Chereads / Magic Within Me / Chapter 4 - Elle

Chapter 4 - Elle

8th day of Moon-Blood,

Reign of Ziloh Arden, Year 12

Arden Kingdom

Adenburn, Laurence

Maji

Jettrain/Orakulo's POV

Matindi ang kaguluhan na nangyayari dito dahil lamang sa init ng ulo ng pitong pinuno.

Maya-maya pa ay tatlong magkakasunod na bolang apoy ang papunta sa kinalalagyan ko na agad ko ding naiwasan. Napangiti ako at nakaramdam ng labis na galak subalit sa hindi inaasahang pangyayari, isang tama ng pana ang dumiretso sa aking dibdib. Tumagos ito miski sa aking inuupuang bakal. Ang pana ay nagmula kay Verone Summer, ang pinuno ng Samara.

"ORACLE!"

"SHIT!"

"LOOK WHAT YOU'VE DONE! HE MIGHT DIE!"

Hindiiii! Ayokong mamatay! Pero kusang nagdilim ang aking paningin.

"Do you really want to kill the Oracle?" Para akong hinigop sa katotohanan at ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa mga nangyari.

Dali-dali kong tiningnan ang dibdib ko kung saan tumagos ang pana mula kay Verone Summer pero walang sugat doon.

"Job well done Elle." Pumapalakpak na sabi ni Haring Ziloh. Automatic naman na napatingin ako sa mga tao sa pagpupulong at nakita ang nakangising mukha ni Marceline at ang nakabusangot na si Juanito.

What the pig just happened?

"Who's Elle?" Palingon-lingon ako sa mga tao dun at napansin ang pagturo ni Haring Ziloh sa isang misteryosong taong nakatungo.

"I am." Itinaas nito ang nakatungong ulo at dumulas naman ang hood nito pababa. Napatitig ako sa gintong mga mata nito at sa napakaitim na buhok. Hindi ito gaanong kaputian at sakto lang din naman ang pagkamorena. Napakaganda nito.

"What was that?" Jaru Porscha asked ang pinuno ng Tarah, habang marahang hinihimas ang alaga nitong pusa. Purong itim ang isang mata nito na mistulang patay na at ang isa naman ay kulay pilak. Nakakatakot itong tingnan subalit napakaamo naman ng mga hayop dito.

"It's a vision of what was supposed to happen." Malumanay ang pagkakasabi ni Elle at tumingin sa mga tao sa pagpupulong.

"Hah! Look at that Juanito! Your such a dumbass there!" Tawa ng tawa si Marceline habang ang ibang pinuno ay napapailing na lamang.

"What the fvck? It's not true! You b*tch! Take that vision back!" Akmang aatakehin ni Juanito si Elle pero may ibinulong lamang ito at nagkaroon ng spell pentagon sa harap nito paabante kay Juanito.

Bakit ba ang iinit ng ulo ng mga tao dito? Napailing na lang din ako habang pinagmamasdan ang kaguluhan.

*Blag*

Nagulat naman ako ng magdabog ang pinakatahimik na head sa lahat. Ang pinuno ng Laurence, si Zor Urman Taha.

"When will you stop? For crying outloud! We are here to discuss about the book! We are not here to debate and show off our damn possessions!" And with that, beads of sweat formed around my forehead. Zor Urman Taha is the deadliest of them all. Naglalakihan ang mga muscle nito at mistula na itong higante kung tingnan.

Nagsipagtahimik na ang lahat at napalunok naman ako ng titigan ako nito.

"Discuss." Halos takasan ako ng hininga ng makitang magweild ito ng kung ano sa palad.

Ihinagis ni Zor ang isang flying pen sa taas na nagbigay sakin ng ginhawa.

''Discuss and the pen will decide whom to ask for opinion.'' Ang flying pen ay isang device kung saan makikita nito ang may matinong suhestyon sa lahat.

"That's the only thing I saw." Napakislot naman ako ng umikot ang pen at humarap kay Verone Summer, ang pumana sa akin sa vision ni Elle.

''If Elle can see the future, maybe your psychic powers can help too in this matter.'' Palaisipan sa akin kung bakit nya ako pinana sa vision ni Elle subalit palaisipan din kung bakit tila pinagdududahan nya ang kredibilidad ko bilang isang orakulo.

"That's a good suggestion. Maybe you can do that." Nagmula iyon kay Thalia Aria Zabel, sa lahat ng pinunong nandito ay sya lamang ang may pinaka palakaibigang aura. Hindi tulad ng aura ni Marceline, Jaru, at Verone.

''Yes, I can.'' Nanahimik na lamang ako at pinagmasdang tumayo si Elle at lumapit sa akin.

Inilagay ni Elle ang palad nya sa aking noo at tumitig sa mata ko saglit.

"Close your eyes." Malumanay itong nagsalita at umikot sa aking likod. Habang ipinipikit ko ang aking mga mata. Saglit na katahimikan ang nangyari at napansin ko na lamang na nasa labas na ako ng pintuan ng silid kung saan naroroon ang mahiwagang libro.

Nais kong igalaw ang aking katawan subalit mistulang nauulit ang nangyari ng magpakita ng talinhaga ng libro saakin.

Pagkatapos ng pangyayari ay bigla akong nahigop pabalik sa silid ng pagpupulong.

''It's a warning.'' Agad na nagsalita ang isa sa mga myembro ng konseho ng Adenburn na si Victor Brent.

''A warning to what?'' Bigla ay nagseryoso ang lahat at napaisip. Bigla namang umikot ang pen patungo sa direksyon ni Juanito na tila may gustong sabihin kanina pa.

