Chereads / Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 4 - Chapter 4: Aloha

Chapter 4 - Chapter 4: Aloha

"Iyan ba ang totoo mong pangalan Aloha?" napatigil ito sa ginagawa ang Don. Kasulukuyan kasi itong nagtitipa sa computer nito ng kanyang resume. Ito na mismo ang gumawa, tinupad nga nito ang sinabi na gabayan siya at ipinangakong ito mismo ang ang mag te train na kahit pwede naman nitong iutos sa iba. It's her first day, her duty is 8 in the morning. Tulad ng ibang empleyado ay kailangan ang kanyang impormasyon dahil 'yon ang kailangan ng kompanya.

"Yes po." aniya.

"Huwag mo akong e' po. Sumasakit ang tuhod ko. Ito nalang, Sir nalang ang itawag mo sa'kin kapag nandito tayo sa trabaho. And if not you can call me Don." nakangising sambit nito,

"Stephanie Montesor? Mas maganda pala ang totoong pangalan mo Hija." komento nito, she is flattered. Ang dami naman kasing mabulaklak na salita ang matanda.

"And you have a lovely second name. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng Aloha?" tumayo ito sa pagkaupo sa swivel chair at inabot nito ang isang papel. Ang kanyang resume. "Aloha is a hawian word, means love and affection." dagdag nito. Umupo ito sa katapat niyang silya.

Siya naman ngayon ang hindi makapaniwala sa sinabi. May meaning pala ang kanyang pangalan. Hawian daw? Posible kayang... Hindi naman siguro, ang layo ng Hawai kung tutuosin Aloha. Napailing siya si Manang Betchay ang nagbigay ng pangalan niya.

Bumukas ang pintuan, iniluwa doon ang babaeng nasa mid 40's.  Dali naman tumayo siya ng tumingin ito sa gawi niya pero wala itong emosyon bumaling ito kay Don."Hi Emman, ito na 'yong files sa report nang nakaraang buwan. And you have a important meeting on the board at 10" parang maamong tupang sambit nito habang ibinigay nito ang makapal na White folder.

"Thanks Mad, by the way I want to meet you Aloha." bumaling naman ulit ito sakanya at ngayon nakangiti ng malapad. "Aloha this Madelyn Versoza the head Manager ng Emmanuel shipping." dagdag pakilala ng Don sa'kin kay Madelyn. Madelyn looks at her from top to toe, naiilang naman siya sa paraan ng pagtitig nito sakanya. Tama ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Ang pagkadisgusto. Umirap pa ito, napalunok ako ng sunod. Nakakatakot naman kasi ang harap niya.

"Oh! my bisita ka pala Emmanuel, ano ang ginagawa niya dito?"  bumaling ito kay Don at bumalik naman ang tingin niya dito. Napabuga naman siya ng hangin parang nagpipigil kasi siyang huminga. Nakakatakot ang aura.

"I forgot to tell you, she is my new secretary." nagagalak na sambit naman ni Don Javier, tumayo ito umiikot para umupo sa mesa nito.

"Oh really? Ang bilis mo yata nakahanap. I mean, kailan lang?" ani Mad na sumunod kay Don. Umupo pa ito lamesa sa harapan, she smell something fishy. Ilang kilos nalang nito at mapagkamalan niyang may gusto itong Mad kay Don. Kita pa ang Cleavage nito at ang kinis ng paa dahil sa pencil ng suot nito sa baba na may tabas sa gilid. Nabigla siya sa ginawa ng babae dahil simpleng hinaplos nito ang balikat ng matanda. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakita. Tumalikod siya at naghanda ng maglakad palabas ng nagsalita si Don.

"Aloha, where are you going? Hindi pa tayo tapos." anito, mula siyang bumaling sa mga ito. Nakita niya ang naiinis na mukha ng babae. Tigang lang? "Ho? Ah lalabas muna kasi ako, nauuhaw po kasi ako." pagdadahilan niya, ang totoo naiilang siya. Ngumiti ang Don sakanya ng makahulugan.

"Anyway Madelyn, gusto ko ikaw muna ang magtrain sakanya kung ano ang gagawin. Since ikaw ang naging sekretarya ko ng umalis si Minerva." anito at bumaling sakanya ang Don. Kita naman niya na tumaas ang kilay ng babae. "Is it okay Aloha? I mean gusto kong ako mismo mag train sayo ngayon but I have important meeting on the board."

"It's fine diba Aloha? May importanteng meeting ang Ceo natin. So I am the one who will train you." ani Madelyn.

"It's okay po." aniya pa

"That's good. Thanks Mad." pasasalamat ng Don.

"Welcome Emman, my pleasure." anito

At pumunta naman ito sa gawi niya.

"Let's go? Bye Emman." paalam nito at sumunod naman siya sa dito

Hindi lang pala mabait ang Don, magaling din itong boss. Tama talaga ang unang tingin niya dito. Makikita mo talaga kung paano niya inilaagaan ang kompanya. Sumunod siya sa kay Madelyn. Bawat nadadaanan niya ay pinaliwanang sakanya. Kung ano ang gagawin niya at paano. "Simple lang naman ang gagawin mo Aloha." anito nang nasa tapat na sila ng opisina, siguro ito ang opisina ng babae.

