Chereads / Doctor Alucard Treasure / Chapter 28 - Chapter 27 Flowers Meaning

Chapter 28 - Chapter 27 Flowers Meaning

((( Secretary Lee POV's )))

Nakasandal lang siya sa sasakyan. Pinagmamasdan ang boung lugar. At tungkol sa kasong gusto niyang gawin ko. Nilinaw ko sa kanya, na siya dapat itong marereklamo dahil sa ginawa niya bigla.

Sa medyo nga siya wala sa sarili.

Ang lungkot niya pagmasdan.

((( Monina POV's )))

Dahil mamaya pa ang next ngang klase ko, di ako sanay na tumambay lang at magsayang ng oras.

Napag-isipan ko na pumunta sa Columbarium kung nasaan nga yung urn ni Mama. Yung abo niya.

Dumaan ako sa isang flowershop na bibili nga kahit tatlong tangkay lang ng bulaklak. Naiintindihan ni Mama siguro na taghirap anak niya.

"Hello po." bati ko nga sa may ari ng flowershop. Napangiti ito ng makita ako. Kilala niya ako, kasi ako lang naman yung customer na humihingi ng bulaklak na medyo meron na ngang damage. Sayang diba?

"Mabuti naman andito ka. Maari mo ba akong tulungan mag-arrange ng bulaklak? At ibibigay ko yung maliit na boquet sayo ng thirty percent."

"Talaga po?!��

"Oo, kasi itong nag order sa akin ngayon, ang metikuloso. Gusto yung bulaklak na ibig sabihin daw. I love you till death."

"Wow. Ang romantic naman."

"Patay na ang bibigyan niya."

Di ko na alam ang sasabihin ko na abala na nga si Tiya Linda sa paghahanap ng bulaklak.

"Heto."

"Carnations."

"Ibig sabihin ng pulang carnations, admiration for a loved one that passed away. Habang yung puti, sinisymbolo niya yung untainted love. Para sa akin napaka-innocente ng kulay na yan."

Nakita ko ngang napapa-arrange na si Tiya Linda. At kumuha bigla ng isang rosas.

Ngumiti siya sa akin.

"Sa isang boquet ang ibig lang sabihin ng isang rosas, enduring the love alone."

"Ang lungkot naman. At paranag ang kawawa naman ng nag-order niyan Tiya Linda."

May isinamang maliliit na bulaklak hangang sa nakagawa kami ng malaking boquet. Magkano kaya ang benta ni Tiya Linda.

Saka naman niya binigay sa akin ang maliit na boquet. Alam nito kung saan ko dadalhin.

Nakapagpa-alam na nga ako.

Paglabas ko di ko namalayan ang pagdating ng isang sasakyan. Di ko pinansin kung sino man yun. Wala na akong oras.