Cypher's POV
Nilibot ko ang aking buong paningin sa paligid but I just saw nothing. I'm about to continue to walk when suddenly someone grabbed my wrist at namalayan ko nalang na nakasandal na ako sa isang pader sa loob ng isang madilim na iskinita habang may dalawang mga bisig na nakaharang sa tigkabila kong gilid. The hell with this man!
" The hell with-- " I was about to shout when he suddenly covered my mouth using his hand.
" Shh. " Hindi na ako gumalaw at naglikot ng makarinig ako ng mga mabibilis na yabag.
Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakikita ko ang labas ng iskita, may mga nakita akong lalaking nakaitim na tumatakbo at parang may hinahabol. Seems that, this strangers in front of me is the one who they've been searching for. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko, I can only see his half face, dahil masyadong madilim dito at tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ng iskinita ang nagbibigay liwanag sa aming pwesto.
Marahas kong inalis ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig, pero nanlaki nalang ang mata ko ng marinig ko itong magsalita.
" You smelled nice. " Kita ko ang pag-ngisi nito mula sa repleksyon ng ilaw.
" Damn you! " I shouted before I punched his face when I realized that his getting closer to me.
"Fuck! What was that for woman!? " I heard him cursed but I really don't care.
" For pestering me. You jerk. " I coldly said bago ako umalis sa kanyang harapan at lumabas ng iskita.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa. His voice was so manly. Okay. Why am I suddenly complementing a stranger? Maybe he's crazy. Tsk. Kahit naiingganyo akong makita ang itsura niya ay hindi na ako nag-abala pa. It's just a waste of time at isa pa I don't talk to strangers in a nice way, well except to that kid that I'd encountered just this evening.
Bahagya ko munang inalis ang suot kong eyeglasses dahil medyo lumabo ito. Pinunasan ko ito at nung balak ko ng isuot ay bigla ko nalang itong nabitawan. Tsk. What's wrong with my hand. Lumuhod ako gamit ang isa kong tuhod saka ko ito pinulot, naramdaman kong may nakatingin sa aking gawi kaya naman napalingon ako sa paligid. Naningkit ang dalawa kong mata ng makita kong biglang lumihis ng tingin yung lalaking nasa may iskinita at bigla nalang nawala.
That guy... Sana hindi na muling mag-krus pa ang landas namin. I still didn't see his face though.
Napailing-iling nalang ako bago nagpatuloy sa paglalakad pa-uwi. Hindi mawala sa isip ko yung mga taong naka-itim na humahabol sa lalaking yun. Maybe he's somewhat a trouble maker, o baka naman may ninakaw na kung ano kaya hinahabol siya ng mga lalaking yun o baka naman... May mas malalim pa na dahilan. Tsk. Yeah right. The hell I care with that stranger.
Nang makarating na ako sa aking apartment ay kaagad akong nagtungo sa kwarto at pabalyang nahiga sa kama. Urgh! I badly wanted to sleep. Ano bang pwede kong gawin bukas? Tinatamad naman akong lumabas dahil wala naman akong gagawin. Tsk. Bahala na.
--
Nagising ako sa malakas na katok ng pintuan sa labas ng aking apartment. I checked my phone and it's already 7 AM in the morning. Bumangon na ako at hindi na nag-abalang mag-ayos pa ng aking itsura.
Nakakunot noo kong binuksan ang pintuan ng aking apartment at bumungad sa akin si Denise, ang maingay na pinsan ni Badong.
" Good Morning Cypher! " Masayang bati niya sa akin.
" What do you want? " Inaantok na tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot sa tanong ko at walang pasabi na pumasok sa loob ng aking apartment. Pansin ko ang isang folder na dala niya, humila siya ng upuan saka umupo katapat ng lamesa dito sa sala.
" Guess what? " Nakangiting tanong niya.
" What? " Walang gana kong tanong.
" Mage-enroll na ako sa Adamson University! " Hyper niyang wika bago niya ipinakita sa akin ang laman ng hawak niyang folder.
" Then? " She just rolled her eyes na parang hindi siya makapaniwala sa naging reaksyon ko.
