Chereads / Go To Hell / Chapter 4 - ADAMSON UNIVERSITY

Chapter 4 - ADAMSON UNIVERSITY

Cypher's POV

Hinanda ko ang aking mga gamit para sa pagpasok. Halos mapa-ngiwi nalang ako ng mapansin ko na medyo maikli yung skirt na aking susuotin. Damn! Di pa pwedeng naka-free style nalang? Tsk. I prefer to wear jeans better than this short skirt. Initupi ko ang aking long sleeve hanggang siko at hindi na inabala pang ayusin ang aking pulang necktie katerno ng kulay ng aking palda. Hinayaan kong hindi naka-butones ang kwelyo ng aking uniform dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga. Sinuot ko ang aking eyeglasses matapos kong mag-ayos. Inihanda ko na ang aking bagahe. Ayon kasi kay Denise ay isa din yung dorm school, kaya naisip kong mag-dorm nalang.

Pagkabukas ko ng pintuan ng aking apartment ay bumungad sa akin si Denise na may malawak na ngiti sa kanyang mukha. Maayos ang kanyang uniform at halata sa kanyang itsura ang pagiging excited sa pagpasok. Tsk. Kung hindi lang dahil sa babaeng ito hindi ako maglalakas loob na pumasok ng eskwelahan. I mean for me, school is boring. Makikinig ka buong hapon sa itinuturo ng Professor, well in fact yung iba hindi na nagtuturo at puro tungkol nalang sa buhay nila ang kinukwento. I know school is for the better future, pero ang mga taong tulad ko ay wala ng magandang hinaharap.

" My god Cypher! First day na first day ganyan itsura mo? Ngiti naman diyan. " Pag-aalo sa akin ni Denise. Pero nanatiling blangko ang aking ekspresyon.

" Tsk. Let's go. " Walang gana kong sabi bago kami sumakay sa taxi na maghahatid sa amin sa Adamson University.

" Yeiih! Excited na ako. Ikaw ba Cypher? " Tanong niya sa akin habang nakangirit ito.

" I'm not. " Malamig kong wika. Though that's the truth. Paano ako magiging excited sa isang bagay were in the first place ay ayoko.

" Ang KJ mo talaga no? Hmp. " Tumahimik na siya matapos nun hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang University.

Hindi na ako magtataka kung ang bubungad sa amin ay ang isang malaking gate kung saan halos isang palapag yata ang taas. Kaagad na ipinara ng driver ang sasakyan sa harap ng gate. Nagbayad kami pagkatapos at bumaba na din. Mula dito sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw ang malawak na parking lot na talaga namang napupuno ng mga mamahaling sasakyan.

Automatic na nagbukas ang gate ng eskwelahan kaya naman kaagad na kaming pumasok ni Denise. Pagtapak palang namin sa corridor ay samut-saring mga studyante na ang bumungad sa amin. May ibang napabaling sa amin ang atensyon, ang iba naman ay walang pakialam at patuloy lang sa pagku-kwentuhan. Urgh! How I hate crowded places.

" Tara na sa Dean's office. Kailangan nating makuha ang schedule natin, pati na din kung saan ang dorm natin. " Wika ni Denise bago niya ako hinila sa kung saan. I've heard some whispers came from the students that says " Ew. What a nerd. " Halos mapairap nalang ako sa kawalan. Tsk.

Nakarating kami sa isang pintuan kung saan may nakasulat na Dean's offce. Kumatok muna si Denise, nakarinig naman kami ng salita mula sa loob na nagsasabing pumasok na. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa amin ang isang babaeng brown ang buhok at medyo wavy. She has this white flawless skin at ang kanyang maamong mukha. She's younger than what I've expected. Maybe she's just around 20's. Inaasahan ko kasi na nasa 40 pataas ang bubungad sa amin.

" Hi. Mind to introduce yourselves? " Ma-awtoridad na wika nito.

" I'm Denise Villa Fuerte, 17 years of age. And this one is Cypher Ashy Kim. 18 years of age. " No need to mention my age Denise. Napatango-tango naman ang Dean sa amin bago ito may kinuhang folder sa ilalim ng kanyang desk.

" Well then, here's your schedule, the map of the school, the number of your rooms, and the number of your dormitory. " Wika niya bago inilahad sa amin ang tig-isang white folder.

Napatingin naman ako sa table kung saan nakalagay ang kanyang name plate. She's Selena Adamson. Kung ganon, siya ang may ari ng University. O baka anak ng may ari ng University. Okay. Whatever. Nagpasalamat naman si Denise bago kami tuluyang lumabas ng silid.

