Bakit ba ang hirap nitong lintik na math na to nakakainis naman. It's Friday yes walang pasok kaso ang dami namang school works. Sumali pa tong math na to kailangan ba to pag namimili sa palengke nakakainis kana X AND Y ang hirap hirap niyo sagutan. Gusto kong mag unwind ng utak nababaliw na ako at nahihilo na ako sa mga numbers ano ba magandang gawin.
"Anak may party akong pupuntahan." Naka ngiting sabi ni mama.
"Okay Ma! enjoy the party wag kana mag alala saakin. Pumunta kana ng party mo kaya ko naman dito sa bahay." Buti nga yun para wala ng maingay dito
"Sasama ka saakin whether you like it or not and that's final." What? Is she serious ayoko sumama.
"Mama ayoko nga sumama sa party na yan, ang dami ko pang ginagawa dito ano ba yan!" Si mama alam mo yun panira ng moment.
"Wag mo ko artehan Callie ha! Party lang yun samahan mo ko, nakakahiya kapag hindi ako pumunta ninang yun ng kuya mo!" Tss edi siya isama mo.
"Bakit kasi hindi si kuya, ayoko nga ng mga party na yan." Kulit naman ni mama nakakainis.
"Callie 18th birthday lang yun makaka relate ka dun, puro kabataan nandun kaya nga ako nag papasama sayo." Like what the hell, bakit pa kasi pupunta dun.
Wala na akong nagawa, dumiretso nalang ako ng cr and asual ginawa ang mga dapat gawin, at si mama ayun naka abang na hawak ang isang dress suotin ko daw para nasa theme ako ng party, nakakainis nawawala na ako sa mood bakit ba kasi ako sasama. Kahit ayoko nag ayos nalang ako ng sarili, syempre ayoko naman mukhang kawawa sa party nayun siguro mag cecellphone nalang ako para hindi ako ma-op.
Bago kami umalis ng bahay, ang mama ko di matigil sa pag check saakin kung okay ako kung ano-ano sinasabi ganyan makisama daw ako, tapos kung ano-ano pa pinapasuot saakin. Hay nako mas excited pa siya saakin.
Dumating kami sa party maliit lang ang celebration nila. Parang close friends lang yung nandito saka mga relatives nila. Medyo marami nga yung mga kasing edad ko pero wala akong paki sakanila naupo kami ni mama dun sa gitna nasa right side namin ay grupo ng mga lalaki lahat sila naka tingin saakin, boys nga naman pare-parehas. Sa left side naman mix pero mas lamang ang mga babae naka tingin din sila saakin ano bang meron.
Naiilang na ako kaya naman pag upo namin ni mama agad akong nag paalam papuntang cr. Pumunta ako sa isang cubicle then nilabas ko agad yung salamin ko galing sa bag ko. Wala namang madumi sa mukha ko? Ano bang problema nila saakin. Bahala nga sila nakakainis na gusto ko na tuloy umuwi. Nag retouch lang ako ng onti tapos lumabas na ako, sakto mag sisimula na ang party.
Ang daming sinabi nung MC wala naman akong naintindihan, nag simula na sa 18th candles at ang nanay ko bagets din kasali kung ano ano pa sinasabi may pa english pa si mayora. Tapos sumunod naman 18th gifts kasali parin ang nanay ko ay iba din tapos bigla nalang niya ako pinag tutulak nung tinawag ang name niya nakakaloka si mader syempre hindi ako pumayag kaya ayun no choice siya padin yung nag salita ang corny nga, stuff toy like duh! 18th na yan ma!
Nag patuloy lang ang celebration katulad lang ng laging ginagawa pag 18th birthday, sumunod naman ay 18th roses ang daming kinilig pero ako naka busangot pa din, naka tingin lang sakanila pero na wala yung busangot ko nung makita ko yung kuya nung may birthday ang gwapo te! pang 16th siyang tinawag yung una ata tatay niya. I can't believe it may ganto palang nilalang. Oh my gosh first time lang tumibok ang puso ko ng ganto sobrang bilis.
"Next Mr. Giovanni." Sabi nung MC na bakla. Oh my gosh hindi nakakasawa tignan yung mukha niya grabe.
Ayoko ng umalis dito, may maganda din palang dulot yung pag-yaya saakin ni mama.
"Hoy Callie ano na tapos na yung sayawan naka tulala ka pa jan, tinawag na yung table natin for picture taking tara na para pag tapos makakain na tayo." Ang bilis naman hindi ko man lang namalayan na tapos na pala.
Sumunod na ako kay mama, hinahanap ng mga mata ko si Giovanni pero wala pa siya asan kaya yun kanina lang naka tayo siya dun.
Pagtapos namin mag picture taking pumila na kami ni mama, ang bilis ko kumain kasi gusto ko mag libot para makita siya kaso itong si mama parang ewan kanina pa siya naka tingin saakin para bang alam niya yung nasa utak ko.
Biglang may lumapit saamin na babae kasing edad lang ni mama ito ata yung ninang ni kuya Callix na sinasabi ni mama anak niya kasi yung may birthday sigura i-greet lang niya si mama.
