Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

An Extraordinary girl

Erikame
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.6k
Views
Synopsis
Faira Vienne Mendoza isang kakaibang nilalang na super weird. ang babaeng may kakaibang kakayahan, at kagandahan na sa umpisa ay di mo masusumpungan. sa paglipas ng panahon unti-unting magbabago, magiiba ang pangyayari. maraming matutuklasang kakaiba, ngunit isang tanong ang sakanya talagang magpapasaya sa kanya kung mabibigyan ng kasagutan. Magiging maayos pa kaya ang lahat? maging tahimik at mapayapa? kaya ko bang gawing malaya ang kakaibang mundo na akala ko ay hindi nag e-exist? tayo pa kaya until the end?
VIEW MORE

Chapter 1 - Pangit na simula

Kakaiba, hindi kanais-nais, walang sense, inaayawan at pinandidirihan. Simula palang mula ng ako mag-kamuwang at isip sa mundong ito wala ng may gusto saakin. Kakaiba ako dahil pinanganak akong PANGIT at pinandidirihan di ako ng ibang mga tao dahil sa itsura ng balat kong animoy parang sa uod.

Wala akong pamilyang matatawag pagkat wala naman akong kinagisnang magulang, lumaki akong mag-isa sa buhay.

Paano nga ba ako nabuhay? sabi ni Mother earth ang taong nakapulot sakin somewhere down the road. Bigla nalang daw akong lumitaw, Booooom! psssshhhsss! pak! heto na ako.

Hindi ako nagbibiro dahil ganun daw ang nangyari akala ko nga nagbibiro si Mother earth pero seryoso talaga sya....

Tanong ko nga sa sarili ko niluwal ba ako ng nanay ko? kasi parang hindi, tutal muka naman akong uod siguro itlog ako dati tapos nung nandtan na si Mother earth bigla akong nahulog somewhere tapis booom! nabitak ang itlog at hello to earth na ako.

Si mother earth ang kinilakhan kong kasama, sita ng kumupkop sakin kasi sabihin ko pang muka akong uod eh tinanggap naman nya ako.

Yun nga lang konti lang ang taong tanggap ako kasi karamihan ay nandididri sakin, grabe nga eh super judgemental nila di rin naman maganda.

Namulat ako sa mundo ng perya, alam nyo naman yun diba? pinagkakatuwaan ako ng mga tao at pinagkakakitaan. Dito sa perya si Mother earth ay isang manghuhula, kaya naman no choice ako pang perya lang kasi beauty ko kung meron ba ako non.

Gabi gabi ay nag tatanghal ako sa harap ng mga tao, nakasuot ako ng pang uod tapos kung ano anong ginagawa ko para maimpress ang mga nanunuod.

Ako nga pala si Faira Vienne Mendoza, labing pitong taong gulang na mula ng nagpisa ako.... remember nagmula ako sa itlog.

Matagal ko ng tanggap na ganito na ako pero nag bago yun ng nakilala ay este nakita ko ang prince charming ko, pinapanuod nya ako non kayalang hindi ko sya naimpress. May kasama din sya nun.. siguro kaibigan nya ito, simula nun lagi akong umaasa na makikita ko sya kayalang sa kamalas-malasan eh hindi na bumalik.(natakot sya!!!! ) Namimiss ko na nga ang prinsepe ko eh!! ang gwapo nya, tapos matcho, artitstahin ang dating, mukang mayaman pa at ang poging ngumiti yaaaaaaaay! kenekeleg ako.(pangit ka naman!) chee! porke pangit ako wala ba akong karapatan kiligin! dun may damdamin din ako, nasasaktan, nasusugatan, at nahihirapan.

O giliw aking konsensya bukod kang pinagpala wala sayo lahat pero bukod kang mapanghusga,baka nalilimutan mo pangit ka din kasi ako pangit so kambal tayo kaya pangit ka din.(chee!) haaaay! nababaliw na ako bagay talaga ako sa perya.

So ayun nanga diba tanggap ko na pero nagbago yun nung nakita ko sya, halos isigaw ko na ngang I HATE MY SELF!!!!!!

Pero may nagbabago sakin, may kakaiba akong nararamdaman, medyo nababawasan na yung pag ka green ng balat ko at kulubot ng mukha ko.

Ewan ang weird nga Ehhh! nakakarinig din akong ng nagsasalita sa isip ko... pero narealize ko na weird ako kaya normal lang yun.

Nagsisikap din akong makapag-aral kahit nung una suko na ako dahil talagang tiba-tiba ako sa atensyon ng tao..... sa pananakit at pangi-insulto nila.

kinaya ko at kakayanin ko pa para sa ikauunlad ko lang hindi ng bayan at Pilipinas.

Aba eh kun mag-isa ko lang Nagsisikap eh di talagang walang pagunlad.

May bago pa akong nadiskobre sa sarili ko(O ha!!!! adventurous ang pagka-tao,there so much more to discover ang peg!!!!).Minsan kasi sa sobrang inis ko napadpad ako dito sa gubat likod lang kasi ito ng perya,kaweirduhan lang naman ang naisip ko kaya sabi ko dun sa puno na sumayaw sya ng Nae Nae

🎶watchi ne whep watchi me Nae Nae🎶 Kanta nung puno sabay sayaw.

Sobra akong kinabahan don kaya naman kumaripas ako ng takbo, ang weird kasi nung puno (natatawa ako!!!! hahhahahahahha!)

Dumaan pa ang ilang araw at buwan unti-unti ay tanggap ko ng Kakaiba ako, maraming nagbago at nangyayari sa bawat araw pero sabi nga nila anu man yan ay Life must go on lang tayo.

Sobrang pangit ng simula ng buhay ko, isipin ko palang na mula ako sa itlog ang hirap ng tanggapin buti sana kung sisiw para chiks pero hindi eh uod ang kinalabasan. Lumaki sa perya nagpapa-kitang gilas pero pinagkakatuwaan lang, madami akong na discover sa aking sarili lalo na ito... *kahit pala talaga pangit ka kikiligin ka parin pag nakita mo crush mo*

Life is not perfect wag ka patawa hindi porke walang violence sa simula ng kwento ko eh hindi na ako nahihirapan, sabi nga nila hindi lahat ng masaya ay masaya talaga, hindi lahat ng tumatawa ay walang problema kasi minsan sila pa ang may mabigat na problema.

ayaw ko lang kasi na pangit na nga itsura ko eh kinakawawa pa ng bongga ang simula ng kwento ko. Ayaw kong kaawaan nyo ko no, kawawa nanga ako kasi pangit ako tapos kakaawaan pa no way!.

PANGIT man ang itsura ko sa simula I'll make sure dyosa na ako sa ending nito.

Mahirap man ako sa simula nako mahaba pa kwento kaya di ko alam ang mangyayari.

To my Prince Charming AKIN KA LANG(wala bang kokontra.)

Sa kwento ng buhay ko hindi ko sure ang mangyayari pero isa lang ang pangako ko.

GAGANDA AKO!!!!