Cypher's POV
Paulit-ulit akong nagsusulat ng kung ano-ano sa aking notebook habang nakaupo sa upuan na katapat ng aking study table. Tsk. I'm bored. Binitawan ko ang ballpen na aking hawak saka ko nilibot ng tingin ang buo kong apartment.
What should I do to kill my boredom?
" Tao po! Tao po! "
Napakunot ako ng noo at napatayo sa aking kinauupuan ng makarinig ako ng boses mula sa labas. Lumabas ako patungo sa sala at pumunta sa pintuan ng aking apartment. I grabbed the door knob before I open the door. Bumungad sa akin si Badong na nakapamaywang habang nakataas ang isang kilay.
" What is it, Badong? " Tanong ko sa kanya na kanyang ikinangiwi.
" Hoy bakla! Belly ang itawag mo sa akin hindi Badong! " Maarte niyang wika habang nanglalantik pa ang dalawang kamay. Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang inasal. Tss. This gay.
" Anong kailangan mo? " Diretso kong tanong sa kanya.
Minsan lang dumalaw si Badong dito sa apartment ko kung saan ay siya ang nagmamay-ari. Well I'm thankful that he offered this apartment to me which is mura lang ang renta. Napansin ko ang bahagya niyang pag-ngisi sa akin na ikinailing ko nalang. Mukhang alam ko na kung anong kailangan nito. Hindi nga ako nagkamali dahil kaagad niyang ibinigay sa akin ang isang listahan kung saan nakalagay ang mga kailangan niya.
" Dahil sa mabilis at magaling kang pumili ng mga products na kailangan ko para sa aking mini restaurant, ikaw na ang inaatasan kong mamili niyan. I won't accept no today bakla! " Wika niya.
Matapos nun ay umalis agad siya sa aking harapan saka nagtungo sa kanyang bahay na tinutuluyan. Napatingin nalang ako sa listahan na kanyang ibinigay, kung hindi lang yun mabait hindi ko susundin ang gusto niya. Tss. I closed the door and walked upstairs to go to my room. Naligo muna ako saka nagbihis.
Napatingin ako sa suot kong jeans at simpleng white printed t-shirt habang nakaharap sa salamin. Inayos ko ang suot kong eyeglasses bago ako nagsuklay ng buhok. Kinuha ko ang aking black hooded jacket, pagkatapos ay bumaba na din ako at nagtungo na sa pamilihan.
--
Nasa isa akong department store habang namimili. Since Friday ngayon ay maraming tao ang nandito para mamili. Damn. How I hate crowds.
Bandang alas-syete na ng gabi ng matapos ako sa pamimili. Medyo natagalan ako dahil madaming produkto ang nakalista. Dahil sa bigla akong nakaramdam ng gutom ay naisip kong kumain muna bago umuwi. Eksakto namang malapit lang ako sa isang fast food chain kung saan ilang kilometro lamang ang layo.
Nagsimula na akong maglakad ng bigla akong makaramdam na parang may sumusunod sa akin na kung sino. Hindi ko iyon pinansin dahil pinakiramdaman ko lang. Hanggang sa makarating ako sa isang fast food ay nararamdaman ko pa din ang presensya ng taong sumusunod sa akin. Damn. Is someone spying me?
I was about to open the glass door of the fast food pero nagulat ako ng biglang may bumangga sa akin na batang lalaki. Dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagkakabangga ay napaupo ito sa sahig, napamura nalang ako ng makita kong dumudugo ang kanan nitong tuhod. Shit! Is it my fault? Yumuko ako ng bahagya saka ko tinulungang tumayo yung batang lalaki, pansin ko ang pag-iyak nito at ang takot sa kanyang mga mata.
" Hey boy, are you okay? " Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso nitong nanginginig sa takot.
Naisipan kong dalhin ito sa isang bench kung saan wala masyadong mga tao.
" K-Kuya... K-kuya... " Panay ang sambit niya sa salitang iyon, kaya naman hindi ko mapigilang magtanong.
" Are you lost? " Tanong ko sa kanya saka siya tumango ng tumango. Damn. This kid is so cute.
Kung sino man ang kapatid nito ay wala syang kwenta dahil pinabayaan niya ang kanyang nakababatang kapatid sa kung saan. Napansin kong dinadaing niya ang sugat sa kanyang tuhod kaya naman naisip kong pumunta sa isang malapit na store upang makabili ng panggamot sa sugat. Pero bigla din akong napatigil ng may marinig akong sumigaw na lalaki.
" Ibigay mo sa amin ang bata! "
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. I saw ten men wearing black, malalaki din ang mga muscle ng mga ito na halos maglabasan na ang mga litid sa katawan, idagdag pa na punong-puno ng tattoo ang kanilang mga katawan.
