7th day of Heart-Water,
Master Frew in-position, Year 54
Fantasia Academy
Fantasia, Dale
Maji
Zie Vapn Aer's POV
It's a busy day today here in the academy. Ang mga estudyante ay nagkalat sa iba't-ibang sulok ng paaralan. Madami ang kakadating lang din galing sa kani-kanilang lugar.Tapos na ang bakasyon kaya naman balik na naman ang lahat sa academy.
Ang mga estudyanteng Tyro(Freshman) ay dumating ng mas maaga para mag sign up na sa iba't ibang clan.
Pumunta ako sa Aer Clan at tumulong sa pag-aasikaso ng mga Tyro para sa kanilang Initial Examination.
"Good Afternoon Zie. Wait, didn't you just arrived?" Tinaasan ako ng kilay ni Via nang madatnan nya akong kumukuha ng form para sa Initial Examination ng mga Tyro.
"Yep, I just arrived but I want to help too. I know I can do it you know." Bago kasi magtapos ang last semester months ago ay nagtraining kaming mga clan members kung ano ang drill tuwing may initial clan exam.
"Tss." Via smirked and preceded to the testing area. Sumunod na din ako pagkatapos kong magsuot ng Clan uniform kong may tatlong badges hawak ang mga form.
Pumunta ako sa isang bakanteng table at gumawa ng air bubble dome alike para sa interview. Agad nagpaunahan ang mga Tyro sa pagpila at bahagyang nagkagulo.
I summoned an air phoenix na kumuha ng atensyon ng lahat at pinalipad sa direction ng mga nagkakagulong tao sa pila.
The air phoenix flew above them elegantly na sinundan ng lahat ng tingin.
"If I were you guys, I will line up immediately before my phoenix return." Napalingon naman sakin ang ibang estudyante at umayos na sa pila subalit ang iba ay binalewala ako.
"Your choice then." Umupo na ako at pumasok sa air bubble na ginawa ko at sinenyasang pumasok na ang nauna sa pila. Umupo na ito sa upuan sa harap ng table ko at inabot ang initial examinees form.
Tumingin ako sa pila nang madinig ang sigawan ng mga estudyante. Agad din naman napalingon ang Tyrong nagfifill up ng form.
Lumipad ang air phoenix sa gilid ng pila kung saan ang mga di nakaayos na estudyante ay nanduon. Sa lakas ng hangin na dulot ng paglipad nito ay bahagyang nagkaron ng air gusts na sumugat sa mga nakapila.
That's what they get for not listening.
A playful smirk was evident in my face.
Automatic na napaayos ng pila ang mga Tyro para makaiwas sa phoenix at nang hindi masaktan.
"For your initial exam, there are no rules." Napalingon sa akin ang Tyro at kita ang pagkabahala sa kaniyang mga mata.
"Tame the phoenix before it hit you." Pinaharap ko sya sa pila at hinawakan ang balikat nya.
"A-are you serious!" Pinagpapawisan ito at ang mga mata ay nakatuon sa phoenix na papalapit na sa harap nya.
"Yes. Goodluck, everybody is watching." I purposely took a glimpse to the bug camera sa labas ng bubble. Umalis ako sa likod nya at pumwesto sa gilid. Ang mga estudyante sa labas ay naglalakihan ang mga mata habang nakatingin dito at ang nasa likod ng pila ay nakatingin sa monitor above us.
Papalapit na ng papalapit ang phoenix nang magweild ng pana ang Tyro. So she's a Vapn too. But right now it's useless.
The Tyro shoot arrows that the phoenix only dodged, at kung hindi man ay tumatagos lamang ito dito.
"What should I do?" Her face was frustatingly distressed. Nanghihingi ito ng tulong na sinagot ko naman ng alam kong makakatulong sakanya.
"Tame the air." Malapit na malapit na ito at sumisigaw na ang mga estudyante sa pila dahil sasalpok na sa mukha ng Tyro ang phoenix. Pero bago ito sumalpok ay napatigil ito ng Tyro one inch far bago ang mukha nito.
The air phoenix dissolved in thin air leaving the Tyro relieved. Kinuha ko ang form nito para malaman ang pangalan.