" My God, Cypher! Syempre masaya ako. Biruin mo, makakapasok na ako sa isang sikat na paaralan! Oh my god! Support me please! " Napailing-iling nalang ako sa mga sinabi niya.
" So? " Walang gana kong wika. Ano naman kung makakapasok siya sa Adamson University? Is that a big deal? Napairap nalang siya sa akin.
" So So ka dyan. Syempre... " Para akong nakaramdan ng kakaiba ng makita ko siyang ngumisi sa akin. Wag niyang sabihing may binabalak siya na hindi ko alam.
" What are you trying to do? " Tanong ko.
" Isasama kita sa pag-enroll! Kaya same tayo ng University na papasukan! " Nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi niya.
" Wait—what?! No. I won't go to school. " Matigas kong wika na ikina-ikot lang ng kanyang mata.
" I won't accept no Cypher. Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo at saka bakit ba ayaw mo? Third year college kana ngayong taon, sayang naman yung kursong pinag-aralan mo. " Wika niya. She has a point but I don't care. Ano namang gagawin ko sa University na yun? Mag-aaral? Tsk. Baka mabangasan meron pa.
" Whatever you say, ayoko. " Matigas kong sabi. Napanguso naman siya at maya-maya ay napangiti na din ng malapad.
" Ok. Sabi mo eh. Hihi. " Wika niya bago siya tumayo at lumabas sa aking apartment. Mabuti nalang at hindi niya ako pinilit.
Pero bago siya umalis ay humarap muna siya sa akin habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
" Naalala mo pa, sa amin mo pinatago yung mga requirements mo sa dati mong school? " Tumango lang ako sa kanya.
Napansin ko ang bahagya niyang pag-ngisi, more like a grin. Sigurado na ako, may ginawa na naman ito na hindi naa-ayon sa gusto ko. At hindi nga ako nagkamali ng muli siyang nagsalita.
" Actually na-enroll na talaga kita sa Adamson! Kaya never say no na ah. Nagulat nga ako kasi madali lang palang makapasok dun, wala naman kasi silang entrance exam. Basta kailangan lang magbayad ng Registration fee na worth of 20K. Grabe, sobrang mahal diba? Paano pa kaya kapag nag-tuition na? Well I'm thankful kasi scholar naman ako. " Nakangiti niyang wika. Hindi rin talaga siya madaldal.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan niya. Mukhang wala na akong magagawa. Hindi ko lang inaasahan na ginawa niya yun, hindi naman ako nagulat sa ginawa niya dahil ayos lang naman sa akin. It's just that I'm too lazy to study. Marami din akong mga bagay na inaasikaso.
" Nga pala, Cypher. Pwede bang samahan mo ako mamaya? " Request niya.
" Sa'n? " Tanong ko.
" Mall. Remember, sa isang araw na ang pasukan. So, kailangan na natin ng mga gamit pang-school. Don't worry, my treat. " Wika niya bago siya tumalikod at umalis.
I took a deep sigh before I go to my kitchen and cooked something for my breakfast. Urhg! I'm starving.
Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto. Dahil sa wala naman akong magawa ay kinuha ko nalang ang aking laptop. Pero bago pa ako makapagbukas ng internet ay kaagad na tumunog ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang caller. Amethysts.
" What do you want? " Tanong ko ng masagot ko ang tawag.
" Wow. Hindi na talaga ako mage-expect na babati ka man lang ng hi or hello. Anyway, kamusta? " Halos mapaikot nalang ako ng mga mata sa tanong niya.
" Cut that crap. Anong kailangan mo? " Tanong kong muli. Narinig ko ang pagak na pagtawa niya sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.
" Rehas street. 102. 9pm. " Wika niya. Napaisip naman ako saglit. Mukhang may binabalak sila. Para saan naman kaya?
" Shoot. "
--
6 PM. Nasa mall kami ngayon ni Denise. Kanina pa kami dito simula 4 PM at hanggang ngayon ay nandito pa din kami, pauli-uli. Bibilhin niya yung mga gamit na nagugustuhan niya at tatanungin naman ako kung ano ang gusto ko. Sinabi kong siya na ang bahalang mamili ng mga kakailanganin sa school, not that I'm not interested to study.
