Nagtungo nga siya sa sinabi ni Manang. Pumasok siya sa kanang bahagi at tantiya niya na kwarto iyon ni Lovie dahil may malaking picture ito sa dingding. Kumuha siya don ng kasya sakanya. Hindi naman siya nahihirapan dahil kasya ang damit na kinuha niya sa walk in closet. Isang tee shirt lang at short. Kahit wala na ang babae rito pero halatang inaalagaan pa rin ang kwarto. Malaki ang kwarto kalahati kang yata ang inuupahan niya. Malinis at maayos ang mga gamit nito nakalagay.
Napailing nalang siyang lumabas ng kwarto. Mabuting ama si Don Javier nakita niya 'yon dahil 'yon ang ipinakita sakanya ng Don. Hindi niya lang lubos maisip kung bakit iniiwanan pa rin siya ni Lovie. Ang swerte nila dahil may silang magmamahal sa kanila.
Dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng kwarto kung nasaan si Don Javier. Kita niya ang mahimbing na natutulog ito. Inilapag niya ang kanyang bag at dokumento na dala dala niya, hindi nalang niya gigisingin mukhang pagod ito. Her heart melt seing him lying in a bed room, kita niya na dagdagan ang kulubot nang una niya itong makita seven months ago, matikas ito at wala pang masyadong kulubot, sa mukha. Halata dito na stress sa trabaho. Wala man lang kasama, paano kung magkasakit ito at wala siya. Ang magulang kailangan ang anak para alaagaan at mahalin ito. Hindi niya akalain na ang isang mayaman na tulad ni Don Javier ay nag iisa sa buhay. Kinumutan niya ng maayos. Umupo siya sa gilid nito. Dahan dahan niyang dinampi ang kamay sa noo nito pero agad niya din binawi dahil parang napaso siya sa init. Nilalagnat ang matanda.
Natataranta naman siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng bimpo at maligamgam na tubig. Agad naman din siyang bumalik sa kwarto. Umupo siya sa gilid ng kama para punasan ang katawang matanda. Nagising naman ito sa kanyang ginawa. Ngumiti ito nang nakita siya, ngumiti din siya dito.
"Kamusta po kayo." aniya
"Kanina ka pa ba hija? bakit hindi mo ako ginising? Anito at bumangin ng bahagya. Tinulungan naman niya ito. Nakasandal na ang likod nito sa headboard ng kama.
"Mahimbing po kasi kayong natutulog." aniya at pinagpatuloy ang pagpunas sa bimpo sa balikat.
"Ang ganda naman ng nurse ko ngayon. Kasya pala ang damit ni Lovie sayo." tama ba ang nakita niya, ngumiti ito ng matamis sa pagbanggit ng pangalan ni Lovie.
"Pasensya na po kayo kung sinuot ko ang damit ni Lovie. Nabasa po kasi ako ng ulan. Basang basa ang uniporme ko." sabi niya habang itinabi ang bimpo at palanggana.
"Okay lang matagal na din na walang sumusuot niyan. Hindi ka pala umuwi sa bahay mo? Pasensiya na at napag utusan kita Aloha." huminga ito ng malalim
"Sus, okay lang ho 'yon. Ano pa ang silbi kung sekretarya. Trabaho ko po 'yon." ngumiti siya dito. At binigay ang dokumento na ipinadala nito.
"Thank you Aloha, ang bait mo talaga. Sana tulad sayo si Lovie." malungkot na saad nito sakanya. Parang nahiwa ang puso niya sa narinig. Nasa boses nito ang lungkot dahil sa anak. "Alam mo bang maka edad lang kayo?" hindi ito tumingin sakanya pero nakita niyang nasasaktan ito.
"Po?"
"Mula nang nakita kita sa club ay hindi ka maalis sa isip ko. Nakita ko ang anak kung si Lovie sayo Aloha. Gusto kung alagaan ka at protektahan ka parang anak ko. Hindi nababagay sayo ang trabahong 'yon." naantig ang puso niya sa sinabi nito. Parang gusto niya itong tawaging tatay. Minsan dalangin niya na ang matanda ang ama niya.
"Salamat po at tinulungan ninyo ako." sambit naman niya.
Tumingin ito sakanya. "You deserve it."
"Bakit hindi niyo pinahanap si Lovie?"
"Malaki ang syudad Aloha. Minsan, ako mismo ang naghahanap sakanya. At nang nakita kita sa club nuon nagbabasakali akong makita ang anak ko. But it's 5 years ago. It's too late, sana nuon ko pa 'yon hinanap" huminto ito at nagpunas ng luha. "and I think sa mga panahong 'yon, iyon ang kailangan niya akala ko babalik lang siya pero until now wala pa rin."
Limang taon na pala ang tagal na nun. Limang taon na ding nakalipas na pumasok ako sa club at 18 palang ako nun. Tulad niya ay nasa 23 din si Lovie ngayon. Bakit kaya ito naglayas.
? Gusto niyang itanong kay Don pero alam niyang hindi ito komportable.
"Ano ho gusto niyo, ipagluto ko po kayo."
