"Aloha kamusta kagabi?" bungad sakanya ni Chixy. Nasa dressing room na sila, naghahanda na kasi siya para kanyang performance ngayon gabi.
"Okay lang." matipid niya na sagot dito.
"Ano may nangyari ba?" anito nasa exciting ang tinig. Ano ibig sabihin nito. Kumunot ang noo niyang tumingin dito.
"Wala chixy. Mabait si Don" aniya, iyon ang totoo. Medyo natagalan nga sila umuwi kagabi dahil puro kwento ang Don sa buhay niya. Naaliw siya sa ipinakita ng Don. Hindi lingid dito na mabait ito. Iyon ang nakita niya sa matanda. Hinatid pa nga siya nito sa kanyang tinitirhan.
"Uy, Imposible! Aloha. Ako ba ang lolokohin mo?" napalakas ang boses ni Chixy kaya lumingon sa kanila ang ibang naroroong kasama nila. "Bakit? Ano ba ang gusto mong palabasin?" mahinang sambit niya 'yon pero may diin.
"Na kinama ka! Bakit hindi mo aminin? Takot ka ba? I am not surprise ganun tayo lahat dito. Walang inosente dito!" sasampalin na niya sana ito pero napigilan siya ni Alona at dumalo naman si Vic ang bartender na nilalandi ni Chixy. Akala niya hindi ko alam
"Hindi ako katulad mo Chixy. And think what you want. Huwag mo akong itulad sayo." she whisper it. At nilagpasan niya ito. Dumiretso siya ng lakad para magbihis na. Oras na kasi.
"Ano ba ang nangyari Aloha?" tanong ni Alona sa gitna niyang pagpili ng susuotin.
"Nakakainis kasi e'. Kung gusto niya pala ang tumi table kagabi bakit hindi siya!" parang umuusok na ang ilong niya sa nangyayari kanina.
"Hindi mo na sana pinatulan. Inggit lang 'yon sayo." anito na tumatawa pa sakanya. Tiningnan niya ito anong nakakatawa? Huminto naman ito at sumeryoso.
"Tigilan mo ang pamimili ng susuotin mo. Sinabi pala ni Manang Betchay hindi ka magpeperform ngayon." kunot noo siyang tumigil sa ginagawa. Nagtataka siya sa sinabi nito sakanya. "Bakit?"
"Table 08 daw kapa rin." nakanganga siya sa sinabi. Na naman? Akala niya kagabi lang 'yon. Walang sabing iniwan niya si Alona doon at tumungo sa opisina ng kanilang Manager.
Pinihit niya ang siradora at walang anumang pumasok siya dun. "Oh, Aloha? Anong sadya mo? Dapat nasa table 08 kana ngayon." kampanteng sambit nito sakanya.
"Iyon nga ho ang sadya ko dito Manang Betchay. Akala ko kagabi lang iyon?" aniya sa malambing na boses. Nagbaka sakali siyang mag iba ang desisyon nito.
"Bayad ka na nga eto oh?" Iminuwestra pa nito ang isang sobre na alam niya kung anong laman nun."Manang Betchay naman e' maliwanag naman po sa napagkasunduan natin na isa lang akong entertainer. Hindi ako pokpok!" tumaas na ang boses niya kasabay ng pagtaas ng dugo niya.
"Naku! Aloha! Wala akong magagawa. Request ka ng customer e' tsaka isa pa si Don Javier pa rin ang nasa mesang iyon. Kilala muna 'yan. Mabait ang tao na iyan Aloha! Napaka swerte mo! Dahil marami naman diyan iba pero ikaw ang gusto!" tumaas din ang boses ni Manang Betchay. Napatikom naman ang bigbig niya dahil sa nalaman. Si Don pa rin? Bumalik pala siya.
"Sige na! Umalis kana. Puntahan mo na." dagdag nito. Wala siyang nagawa at lumabas na siya sa opisina dumiretso na siya sa table 08. Tulad kagabi mas maraming tao ngayon sabado kasi at walang trabaho bukas. Nasa entablado na si Alona. Kumakanta na. Ngumiti ito ng matamis sakanya at kumaway.
Napamahal na yata nito ang trabaho dito sa bar. Tulad niya ay bihasa na din ito sa ginagawa. Hindi niya malimutan nang bagong pasok ito ay umiiyak sa sulok. Takot itong gawing pokpok. Oo pokpok 'yon naman talaga ang tawag sakanila kahit saan sila nagpunta pero hindi nila alam na may babae pa rin na malinis na nagtratrabaho sa isang club. Mabuti nalang at maganda ang boses nito at ito ang naging puhunan nito sa club.
"Hi young lady." matamis na ngumiti ang Don sakanya. Kung ang iba ang makakakita sakanila iisipin talagang sugar daddy niya dahil sa lagkit nitong titig sakanya pero para sakanya ay walang malisya. Sinalubong siya ng yakap ni Don na nagpabigla sakanya. Parang pinapako siya sakanyang kinatatayuan niya.
