Seth's Pov
"Okay papunta na ako" Sam said
Kinakabahan na ako wala akong ginawa kung hindi mag lakad sa harap nila Ate Serina at Angel. Hindi ko alam kung paano ako haharap sakanya after kong makipag hiwalay sakanya, anong sasabihin ko? Gulong gulo na ako.
"Can you stop it Seth, hindi naman makakatulong yang pag lakad mo." Ate Serina said
"Yeah....Seth just relax maiintindihan ka niya. Ngayun mag ayos kana at pumunta kana sa meeting place niyo." Angel said
"Sige thanks ate Serina and Angel sa pag tulong saakin." Naka ngiti kong sabi.
Sinadya ko talagang dun sa dating playground kami mag kita ngayun dun kasi kami madalas ni Sam dati kapag gusto namin mag relax, sa sobrang daming puno hindi na kailangan ng bubong para matakpan ang init ng araw. Dun ko din siya sinuprise nung birthday niya nag picnic lang kami dun. Gusto ko kasi maalala ko parin yun...kahit na---
Natigil ako nung makita ko si Sam papalapit na siya saakin, hindi ko lubos maisip na makakausap ko pa siya ulit ngayun. Mahal ko siya at kahit kelan hindi yun nag bago. I have reason kaya nangyari to lahat.
"Anong importanteng bagay ba yan at kailangan dito pa tayo mag kita?"
"Maupo ka muna Sam..." Sabi ko
"Oh tapos ano na nga bakit tayo nandito?"
"Ito juice at sandwich.....diba favorite mo to?"
Tinabig niya ang kamay ko sabay tingin saakin ng diretso sa mata, hindi ko alam kung galit ba siya or ayaw niya lang talaga ng mga binigay ko.
"Hindi ko favorite yan at isa pa ano ba kailangan mo saakin? Favor? For what? The last time I checked wala na tayo Seth." Gigil niya sabi saakin.
"Pwede bang huminahon ka paano ako mag papaliwanag kung ganyan tono ng boses mo." Mahinahon kong sabi
"Okay spill it marami pa akong gagawin." Inirapan pa ako.
"I want you to be my girlfriend again. I want you to be with me within 100 days." Seryoso kong sabi.
"Are you serious Seth! This is fucking insane! Pinag lalaruan mo ba ako, naki pag break ka saakin then you want me back again? This is bullshit." Sigaw niyang sabi saaki.
Tumayo siya at handa ng umalis sa harap ko ng pinigilan ko siya hinatak ko yung kamay niya paharap ulit saakin. I will not let you go again, this time Sam. Makinig ka saakin ngayun lang habang may oras pa.
"Please do me a favor Sam. It's for Nana gusto niya bago siya mamatay makita niya tayong masaya. For Nana please be with me again. Hindi niya ako bibigyan ng hati sa company ni Dad pag hindi daw kita binalikan. After nito Sam I will let you go."
"Who's Nana ba? Did you forgot na may Amnesia ako? Wala akong maalala okay!" Sabi niya
"Papaalala ko sayo Sam tutulungan kita ma-regain lahat ng memories mo. I promise na wala akong gagawin na ikagagalit mo."
"Hindi ko alam Seth kung paano ako mag titiwala ulit sayo." Sabi niya saakin ng seryoso ang mukha.
"Just please tulungan mo ko Sam. This is the last time na manghihingi ako ng favor sayo after nito hindi na ako mag papakita sayo." Determinado kong sabi
"Just this once Seth. After nito wag kana mag papakita saakin kahit kelan. Pag may ginawa kang kakaiba, hindi ako mag dadalawang isip na itigil to. Para to sa Nana mo hindi ito para sayo.One more thing don't make me regret this.
After nun tumalikod na siya at mabilis na nag lakad palayo saakin. Tinignan ko ang mga dala kong pagkain para sakanya hindi niya man lang tinikman or tinignan. Ang sakit pala ng mabaliwala lahat ng effort mo, pero wala nang sasakit sa lahat nung araw na iwan ko siyang mag isa. I'm sorry Sam pero ito nalang ang tanging paraan para makasama ka. Kailangan ko mag sinungaling para lang makita ko ulit ang mga ngiti mo. Sana mapatawad mo pa ako after nito.
End of Chapter 7 stay tuned!