Goons.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit sa akin nung bata sa may laylayan ng aking damit.
" Ate, please wag mo akong ibigay sa kanila... " Narinig ko ang winika ng bata.
" Sinabi ng amin na ang bata kung ayaw mong masaktan! " Muling sigaw nung sa tingin ko ay tumatayong pinuno sa kanila.
I stared at them blankly. The truth is wala naman akong pakialam sa bata dahil hindi ko naman ito kaano-ano. But seeing this ten men that want this kid makes me wanna break their bone. Oh please! I don't wanna cause trouble.
" You mean this kid? Sorry, but this kid is my property. " Malamig pa sa yelo na wika ko sa kanila. Kita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ng bawat isa.
" Wag kang mag-english! Puta! Sugurin yang babaeng yan ng maturuan ng leksyon! " Sigaw ng kanilang pinuno.
Dahil sa medyo maliwanag ang lugar na ito ay hindi nila kami basta basta pwedeng sugudin dahil may iilang tao sa paligid.
" Hey boy, sakay ka sa likod ko. " I whispered to the kid na kaagad naman nitong sinunod. Sumakay ito sa aking likod at pagkaayos ng aking tayo ay kaagad na kaming tumakbo sa lugar na walang tao.
" Tumatakbo yung babae! Habulin nyo! "
Kaagad kong ibinaba yung bata ng makakita ako ng isang malaking puno na maaaring pagtaguan. Ramdam ko ang sampung presensya na papalapit na sa aming direksyon na sa tingin ko ay ilang kilometro na lamang ang layo. Inakay ko yung bata patungo sa malaking puno saka ko ito iniupo.
" Listen. Stay here okay? I take care of those guys. Just be quiet. " Bulong sa kanya, kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking Jeans at ginamit ko para punasan ang mga luha sa pisngi ng bata.
" This, take care of this okay? " Wika ko sa kanya bago inilapag ang mga ipinamili ko kanina.
" A-ate... P-please be safe... " Umiiyak na wika niya. I gave him an assuring smile dahil baka pag tiningnan ko ito ng masama ay lalo lang maiyak.
Lumabas ako sa may puno, eksakto namang dumating na yung mga lalaking humahabol sa amin kanina.
" Hoy babae! Saan mo dinala ang bata!? " Nanggagalaiting sigaw nung pinuno yata nila. Napangisi na lamang ako.
" Not that important. " I grinned.
" Aba't! Sugurin nyo yan! "
Tatlong lalaki kaagad ang sumugod sa iba't ibang direksyon patungo sa akin. Balak sana akong sipain sa ulo nung isang lalaki pero mabilis ko lang itong nailagan, nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay nahawakan ko ang binti nito saka ito pwersang hinila patihaya. I punched hard the other one on the face na dahilan ng pagkawala nito ng malay. Tss. So stupid. Ganon ba talaga makipaglaban ang mga goons? Dinadaan sa laki ng katawan? Tsk. That's so old.
Pinatid ko ang isang lalaki sa kanan nitong paa dahilan ng pagbagsak nito, mabilis naman akong nakatalon ng biglang may tumangka na hawakan ako sa paa, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kaagad na tinuhod sa dibdib ang pangahas na iyon. Naramdaman kong may biglang tumiik sa akin mula sa likod, kaya naman kaagad kong pinilipit ang braso nito na naging dahilan ng isang malakas na palahaw. Hindi pa ako nakuntento at tinadyakan ko pa ito ng malakas sa likod.
Isang baseball bat ang naramdaman kong ihahampas sana sa aking likod, pero mabilis akong nakaikot paharap dun at mabilis ding nasangga. Nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki na dahilan para mapangisi ako lalo. I kicked him hard in his stomach dahilan ng pagluwag ng kanyang pagkakawak sa baseball bat.
Ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang makuha ang baseball bat at ihampas sa kanyang ulo. Ginamit ko naman ang dulo ng baseball bat sa isa pang papasugod na lalaki at pinatamaan ito sa tuhod dahilan para ito ay mapaluhod, muli ko uli itong hinampas sa ulo bago lumandas ang masagana nitong dugo galing sa ulong pumutok.
Napangisi ako ng mapansing siyam na ang aking napapabagsak at isa nalang ang natitira. Their leader. Kita ko ang takot na naglandas sa mata nito habang nanginginig ang buong katawan. Oh come on, big deal ba yung ginawa ko sa mga tauhan niya?
" Are you just gonna stand there? " Pang-aasar ko sa kanya.
Isang minuto din siyang ganon hanggang sa humakbang ako ng isang hakbang. Napailing nalang ako ng bigla nalang itong sumigaw at kumaripas ng takbo. Tss. Afraid of me? Mukha bang nakakatakot yung itsura ko?
