Chereads / When Cold Yoongi is a Jealouse Guy / Chapter 2 - Page 2. CONTINUATION.

Chapter 2 - Page 2. CONTINUATION.

ALTHEA'S P.O.V..

LAST WEEK lang yung away namin ni Yoongi pero pakiramdam ko hanggang ngayon galit pa rin sya!.

Alam ko naman na Moody syang Guy pero mas madalas talaga suplado sya.

Masama yung hinihingi ko ang Atensyon nya kahit minsan?. Nagawa ko lang naman yun kase gusto kong mapansin nya ako at nangyari naman kaya lang nauwi din sa away.

"Althea!" Tawag ni Sandy.

"Oh bakit?" Bagot kong tanong.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong nya.

"Bahala na!" Nahiga ulit ako.

"Hoy Althea bakit kung kelan naging kayo na ni Yoongi ay saka ka naman naging ganyan huh?. Akala ko ba gagawin mo syang inspiration sa trabaho mo? Tapos ngayon ganyan ka na?. Anong kaartehan yan?" Hila nya sakin.

Hindi ko maiwasan ang umiyak.

"Ang hirap pala kapag pinipilit mo yung isang tao na maging part ka ng buhay nya!. Ganun kami ni Yoongi ngayon!. Feeling ko ako lang talaga yung dapat mag effort sa relasyon namin dahil ako lang naman yung may gusto nito!" Sabi ko.

"Huh? Ano?" Kunoot noo nya.

"Parang ayoko na!" Tumungo ako.

"Haist ewan ko sa inyo!. Hoy mag usap muna nga kayo at ayusin nyo yan! Papatulan ko talaga sya kapag pinaiyak ka ulit nya!" Sabi nya at lumabas na sya ng kwarto ko.

Wala naman ako magawa kundi titigan ang Picture ni Yoongi sa Gallery ko. Kaisa isang Picture nya na ninakaw ko pa sa kanya at iniingatan kong mabura.

Kelan ko kaya sya mararamdaman na mahal nya rin ako?. Yung kiss nya nga na yun ay parang napilitan pa sya.

First Crush ko kase sya nung nasa Senior High pa lang kami hanggang College Days. Lagi ko syang sinusundan pero sinusungitan nya lang ako hanggang sa makagaduate na kami. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magustuhan nya rin ako nung minsan na lasing sya at nadala ko sya sa Bahay. NagDeal kami kahit alam kong lasing sya pero hindi nya pala natatandaan yun. Naging Girlfriend nya ako ng hindi nya alam.

.

.

.

"Umalis ka nga sa Dadaanan ko!" Taboy nya sakin nung puntahan ko sya sa Trabaho nya sa isang Company.

"Mag usap naman tayo!" Pakiusap ko sa kanya.

"Pwedi ba Althea wala akong panahon, umuwi ka na!" Sabi nya.

"Gusto ko lang linawin yung nangyari!" Sabi ko naman.

"Malinaw na sakin na dinala mo ako sa bahay mo para makuha mo yung gusto mo!. Hoy Althea Choi sa tingin mo ba gusto talaga kita?. Hindi nuh kaya tigilan mo na ako!" Hiyaw nya.

"Bakit mo ako hinalikan?" Giit ko.

"Na... napilitan lang ako dahil nakakahiya ka at ayokong makita ng iba dyan na pinapaiyak ko ang isang babaeng tulad mo!" Tugon nya.

"Pero yun yung ginagawa mo sakin ngayon!" Sabi ko.

"Haist... ewan ko sayo! Umuwi ka na dahil ayokong masira ang diskarte ko sa trabaho ko dahil sayo!" Nilampasan nya ako.

Hindi ko na kinaya pa ang mga sinabi nya kaya tumakbo na ako paalis sa lugar na yun.