Pumasok sila dun. Tama nga siya opisina ito ng Babae. Malaki din ang opisina nito pero hindi tulad ng Don na may sariling kwarto.

"The important things you have to do is listen carefully the instructions. And before I forgot, kung saan si Emmanuel ay nandun ka dahil sekretarya ka niya." anito habang umupo sa swivel chair.

Tumingin ito ng mataman sakanya. Yumuko siya. "Ilang taon kana ba Aloha?" nasa tinig ang pagkastrikta ni Madelyn.

"23 po."

"Oh, ang bata mo pa pala. Is this your first work?"

"Hindi po."

"Ang tipid mo naman magsalita! Aloha, I am training you! Spell it out! Paano ka makilala ng mga tao dito kung sino ka! Your applying a job. And ah----" huminto ito na parang naiinis. Tumataas pa ang boses nito sakanya. Kinakabahan kasi siya. Kanina pa ng nakita niya ito sa opisina.

"I knew it! Kasi ang lakas ng kapit mo? Saan ka ba napulot ni Emmanuel? Look at you? Hindi ganyan mag trainee namin dito! At isa pa Don't wear anything look like undressed!" napayuko naman siya sa sinabi nito. Ang sakit! Wala naman ang mali sa suot niya. Hindi nga kita ang balikat niya. Isang brown fitted dress at pinaresan ko ng rubber shoes.

"Where is your resume?" tumaas naman ang kilay nito. Kasama ba sa traning  ang pag e' interview? Hindi na siya umangal pa. Iyon naman kasi ang dapat. She want this job kaya titiisin niya ang lahat.

Binigay niya ang kanyang resume. Binasa nito ang mga informations niya. "Hindi ka nakatapos ng pag aaral? Paanong kinuha ka niya? College graduate ang kailangan namin! Look, this is a big company! We are hire some professional!" tumaas na naman ang boses, kanina pa ito. Napayuko na naman siya sa hiya. Hindi nga siya nakatapos. Kung iyan ang pagbabasehan ngayon sigurado bagsak na siya at uuwi siya sa pagka club. Ganito pala kahirap sa labas  ng mundo ng club.

Ngayon palang ay nakita na niya ang sarili na kaawa awa. Hanggang highchool lang kasi siya pagkatapos niya grumadwet ay umalis na siya sa bahay ampunan at nag aral mag isa sa kolehiyo pero nahihirapan siya hindi madali ang buhay estudyante kung isang piso wala ka. Bayad doon, bayad dito. Sinarili niya lahat wala naman kasing ibang tutulong kundi siya lang. Nang third year na siya ay mas lalong naghirap siya kahit gabi gabi pa siya magsasayaw sa club. Pumasok din siya sa networking business. Hindi kaya ng pagtitinda ng anong products ng pampaganda ang allowance niya. Nakapagdesisiyonan  niya na huminto na saka nalang siya magtapos kung may sapat na siyang pera. May kamahalan din kasi kasi Nursing ang kursong kinuha niya.

"Iyan ba ang talent mo? Ang umiiyak? Sa pagkakaalam ko secretary ang kinuha namin hindi artista!" anito, na nagpabalik sa realidad na nandito siya ngayon sa opisina ni Madelyn. pinahid ko ang aking luha. Hindi  man lang niya namalayan na umiyak na pala siya. Kahit anong gawin niya para magtagumpay sa buhay, may mga tao talagang hindi maging masaya para sakanya. At isa na dun ang kaharap niya ngayon. Nangangailiti itong nakatingin sakanya na para bang may kasalanan siya.

Nakayuko pa rin siya, parang pinapako siya kinatatayuan niya. Nangangalay pa ang kanyang paa dahil kanina pa ito sermon ng sermon. Biglang bumukas ang pinto, tumayo naman ito. "Hi Carol," bati nito, wearing it fake smile. nakangiti nga ito at ngumiti ng malapad."Mad, pinatawag ka ni Emmanuel." mahina iyon pero dinig na dinig niya.

"Oh, namimiss na niya ako agad?" parang nabigla pa ito habang sinasabi 'yon. Napailing siya halata ngang may gusto ito kay Don.

"Ikaw na bahala diyan Carol! Train her well para hindi pumalpak." anito na sinadya pa talagang tumingin sa gawi niya at lumabas na."Aloha right?Are you okay? Don't mind her. Menapaus na kasi 'yon." sabi naman nito at tumawa kaya natawa na din siya.

Pinahid niya ang kanyang luha bago tumingin dito. Nakakahiya! Bakit ngayon siya pinaghinaan ng loob sa dinami rami ng problema niya ay binaliwala niya ang mga ito. Bakit naging iyakin na siya ngayon. Ang liit ng pagtingin niya sa kanyang sarili. Tama nga naman ang lahat ng mga sinabi ni Madelyn. Lalo na siguro kung malaman nito kung saan ako napulot ni Don Javier.

Lahat tayo nagkakamali dahil walang perpekto sa mundo.