Chereads / A killer's Step || Tagalog Horror / Chapter 22 - Chapter 23 : The Truth

Chapter 22 - Chapter 23 : The Truth

YERIN POV

Pangmulat ng mata ko ay isang paraiso ang nakikita ko

Isang magandang lugar na punong puno ng halamaan at puno

Napakaganda

Sa gitna ng magagandang tanawin ay nakita ko ang isang maliit na bahay

Napakaganda punong puno mg bulaklak ang nakapalibot bahay na yun

"Yan ang tirahan natin noon" napalingon naman ako nang may nagsalita sa likuran ko

"Yuju?" nagtatakang tanong ko pero isang ngiti lang amg ibinigay niya sa akin

"Yan ang time nung ipinanganak ka Andrea. Tuwang tuwa ako nun. Sa wakas ay magkakaroon na ako ng kapatid. Makakaramay at maalagaan. Kaya sa pagdating mo, nangako ako sa sarili ko na mamahalin at poprotektahan kita. Kaya nag lakbay ako sa hinaharap. NNaghanapako ng perpektong pangalan para sayo. Doon ko nakuha ang Pangalang Andrea" sabi niya kasabay ang pagtingin ko sa isang bata nasa edad 14 na may hawak na baby

Si Ate Felecita

Maya maya pa ay biglang nagdilim

"Felecita! Itakas mo na si Andrea! Delikado na dito!" Napalingon ako nang marinig kong nagsalita. Napatingin ako at nakita ko si kyenha na tinatakbo ang 5 years old na bata sa gitna ng gubat

"Yan yung time na pinapaalis tayo kasi inaatake tayo ng taong bayan" napalingon ako kay kyenha na ngayon ay bakas sa mukha niya ang pagkalungkot

"Itinakas kita at nagtago tayo sa gitna ng gubat buong gabi. Inalagaan kita at sinabing ok lang ang lahat" kita ko naman ang pagtulo ng luha niya

Yun! Yun yung napanaginipan ko

"Andrea bilisan mo!" Pagalit na sigaw sa akin ni ate. Kaya pinilit kong tumakbo kahit na sibrang hingal at pagod na ako. Bakit ba kasi kami hinahabol?

"Ate sina Ina? ano nang nangyari sa kanya?" umiiyak na sabi ko habang tumatakbo

"Wala na sila Andrea. Malamang wala na" halos naiiyak na sabi ni Ate sa akin habang hawak ang kamay ko

"Mga lapastangan! Bumalik kayo dito!" sigaw ng isa sa mga taong bayan na naghahabol sa amin

Babagsak na sana ako nang hinawakan ako ni ate sa kamay at itinayo ako saka tumakbo

Takbo lang kami ng takbo halos di ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ng paa ko dahil sa daan ako nakatingin

Maya maya pa ay bigla nlang akong natumba. Nakita agad ako ni ate kaya dali dali niya akong pinasan

"wag kang mag alala nandito si ate. Wag ka nang matakot" Sabi niya habang pasan ako sa likod. Natarakot ako. Unti unti na akong nawawalan ng malay dahil sa pagod nang marinig kong magsalita si ate

"wag kang mag alala Andrea. Gagantihan natin sila"

"Matapos nun ay bumalik na tayo sa bahay. Pero huli na dahil tupok na ng apoy ang bahay natin at nakasabit sina mama at papa sa dalawang krus na halos di na makilala dahil tupok sila ng apoy" pagtutuloy niya. Sa di inaasahan ay napaluha din ako sa kanya. Di ko alam wala akong alam

"Kaya lumayo tayo sa bahay na yun. Kinuha ko lahat ng yaman natin at nanirahan tayo sa bayan na para bang normal na tao lang. Pinrotektahan kita at inalagaan na parang nanay, tatay at ate mo. Ginawa ko lahat para sayo. Mahal na mahal kita Andrea" huminga siya ng malalim at tumingin ng panandalian sa akin

"Pero nanaginip ako. Nanaginip ako na sa hinaharap ay mamamatay ka at ang magiging kasintahan mo" nanigas ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya.

