Sakura's POV
Nang pumasok ako sa aming silid-aralan narinig ko ang mga kaklase kong umaapaw sa bulong-bulongan....
Bakit kaya???
Bigla lang akong pumasok may bulong-bulongan na....Issues na naman???Arghhh!!!Student Life!!!
Kaya sinuot ko nalang ang aking earphones at nakinig ng music...
Nang biglang bumukas ang pintuan at ang pumasok ay ang mga kamiyembro ko sa Behind The Scenes...
"Totoo ba yun!?"sigaw ni Sayuri
"Ano yung pinagsasabi mo!?"sigaw ko sa kanya pabalik.Kala niya ahh...Marunong din akong sumigaw.
"Totoo ba ate na hindi ka talaga sa mundong ito nakatira!?Gamer ka lang rito!?Ibig sabihin laro lang pala ang lahat ng ito!?"aning pasigaw ni Luna...
Pumawi ang ngiti sa aking labi.Bumagsak ang aking braso at may mga luhang namuo sa aking mata at tumuloy ito sa aking pisnge.Dahil sa aking narinig...Pano nila nalaman yun???
Nang tignan nila ako tila ba'y nag iba ang ekspresyon nila sa mukha...
"T-t-that's not true,right nee-chan???"saad ni Luna na nagmamakaawa while her tears escaped from her eyes and it raced down to her rosy cheeks.
Hindi na ako sumagot...Hindi ko alam kung bakit ganito nadadama ko kahit laro lang ito.
Sobrang Sakit.
Sobrang Panlulumo.
Ang sakit sa dibdib.
Tila ba'y bumagsak ang aking mundo...
Pero ba't ganito...Diba laro lang to'hhh
"Silence means yes."malamig na tugon ni Akito.At dahil dun ang aking tuhod ay tila bay nanlalambot sa mga sinabi nila.
T*ngina!!!
Bat ako nagkakaganito!
Unti-unting nandilim ang paligid habang humahakbamg silang palayo sa akin.
Palayo....Palayo ng palayo.....
Kasama ang tinuturing kong mga magulang pati na rin ang dalawang makulit na guro namin ay paalis na tinalikuran ako at nandilim ang buong paligid.
Wala na akong nakikita sa paligid kundi ang kadiliman.
Kadilimang bumabalot sa kinatatayuan ko.
Sobrang dilim...
Nakikita ko parin silang palayo sa akin na napapaligiran ng dilim...Hanggang nabanggit ko ang...
"H-hitori ni shi-shinaide ku-kudasai!"yan lang ang nasabi ko habang paalis sila.Palayo na sila sa akin...
Hindi man lang ako nilingon ni Haru.Kahit siya man lang sana lumingon kaso hindi ehh!!!
"Hitori ni shinaide kudasai!!!"sigaw ko!!!
At bigla nalang akong bumangon sa aking kama...
Pawis na pawis ako.Malamig na pawis na namumuo sa aking noo...Napansin ko rin na may mga luha na namumuo sa aking mata na naging sanhi ng unting pagblurred ng aking nakikita
At narealize ko na...panaginip lang pala yun...
Ano kayang gagawin ko kung naging ganun ang pangyayari???
Nilingon ko ang lugar na kung nasaan ang kama ni Hana tas pagtingin ko wala siya roon.
Saan kaya nagpunta ang babaeng yun?
Napansin kung bukas ang bintana.At nanlamig ang aking pakiramdam dahil sa hanging nanggaling sa bintana.
Tas tumingin ako sa baba may maliit na ilaw na umaalingaw sa aking paningin yun pala si Hana lang yun.
Anong oras na ohhh???
Bakit nandito pa siya sa labas??
Saan kaya pupunta yun???
Dali-dali akong tahimik na lumabas ng aking silid para makalabas ng bahay at susundan si Hana.
Nakalabas na ako ng bahay at tahimik paring sinundan si Hana.
Nang biglang may binanggit ni Hana na
"O gods and goddesses
Open the gateway to the paradise
As I wishes"
At bigla nalang may biglang nag appear na portal at pumasok si Hana kaya dali dali din akong pumasok dun....
Bigla nalang akong nahulog sa at may nakita kong may mga fairy na nandun bukod kay Hana.
Marami pala sila!
Ngunit sa paglilibot ng aking paningin sa paligid may hindi ako inaasahang makita!?
Ang hindi ko inaasahan pa ay si Luna at Akito ay nandun din...
Kaya napasigaw nalang ako...
"Anong lugar ito!???"
Kaya lahat ay napatingin sa aking gawi...
Tinignan ko sila Luna at Akito at sumigaw nang...
"Bat kayo nandito!?"tanong ko sa kanila.Pero ang sagor na natanggap ko lang galing sa kanila ay...
"Ba't nandito ka!?"
Ang galing nila nohhh tinanong ko sila tapos ang sagot nila ay tanong rin..Klase yan...Pero saglit...
Ano na ang nangyayari dito!???