Chereads / Albularyo: The Filipino Shamans / Chapter 16 - Chapter 16: The Victory for New Generation

Chapter 16 - Chapter 16: The Victory for New Generation

Bago pa sumabog ang enerhiya binuhat ni Victor si Iskwag at inilipad n'ya ito. Lumipad si Victor ng napaka bilis na lagpas pa sa kan'yang limitasyon. Unti-unti ng nawala ang kapangyarihan ni Victor sa kalagitnaan hindi na n'ya nagawang ipagpatuloy pang ilipad papalayo si Iskwag kaya naman bago pa sya bumagsak tumira si Victor ng apoy upang maitulak paitaas si Iskwag. Nang sumabog ang enerhiya bumulusok pababa si Victor. Akala ni Victor ayun na ang kan'yang katapusan. Mabuti nalang nakalipad din si Antonio sa pamamagitan ng mahika ni Angelita at sinalo n'ya si Victor.

Nagbunyi ang lahat dahil sa kanilang pagkapanalo. Ilang araw na nawalan ng malay si Victor sa hospital. Pag kagising n'ya sinalubong s'ya ng mga nginiti nina Natakia, Andrew, Luna, Melvin at Antonio.

Victor: Natapos din sa wakas

Antonio: Sigurado akong ipinagmamalaki ka ng nanay at tatay mo pati na rin ng lolo mo sa langit.

Victor: Sayang nga lang dahil wala na sila. Wala na akong pamilya.

Natalia: Nalimutan mo na ba agad? Pamilya tayo kaya naman hindi ka nawalan ng kapamilya.

Victor: Salamat.

Dahil wala nang pamilya ang limang bata inampon na lang ni Antonio sina Victor. Samantala nagkaroon na rin ng ugnayan ang mga tao sa mga iba't-bang elemento. Nangako ang mga tao na igagalang ang mga iba pang naninirahan sa mundo. Mula non magkasama ng mamuhay ang mga tao at iba pang mga mahihiwagang nilalang.

Pinangaralan din sina Victor dahil sa kanilang kabayanihan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang pinuno ng Dugong Itim dahil napag-alaman nilang hindi pala ito namatay sa labanan at maaaring nagtatago upang gumawa muli ng masama. Tumutulong rin si Victor upang mahanap ang pinuno.

Sa huli naging mapayapa na ang mundo ngunit marami paring misteryo na bumabagabag kay Victor tulad ng sino ang babaeng nakita n'ya sa kweba at bakit tila tinutulungan s'ya nito. Patuloy na nagsanay si Victor at naghanap ng kasagutan sa kan'yang mga tanong.

Nakilala narin ang mga albularyo sa buong mundo bilang shaman ng buong mundo.

Wakas