"Talaga? Ang swerte ko talaga sayo bata ka. Hindi ka lang nurse ko pati pa pagkain, ipagluto mo ako?" anito na parang hindi makapaniwala sakanyang sinabi. Natawa naman siya sa reaksiyon nito. Umaliwalas kasi ang mukha nito ang lungkot ya napalitan ng saya. Masaya na din siya kahit papaano ay napasaya niya ang matanda. Hindi naman niya ito itinuring na iba.
"Sopas nalang para madali." anito
Lumabas na siya at nagtungo sa kusina, pinusod muna niya ang kanyang buhok para magsimulang magluto. Hindi madali mamuhay mag isa sa murang edad namulat siya sa mundo ng realidad. Hindi dumepende sa iba. Natutong mag isa. Nuon naiingit siya sa mga batang may mag ampon. Naiingit siya sa mga batang masaya dahil may ama't ina na sila. Hindi man lang siya napili.
Ano kaya ang nararamdaman ng isang kompletong pamilya. Iyong may kapatid siya. May tumatawag sakanya na ate. May yumakap sakanya kung nasasaktan siya. Ang daming pumasok na tanong sakanyang isipan nuon. Bakit siya iniwan sa bahay ampunan? Bakit hindi ba siya mahal ng mga magulang niya at iniwan nalang siya basta basta? Hindi man lang siya binalikan ng mga ito.
Kaya ipinangako niya sa sarili kapag siya ang magkaroon ng pamilya mamahalin niya ito at aalagan.
***
Nadatnan niyang busy ito sa dokumento na hawak nito. Hindi man lamg namalayan ang pagpasok niya. Pumasok na siya ng tuluyan dala ang isang bowl na sopas at isang basong tubig at gamot.
"Ito na po ang sopas kumain na ho kayo."
"Salamat Aloha," inilapag nito sa mesa ang dokumento at kinuha ang dala niya."Kumain kana rin."
"Huwag niyo akong alalahanin, pasyente ko po kayo dapat ako ang mag alaala sa inyo." biro niya, hindi kasi maiwasan matawa. Ito ang may karamdaman pero siya pa rin ang initindi.
"Baka may sana na ako niyan, kunin nalang kaya kitang private nurse ko. Ano?" mas lalo lang siyang natawa, mapagbiro din ang matanda. Hindi naman kasi pwede dahil hindi pa ako tapos. Hindi pa ako registered nurse.
"Don Javier naman, nagbibiro na naman kayo." aniya habang ngumingiti.
"Bakit hindi? Matanda na ako Aloha, may mga karamdaman na ako sa aking katawan. At gusto ko ikaw ang mag alaga sa'kin." natigilan siya, para kasing iba ang meaning nun sakanya. Tumingin siya dito, nakita niya amg sensiridad sa mga mata ni Don Javier. Parang nagmamakaawa 'yon. Umiwas siya ng tingin. Nasasaktan siya sa nakita niya sa mga mata nito. Iba ang lungkot na nakita niya ngayon na ngayon lang niya nakita. Natatakot itong mag isa. Iyon ang nakita nakita niya.
"Promise me." parang tutulo ang luha niya sa pakiusap nito sakanya.
Tumango nalang siya, bakit hindi? Malaking utang na loob dito ang buhay niya. Maraming nagbago sa buhay niya ng nakilala niya ang Matanda. Binihisan siya nito at itinuring na anak. Binigyan ng pagkakataon para makapag aral.
Inilapag nito ang isang bowl sa mesa sa gilid ng kama nito. At uminom ng gamot. Pagkatapos ay humiga ito ulit. Kinumutan niya ito. Kinuha niya ang pinagkainan nito at naglakad na palabas ng nagsalita ito ulit.
"Dito kana matulog sa bahay, huwag ka ng umuwi pa dahil gabi na. Dun ka sa kwarto ni Lovie matulog." anito bakas sa boses nito ang lungkot.
Lumabas na siya ng tuluyan. Hindi nga siya makakauwi ngayon gabi dahil umuulan na naman. Pinasadahan niya ang wall clock sa sala. It's already 6, madilim na sa labas at lakas pa ng ulan. Inilapag niya ang dala niya sa lababo para hugasan, pero hindi pa nga siya nakapaghugas may narinig siyang malakas na bosena sa labas. May bisita ba si Don Javier? At gabi na para magkaroon ng bisita ang matanda.
Kinuha niya ang payong na nakasabit sa corridor. Dali dali naman siyang lumabas para buksan ang gate baka kasi magising pa ang matanda dahil sa lakas ng bosena ng kotseng ito. Ang lakas pa naman ng ulan, may dala pang hangin. May bagyo yata.
Pinalakihan niya ang bukas, pumasok naman ang kotse. Sinarado naman niya ang gate. Napahinto siya ng bumukas ang kotse lumabas ang lalaki, napamulagat siya ng napatanto niya kung sino ang dumating, isang lalaking nakablonde hair hawig na hawig kay Don Javier. Nakita na niya ito sa family picture.
"Third?"