Alam ko naman na para sa kanila ang pag-aaral ay isang susi para sa maganda nilang kinabukasan. But for a person like me? I don't think meron pang magandang kinabukasan na naghihintay sa akin.
" Done na! Cypher, kain muna tayo. Nagugutom na ako eh. " Tumango lang ako sa kanya bago kami pumunta sa isang fast food.
Mga bandang 7 PM ay umuwi na din kami. At dahil sa nasa sampung paper bags yata ang mga dala niya ay ako na ang nagdala nung lima. Nakakahiya naman kung nilibre niya na nga ako tapos siya pa ang magbibitbit lahat. How nice of me.
Pagkarating ko sa apartment ay nilagay ko muna sa isang tabi ang mga paper bags na dala ko. I checked the time. Maaga pa para umalis ako at pumunta sa sinasabing lugar ni Amethyst. Ngayon palang hindi ko na maiwasang mapaisip kung para saan at pinatawag niya ako.
Bandang alas-otso y medya ay nagbihis na ako. I removed my eyeglasses at nagsuot lang ako ng isang black leather na jacket with black fitted ripped jeans. Sinuot ko din ang rubber shoes kong itim. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking study table bago lumabas ng apartment. Hindi pa masyadong malalim ang gabi kaya naman may mga tao pa akong nakikita sa labas.
Pumunta ako sa may garahe upang kunin ang aking motor. It's been a week sinced I've last drove this. Nakaka-miss din pala. Sumakay ako at kaagad itong pinaandar papunta sa lugar na iyon. 4 Kilometers bago ako makarating. Bumungad sa akin ang madilim na kalsada pagkarating ko sa lugar na iyon at tanging ilaw lamang sa poste ang nagsisilbing liwanag.
Inihinto ko ang aking motor ng mapansin ko ang ilang mga kotse na nakaparada sa isang abandonadong gusali. So, they are already here. Mukhang imbitado din ang iba pa.
Nagsimula akong maglakad papasok sa gusali. Mula dito ay natatanaw ko ang ilang mga kalalakihan at kababaihan, pawang nag-aantay sa aking pagdating.
" Kompleto na tayo. Nandito na siya. " Rinig kong wika ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. Seike.
" Yow! What's up Cypher? " Nakipag-fist bump ako sa kanya saka ako tumango.
" Where's Amethyst? " I asked.
" Paparating na siya. " Wika ng iba naming kasama. Napalingon kami sa aming likuran ng makarinig ako ng yabag ng isang takong.
A woman wearing a red dress above her knee and a black leather jacket covering her shoulder. Kita sa repleksyon ng ilaw na nagmumula sa isang poste ang usok mula sa hinihithit nitong sigarilyo. Walang pinagbago. She's still the Amethyst that I knew.
" Is everything under my position complete? " She asked.
" Oo naman. Walang labis, walang kulang. " Wika ng isang kasamahan naming lalaki. Hindi pamilyar ang itsura nung iba, kaya malamang sila ang bagong salta.
" Good. Now, we should start. Follow me. "
Sumunod kami kay Amethyst hanggang sa makarating kami sa isang malinis na silid. The paints on the wall are naturally white dahil kitang kita ito sa pagbukas palang ng switch ng ilaw. Nakakamangha parin hanggang ngayon dahil may ganito pang silid na natitira sa abandonadong lugar na ito.
" Please take a seat. " Umupo kami sa mga upuang nakapalibot sa isang mahabang lamesa. Kung bibilangin kung ilan kami sa silid na ito ay masasabi kong higit kami sa sampu. Katabi ko sa aking kanan si Seike habang si Amethyst ay sa mismong dulo ng lamesa nakaupo.
" Before we start, gusto ko munang sabihin sa inyo na baka may mabago sa inyong mga pananaw kapag sinabi ko ang bagay na ito. " Panimula niya na ikinataka naman namin. What does she mean?
" What do you mean? " Nagtataka kong tanong.
" Kung dati palipat-lipat tayo ng trabaho at ng pino-protektahan, now we will stay for being permanent. We have a new work, dati pa din naman pero... Sa panibagong pagsisimula muli. "
And that's made me of think of something.
Who's the lucky boss?