Sabi nga nila matapos ang happiness may kalbaryong dadating. Hindi ako naniniwala sa kasabihan na yan pero ng mangyari sakin ay dun na ako napabilib.
bakit nga ba? ako nagse-senti ngayon?
well matapos kasi yung graduation edi bakasyon na at ibig sabihin mas kelangan ko pang mag focus sa pagiging nakakadiring entertainer.
At heto nga ako ngayon nag e-ensayo para mamaya, ang hirap ng ginagawa ko pero ok lang For the future!!! naman ito eh. huhuhu mabuti pa yung iba they can skip from the stress.
Nandito nanaman ako sa apat na sulok ng lugar na ito, animoy isa akong hayop na nakakulong habang nagtatanghal upang aliwin ang mga tao.
samu't saring panlalait at pang iinsulto, pero okay lang sanayan lang iyan hehehehe.
Mahirap ang ginagawa ko dahil kelangan kong magpa-impress ng bongga sa madla kaya naman imbis na mag-drama every show ini-enjoy ko nalang.
While performing never kong inisip na muling makikita ko sya, hindi ako nahihiya kung ano ang ginagawa ko ngayon.
Nanliliit lang ako sa sarili ko dahil ang PANGIT ko, at malabong magustuhan nya ako.
bakit ba ganito si pag-ibig maling tao ang binibigay sakin, alam nya naman na langit sya lupa ako, gwapo sya pangit ako at higit sa lahat inire sya na tao lumabas at ako ewan kung nahirapan ba ang nanay kong mangitlog...
Madaling natapos ang show at ako naman ay nagmadaling umalis, nakayuko ako habang mabilis na naglalakad ng may mabangga akong pader.
Ay ang tanga ko talaga di kasi ako tumitingin sa dinadaanan eh yan tuloy ang napapala.
Napa-upo kasi ako sa sobrang lakas ng impact ng pagkakatama ko, dagli akong nagtaas ng tingin upang singhalan yung pader pero nabitin sa ere ang dapat ko isatinig. Hindi pala pader kundi tai ang nabangga ko at sa kamalasan ko ay sya pa talaga!
It's Him!!!! not a pader!
"sorry"
nakatungo kong sinabi at bagopa sta magsalita agad na akong lumayo sa kanya.
tsk! nakakahiya kaya