"Congratulations, welcome to the clan Ms. Falia Aer." Tinuro ko sakanya ang daan patungo sa labas kung saan makikita ang ibang clan members na magbibigay ng briefing sa mga nakapasa.
Ang mga hindi makakapasa sa kahit na anong clan ngayon ay magkakaroon ulit ng examination pagkatapos ng first semester ng pagiging Tyro.
Bumalik na ako sa pagkakaupo at sumenyas sa sunod sa pila. Agad naman itong pumasok at nagtanong.
"Will my test be like hers?" By the looks of it, mahaba-habang araw pa to.
"Good evening Ms. Zie."
Bati lahat ng nakakasalubong ko sa daan patungong aking silid, na sinagot ko lamang ng pagtango. Bago ako pumasok sa building ay napatingin ako sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga clan signs.
There are 8 clans in this school that will determine the last name of each students here in Fantasia Academy.
There are four elemental clans here in FA, the Aer Clan for air benders, Hydor Clan for water, Era Clan for earth, and Fiur for fire benders.
The 4 other clans are Vapn Clan or the weapon weilders, tulad ko at ng Tyro kanina. The Skepfen Clan for shape shifters, Alfr for elves, and the last is for the Masters which is for the ones who really are masters in combat and mastered their power possesion. Their clan is called Hutsen.
"Hey! Zie? What's up?" Nakapamewang na bumati si Aneira ng makasalubong ko sila ng kakambal niyang si Eira na alam ko namang kaplastikan lang.
"Nothing. Just about to sleep, thanks for the interruption bitches." Kung di nyo pa nahahalata, we are not in good terms. These bitches will crawl to your nerves just like what they are doing to the most of the students here, but unlike the other students, I'm not scared.
"Nothing? Then, just about to sleep? Woah there missy." Dumiretso lang ako at akmang lalagpasan sila ng hatakin ako at may pwersang pinaharap sakanila. Naghahanap talaga ata tong kambal na to ng away.
"No one passes to us just that and you even called us Bitches?" Sa tinis ng boses ni Eira ay feeling ko mababasag ang eardrums ko sa pagsigaw nya. Halatang nagalit sila sa ginawa ko dahil pulang pula na ang mukha nila lalo na si Aneira. I smirked inwardly ng makita ang reaction nila.
"Why? Got a problem with that?" Hindi ko talaga trip ang makipag-away but I can't help it, I'm quiet enjoying this but the irritation is much more building. Lalo na kapag gantong pagod ka at kakadating mo pa lang galing sa mahabang byahe. Though there are portals para mapabilis ang byahe, masakit at parang binugbog ang katawan mo pag labas mo naman ng portal.
"Don't force me Zie, you are so brave, why? What can you do? You don't even have a strong power. You are just an Aer and Vapn. We are Era Hydor Skepfen." Buong pagmamalaki nilang pinakita ang kanilang kapangyarihan sa palad nila habang pinandidilatan ako ng mata. That is the reason why they are feared here in Fantasia Academy. They bully those who are lower than them. Malakas sila magically speaking but combatly? Nah, they might pee in their pants.
"Tell me, do you want to experience our magic Zie?" Linapit ni Eira ang palad nya sa mukha ko habang si Aneira naman ay pinaglandas ang daliri paikot sa leeg ko. I feel the water in me heated with her touch making me sweat all over. But I stood my ground still.
"Why? You're going to show me your weak powers? Should I'd be trembling now?" Though they are feared, ibahin nyo ako. As I said, I'm not scared. They can't make me tremble kaya kahit ilang beses akong pagtripan at saktan ng dalawang to, wala ding silbi sakin.
"Your so brave, but still a weakling. Let's go now Aneira, let's not waste our precious time to this lowclass creature." Eira withdrawed her palms then walk past me and her twin while flipping her long hair.
"But Eira!" Wala nang nagawa pa si Aneira kundi ang alisin ang daliri sa balat ko at sumunod sa kapatid nya, I felt relieved pero bago pa sya umalis ay pinagbantaan nya ako.
"I'll get back to you." Nag-iinarteng lumakad din sya paalis leaving me alone, or that's what they thought.
