Chereads / Crazy Inlove With You / Chapter 56 - Arranged Marriage (4)

Chapter 56 - Arranged Marriage (4)

Nandito kami ni vince sa may tabing dagat, sila kuya ayun di ko na alam kung nasaan nagkahiwahiwalay na kami kanina paglabas ng restaurant. Eh sumama naman si vince sakin kaya ang awkward tuloy.

Tahimik lang kaming nakaupo dito habang pinapanuod ang mga alon sa dagat. Dagat? hay pati ba naman sa dagat naaalala ko siya, yung mga panahon na nasa dagat kaming magkakaibigan at nakumbinsi nila akong alisin yung trauma ko, hindi naman daw mangangagat yung dagat so bakit takot na takot ako.

Dahil sa naisip ko, na balang araw kailangan ko ring harapin ang kinatatakutan ko, might as well get rid of it now. Dream wedding ko kasi ang beach wedding, gustong gusto ko kasi noong bata ako sa dagat everytime na may occasion sa dagat ang punta namin, tinatawanan na nga lang ako nila mommy dahil hindi daw ba ko nagsasawa sa dagat.

Not until nung minsang pumunta uli kami sa dagat nung 1st year highschool ako after graduation namin sa dagat kami nagcelebrate, masayang masaya kami lumalangoy, hanggang sa biglang lumakas ang ihip ng hangin, lumakas ang alon.

Kaya umahon muna kami ni kuya kaya lang may problema kami, nasa kabilang parte kami ng dagat, yung beach kasi nato marami siyang little islands pero medyo nagkakalayo sa isa't isa kaya pag naghightide delikado dahil mabilis lumaki ang tubig kaya mahirap bumalik sa dalampasigan.

Eh hindi pa naman ako masyadong marunong lumangoy, inaya na ako ni kuya na lumangoy papunta sa dalampisigan kung nasan sila mommy dahil hindi pa masyadong mataas ang tubig pero malakas na ang alon.

Pero pag nagstay kami dito mas mahihirapan kami kaya lumusong na kami, nung una ok pa naman hawak hawak ni kuya yung kamay ko habang lumalangoy kami pero nung may dumating na malakas na alon, nabitawan ni kuya yung kamay ko at napalubog ako sa tubig.

Sinubukan kong umahon at nagawa ko naman kaya lang sa pag ahon ko may sumunod na naman na malakas na alon kaya lumubog ulit ako sa tubig, marami na kong nainom na tubig at nahihirapan na rin akong huminga, bago ko mawalan ng malay naramdaman kong may nagbigay sakin ng hangin sa pamamagitan ng halik, at unti unti akong umaangat. nagising ako na nasa harap ko sila papa.

Maraming araw na ang lumipas simula nung nangyaring yun, ayoko ng pumuntang dagat parang anumang oras may alon na darating at ilulubog ako. Pero pasalamat ako sa nagligtas sakin, kung hindi dahil sa kaniya patay na ko. Tinanong ko kila mama kung sino yun pero ang sabi nila si kuya daw ang nagligtas sa akin, pero alam kung hindi si kuya yun.

"gem!"

nabalik naman ako sa ulirat ko at tiningnan ko siya, namula naman ako dahil ang lapit ng mukha niya sakin, 1 inch na lang mahahalikan niya na ko. At mukhang nagulat din siya dahil namumula yung tenga niya, kaya nag iwas kami ng tingin at bumalik ang tingin ko sa dagat.