...
"Ikakasal ka na sa babaeng mahal na mahal mo!!" Pakantang hiyaw ni Jimin sa loob ng kotse nya habang nagmamaneho sya.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan o gusto mong ikalat ko dito itong worst cake na binili mo?" Taas kilay ko sa kanya.
"Uy.. wag ka ngang ganyan!. Binili ko yan sa sarili kong bake shop kahit hindi ko alam na bago na pala ang Counter dun!" Sabi nya.
Hindi kaya dun nagtatrabaho si Althea?. Nabanggit na nya yun sakin kelan lang kahit hindi ako intrisado.
"Kaso natameme lang sya sa kagwapuhan ng Boss nya!" Ngumunguso pa sya.
"Hrr.!" Inis na tugon ko. Hindi siguro si Althea ang nabilhan nya. Sakin lang kase natatameme ang babaeng yun.
"Anyway sabi mo may Girlfriend ka ng hindi mo alam?. Tell me who is she?. Do i know her atleast her name?" Kunoot noo nya.
Hindi ko sya pinansin dahil iniiwasan ko talaga na pag usapan ang babaeng yun sa harap ko.
"Hey!" Tawag nya.
"Althea Choi!" Sambit ko.
"Woah!. Seriously?. Althea Choi umh... magkakakilala rin tayo!" Umis nya sa Front mirror.
But then binatukan ko sya.
"Aray!" Daing nya.
"At sinong may sabi sayo na magkakakilala kayo?" Gigil ko sa kanya.
"Yun yung Stalker Chicks mo diba?. Yun yung sinasabi mo sakin sa VC na mapanget, sakang, maitim, tagihawatin at maraming kapalpakan sa buhay nya pero patay na patay sayo!. Sigurado ka ba na hindi sya bulag?. Baka mali lang ang pagkakilala nya sayo kaya nagustuhan ka nya!" Sabi nya.
"Oh?. Alam mo pala na panget sya bakit gusto mo pang makilala?" Baling ko sa kanya.
"Bawal ba?" Tanong nya.
"Bawal!" Tuwid kong sabi.
"Ts, Nagseselos ka ba?. Kung hindi mo sya gusto bakit pumayag ka na magkaroon kayo ng relasyon?"
"Hindi ko nga alam yun!"
"Alam mo, kunwari ka lang!. So anong plano mo pag natuloy ang kasal mo eh di magbe-Break na rin kayo?"
"Kikilalanin ko kung sino yung gustong ipakasal sakin at lilinawin ko sa Althea Panget Choi na yun na hinding hindi ko sya magugustuhan!!!" Paglilinaw ko.
"Tapos pag nagmeet kami ng Althea na yun at nakipagdate ako sa kanya ay magagalit ka!. Ts, When Cold Yoongi is a Jealous Guy!" Bulong nya.
"Bilisan mo na nga lang ang pagmamaneho dyan ng makatulog na ako!" Utos ko.
Sinilayan nya pa ako ng nakakalokong ngiti bago nya binaling ang Atensyon nya sa pagmamaneho.
...
ALTHEA'S P.O.V..
KINABUKASAN. Maaga akong gumising para ipagluto si Yoongi ng Breakfast nya dahil alam kong maaga syang pumapasok sa trabaho nya, dumaan na rin muna ako sa Bake Shop para ibili na rin sya ng Cheese Cake na favorite nya pero nasurprised ako sa nakita kong pagbabago sa Bake Shop.
"Anong meron at todo linis ka dito Sandy?" Pagtataka ko.
"Ewan ko ba dyan kay Bossing, maaga syang nagpapalinis at nagpapa set up ng isang Party dito!" Tugon nya.
"Party????" Nagtaka ulit ako.
"Haist.. ewan ko lang talaga!!. Pinag oovertime rin nya ako dahil may darating na VIP mamayang gabi, kainis nga eh!" Maktol nya.
"Ah ganun!. Ok mabuti naman at may kasama ako dito mamaya!" Sabi ko.
"Sus....!" Singhap nya ng hangin.
"Ay... Aalis na ako baka nagugutom na ang Yoongi ko!" Sabi ko at nagmadali na akong umalis.
.....
Pagkarating ko naman sa Company ay may second emotion pala yung surprised mode ko. May nakita akong babae na kausap nya sa office nya.
"How are you here?. Mukhang hindi kita maabala huh?" Tanong nung babae na naririnig ko habang nakatago ako sa gilid ng pinto.
Ngayon ko lang nalaman at nakita na may kumakausap sa kanya na isang sexy, maganda at mukhang top model na babae maliban sakin.
Shoookt.. Correction MALIBAN SAKIN!!!!.
"Sino kaya yun??" Bulong ko.
"Eunice alam mo naman na hindi ako pweding tumigil sa pagtatrabaho hangga't hindi ko naibabalik sa dating success ang Company na ito!" Sabi naman nya.
"Nakakaselos na huh!. Nawawalan ka na ng time sakin!" Maktol nung babae.
Napapakunoot ang noo ko sa naririnig kong usapan nila. Mukhang magkakilalang magkakilala talaga sila.
"Psst!" Sitsit ng isang ano sa likuran ko kaya nabaling ang atensyon ko sa sumisitsit sakin.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong nya.
Huh??? kilala ko sya. Este sya yung bumili ng Cake sa Shop kagabi. Bakit nandito toh?
"Hey!. Why are you looking at me like that huh??" Lumapit sya sa kinapupuwestuhan ko kaya hinarang ko agad sa harap nya ang dala kong pagkain.
Sya nga yun.
"May dala kang food para sakin?" Turo nya sa sarili nya.
"Asa ka pa!" Bulong ko.
"Alam ko naman na para kay Yoongi yan so let's go inside!" Hila nya sakin papasok sa loob ng office ni Yoongi.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunoot noo ni Yoongi ng magsalubong ang tingin namin.
"Yoongi kase... ano?" Ts nauutal nanaman ako.
"Owh... Who is she Yoongi?" Tanong nung babae.
"Halika ka nga dito!!" Hinila nya agad ako palabas sa office nya at dahil sa pagkakahawak nya sa pupulsuhan ko ay nasasaktan nya ako ng sobra.
Heto nanaman sya, nagiging taong lobo na parang lulunukin nya ako ng buo dahil sa galit nya. Sanay na dapat ako dahil lagi naman dumadating sa punto na aawayin nya lang ako kapag magkikita kami.