" Anong dorm number mo? " Tanong sa akin ni Denise. Binuklat ko naman ang folder na aking hawak saka ko tiningnan ang number ng aking dorm.

" 404. " Wika ko. Napansin ko naman ang bahagya niyang pag-nguso.

" 106 ako. Kaasar naman. Dapat magkasama tayo eh. " Naiinis niyang wika.

Nang makarating kami sa Girls Dormitory gamit ang mapa ng school ay kaagad na kaming naghiwalay. She's in the first floor while my dorm was in the fourth floor. How I wish na sana wala akong kasama.

Pag-tapat ko pa lamang sa pintuan na may number na 404 ay eksakto naman ang pagbukas nito.

" Oh hi. Ikaw ba yung bago kong dorm mate? " Gulat niyang tanong. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. She's wearing the same uniform like mine. Of course, we're in the same university. God! Cypher.

" Yes! Thank god dahil may makakasama na ako. By the way, nasa taas ang kwarto natin. Yung bakanteng higaan sayo iyon. " Tumango-tango lang ako sa sinabi niya.

" Just stay here. May bibilhin lang ako sa labas. By the way, my name is Farris Elvis. "

" Ok. "

Pumasok ako sa loob pagka-alis niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa aking nakikita. The living room was big habang may glass table sa gitna na pinalilibutan ng dalawang mahabang sofa at dalawang single coach. Sa harapan nun ay may isang flat screen TV na tama lang ang laki. Napatingin ako sa may dulo at doon ko napansin ang kitchen. Bago makapasok dun ay may makikitang hagdan sa katabi ng pintuan. Tumungo ako sa may hagdan at umakyat papunta sa taas. Bumungad naman sa akin ang dalawang kama at dalawang malaking cabinet. Meron ding dalawang study table sa bandang gilid nitong pintuan. Sa may bandang dulo naman ay ang CR. Tsk. This school was very huge. Nagmistulang condominium unit ang mga dorm.

Napatingin ako sa may pintuan ng makita ko itong bumukas. Bumungad sa akin si Farris na may dalang mga pagkain.

" The class was about to start. Saang building ka? " tanong niya.

" Engineering building. " Sagot ko sa tanong niya. Nakita ko naman ang bahagya niyang pagka-amuse dahil sa sinabi ko.

" Cool. HRM building kasi ako. " Wika niya.

Sinabi niyang magsisimula na daw ang klase kaya inaya na niya akong lumabas. Pinauna ko nalang siya dahil sinabi kong mamaya nalang ako. Bahala na kung masita ng Prof. Unang araw pa lang naman.

--

I'm on my way on my own room at sinadya kong magpa-late ng mahigit 30 mins dahil paniguradong wala naman doong ibang gagawin maliban sa pagpapakilala. Dapat pala hindi nalang ako pumasok. Pwede namang bukas nalang. Inaasahan ko na may Prof na sa room pero hindi ko inaasahan na pagbukas ko sa pintuan ay mga nagba-batuhang mga studyante ang bubungad sa akin. Kaagad kong nasalo ang isang guyumos na papel ng magtangka itong tumama sa aking mukha.

" Woah! We have a new classmate! " Narinig kong sigaw nung isang babaeng hanggang balikat ang buhok.

" What? A nerd? " I've heard the other woman said na kulang nalang yata ay pinturahan ang mukha sa sobrang kapal ng make up.

" Yuck! Ew. " Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi nila at pumunta nalang ako sa bakanteng upuan sa may huli.

I didn't know that the students here are WELL DISCIPLINE base on their attitudes. Pabalya kong inilagay ang aking bag sa upuan sa may pinakahuling row. Napansin ko naman na biglang tumahimik ang buong room, at doon ko lang napansin na nakatingin silang lahat sa akin. I'd still remain my cold expression.

" Problem? " I asked. Lumapit naman sa akin ang isang babaeng mahaba hanggang bewang ang buhok. Mukha siyang palaban base sa kanyang itsura. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

" A nerd huh? Hindi ko alam na may mga nakakapasok pa palang mga shokoy sa school na 'to. " She said while raising her eyebrow. Narinig ko naman ang tawanan sa buong room.

I don't care whatever she says. It's not my concern anymore. Hindi naman ako ang mangangalay kakasalita kaya walang problema sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at umubob nalang ako sa aking desk.

" Woah! Nakita mo yun Keira? Inub-oban ka lang niya. " I heard them muttering something but I'd just ignored it. Maya-maya lang ay may naramdaman akong kamay na marahas na humatak sa braso ko. Napaangat ako ng tingin.

" Don't you know the words Don't turn your back when I'm still talking to you? " Kita ko sa mga mata niya ang matinding inis, pero imbis na isipin pa ang mga sinabi niya ay hindi ko nalang iyon binagyan ng pansin.