Lumabas si Kulina mula sa pagkakadikit sa dingding at unti-unting bumalik ang kaniyang kulay. She used again her invisibility power to hide herself from the scene earlier.
"Sus kunyari pa yung Eira na yun eh. Pero natakot lang talaga yun sa'yo bessy. Di ka nila nahandle kaya kunyare wag daw sayangin ang precious time nila." May paflip hair pa si Kulina habang ginagaya ang mga ginawa ng kambal kanina.
Kulina Aer Alfr is my bestfriend. Isa syang linguist given na isa syang elf. Nagkakilala kami sa Aer Clan dito sa Academy. Bawal kasing ireveal ang identity mo dito sa loob ng Academy to promote fairness. The Head thought that if all the students identity will be revealed ay baka magkaroon ng superior at inferior students. The students here in Fantasia are under a spell wherein makakalimutan nila ang mga tao na nag-aaral dito kung sakali man na nakasalamuha na nila ito sa labas ng Academy. But the moment na lumabas sila, they will remember who they really are interacting with in case na kilala nila ito sa labas ng Fantasia.
"Don't mind them Kulina. They won't shake me." Nagpatuloy na kami ni Kulina sa paglalakad dito sa North Wing hanggang sa makarating kami sa kanya-kanya naming silid.
"Good night bessy, alam kong madami akong kwento pero di ko naman matatandaan dahil sa drill dito. Pag labas na lang natin." She's all hyped up while I'm all drained.
"Besides, I know you are tired from your trip. So, I'd rather let you sleep." She kissed me good night in the cheeks then she entered her room na una naming nadaanan.
"Good night Kulina." Pahabol ko bago magsara ang pintuan ng kwarto nya.
Dideretso na sana ako nang mapatitig ako sa logo ng Fantasia Academy sa labas ng bintana na nasisinagan ng malaking buwan. I suddenly feel goosebumps all over ng makaramdam ng paninitig sa likuran.
"Ms. Zie, it's late. You'll have a long day tomorrow, you should rest." Lumingon ako sa likuran ko ng madinig ang boses ni Madame Toya. Mapanuri itong naninitig suot ang kaniyang council uniform.
"Madame Toya, the moon is so bright that it felt like I am under a spell." Binalik ko ang titig ko sa buwan bago nagpaalam kay Madame Toya.
"The moon is really a mystery Ms. Zie. But our curiousity might take us somewhere far from the peace we have now. Mystery entails danger." Napatigil ako sa paglalakad at napaisip bago dumiretso sa paglalakad. Mystery entails danger. I wonder, how dangerous would it be?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at agad humiga sa kama pag dating ko sa kwarto. I scanned the room and tried to be familiar with it bago ako nakatulog. This would be my first night as Siuen(2nd year) here in the Academy. I'm really hoping for the best of this semester.
Nagising ako dahil sa napakainit na sensasyon sa aking pulsuhan. Agad akong napabangon at tumakbo papunta sa banyo upang ilubog ang aking pulsuhan sa tubig. Agad umusok ang pulsuhan ko ng madikit ito sa malamig na tubig. Tears started to pool my eyes making me want to scream. Kinagat ko ang damit ko at napaluhod ng tumindi ang hapdi sa aking balat.
I'm guessing it's already 12 midnight. The start of another day. Every 8th of the month ay nagkakaganito ako. After every pain is a new word that would be revealed in gold letters na magtatagal lang ng kalahating araw sa balat ko.
This started when I turned 16. I was in the middle of the celebration when a painful burning sensation impaled my skin on my left thigh. Nagkagulo ang lahat sa party pero di pinaalam ang totoong nangyari sa publiko ng mga magulang ko. My parents knew all about these and they knew my pain.
The pain had subsided to my right pulse that revealed the word written in a bold itallic form.
Napaupo ako sa sahig ng banyo at lalong bumagsak ang luha ko. Sobrang sakit at hapdi pa din ng balat ko hanggang ngayon. I stayed there for fifteen minutes bago naglinis ng katawan, at nagbihis. Bago ako mahiga ulit ay sinulat ko sa journal ko ang salitang nagbigay sakit saakin ngayong gabi.
'Unlock.'
Bagong salita na dadagdag sa collection ko. So much for this night then I went to sleep.