Pinagpag ko ang dalawa kong kamay na parang walang nangyari. I checked the time in my wrist watch. 7:30 pm.
" Ate! " Napalingon ako sa may puno at nakita kong papalapit na sa pwesto ko yung bata. Kumunot ang noo ko ng makita kong nakangiti ito at mukhang masaya.
" You're too awesome ate! Ang galing mo po makipaglaban! " Masaya niyang wika habang tumatalon-talon pa.
" Ah... Pinanuod mo ako? " Hindi ko makapaniwalang tanong.
I mean, he should be afraid of me because of what he just saw. Pero mukhang baliktad ata. Something different with this kid, pakiramdam ko kakaiba ang batang ito.
" Yes ate! And you were too awesome! " Masaya niyang wika. Napamaang nalang ako ng bibig dahil sa inasal ng batang ito.
Bigla kong naalala yung mga pinamili ko na naiwan sa may likod ng malaking puno. Gabi na din and I need to go home. Hindi ako pwedeng magtagal dahil baka kung ano-ano ng iniisip nung Badong na yun kung ano ng nangyari sa akin. Masyado pa naman yung OA.
" Dito kalang. Kunin ko lang yung mga pinamili ko, then after this... " Biglang pumasok sa isip ko na nawawala nga pala ang bata na 'to dahil pinabayaan ng kanyang nakatatandang kapatid.
" We will search for your brother. " Nagtatalon ito sa tuwa habang pumapalakpak pa.
Bumalik ako sa may puno para kunin yung mga pinamili ko kanina. Inayos ko yung pagkakalagay nung iba sa lalagyan dahil medyo nagulo ito. Balak ko na sanang lumabas mula sa likod ng puno pero napahinto ako ng may mapansin akong isang itim na van at tumigil ito malapit sa kinatatayuan nung bata. Bumukas ang dalawang pintuan sa driver seat at passenger seat at lumabas ang dalawang lalaki.
" Shit Neil! Anong nangyari sayo? "
" Kuya! "
Biglang lumapit yung isang lalaki dun sa bata, kung ganon ang lalaking yun ang kapatid nung bata. Yung isang lalaki naman ay nakatayo lang sa isang tabi habang nakahalukipkip. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nilang dalawa dahil medyo madilim. I can't hear them, dahil medyo malayo itong puno na kinatatayuan ko. Nanlaki yung mata ko ng mapansin ko ang pagturo nung bata dito sa puno kung nasaan ako. Pansin ko ang paglingon nung dalawang lalaki sa aking gawi kaya agad akong nagtago sa puno.
Mga ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pag-andar ng sasakyan, mukhang umalis na sila and I'm right. Napabuntong hininga nalang ako. Buti nalang talaga hindi nila ako nakita. I don't know but there's a part of me na dapat hindi ako magpakita sa kanila and that's very... Something.
--
Bandang alas otso na ng makarating ako sa village namin. Dumiretso nalang ako sa restau ni Badong para ihatid ang aking mga ipinamili. Hindi na ako magtataka kung pagpasok ko dun ay maraming costumers. As usual, masarap kumain sa restau ni Badong.
Mata agad ng mga tao ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob, pero hindi ko nalang iyon pinansin. Dumiretso ako sa kitchen at doon ko nakita si Badong na busy sa paga-assest ng kanyang mga empleyado.
" Hey. "
" Ay kabayo! "
Napapitlag si Badong ng kalabitin ko siya sa may likod. Itinaas ko ang aking kamay kung saan may hawak na ilang mga eco bags na naglalaman ng mga pinamili ko kanina. Nakita naman niya iyon kaya naman dali-dali niya itong kinuha.
" Ano ka ba naman Cypher! Ginulat mo ako dun ah. Oh my god! " He said before he rolled his eyes.
" Sorry. " Hingi ko ng tawad. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay. I just looked at him coldly. Napapikit naman siya ng mariin dahil dun.
" Grabe! Nakakatakot ka talagang titigan! Para kang mangangain ng tao. " Wika niya habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.
" I know, don't need to remind me about that. So... I need to go. " Paalam ko sa kanya.
He just nodded to me before he thanked me, umalis na din ako pagkatapos. Naisip kong umuwi na muna sa aking apartment. Sinuot ko ang aking hooded jacket habang naglalakad ako patungo sa aking apartment. Hindi matao ang lugar na dinadaan ko kaya naman tahimik ang buong paligid. Alam kong dilikado para sa isang babae ang maglakad ng mag isa lalo na kapag gabi, but not me. I'm used to it though.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakalagay ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking jacket. When I suddenly heard a gunshot.