"Yun ang kakayahan ko Andrea. Ang makakita ng hinaharap. Kaya kita naturuan noon ng violin. Nanaginip ako na sa hinaharap ay makakatagpo ka ng mamahalin. Sa katauhan ni Mateo. Pero isang pagkakamali yun dahil ikamamatay niyo yun ng pareho" sabi niya nanatili akong nakikinig

"Sinubukan kong gumawa ng paraan. Pero nabigo ako. Naisip ko na yun ang nakatadhana sayo. At kapag ginalaw ko yun, lalong lalala ang lahat. Lalo kang mahihirapan..."

"Pero di ako sumuko. Naghanap paren ako ng paraan. Hanggang nagpakita siya sa akin"

"Sino? Sinong nagpakita sayo?" tanong ko pero nginitian niya ako at tumingin sa harap kaya napatingin din ako

"Felecita.." nakita kong nakatayo si Felecita sa tabi ng puno. Parang nananalangin siya. Nang biglang may itim na usok ang lumitaw sa harapan niya

"Alam ko amg pinagdadaanan mo, matutulungan kita" napa angat ang tingin ni Felecita sa usok. Biglang nagkaroon yun ng mukha at naging isang.... Demonyo

"Matutulungan mo ako?" nag aalanganing tanong ni Felecita. Magang maga ang mata niya at halatang umiyak siya

"Oo Felecira. Tungkol to sa kapatid mo diba?" nakangising tanong ng demonyo pero walang isinagot si Felecita at nakatingin pang na parang iniintay magsalita ito

"Di ko mapipigilan ang pagkamatay ni Andrea. Pero! Bubuhayin ko siya" nalito si kyenha sa sinabi ng demonyo sa kanya kaya di niya naiwasang magtanong

"Bubuhayin?" nagtatakang tanong niya pero nginisan siya ng demonyo

"Oo pagkatapos ng 100 taon. Mabubuhay siya at ang minamahal niya. Mamumuhay ng tahimik at mapayapa" nakangiting sabi niya

"Pero may kapalit" pagtutuloy ng demonyo kaya napatingin si Felecita sa kanya

"Kahit anong kapalit! Basta sa kapatid ko!" naluluhang sabi ni Felecita na lalong nagpangiti sa demonyo

"Kukunin ko ang katawan mo at kokontrolin ko" nagulat si Felecita sa narinig niya pero agad din siyang yumuko at tumango

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng demonyo saka siya sumanib sa katawan ni Felecita. Malakas na hiyaw ang binigay ni Felecita at halos nahihirapan siyang huminga hanggang sa naging pula ang mata nito

"Mula noon ay gamit na niya ang katawan ko. Pero nagagawa ko paren yun kontrolin. Di ko na nagawang umuwi sayo at hinayaan kitang magisa. Pero lagi kitang binibisita at nagpapakita sayo gamit ang panaginip. Sinabi ko ang deal sayo na mabubuhay ka ng 100 years pag namatay ka pagkatapos ming pirmahan ang kontrata" sabi niya napangin ako sa kanya. Sobrang dami ng paghihirap niya para sa akin. Ganun niya ako kamahal?

"hanggang sa dumating na ang araw nung habulin kayo ng taong bahay at namatay si mat. Dun ako nagpakita sayo"

Tama iya yun yung araw na yun

"Mat! Mat! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ko. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya ang bahagya saka hinawakan yung pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Kasabaya ng paghikbi ko

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Di na ako naawat at patuloy sa pagiyak

"Napagisipan mo na ba ang desisyon mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya. Nakatayo siya sa harap namin

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nangingiyak parin ako

"Sabi ko. Napagisipan mo na ba ang Desisyon mo sa gusto ko?" Nakangising saad niya. Alam kong di madali ang pinapasok namin ngayon.

