((( Monina POV's )))
Nasa harapan na nga kami ng hapag-kainan. Maya pa ang pasok ko. Mas mabuting saluhan ko muna sila kumain.
"Nakausap mo ate?"
"Kayo ha. Pinagtitripan niyo ako."
"Bakit?" Si Papa.
"Pa. Isasali daw sa International Dance Competition itong si Caroline."
"Naks naman! Sana all!"sabat ni Carolina habang kumukuha nga ng kanin.
"At ako future Miss Universe. Ahahaha." si Catriona. Ang tataas ng pangarap nila ah. Habang ako maibangon sila sa kahirapan at maihatid nga sa tamang landas. Para na talaga akong nanay. Mature din kahit paano ang pag-iisip ko sa kanilang tatlo.
"Saan ba yan?" tanong ni Papa.
"Sa Thailand Pa."
"Ay naku hindi. Mas mabuting nasa malapit tayo sa isat-isa."
Natigilan kami sa narinig. Tumatangi ang tatay. Ito ba yung takot na baka may masamang mangyari kay Caroline.
"Pa naman."nabitiwan ni Caroline ang kutsara at tinidor nito. Lumapit sa tabi ni Papa. At napayakap nga sa leeg nito.
"Pa. Wala naman gastusin. At kung makikita niyo -talent ko. Siguro ikakaproud niy ako. Pa, plea—."
"Hindi sabi!" patabog niya sa mesa. Napatayo ito.
"Walang lalayo sa pamilya natin. Wala."galit na galit nitong sabi. Saka kinapa ang baston niya. At nagkusang bumalik sa kwarto.
Naiyak si Caroline. Kaya napatayo ako. At niyakap ko siya. Ayokong nakikitang umiiyak ang mga kapatid kong chanak. Saka nga napayakap din si Catriona at Carolina.
"Bakit ayaw ni tatay?"tanong na lamang ni Caroline habang umiiyak.
"Nagulat lang ata si Papa. Kakausapin ko siya ulit."
"Ate. Kapag di siya pumayag. Magagalit ako."
Pinisil ko ang pisngi nito.
"Sabi ko diba? Kahit anong mangyari, wala tayong right magalit sa magulang natin. Honor your Father and Mother na kasama sa sampung utos ng Diyos. Kaya, kung madadaan sa paki-usap. Gawin. May oras pa naman tayo. Wag ka magalit kay Tatay. Natakot lang yun na baka makalimutan mo kami."
"Hindi naman. Di pa nga ako nanalo."