"Cassie long time no see, kamusta kana? Parang bumabata ka?" Bola na naman hay nako matatanda talaga kahit kelan.
"Ano ba yan Kiyana ang lakas talaga ng trip mo hanggang ngayun! Parang nung mga college lang tayo." Okay I'm out panigurado talang buhay ang kwentuhan nila spell boring!
Wala akong magawa kundi makinig sakanila hindi ako maka hanap ng magandang oras para umalis baka mapansin nila akong dalawa, buti nalang nag salita ang MC naputol yung kwentuhan nung dalawa.
"Okay guys laro tayo ha? Sino game jan limang lalaki tapos limang babae. Para fair pipili yung mommy ng birthday girl natin." Ano ba yan ano ba to children's party.
Ayun si Tita ang kulit parang bata na nahihirapan mag isip kung sino pipiliin. Nagulat nalang ako na ako yung pang limang napili tapos sa lalaki si Giovanni ang huling napili. Oh my gosh partner kami. Pina pila kami by patner tapos nag laro kami nung apple ba yun ilalagay mo sa noo tapos ibabalance niyo dalawa gamit yung mag kadikit niyong noo syempre nasa gitna yung apple.
Nag simula na yung game, ang dali lang sana kaso alam niyo yun nangangatog ako tapos na nginginig yung kamay ko. Oh my gosh paano ba ako makikisama sakanya.
"Hey relax lang kaya natin to okay, wag ka kabahan. Trust me mananalo tayo." Sabay wink niya saakin I can't believe it did he wink at me? Oh my gosh na talaga.
Nanalo kami sa unang game kaso yung last game diko kinaya yung baraha na manipis ilalagay namin sa lips namin kailangan ma-balance yun hanggang dulo tapos may iikutan pa para daw challenging, yung nanay ko naman ayun tuwang tuwa kainis napag kaisahan na naman ako.
"Chill kalang wala akong gagawing masama sayo. Trust me again in this one panalo tayo for sure." Waaaaaa my heart! Giovanni wag mo kong umpisahan.
Nag simula na yung game kinakabahan ako ng matindi best! Naka titig lang siya saakin kita ko sa mga mata niya na naka ngiti siya saakin nag wink siya ulit sabay sign ng way na pupuntahan namin umikot kami sa mga upuan ang hirap pag nag kamali ka pwede mag dampi ang mga labi namin dito. Hindi yun pwede first kiss ko yun kahit crush ko siya hindi ako papayag.
Kaso si tadhana demonyo nadulas ako, oh gosh nag dikit lips namin diko alam kung anong rereact ko kaya yumuko nalang ako tapos nag palakpalakan yung iba tapos binigay na yung prize sa nanalo na partners, at ako ayun naka yuko padin may humawak ng chin ko at dahan-dahan yun inangat naka ngiti lang siya saakin habang tinitignan ako.
"Sorry dun ha....Diko sinasadya tara na hatid na kita sa mama mo." Sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko.
Papunta na kami kela mama at yung dalawang mag kaibigan ayun tulo laway at naka ngiting aso saakin. Grabe feeling ko lahat ng ito planado.
"Oh anak tapos na kayo?" Akala niya ba natutuwa ako sa ginagawa niya tsk!
"Tita sorry po sa nangyari kanina di ko po sinasadya." Waaaaa nakakahiya naman to si Giovanni.
"Okay lang Gio ano ka ba kasama yun sa laro isa pa parang nag enjoy naman ang anak ko este kayong dalawa pala." Mama! Ano ba yang sinasabi niyo.
"Sige po una po muna ako, salamat Callie kanina ha...Masaya ka pala kasama." Wait kilala niya ako oh my gosh mama i love you na.
Sabay kaming tatlong ngumiti sakanya at tinignan siya habang lumalakad palayo saamin. Si mama naman ayung naka ngisi na naman, planado nga to for sure.
"Alam mo iha bagay kayo ng anak ko." Sabi ni tita Kiyana habang nag twinkle pa ang mata.
"True yan sis sabi na e! May spark talaga tong dalawang to." Tumawa si mama ng nakakaloko na parang wala ako sa tabi nila.
Ngiting plastic yung tanging tinugon ko sa kanila bago ko sila nilagpasan papunta sa table namin. Naka tingin parin sila saakin lahat. Hay ano ba gusto nilang mangyari.
After a minute nag bigayan na ng souvenir tapos picture taking din. Lumabas na kami ni mama para makapag paalam sila tita kasi nasa gate at lahat ng bisita nila nag papalitan sila goodbyes sa isa't-isa naka abang talaga sila sa pinaka pinto ng venue. Kasama din nila si Gio na ngayun naka ngiti saakin.
"Bye Callie is nice to meet you." Sabi niya na nakatingin saakin na may malawak na ngiti.
"Ako din Gio masaya ako ngayun." Waaaaaa kinikilig ako to the max.
Nag hug din ako kay tita at sabay kaming kumaway si mama. I still can't belive it na dito pa ako mag kakaroon ng first crush. First time in the history na ma-inlove ako sa isang tingin lang. Giovanni makikita pa ba kita?
Please stay tuned! Godbless