Ewan ko pero biglang nabigyan ako ng pag asa. Di ko kakayaning mawala si Mat

"Pag nilagdaan ko ba yan? Mabubuhay kami ni Mat? Pagkatapos ng isang daang taon?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya. Isang nakakalokong ngiti

Agad niyang itinaas ang kamay niya at lumabas mula doon ang isang papel

May ibinigay siya sa aking panulat. Nilagdaan ko yun. Kasabay ang pagsuka ko ng dugo

Nabaril na pala ako

Wag kang mag alala Mat. Magkikuta muli tayo

"Matapos ang araw na yun. Bigla akong nawala. Lalong lumalakas ang kontrol ng demonyo. At napag alaman ko na di siya tumupad sa usapan! Gumawa siya ng sugo o tagasunod niya at ginawa niyang tao na mabubuhay sa araw na mabuhay ka at mamamatay din sa araw ng ikaw dalawampung kaarawan mo" napatingin ako sa kanya

"Yun ba ay si...." di niya itinuloy ang sasabihin ko nang nagsalita siya

"Tama. Yun ay si Yuju. pero namatay siya Yehan at kinuha ko ang katawan niya nung 20 na kaarawan mo.  Gumawa ako ng paraan para balaan ka sa mangyayari sayo pagkatapos ng 100 taon. Kaya pumunta ako sa dati nating bahay. Napag alaman ko na pagkatapos ng 100 taon ay dito ka muli maninirahan. Gumawa ako mg paraan. Pumunta ako sa basement. Dun ko ginawa ang notebook. Doon nakasulat lahat ng sumpang mangyayari sayo. At sa sugo na ipinadala ng demonyo na si Yuju. Pero imbis na ikaw, iba ang nakakuha nun" pagkukwento niya

"Si kuya Cjay" napatungo kong sagot kasabay ang pagpapakita sa akin kung paano nakita ni cjay ang libro ng buhay ko at ang nakaipit na notebook don

"Bawat ika-limang taon ng buhay mo ay may isang mamamatay. Yun ang sumpang ibinigay niya sayo ng di ko namamalayan." dun ko lang napagtanto ang sinabi niya

"kaya pala? 5 taon ako nang namatay si Mama at 10 taon nang mamatay si at~" di natuloy ang sasabihin ko nang putulin nanaman niya ako

"sa sampung kaarawan mo. Dapat hindi si Jasmin ang mamamatay" napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"sa 10 kaarawan mo. Ang dapat mamatay ay si Cjay" lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"Pero buhay siya! Buhay na buhay" nalilitong sabi ko

"Tama ka Andrea. Bubay siya. Dahil sayo" lalo akong nalito sa sinabi niya. Panong dahil sa akin? Paano?

"Naalala mo ba nung lumipat sa lumang bahay? Nung oras na muntik nang lumabas ang big bro mo sa kwarto niyo" sa sinabi niya ay nagflash lahat sa ulo ko

(FLASHBACK)

Nagising ako nang maramdaman kong gumalaw yung kama

"Big bro"  sambit ko nang makita ko SIyang naglalakad papunta sa pinto napalingon naman siya sa akin  Ngumiti siya at umakyat sa kama ko. Napatingin ako sa pinto at nagulat ako nang makita ko ang isang anino. Nakakatakot na anino na may pulang mata at nakakatakot na nakatingin kay big bro

"Lil sis bat ka nagising? " tanong niya pero umiling lang ako. Baka di kasi niya ako paniwalaan. Nahiga nalang ako at natulog ulet. Maya maya pa ay naramdaman kong nahiga si big bro sa baba which sa kama niya.

Pero di pa nakakatagal ay naramdaman kong tumayo ulet siya at nakita kong naglalakad nanaman doon

"Big bro!" Medyo malakas na sigaw ko

"Yehan. Akala ko tulog kana?" Sabi niya pero nakatingin lang ako sa pintuan

"Yehan?"

