Chereads / Angel of my Journey / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Excited na excited so Charisse sa bago niyang trabaho sa Bohol. Pangarap pa naman niyang makasakay ng barko at makapagtrabaho sa ibang lugar. Madalian pa. Akalain ba niyang bukas na agad!? Nagmamadali siyang mag-impake ng mga kakailanganing gamit at excited siya sa kanyang trip kinabukasan.

"Ate, maganda ba sa Bohol?" Tanong niya sa kapatid na so Ana na tumulong sa kanya. Tumigil into sa paglalagay ng damit niya sa bag.

"Siguro, di ba maraming tourists spots dun? May chocolate hills, Loboc river, tarsier at saka..." Napaisip ito..... "Ewan ko dun sa iba basta marami.Di pa ako nakakarating dun. Gusto ko kayang sumama sayo."

"Oo nga ate, mas maganda siguro kung tayong dalawa ang nandun di ba?"

"Bakit kaya isa lang ang kailangan nila dun?" Nagtatakang tanong nito.

"Ate naman, huwag ako ang tanungin mo di ko rin naman alam. Ni hindi ko Alan kung bakit ako ang kinuha nila eh."

"Oo nga ano? Bakit kaya sa dinami-dami ng pwede nilang kunin ikaw pa?" Sang-ayon nito na may pang-aasar.

"Kasi, ni-recommend ko yan." sagot ni Renante na kakapasok lang narinig ang usapan ng dalawa."Tinawagan kasi ako ni sir kung meron ba akong kilalang mapagkakatiwalaan, masipag at higit sa lahat matiisin daw....ung medyo...mabait". Diniinan nito ang salitang mabait.

Kuya mabait rin naman ako tsaka matiisin." Pagmamaktol ni Ana.

"Naku, humirit pa 'to. Hindi yun ang ibig kong sabihin. May trabaho ka na di ba?"

"Sige na nga lang. Sana napaaga yang trip to Bohol na yan para naman makapag-resign ako." Pagmamaktol pa rin nito.

"Aba, ang ganda na ng trabaho mo dito iiwan mo pa. Hindi mo pa nga alam kung anong mangyayari sa'yo dun."

"Huwag ka namang ganyan kuya, kinakabahan ako sa'yo eh. At saka pabayaan mo na nga lang si ate gusto din kasi niyang makapunta sa ibang lugar." Awat ni Charisse sa dalawa.

"Tigilan nyo na yan at alam kong sa away papunta yan.Pag wala na ako dito baka magsuntukan kayo ha. Di na talaga ako uuwi dito." Banta niya sa dalawa.

"Naku nagbabanta pa." Tumawa ang kuya niya. "Sige na, hindi na. Ingat ka dun, mamimiss kita baby." Niyakap siya nito.

Nagkatawanan sila. "Kuya talaga. Mamimiss ko rin kayo, huwag niyong pababayaan sins nanay at tatay ha?" Umiiyak na siya. Unang pagkakataon kasi na malayo siya sa pamilya.

"Siyempre, pwede ba naman yun? Don't worry ako mag-aalga sa kanila." Nakangiti pero tumutulo ang kuha ni Ana na nakiyakap na rin.

"Uy ang sweet naman ng mga anak ko pwedeng sumali." Ani ng nanay nila na kakapasok lang din. Nakiyakap na rin sa kanila ang ina. "Tay halika nga rito ang tagal tagal mo eh." Tawag niya sa asawa.

"Dumating na pala si Italy, nay?" Tanong ni Ana na kumawala at lumabas para salubunhin ang ama.

"Kararating lang nyan anak."

"Magandang gabi sa inyong lahat." Kumanta pa ito at sumayaw. Natawa sila siyempre at nagmano sa ama.

"Aalis ka pala bukas." Bungad nito Kay Charisse.

"Opo, emergency daw kasi. Ay emergency po ba yun kuya?" Lumingon siya sa kuya niya bigla siyang nag-alangan sa sinabi. Tumawa ito.

"Urgent lang." Pagtatama into.

"Sige basta mag-ingat ka dun medyo malayo-layo din yun kaya huwag mong kalilimutang tumawag palagi.

" Opo. Promise. Pero tay ang lapit lang ng Bohol eh. Huwag namang OA."

"Para sa'yo malapit lang pero para sa amin hindi. Sige na matulog ka na ng maaga para may lakas ka bukas malayo pa ang biyahe mo at maaga ka pang aalis. Ako na ang magtatapos nitong ginagawa mo."

"Ows, ang bait talaga ng nanay ko! Salamat po. Goodnight!" Yumakap siya sa ina.

"Sige goodnight. Matulog ka na keysa mambola ka."

"May halong katotohanan yun nay." Sagot pa niya.

"Naku humirit pa talaga. Matulog ka na." Sagot naman ng tatay niya.

Natawa na lang siya at naghanda na para matulog.