The next day...
Grace POV
*tok**tok**tok*
"Princess"
*tok**tok**tok*
Haysst ano ba yan ang ingay naman...
*tok**tok**to
Hindi ko na siya pinatapos kumatok
"Ano ba kuya ang aga aga pa eh!!!"- sigaw ko sa kanya
"Eh kasi naman princess first day mo sa school gusto mo late ka?"-tanong niya nung nakaupo na siya sa sofa dito sa kwarto ko
Alah wait...
Anong oras na ba?
Waaaah 6:30 na!!!!!
"Kuya naman bakit ngayon mo lang ako ginising!!!"-sigaw ko sa kanya
Narinig ko naman na tumawa siya...
"Arghhh i hate you!!!!"- sigaw ko pa
"Love you too and good morning lil sis."- pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kwarto at ako pumunta na kong cr.
After 1 hr. tapos na ko mag-ayos ng sarili ko at pababa na ko ngayon papuntang dining room
Tama kayo ng basa kanina papasok ako first day ko ngayon actually last month pa nagsimula yung klase pero ngayon pa lang ako inenroll nila mommy.
Wala namang problema eh amin naman yung school isa sa pagmamay-ari namin. Pangalan ng school? Secret!!!!
" Good morning princess"- bati nila mommy and daddy
"Morning mom, morning dad"-bati ko naman sa kanila pabalik
"Are you ready for your first day princess?"-tanong ni dad
"Of course dad"-sabi ko
"That's good, prince take care of your sister ok."-sabi ni dad kay kuya more like utos
"Don't worry dad ako ng bahala kay lil sis"-sagot niya kay daddy
"Be careful there princess ok?"-sabi ni mommy
"Of course mom ako pa"-sabi ko naman kaya nagtawanan kami
Pagkatapos namin kumain dumating yung barkada ni kuya at magkakasabay kami pumuntang school.
Yung tungkol sa fiancè thingy di na muna namin pinag usapan ulit yun kaya parang walang nangyari back to normal ang lahat, aba mababaliw lang ako kapag inisip ko yun
This is it nandito na kami sa GEM University. As in gem na gem, pinangalan tong school sakin ang meaning ng GEM is Graciella Ellise Mirra
So dahil sakin nakapangalan ako ang may-ari ng school na to actually. Si kuya may sariling pag mamay-aring school rin JU naman ang pangalan. Jheff University kaya lang nasa korea yun.
"Hoy!!!"
"What?!"-sabi ko tapos tiningnan ko siya ng masama sigawan daw ba ko
"Lalabas ka o lalabas ka ha"-sabi niya
"Do i have a choice"-sabi ko sabay labas ng limousine
Yup limousine ang ginamit namin ang rami namin eh at tsaka eto talaga ginagamit nila kuya pag pumapasok sila parang service na nila
"Buti naman alam mo lil sis" sabi niya sabay gulo ng buhok ko
"Arggh kuya naman eh"-inis kong sabi sa kanya habang inaayos yung buhok kong GINULO niya
"Hahaha lika na nga"- sabi niya tapos naglakad na siya kaya naglakad na rin ako tapos inakbayan niya ko.
Nasa hallway na ata kami, maraming ng tao dito at nakatingin samin or sakin parang kinikilala nila ako kung sino ako at bakit kasama ko tong mga to
Hay naku sanay na ko, i bet sikat tong mga to dito kahit na kakatransfer lang din nila like me.
Pinagbubulung-bulungan na nila kami or should i say pinag-uusapan kc ang lakas ng bulungan nila eh
"Wag mo na lang silang pansinin"-sabi ni kuya sabay ngiti sakin
Nginitian ko na lang din siya
"Ito na yung classroom mo, pag may kailangan ka text mo o call mo na lang ako o kaya naman puntahan mo na lang ako nasa kabilang building lang kami katapat ng room mo ok"- sabi ni kuya
Tumango na lang ako
Magkaiba kc kami ng classroom kc magkaiba kami ng course IT pa rin kinuha ko sila naman Business Management. Kaya ganun.
"Susunduin ka na lang ni Ivan dito ha, cge na alis na kami bye lil sis"- sabi niya tapos ginulo na naman yung buhok ko
Haysst nakakainis talaga
"Ano ba yan kuya bye na shoo"- inis kong sabi sa kanya
Pagkasabi ko naman nun umalis na sila
Kung curios kayo kung ano nang progress namin ni ethan, i don't know.
Break time
Gaya nga ng sabi ni kuya sinundo ako ni ethan, nagsitilian nga yung mga classmate ko eh. At nagtatanong sila kung bakit ako sinundo at sino daw ba talaga ako. Kasi po dito hindi sila nag iintroduce yourself bahala ka ng kilalanin kung sino classmate mo. Kaya yun, they don't know me and i don't care anyway bahala sila.
Sa wakas nakarating na rin kami sa cafeteria hay nagutom ako sa layo ng nilakad namin ah, kung magpalagay kaya ako ng escalator dito. pero for me lang no ano sila sinuswerte.
"Lil sis dito!!!"- sigaw ni kuya, hay naku hindi naman ako bingi no
"Tss kailangan talaga sumigaw"- bulong naman nitong kasama ko, seryoso ngayon lang ulit siya nagsalita.
Kaya napatingin tuloy ako sa kanya
Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sakin
"Stop staring will you"- sabi niya
"Tss"- yan na lang nasabi ko saka naglakad at umupo na sa katabing upuan ni kuya
"Oh inorderan na kita"- sabi niya sabay bigay nang pagkain ko
" Thanks kuya"-sabi ko sa kanya
Alam talaga ni kuya kung ano gusto ko ah, chocolate cake, chocolate shake and chocolate drink.
Dito sa school ko hindi basta umupo ka lang tapos oorder ka na lang sa waiter. Ang may gold lang na rose pin sa may damit niya ang pwedeng mag-utos sa waiter. Sila ang mga mayayaman sa mga studyante. Hindi na nila kailangan pang magbayad. Ganun rin naman ang mga may silver pin kaya lang mas mababa sila sa may gold pin. Sila naman ang mga mayaman rin pero hindi gaano kayaman. Ang mga may pink rose naman sila ang mga pinakamababa na level, kung baga may kaya lang sila
Kung tatanungin niyo kung alin kami sa mga yun...
Ang sagot ko wala kami dun, bakit?
Kasi kami ang pinakamayaman sa lahat. Kaya diamond pin ang nasa amin at may bawat gem sa bawat sulok nung rose. It means kami ang may pinakamataas na level dito sa school.
"Kuya cr lang ako"-sabi ko kay kuya
" Ivan samahan mo siya"-sabi ni kuya kay ivan
Hindi naman siya sumagot at tumayo na lang para samahan ako
Kaya tumayo na rin ako
*splash*
"What the..."-yun na lang nasabi ko
Natapunan lang naman ako ng cholocate drink
At tiningnan ko naman kung sino nakatapon sakin
"Ikaw!!!"- sigaw ko