"Big bro. Wag kang lalabas. Wag kang lalapit sa pintuan" sabi ko kaya tumango nalang siya

Nahiga nanaman ako kaya nahiga nanaman siya

Natatakot ako ayokong mawala si big bro

Nakita kong agad na tumayo siya at mabilis na pumunta sa pinto kaya lalo akong nataranta

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Nagulat siya sa pagtili ni ko. Bigla namang nagising si Daddy at pinuntahan niya naman ako. Nagpunta narin si Daddy dito

"Anak! Cjay! Anong nangyari?" Nagtatarantang tanong ni Daddy. Kaya agad siya umakyat sa kama ko at pinapatahan ako

"Sa-sabi ko sayo big bro wag kang pupunta sa pinto" humihikbing sabi ko. Nagkatinginan naman sina Daddy at big bro

"Bakit? Baby? Ano bang meron?" Tanong ni daddy habang wala akong tigil sa paghikbi

"May nakita akong lalaking masamang nakatingin kay Big bro. Nanlilisik at pulang pula ang mata niya. Kukunin niya si Big bro!!" Sigaw ko muli ay lalong lumakas ang hikbi ko..

Niyakap  nalang ako

"Shhh di ako kukunin lil sis! Di ako papayag" sabi ni big bro sakanya habang yakap yakap ako

Bigla nang nagring yung cellphone ni Daddy

(END OF FLASHBACK)

"K-kung ganon. Dapat pala si Cja-" ang hilig naman niyang magputol psh

"Tama. Di natuloy ang balak ng demonyo. Kaya imbis na ai Cjay ang ginamit niya ay ang ate mo. Kasunod si Rica. Nung 15th birthday mo" napaiyak nalang ako nung naalala ko kung paano sila namatay. Dahil sa walanghiyang sumpang yan!

"Pero may mas malala pa dun Andrea! Dahil sa ika dalawanpung kaarawan mo. Yun na ang pinaka matagumpay na plano ng demonyo! Isa isa niyang papatayin ang mga malalapit sayo! Sinadya niyang pinalapit si Yuju para pagkatiwalaan mo siya. Saka niya pinatay ang sugong yun" naiiyak na sabi niya

"Ginamit niya ang kaluluwa at kapangyarihan ko para maisakatuparan yun! Sumanib kami sa katawan ni Yuju nung namatay siya at inumpisahan ang pagpatay" umiiyak sa sabi niya kaya lalo akong napaiyak. Naalala ko kung paano brutal na pinatay ang mga kaibigan ko

"Pero gumawa paren ako mg paraan. Di ako makakapayag na sirain niya ang buhay mo ng dahil nagtiwala ako sa demonying tulad niya!" sigaw ni Felecita

"Gumawa ako mg paraan. Gamit ang cellphone. Sinubukan kong ipaalam sayo kung sino ang mamamatay. Di ko pwedeng direktang sabihin sayo dahil baka mapahamak ka! Kaya gumawa ako ng paraan" naalala ko ang pagdating ng mga mensahe sa cellphone ko. Siya? Siya ang may gawa nun?

"Kasama ko si Rica" lalong gumulo ang utak ko nang banggitin niya si rica

"Si Rica ang multong nagpapakita senyo. Nung Alam niyang papatayin si Secret ay nagpakita siya dito para lumayo siya. Gumawa ng paraan si Rica para lumayo ang kaibigan mo sa lugar kung saan nandoon si Yuju. Pero wala paren dahil di lang nila pinansin si Rica" napatingin ako sa kanya kasabay ang pagflash ng bagay

Nung bago mamatay si Jimboy

"Pero lalong lumalala lahat! Lalong lumalakas ang kapangyarihan mg demonyo. Pero Andrea. Napag alaman ko amg kahinaan niya" nakikinig lang ako wala akong lakas magsalita

"Ang buhay niyo ni Mat" isang iglap ay biglang nakita ko si Theo sa tabi ko na nakangiti sa akin. Sinubukan ko siyang yakapin pero tumatagos lang ako. Kaya siya ang yumakap sa akin kasabay ang pagtulo ng luha ko

" di niya kayang patayin kayong dalawa. Dahil pag nasugatan kayo masusugat din ako at ikahihina niya" dun pumaok sa isip ko nung makita kong puning puno ng sugat si yuju noon nung sugatan niya si taehyung e wala naman kaming ginawa sa kanya

"Magkarugtong ang buhay ni Felecita sa atin Yehan. Pag nasugatan tayo, masusugatan siya. Kaya naalala mo nung dadapo dapat sa mukha ko yung kutsilyo?" si Theo naalala ko yung time na nasa bahay kami. Nung naglaro kami ng spirit of the glass. Nung tumapon kay Theo kutsilyo pero di natuloy

