si David. Ang ibang naririto naman ay todo protekta sa kani kanilang sarili kontra sa tatlo.

Maya-maya pa ay tatlong magkakasunod na bolang apoy ang papunta sa kinalalagyan ko na agad ko ding naiwasan. Napangiti ako at nakaramdam ng labis na galak subalit sa hindi inaasahang pangyayari, isang tama ng pana ang dumiretso sa aking dibdib. Tumagos ito miski sa aking inuupuang bakal. Ang pana ay nagmula kay Verone Summer, ang pinuno ng Samara.

"ORACLE!"

"SHIT!"

"LOOK WHAT YOU'VE DONE! HE MIGHT DIE!"

Hindi! Ayokong mamatay! Pero kusang nagdilim ang aking paningin.