Callie POV
Ang sarap nang gising ko. Napanaginipan ko pa si Gio, sana totoo nalang yung nangyari sa panaginip ko. Kinasal daw kami dun at nag karoon ng mga anak, kaso nalaglag ako sa kama kaya ayun naudlot ang magandang love story namin.
Dating gawi, ginawa lahat ng routine sa umaga at pumasok sa totoo lang ayoko muna pumasok, nakakatamad kasi, babalik na naman sa realidad ang buhay ko aral at bahay na naman ang gagawin ko nakaka boring kaya. Lahat na ata ng libro nabasa ko na, wala na akong pinag kakaabalahan, naiba lang ngayun kasi may Gio na. Dumating na yung lalaking mag papakilig saakin ng ganto. Ang problema ko lang ngayun saan ko siya hahagilapin sa laki ba naman ng Pilipinas.
Kasi naman sa sobrang kilig ko kagabi nakalimutan kong itanong sa mommy niya yung facebook account or yung cellphone number ni Gio. Ayan kasi Calllie inuna mo ang kalandian. Ang malas ko talaga kaya naman kagabi hinanap ko yung pangalan niya sa Facebook, Twitter and Instagram wala naman dun. Sa dami ng Giovanni sa Pilipinas aabutin ako ng taon bago ko siya mahanap kaya naman nawalan na ako ng pag asa.
Ngayun na bubwisit ako dahil ang ingay-ingay ni Jamaima tsk! Itong hapon na to nakaka bwisit. Nag sisimula palang ako mag kwento sakanya nauuna pa siya tumili saakin wala na akong na kwento na maaayos sakanya. Kung ano-ano pa sinasabi kesyo manawagan daw ako sa radio or mag post sa fb. Ang bruha tuwang tuwa sa wakas daw naging babae din ako.
"Girl! Rumampa kana, mamaya maunahan ka pa kay papa Gio, ikaw na nag sabi na gwapo siya saka lapitin ng mga girls kung ako sayo kakaibiganin ko yung kapatid nun." Loka loka talaga nang gamit pa ng tao.
"Tumigil ka nga jan sa kalandian mo ha! Hindi na ako natutuwa sayo." Bigla naman niya akong binatukan ng malakas, aba itong babaeng to ha namumuro na saakin kanina pa yang pag hampas hampas niya.
"Sus kaya pala daig mo pa sinampal ng blush-on sa sobrang pula ng mukha mo habang nag kwe-kwento wag ako Callie ha, alam ko na yang kalandian na yan." Tsss akala naman niya nadaan na niya lahat ng stage ng pag-ibig
"Shut up na nga baka may maka rinig sayo. Baka malaman nila na may crush ako." Sabi ko habang tinatakpan yung malaking bunganga ni Jamaima! Ang lakas ng boses talaga.
"Hoy Callie papunta ka palang pabalik na ako! Sa dami ba naman na naging ex ko ayan pang feelings mo ang di ko alam dumaan na ako jan" Sus as if naman natutuwa ako sa sinasabi niya parang, ikakamatay ko pag di ko nalamang na malandi siya.
"Yeah fine wag ka na nga maingay jan pasok na tayo baka magalit si Ma'am Faye late na naman tayo sa first subject." Hay nako bukod sa lagi akong damay sa kalokohan niya kasama ko din siya palagi pag papasok kaya ayun parehas kaming pinapagalitan.
"Hayaan mo nga siya sanay na yun saatin, palibhasa wala pang boyfriend yun hanggang ngayun kaya mainitin ulo." Loka loka talaga pati ba naman yun updated siya grabe ka talaga Jamaima
Pag kaupo namin sa likod sabay namang dating ni Ma'am Faye dala ang kanyang laptop di nakaligtas saakin yung tao sa may pintuan naka tayo lang siya dun habang naka suot ang kamay sa bulsa diko makita yung mukha niya kasi naka side view siya pero sure akong lalaki siya.
"Class may bago kayong classmate nag pa transfer lang siya kahapon, dito siya nilagay kasi wala ng vacant sa Stem 1. Please mind your manners tulungan niyo siyang makahabol sa mga lectures okay? Mr. Dela Vega, introduce your self to my class." Wow parang ang yayamanin naman nitong bagong student sabagay semi private tong school namin, may aircon nga e.
Pumasok yung lalaki na makisig at matangkad siya yung lalakng kahit kelan diko aakaling makikita ko pa, nanlaki yung mata ko sa sobrang gulat as in ang laki talaga, nakita ko si Jamaima laglag din ang panga imposible naman kilala niya yun kasi kaka-kwento ko palang sakanya kanina.
"Hi! Ako nga pala si Giovanni Dela Vega 17 yrs old. I hope makilala ko kayong lahat." Nag bow lang siya at tumingin sa aming lahat, lahat ng girls nag lalaway na sa sobrang angas ng dating niya.
Umupo siya sa harapan ko at tinabingi ang ulo at tumingin saakin ng seryoso sabay ngiti ng malawak. Oh my gosh totoo ba to.
"Hi! Callie, mas maganda ka pala kapag walang make up sa mukha." Saby ngiti saakin ng malawak tas nag wink pa siya bago humarap ulit sa unahan. Yung mga classmate ko ayun laglag ang panga, hindi sila maka paniwala na kilala ko yung lalaking pinapantasya nila.
"Hoy Callie mag kwento ka mamaya ha! Bruha ka hindi mo saakin sinabing pang model na nang magazine yang crush mo!" Bulong ni Jamaima saakin habang naka tingin sa harapan.
Ano ba tong pinasok ko? Panigurado may malaki akong problema nito!!!!!!
End of chapter! Thanks for reading!