"Wala talaga akong kapangyarihan Yehan. Sinubukan ko sa ibang bagay pero walang nangyare. Kaya napag alaman ko na pinoprotektahan tayo ni yuju. Nakita ko kasi siya na parang iniangat niya ang kamay niya bago tumama sa akin ang kutsilyo" pagkukwento ni Theo kaya yumuko lang ako. Wala akong kaalam alam sa nangyayari wala ni isa

"Kaya ko Ginamit si Theo" napatingin ako kay Felecita na nakangiti sa kawalan

"Nung sinabi ni Cjay na ako o yuju ang pumapatay. Gumamit ako ng mahika para mawalan kayo ng malay. At yun din ang ginamit ko para kausapin si Theo

Isang iglap ay nagliwanag

At nakita kong nakatayo si Theo na parang nalilito dahil nasa harapan niya si Yuju

"Theo kaulangan mo akong tulungan"  sabi ni Yuju kaya lalong bumakas sa mukha ni Theo ang pagkalito

"Tulungan? Pero ikaw ng punapatay! Baket! Bakit mo yun ginawa?" sunod sunod na sabi ni Theo

"Hindi ako Theodore. Patawarin mo ako" lumapit si Felecita kay Theo at idinikit niya ang hintuturo niya sa noo ni Theo. Nakita kong nangulid ang luha niya.

Pinaalala niya

"Tutulungan kita ate Felecita" naiiyak na sabi ni Theo kasabay ang pagsilay sa mukha ni Yuju ang ngiti

"Gamitin mo ako" nalito si Ate Felecita nang sabihin yun ni Theo

"Theo sigurado kab~" di natuloy ang sasabihin ni yuju nang putulin siya ni Theo

"Mahal ko Si Yehan kaya gagawin ko lahat"

"Ginamit ko si Theo. Sinabi ko sa kanya ang kahinaan nG demonyo. At yun ay ang buhay niyo. Sa una ay di ako pumayag. Pero pinilit niya na handa na siyang mamatay para lang maputol ang sumpa. Kaya kahit pinipigilan ako ng demonyo sa loob ko, ginamit ko ang lakas ko bilang si Felecita, ang kapatid mo para sugatan siya" naalala ko yung ngiti. Yung ngiti ni Yuju kay Theo bago niya saksakin yun sa tiyan. Yung walang halong biro

"Kaya mo ba ako pinilit na patayin ka?" umiiyak sa sabi ko kay Theo at tumango siya

"Sa oras na may mamatay sa ating dalawa., matatapos na ang sumpa. At di ko kayang mamatay ka. Kaya nagsakrepisto ako" nakangiting sabi niya

Sinubukan kong hawakan si Theo at nagtagumpay ako.

Agad ko siyang niyakap

"Mahal na mahal kita Theo"

"Mahal din kita"

Humarap ako kay Yuju/Felecita at niyakap din siya

"Salamat ate salamat sa pagmamahal" umiiyak na sabi ko habang nakabaon ang ulo ko sa kanya

"Mahal kita Andrea kaya ko nagawa yun. Pero wag kang mag alala. Tapos na lahat. Mamumuhay ka nang mapayapa"

"pano ako mamumuhay ng payapa kung wala na kayo?" sa isang iglap ay bumuhos na ang luha ko. Di ko kaya mas magandang mamatay nalang e

Maya maya pa ay naramdaman kong lumiwanag siya. Napahiwalay ako ng yakap at nakita ko siya

Lumiliwanag si Yuju

Nagbabago ang mukha niya

Naging

"Ate Jasmin?" nalilitong tanong ko pero lumapit siya sa akin

"Magiging masaya ka. Salamat! Niligtas mo kami" sabi niya kasabay ang paghalik niya sa noo ko. Dahilan kaya nagliwanag ang lahat

Parang nawala lahat ng pagod ko

Parang gumiginhawa pakiramdam ko

Kasabay nun ang pagka antok ko at pagkawala ng malay ko

___________

Next is epilouge