"I'm sorry." hinging paumanhin nito. Naramdaman nito siguro na hindi siya komportable. "I am just happy that you are here. Upo ka." anyaya nito sakanya sa silyang katabi lamg nito at umupo na din siya.
"So how's your day young lady?" tanong nito habang sumisimsim ng wine.
"I'm good. Ikaw? Bakit ka nandito? Nag away naman kayo ng anak mo? Pang huhuli niya dito. Nakwento kasi nito ang tungkol sa anak nitong lalaki. Wala daw itong deriksiyon sa buha kundi maglakwatsa at umubos ng pera niya. Bagkus naawa siya sa Don. May mga anak talaga na salbahe at hindi iniisip ang mga magulang. Mabuti nga sila may magulang pang nagmamalasakit hindi tulad niya na ulila na.
"Huwag na natin pag usapan." anito at humugot ng malalim na hininga. Kita nito ang lungkot sa mga mata. Hindi lang pala mahirap ang may problema pati na din pala ang mayaman.
"Anyway kumain kana? Let's grab a dinner. Hindi ako kumakain e'." tumayo ito at hinila siya. Paglabas ay agad din siyang binitiwan nito. Pinagbuksan pa siya ng pinto.
"Hindi ka kumain pero umiinom ka? Gusto mo bang mamatay?" parang anak siyang nanermon ng ama. Tumawa lang ito at umikot na para pumasok ng driver seat.
"Nag aalala ka ba? Parang gusto ko yata magkaroon ng anak ng tulad mo. Sana ikaw nalang ang naging anak ko Aloha. Wala naman kasing pakialam si Third sa'kin." malungkot na sambit nito. Parang maiyak na ito.
Tinignan ko ang Don na binuhay ang makina ng kotse. Nalulungkot siya para dito. Parang hiniwa ang puso niya sa tuwing nakikita niyang malungkot dahil sa anak. Bago pa lang silang magkakilala pero nakita na niya ang busilak na puso ni Don. Tama nga si Manang Betchay napakaswerte ko dahil ako ang napili ni Don Javier. Ang salbahe talaga ng Third na 'yon. Hindi man lang nito inaalagaan ang ama.
Kung may ama lang siya. Aalagaan niya hanggang sa pagtanda nito. Hindi niya ito pababayaan. "Umiiyak ka?" napapahid siya ng luha. Hindi man lang niya namalayan. Ugh! Nakakahiya sa harap pa talaga ng Don.
"Wala ito." matipid siyang ngumiti dito.
"Alam mo mabuti ka sigurong anak sa mga magulang mo. Tama ako diba?"
"Ha? E'... Siguro nga." sambit niya
"Bakit siguro? Hindi ka sigurado?" tumawa naman ito. Napangiti nalang siya tuloy.
"Wala naman akong mga magulang. Nabuhay ako sa bahay ampunan." she cleared her throat by saying it. Para kasing pumiyok siya. Masakit kasi sakanya na wala man lang siyang mga magulang para nag alaga sakanya. "Kaya ang swerte ni Third dahil may ama siyang tulad mo." ngumiti siya dito. Totoo naman talaga. Ang swerte kaya kapag may mga magulang na nag aalala at nagmamahal.
"I am sorry to hear that Aloha." sambit nito. Hindi na ako umimik pa. Huminto ang sasakyan nito sa isang restaurant inilibot niya ang lugar. Ito ang pinuntahan din nila kagabi. "Favorite mo ba talaga ang lugar na 'to?" tanong niya habang papasok na sila.
"Yes, slight off. Masarap kasi ang pagkain nila dito. Natikman mo naman."
Tumango siya. Distructed kasi siya sa mga taong tumitingin sakanila. May mali ba sa mukha niya. Pinasadahan niya ang kanyang suot simpleng floral dress lang naman iyon na kita ang balikat niya. Nakalugay lang din ang buhok niya. Wala namang mali sa ayos niya ah. Kung makatingin ang nandun parang ang dumi niya. "Huwag mo silang pansinin. Nagagandahan lang 'yan sayo." agaw pansin ng Don sakanya. Iminuwestra nito ang silya. "Thanks." aniya at umupo na.
Umupo din ito, tulad kagabi ito na ang nagkusang umorder ng pagkain nila. Hindi naman kasi siya mapili sa pagkain.
"Aloha, baka gusto mong magtrabaho sa'kin. I mean, maging secretary ko. I need it. Umalis kasi ang secretary ko, nag ibang bansa na. Nahihirapan ako." napatigil siya tama ba ang narinig niya. Inalok siya ng trabaho ng Don? "Iyon kung gusto mo." pagsumamo nito.
Sino ba ang hi-hindi pero paano ang trabaho niya? Is she leaving her life in that bar? Pero napatanto niyang malaking bagay ito sa kanya kung nagkataon. Ito ang matagal na niyang hinangad sa buong buhay niya ang magkaroon ng matinong trabaho. Hindi naman kasi niya maituring na pang habang buhay ang trabaho niya sa bar dahil kung tatanda siya ay may bata pa sakanya, paniguradong lalaos na siya.
"Yes po! Gusto ko po!" aniya sa nagagalak na boses.