Chereads / Finding Giovanni / Chapter 3 - 3 Giovanni

Chapter 3 - 3 Giovanni

Callie's Pov

Pag tunog ng bell mabilis kong inayos ang gamit ko para makalabas ng classroom. Tinignan ko muna si Gio na ngayun busy din sa pag aayos. Hinatak ko kaagad si Jamaima para makaalis kami agad.

"Gutom na gutom Callie or my iniiwasan?" Tumawa pa ng malakas ang bruha sabay tusok sa tagiliran ko.

"Shut up, Jamaima Fujikawa hindi na ako natutuwa sayo babalik kita sa Japan." Sabi ko ng malakas sakanya.

"Hoy Ms. Callie Trinidad wag kang pabebe masyado, ikaw pa tong umiiwas maganda ka te?" Hinayupak talaga tong babaeng to.

Mabilis ko siyang hinatak para makapunta na sa canteen. Lumiko kami dun sa pinaka maliit na hallway papuntang canteen ito kasi yung pinaka magandang short-cut para makabili agad ng pagkain.

"Callie! Wait saan kayo pupunta?" Waaaaa Gio bakit ba tumakbo ka pa nakakainis ka naman bakit ang pogi mo parin kahit mukha kang pagod na pagod.

"H--a? Ako sa-an pupunta?" Kinakabahan na sabi ko. Kay Gio lang ako nag kaka-ganto bukod nalang kung may recitation tapos wala akong review.

"Oo ikaw nga may iba pa bang Callie dito bukod sayo?" Naka ngiti niyang sabi then tumingin siya kay Jamaima. Waaaa Gio I'm gonna die!

"Hi! Ako nga pala si Jamaima Fujikawa. Best friend ni Callie" Sabay lahad ng kamay ni Jamaima, ito namang si Gio tinaggap agad.

"Gusto mo sabay ka na saamin mag lulunch kasi kami ni Callie e." Ang bruha ang kapal ng mukha nag yaya pa talaga.

"Oo ba wala naman akong kilala dito sa school niyo e" Sabi niya kay Jamaima na naka ngiti parin. Gio hindi ba mapupunit yang mga labi monkaka-ngiti saka hustisya naman oh! Lalag-lag na panty ko dito sa sobrang kilig.

Agad kaming nag lakad papuntang canteen. At syempre pinag titinginan kami, kasama lang naman namin ang bagong transferee na hot na hot. Nako patay na naman ako sa mga Mean Girls dito. Dati kasi akala nila, kami ni Lucas yung grade 12 student na kung tawagin Mr. Popular sa sobrang daming fans sa school, gwapo naman siya kaso diko talaga siya type, kaya lang naman kasi kami close dahil kapit bahay ko siya. Naging mag kaibigan din kasi kami dati kaso ngayung malalaki na kami nawala na, saka isa pa matanda siya saakin ng isang taon grade 11 palang kaya ako.

Pinitik naman ni Jamaima yung noo ko! Ano ba problema niya, minsan ang sarap talaga ipatapon ng Hapon na to.

"Hoy ano tulala ka na jan! Starstruck kay papa mong Gio?" Lintek talaga ang ingay ng babaeng to. Saan ko ba to nakilala tsk!

"Callie okay ka lang ba gusto mo balik na lang tayo sa classroom kung wala ka sa mood kumain." Sabi naman ni Gio, ano ba yan kahit ganun itsura niya ang lakas pa din ng dating niya sa mga mata ko.

"Hindi okay lang ako, sige na order na ako. Upo na kayo ni Jamaima dun sa dulo." Sabi ko para hindi na ako mailang sakanya masyado.

"Hindi ako na bibili. Ano ba gusto mo?" Gio naman eh! Maiinlove na ako ng tuluyan sayo pag pinag patuloy mo ang pagiging ganto.

"Chicken with rice and ice tea lang saakin." Naka ngiti kong sabi. Hay Gio ano ba gagawin ko sayo parang kanina lang nag dadasal ako na sana mag kita tayo, muntik ko na nga sundin si Jamaima na ipa-radio ka tapos bigla kang susulpot sa harap ko.

Pag katapos niyang kunin yung order ni Jamaima umalis na siya papunta sa counter, syempre ang mga babae todo bulungan, ang mga boys naman ayun naka tingin lang para bang sinasabi na mas gwapo pa sila kay Gio. Excuse me no! Gwapo ang kuya mong Gio hahahahaha walang tatalo sakanya okay!

"Oy friend naka jackpot ka talaga jan kay papa Gio, grabe ang hot niya tignan, feeling ko nga may abs din siya." Kalandian to the max naman tong si Jamaima.

"Hoy ilugar mo nga yang kalandian mo saka wag ka nga maingay, sobrang halata ka kaya." Sabi ko habang hinahampas ang braso niya

Dumating si Gio na dala yung mga pagkain namin. Umupo siya sa harap ko at nilatag dun lahat ng order ko.

"Tara kain na tayo Callie and Jamaima." Hyper niyang sabi. Di halatang gutom siya ha.

"So Giovanni right? Bakit ka pala lumipat ng school balita ko maganda naman pinanggalingan mong school as in mas mahal pa dito sa school namin?" Paano naman niya nalaman yun may pag-ka chismosa talaga tong si Jamaima.

"Kasi may hinahanap ako." What? Sino naman don't tell me may girlfriend siya dito.

"Sino naman yun?" Sabi ko, nakakahiya ako pa una nag react pero kasi ang daming tanong sa isip ko.

"You will see...." Sabi niya sabay tayo sa harap namin. Ang bilis naman niyang kumain, kumaway lang siya saamin hanggang makalabas siya ng canteen. Oh my gosh Gio naiintriga ako sayo ha? Anong tinatago mo?

End of Chapter 3 thanks for reading!