Chereads / 101 Memories / Chapter 7 - The Truth

Chapter 7 - The Truth

Sam's Pov

"Actually hindi talaga maganda yung break up niyo ni Seth that time." Ez said

Kinukulit ko siya ngayun na sabihin saakin kung ano ba talaga ang nangyari sa amin ni Seth. It's been two weeks since yung nangyari sa amin ni Amber and Natalia after kasi ng away namin yung dalawa parang kinalimutan na classmate nila ako, halos araw araw hindi nila ako pinapansin pero nakikita ko nag bubulungan sila at nag tatawanan habang naka tingin sa akin ako naman hindi ko nalang pinapansin baka may sakit lang sa utak yung dalawa.

Hanggang ngayun wala pa din akong alam sa past namin ni Seth, tapos ngayun malalaman ko mag papakasal na siya. Gusto ko lang naman ngayun closure e! Gusto ko siyang makausap kaso ito Ezra nman todo tutol sa plano ko baka daw maka sama saakin tapos ngayun naman siya pinapa kwento ko ayaw naman niya.

"Please Ezra ano ba kasing nangyari, nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ngayun." Sabi ko habang nag kukunwari na paiyak na

"Ang kulit mo naman Sam sabi ng Doctor wag mo nga daw pilitin maalala yung dapat hindi na maalala makakasakit lang yun sayo saka mamaya kung anong mangyari sayo. Wag ka nga makulit kusa naman daw yan babalik sa right time." Seryoso niyang sabi saakin.

"Ez!!!! Maawa ka naman saakin hahayaan mo nalang ba ako masaktan na walang dahilan, hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak para kay Seth kung bakit kumikirot tong puso ko habang nakikita siyang ganun saakin. Ez ang hirap hirap na....Gusto ko ng mawala to...."

Yumuko ako at mahigpit na tinikom ang mga kamao ko. Ayoko na sana maalala pa yung mga nangyayari saakin this past few days napapansin ko kasi kapag nasa paligid ko si Seth uneasy yung pakiramdam ko para bang di ako mapakali at may kirot tong puso ko.

"Promise me na hindi mo sasabihin kay Tita na sinabi ko to sayo ha? Sam gagawin ko to para hindi ka na masaktan pa, sana mag let go kana after this." Madiin niyang sabi saakin

"May ibang babae si Seth and that's Angel one of his friend actually friend mo din siya dati but mas close sila ni Seth. One day nag paalam ka kay tito and tita that you have a trip somewhere 5 daya yung trip niyo sa Mount Pinatubo, hindi ako naka sama that time kasi may outing ako that time with my family. Ang sabi mo saakin nakipag break sayo si Seth sa araw mismo ng Anniversary niyo. Sabi mo may iba na si Seth at hindi ka na niya mahal pinag palit ka na niya kay Angel ang sabi mo saakin ayaw ka na makita ni Seth kaya naman one year kang naging misearable, one year mong pinaniwala ang sarili mo na mahal ka parin ni Seth. Ilang beses ka namin sinabihan na mag move on but you never try dahil paulit ulit mong sinasabi na babalik si Seth sayo.

Napatakip nalang ako ng bibig so all this time ito pala yung tinatago ng utak ko saakin ito pala yung feelings pilit na kumakawala sa puso ko. Alam ko naman na something wrong to my heart. Hindi ko lubos akalain na ang tanga ko pala dati. Why Sam? Bakit pinipilit mo ang sarili mo sa isang tao na hindi ka na kayang mahalin ulit? Bakit pinag sisiksikan mo ang sarili mo sa taong may mahal ng iba? Pwede ba Sam kahit ngayun lang magising kana sa katotohan na hindi na siya babalik sayo. Na wala ng Seth sa tabi mo. Wag ka ng umasa babalik pa siya dahil ikakasal na siya. Sam engage na yung tao mag move on ka naman oh! You deserve better! Kawalan niya na yun kung iniwan ka niya you have to live your life happier than his! Hindi ka talo sa laban Sam.

Pangako hindi na ako mahuhulog sa taong minsan na akong niloko at pinag palit sa iba. Hindi na ako mag papakatanga ulit. Ayoko na masaktan. Sam wake up! Wala na si Seth it's been one year when he abandoned you! Hindi ka niya masisira ulit. Walang Seth ang mag papaiyak sayo ulit.

"Sam are you okay? Gusto mo mag pahinga muna?" Ez said

"No Ez I'm fine don't worry naiintindihan ko na. I make it sure matatapos din agad tong sakit na to. Ayoko na maging tanga at umasa sa wala." Sabi ko.

"That's the Sam that I know after she knew Seth, you had been strong dati nung wala pa si Seth sana mabalik mo yun kahit wala na siya ngayun sa buhay mo." Sabi niya na proud na proud saakin.

" I will try from now on Ez. Ayoko ng maging talunan palagi, ayoko ng mapag iwanan at mabaliwala sa isang sulok kailangan ko mag move forward para sa future ko." Determinadong sabi ko.

I suddenly realize na marami pala akong na left behind dahil kay Seth kakaisip ko sa nangyari saamin hindi ko nakita yung magagandang bagay na pwede kong gawin sa buhay, yung mga pangarap namin, na ngayun pangarap ko nalang kaya ko palang abutin yun kahit wala siya sa tabi ko.

Naputol lahat ng pag iisip ko nung nag vibrate ang cellphone ko unknown number siya. Kasi naman bago palang tong phone ko nasira kasi yung dati kong phone sabi nila Mommy nung na aksidente ako kaya binili nalang nila ako ng bago. Wala naman akong pinag bigyan ng number ko bukod kay Ez, sa parents ko at sa prof ko. Sinagot ko nalang at ng malaman ko kung sino yung tumawag ng hina ang tuhod ko at nanginig ang kamay ko. Walang lumalabas sa bibig ko. Alam ko na kung sino agad to isang hello pa lang niya alam ko kung kaninong boses yun.

Seth bakit? Kung kelan naman mag momove on ako saka ka naman eepal sa eksena kung kelan na realize ko na lahat, saka ka pa nag paramdam ng ganto. Matagal bago ako tumugon bago ulit siya nag salita.

"We need to talk about something Sam. I need you to be here right now, this is important. Can you do me a favor?" Seth said

Anong gagawin ko ayoko na ng ganto! Seth ano bang pinaplano mo.

End of this Chapter 6 Stay tuned!