Chereads / 101 Memories / Chapter 4 - Loss Memories

Chapter 4 - Loss Memories

Sam Pov

I wake up early in the morning, hanggang ngayun naguguluhan ako sa pag ka tao ko. Pinaliwanag na saakin ni Doc kung anong nangyayari saakin, ang sabi niya effect daw yun ng Amnesia. Lahat daw ng mahahalagang memories ko nawala. Kahit pangalan ko hindi ko maalala. Yung dalawang babaeng kasama ko ngayun hindi parin ako mapalagay na may relasyon kami sa isa't-isa, ngayun may kasama silang lalaki kasing edad nung nag sasabing mommy ko siya. Naalala ko ang tawag nila ay Christ, naka ngiti lang siya saakin habang inaayos ang mga gamit ko. Today sabi ni Doc pwede na ako umuwi dahil stable naman ang vital sign ko, medyo sumasakit lang madalas ang ulo. Binigyan niya ako ng mga medicine for the headache incase daw na sobrang sumakit ang ulo balik daw ako dun.

"Sam...okay na, ayos na lahat tara na." Sabi ng babaeng kasing edad ko alam ko Ezra pangalan niya. Sa totoo lang ang ganda niya talaga.

"Yeah fix your self in a minute aalis na tayo dito." Sabi naman nung lalaking daddy ko daw.

"Don't worry baby ready na lahat pati room mo sa bahay pinaayos ko na." Sabi naman nung mommy ko daw.

Ang hirap mag salita sa kanila, ngayung wala akong maalala na memories, wala akong maalala na kasama ko sila ang hirap mag adjust, wala akong magawa kundi ngitian sila at makisama, wala naman akong magagawa, it just that wala akong mapupuntahan, sino ba aaasahan ko edi sila, sana bumalik agad yung mga memories na nawala saakin para kasing ang dami kong na miss, feeling ko ilang years akong na wala sa mundo. Sabi kasi nila mahigit isang buwan akong tulog akala nga nila na comatose na ako tapos 1 month akong nag stay sa hospital grabe ang tagal talaga.

"Opo ready na ako, tara na po." Ayun lang ang nasabi ko at nag simula na akong mag lakad palabas ng room na yun.

Tumigil kami ngayun sa isang malaking bahay na kulay cream ang pintura. Ang ganda tignan ang aliwalas sa labas ang daming bulaklak sa palagid at may tree house pa, may kasama ba silang bata dito?

"Ang ganda naman po dito may kasama po ba kayong bata sa bahay niyo?" I said, nagulat ata sila sa tanong ko kasi nag tinginan pa sila bago nila ako nginitian.

"Wala ikaw lang ang baby namin. Yung tree house na yan, your dad build it for you kasi sabi mo gusto mo may ganyan sa bahay natin." Wow ang galing naman.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang makapasok kami sa loob na bahay, kung sa labas maganda na, sa loob walang wala panalo talaga, I can live forever in this place ang linis ng paligid. Ang daming paintings and pictures, may mga kasambahay na nag lilinis bago kami pumasok.

"Manang Hilda, okay na po ba yung pinaluto ko na favorite ni Sam?" Sabi ni mommy dun sa maid na medyo matanda na.

"Opo maam naka ready na po ang lahat kayo nalang po kulang." Nginitian niya si mommy sabay tingin saakin, para siyang maluluha pa nung nakita niya ako.

After ng usap nila hinatak na ako ng babaeng chinita si Ezra best friend ko daw siya, kahit anong isip ko wala akong maalala na nakakasama ko siya sa mga alis ko or dito sa bahay na to.

"Sam tabi na tayo umupo namiss kita, sana maalala mo na ako namimiss ko na yung pag susungit mo saakin, yung pagiging nerd mo. How I wish na bumalik na lahat ng memories mo wag lang dun sa pinaka ayaw mo.

Ha? Anong sinasabi niyang pinaka ayaw ko, may naka away ba ako bago ako na aksidente may nasira ba akong tao.

"What do you mean Ezra? Anong sinasabi mo?" I said with a serious tone.

"Ha? May sinabi ba ako nako ito na sobrahan kana ha? Ngayun na paparanoid ka naman, tara na nga kumain kana." Tapos bigla niya binaling ang mata niya sa pagkain at tuwang tuwa kumuha dun. Sila mommy naman tahimik lang na naka tingin saaming dalawa.

"By the way Sam.....hindi ka muna papasok sa school mag pahinga ka muna dito kina usap ko na yung mga teachers mo, sabi nila okay lang daw mag pagaling ka muna." Nagulat naman, pumapasok pala ako, teka anong grade ko na ba?

"Daddy anong grade ko na ba? Wala akong maalala na nag aaral ako." I said, sobra akong confuse wala talagang memories sa utak ko tanging naaalala ko lang yung pag ka bata ko medyo hindi pa nga malinaw saakin.

"Baby, first year college kana and you're taking BSBA major in marketing. Ang school mo sa ClintFord Academy, classmate mo si Ezra dun." Mommy said. Oh my gosh so it's true nag aaral nga ako.

"Ako na bahala sa make up class mo Sam marami naman akong take down notes papahiram ko nalang sayo pag ready kana pumasok." Ezra said

Pag katapos namin kumain naka ramdam na naman ako ng hilo at pagod gusto ko ng matulog muna. Ang daming information na nag lalaro sa isip ko. Nag paalam na ako sa kanilang lahat hindi naman nila ako binigilan, sinamahan lang ako ni manang hilda sa kwarto ko.

Pag ka pasok tumambad saakin ang isang white na room, ang ganda niya tignan, ang peaceful ng background. Ito ba talaga ang kwarto ko babaeng babae walang arte. Tinignan ko lahat ng picture frame na naka dikit. Lahat sila kamukha ko. Walang duda anak nga nila ako at dito talaga ako naka tira. Ang daming medals na naka sabit, awards na nakuha ko simula nung nag aral ako. May ilang mga notes na galing sa mga kaibigan ko ata. May mga sariwang flowers. Isa lang yung pinag taka ko may picture ako beside my bed, may kasama akong lalaki naka akbay siya saakin parehas kami ng shirt. Sino siya wala naman daw akong kapatid sabi ni Mommy.

Kinuha ko yung frame na yun bumagsak yung isang letter dun sa loob ng frame. Kinuha ko yun at binasa, wala akong maalala sa mga sinasabi niya, hindi ko siya kilala para sabihin yung mga ganun bagay. Mahal niya ako pero kailangan niya akong iwan sino ba siya? Bakit biglang sumikip ang dipdip ko. Hindi ako makahinga, sobrang nahihilo na naman ako. Gusto kong malaman, sino ka ba sa buhay ko? Bakit pinapasakit mo tong puso ko? Sino ka ba Seth?

End of Chapter 4. Keep reading guys! Thanks Godbless