...
Night Shifting nga pala ako ngayon sa Bake Shop na pinagtatrabahuhan ko pero parang wala talaga ako sa kondisyon.
Magco-close na sana ako pero may biglang dumating.
"Umh... Ano nga ba yung Favorite Flavor nya sa Cake??" Bulong nung Guy sa sarili nya pero medyo malakas yung pagkakasabi nya para siguro marinig ko at makapag suggest ako.
Hindi ko sya pinapansin at kunwari ay may ginagawa ako sa Counter.
"Miss sa tingin mo ba magugustuhan ng Best Friend ko ang Chocolate Cake?" Tanong nya w/ his husky voice na tumitining sa tenga ko.
Umiling lang ako.
"Pipi ka pala!" Sabi nya.
"Ok fine... Bigyan mo ako ng 2 Boxes of Chocolate Cake!" Sabi nya at kinuha ko agad ang order nya.
Iniabot ko sa kanya ang Cake na binili nya at binigay naman nya sakin ang Bayad nya.
Aalis na sana sya.
"May Sukli ka pa!" Sigaw ko nung nasa pinto na sya.
"Oh?. Nagsasalita ka pala?" Gulantang nya.
Medyo nanunuyot na nga ang lalamunan ko dahil sa hindi ko pag imik at naiipon lang ang pagkatahimik ko dahil pigil na pigil ang pag iyak ko.
"Ok!. Thank you but can i have a tissue please?" Paki usap nya na ipinagtaka ko.
Binigyan ko naman sya ng tissue pero nagulat ako nung ipunas nya yun sa daluyan ng luha ko.
"Grabe siguro ang pinagdadaanan mo nuh?. Kaya mo yan! Fighting!" Tapik nya sa balikat ko bago sya tuluyan umalis.
Napakunoot ang noo ko sa ginawa at sinabi nya at hinabol ko sya ng tingin hanggang sa makaalis sya sakay sa New Branded na sasakyan.
"Sino ba yun??" Bulong ko.
.....
YOONGI'S P.O.V..
Putch*!!!. Kanina pa ako inip na inip dito sa Rooftop dahil sa kakahintay sa kanya. Ano bang oras nya balak dumating???
Bumaba na ako nung pagsawaan ko tingnan ang kalangitan na nakikisabay sa mood ko. Balak ko na rin ang umuwi baka kase sumugod nanaman dito ang Althea na yun na Girlfriend ko daw.
"Hey....!!" Tawag ni Jimin sakin nung nasa pinto na sya ng office ko.
"Haist.. buti naman at naisipan mo pang dumating?" Baling ko agad sa kanya.
"Wala ka na talagang pagbabago!. Ganyan mo ba batiin ang Childhood Best Utol mo?" Tanong nya at akma nya akong yayakapin pero umiwas ako.
"Ano ba yan dala mo?" Kunoot noo ko sa box na dala nya.
"Hindi ko na matandaan kung anong favorite flavor mo sa Cake pero binilhan pa rin kita, i hope magustuhan mo ang pasalubong ko!" Sabi nya.
"Sa tingin mo talaga mapapakain mo ako nyan?. Bwisit dumating ka dito para lang dalhin yan?" Inis kong tanong.
"Para maging Sweet ka na!" Pang aasar pa nya.
Pero hindi ko na sya pinatulan pa.
"Umuwi ako para i-Congrats ka!" Pagtutuwid nya.
"Huh?" Pagtataka ko.
"Ako lang ba ang nakakaalam na ikakasal ka na?. Haist... ikaw yung Groom to be pero hindi mo alam?. Ano ka ba Yoongi?. Tao ka pa ba?" Tanong nya.
"Nalintikan na talaga!. Ano ba naman klaseng buhay toh!. Nagka-Girlfriend ako ng hindi ko alam tapos Groom to be pa ako?. Ako ba talaga ang may ari ng sarili kong buhay?????" Nakakainis na tugon ko.
"Owh.. She's not Lucky!. Her Life is going in hell!" Natatawa nyang sabi.
May sarili na nga akong mundo at wala akong close sa mga employees ko at sya lang ang kilala kong kaibigan ko pero bakit sumasakit ang ulo ko sa nalalaman ko.
Bwisit naman!!!!.