"A war. You see, maybe the black, white, and other colors are the races of Maji." Halatang nag iisip ito ng malalim. Bigla namang bumalik sa ala-ala ko ang digmaan. Maaring tama si Juanito.

"For what reason? Besides if that was the book was referring, does it mean that there will be two superior kingdom? How about the other races? That can't be! We are all equal. No one will be inferior!" Tumataas na ang boses ni Marceline ng sinabi nya iyon. Tama sya, dahil kung sakaling yun nga ang ibig sabihin ng libro ay magbabago ang pantay na sistema ng pamumuhay sa Maji.

''No, I think it's about a twin.'' Tumayo si David at nagpalakad lakad.

"I still can remember fragments of the last prophecy of the book. It is about the prosperous kingdom's fall and the rise of the povertized continent." Tumigil ito bahagya bago humarap at magpatuloy. Nakita ko naman ang pen na may isinusulat sa taas at itinuro ko iyon sa lahat.

Αηαπε.

Anong ibig sabihin nito?

"What was that?" Tumayo naman si Zor pagkatapos marinig ang tanong ni Thaiia.

"Agape." Nakatitig pa din ako sa mga letra sa taas.

"Agape means love." Nagsalita naman si Zor, at napatayo si Elle na ikinabigla ng lahat.

"C-can I go now?" Para itong nagmamamali at hindi mapakali. Ano namang issue ng babaeng to? Tumango naman si Haring Ziloh at nagmamadaling umalis si Elle.

Dali-dali naman akong tumayo at sumunod sa nagmamadaling si Elle.

"Wait, can I ask you a question?" Hawak ko ang braso nito at lumingon naman ito saakin.

"What?" Halatang naiirita ito pero kailangan ko talagang malaman to.

"Why did Verone Summer tried to kill me in your vision?" Nanlaki ang mata nito bigla at napatungo.

"That... I have no idea." Ang gintong mata nito ay biglang namuti sa harapan ko at biglang nagsalita ng mga katagang nagpakilabot nanaman saakin.

"Bounded by blood are you. Bounded by flesh you'll find.

Bounded by blood are they.

Find them and Agape is yours."

Bumalik na ang kulay ng mata nito sa dati at napatitig sa akin.

"You will find your sister, your love, but you have to find the keys." Umalis ito agad at naiwan akong nalilito. Bumalik ako sa pagpupulong at nakitang seryoso silang lahat na nag uusap.

"There are twins born of black and white before. Maybe it was them that the book is referring." Nagmula iyon kay Dave.

"But that twin from the corrupted kingdom from the past prophecy would be dead now. It's over a century since they were born. They are not an elf to have a life like yours Divian." Natahimik ulit ang lahat ng sabihin iyon ni Jaru kay David.

"Are you sure it's the only thing you saw Jett?" Napatango ako agad ng madinig ang tanong ni Verone.

"Unless we become reckless, we will suffer, that's what it says right?" Tumango ulit ako ng tanungin ni Thalia pero ang utak ko ay lumipad na papunta sa nangyari kanina. Makikita ko ang kapatid ko, kelan naman kaya?

"I suggest we'll have another treaty." Suhestyon naman iyon ni Marceline.

"What kind of treaty?" Umalingawngaw ang boses ni Zor sa loob ng silid na iyon.

"Treaty of peace and order where no continent, land, and kingdom should be superior nor inferior." Ramdam na ramdam na ang pagiging seryoso ng mga pinuno ngayon hindi tulad kanina na puro kaguluhan ang nangyayari.

"A treaty we're every major plans of each continent should be known by others." Napatayo naman si Juanito ng marinig iyon mula kay Jaru.

"It should not be like that! It will delay the flow of things!" Biglang nanlamig ang palad ko ng umangil ito bigla na parang sasabog na.

"It will delay things for you, unless you're up to something Mr. Decke." Makahulugang wika naman ni Jaru. Unti unti ay natahimik ang lahat na parang nag iisip. Lahat naman kasi sila ay may kaniya kaniyang personal na hangarin para sa lahing kinabibilangan nila.

"If it's the only way to avoid bad decisions that will break lose the prophecy then I'll agree." Sumang ayon na si David na sinundan na Thalia, Marceline, at Jaru.

Ang tatlo namang natira ay parang napilitan na lamang sa mga nangyayari.

"It will be called the Treaty of Agape." Tahimik lamang si Haring Ziloh at ang konseho ng Adenburn kasama na ako, sa mga pangyayari. Sa puntong ito ay wala kaming karapatang magsalita dahil ito ay kasunduan na ginawa ng mga pinuno ng Maji.

"This will be effective tomorrow immediately. Adjourned." Matapos mag pirmahan ng ginawang Treaty at ang Hari at konseho bilang mga witness ay agad na umalis ang lahat.

Di naman magkanda ugaga ang mga tagapangasiwa ng palasyo sa pagyuko habang dumadaan ang mga pinuno.

Naiwan ang hari, si Zor, at ako sa silid na iyon.

"Pakiramdam ko ay may mali." Tumitig saakin si Zor bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Inaatasan kita Orakulo para sa isang misyon." Tahimik lang na nakikinig saamin ang hari.

"Kasama si Elle ay kailangan nyong hanapin ang ibig sabihin ng pangitain mo. Alam kong hindi lang iyon ang nakita mo." Nagulat ako sa mga sinabi nito at tumingin sa hari na tila hindi man lamang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Tulad mo ay nasaksihan ko din ang nangyaring digmaan, ang pinagkaiba lang natin ay nasaksihan ko ito mula sa isang panaginip nung bata pa ako."