" Sorry. But I don't talk to strangers. " I have no time for her non sense words. She better shut her mouth then.

" You bitch! " Pero imbis na manahimik siya ay naramdaman ko nalang ang marahas niyang paghila sa aking buhok saka ako marahas na sinampal sa mukha.

Narinig ko namang napa-woah ang mga studyante sa aming paligid. Inayos ko ang eyeglasses ko na bahagyang tumabingi sa sampal niya. I look at her intently, coldly.

" Look. I have no time for your nonsense game. So just shut up your mouth when I still have the patience. " Bahagyang natahamik ang buong paligid dahil sa aking sinabi. Wala akong balak na patulan siya sa kanyang ginawa. Dahil wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay.

" Are you telling me what I'm going to do- " Before she finishes her words the door's suddenly open at pumasok ang isang lalaking may salamin na sa tingin ko ay ang aming Professor.

" Students! Pick up those pieces of papers and put it on the trash can! " Halos magdali-dali ang mga studyante sa pagpulot ng mga papel na nakakalat sa sahig ng biglang sumigaw ang bagong pasok naming Prof. He must be a terror one.

" You! Why are you just standing there and watching your classmates pick up those papers?! " Napatingin ako sa aming Prof ng bigla ako nitong dinuro at sigawan. I shrugged my shoulders.

" Sorry, Sir, but I'm not the one who did it. Kalat nila, linis nila. " Bahagyang namutla ang mukha ng aming Prof dahil sa sinabi ko. Or maybe it's because of my expressionless face.

Matapos mapulot ang mga kalat ay kaagad na nagsi-ayos ng upo ang mga studyante na parang mga batang matitino dahil sa sobrang tahimik. What now? Ganon ba sila katakot sa Prof na nasa harapan namin ngayon?

" Ehem! For those transferees na hindi pa nakakakilala sa akin. I am Prof Franco Umaban. Your adviser, and your Physics teacher. " Pagpapakilala niya. Parang kanina lang ay para siyang leon na handang mangain ng kanyang mga studyante dahil sa sobrang galit, pero ngayon mukha na siyang strikto at bina-balanse ang kanyang bawat galaw at salita.

" Who are the transferees here? " Lahat ng kamay ng mga blockmates ko ay napaturo sa akin. So, I'm the only transferee in this room.

" Mind to introduce yourself Miss? " Tumayo ako at hindi na nag-abala pang pumunta sa unahan.

" Cypher Ashy Kim. 18. " Matapos nun ay umupo na din kaagad ako. Bahagya namang tumahimik ang buong room na parang may inaantay pang salita mula sa akin. Pero kalaunan ay nagsalita na muli ang aming Prof. Pero hindi ako nakinig. I'm not interested.

Napalibot ang aking mata sa buong room. Napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa akin ng masama. What's her name again? Kara? Kesha? Ok. Whatever. Napansin kong may binulong yung katabi niyang babae, yung mukhang ispasol ang mukha sa sobrang kapal ng make-up. Napansin ko namang napangisi si Kesha? Ah! I remember now. Her name is Keira. Nakita kong ngumisi ito bago ito tumingin sa akin. I'm pretty sure that something's playing in her mind.

" Okay students. Since this is the first day of school, all subjects haven't a class. Pinapayagan ang lahat na maglibot muna sa buong campus. " Matapos iyon sabihin ng Prof ay kaagad na nagsigawan ang mga studyante dahil sa tuwa. Okay. I admit it. Kahit ako natuwa. Pero nanatiling blangko ang aking ekspresyon.

" But! " The room filled with silent.

" No one's gonna go out in this University. Every weekend lang kayo pwedeng lumabas ng campus. Alam niyo yan. " Matapos nun ay lumabas na ang aming Prof at kanya-kanya din namang layas ang mga studyante sa room hanggang sa ako nalang ang maiwan.

I checked my wrist watch. 9:02 AM. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman kinuha kong muli ang aking map upang hanapin kung nasaan ang cafeteria. Kinuha ko ang aking bag at isinakbat sa aking kanang balikat papunta sa cafeteria. Since I'm in the third floor ay kakailanganin ko pang bumaba papuntang ground floor.

Noise. That's all I can hear nang makarating ako sa cafeteria. Pero hindi lang basta ingay ang aking naririnig dahil parang may pinagkakaguluhan pagpasok ko sa loob ng cafeteria. Then someone's bump me at natapon sa aking uniform ang spaghetti na kanyang hawak hawak.

" Oh my bad. " I look to the one who did it. It's Keira.