|| Maryl
All is set, all is in their positions already.
We were all in the conference room, ready for the next meeting, and I'm praying there would be some kind of peace throughout the discussions this time. We were just waiting for our supreme leader, Austin Xil Salvatierra, of course.
For today's meeting, our positions were; Reign and me seated next each other, the boys are seated to each other as well.
As the three of us preparing our things, especially our laptops, Reign stood up from her seat. "Attention everyone! Your queen bee has an announcement to make!"
"Huh?" we asked in unison.
"Nakita niyo naman na may inflatable playhouse sa labas, di ba? Papagtripan ko lang si Axis."
I twitched my eyebrows, and felt a sudden anxiety in my chest. "Heyyy Lawreigggn Ellison, ano nanaman yan?"
"Should I prepare a score board?" Adriano asked.
"I don't feel good about this..." Carlo replied.
"Don't tell me you would push him down? You are fully aware that his family could sue you, right?" I replied
"Seconded." Adriano agreed. "Please reconsider about pushing him, we don't want you in jail."
"Pwede rin, basta suportahan niyo nalang ako! Pagtitripan ko lang naman hanggang sa manghina ang tuhod niya kasi may nalaman ako. In case na mahulog siya, di siya mababalian." Reign answered in assurance.
"I doubt na yun lang plano mo Reign, I truly doubt it..." Carlo worrily told her.
"Oh my god, here we go again..." and I facepalmed.
Adriano clicked his tongue and went back to checking his stuff.
I feel afraid for Axis because of this.
-----
Axis
Panibagingong araw, panibagong meeting.
Ilang araw din kaming di nagkita, kasi ang announcement ko noong Monday pa ng gabi. Kakatapos lang din ng prelims kaya kailangan magpahinga ng konti at lumandi sa asawa ko dahil namiss ko siya.
Hindi naman pwedeng mastress nang sobra kahit nasa Alexandra University kami, di ba? Saka sana naman wala nang pasabog na matindi si Lawreign ngayon, di ba?
Daming ganap. Daming nangyari. Minsan iniisip ko, tama ba na mga engineers ang hinatak ko dito? At tama ba na hilain ko si Lawreign dito? Lagi akong natotorture at wala rin ako maintindihan eh!
Isa-isahin natin ang mga kalokohang ginawa ni Lawreign Ellison simula sa una;
Day 1 - nangaasar
Day 2 - nangungulit
Day 3 - naglalaro
Day 4 - kumakain
Sana ngayong day 5, maayos na ang lahat, di ba?
Nandito na kami sa conference room lahat. Si Maryl at Adriano nasa harap at magkaharap, sunod na magkaharap at sa tabi nila, sina Lawreign at Carlo. Lahat sila nakaharap sa laptop.
Since Thursday ngayon, suot ni Maryl medtech uniform niya na kulay puti. Si Lawreign naman as usual, naka uniform ng pang seawoman, pero nagmumukha siyang kinder sa suot niyang yun. Kinder na serial killer, ganun. Ganun ang vibe niya.
Nagclear ako ng throat at binati sila. "Good morning everyone! We are gathered here today for our fifth meeting. If you have a report, please present it so that we are up to date on current happenings."
Unang tumayo si Ian at binasa yung mga nakasulat sa laptop niya.
"The efficiency of spy camera prototypes are high. All features are in high quality. The video and audio that were captured, stored and/or played are clear and in expected quality. The night mode and motion sensor features worked better than expected. The transfer of video and audio data from the cameras to the command center is as fast as planned. The storage capacity and lens quality are always in check, there is no worry about a sudden interruptions. Will make more batches more features for future use. That is all."
Naupo si Ian na walang interruption galing kay Lawreign. Napatingin ako sa kanya, at busy siya magtype.
Weird.
Tumingin ako kay Carlo. "How about the OP: SEIRA app?"
Tumayo si Carlo at binasa niya rin yung nasa laptop niya. "Data transfer, check. Emergency response, check. Reminders, check. Data storage, check. Modern and sleek design, check. Profile details, check. Video, photo, and audio quality, same as how it was sent, check. Served its purpose, check. All features are in high quality and is ready for further operations in the future."
Naupo nalang si Carlo, wala pa rin reaksyon si Lawreign.
Napatingin ako kay Maryl. "Natapos mo ba yung report?"
"Google forms and physical copy." sagot niya na hawak ang violet folder. "I was about to give these last Saturday, kaso ininis ako ng girlfriend mo."
Napakunot ako ng noo. "Bakit? Ano ginawa ni Jia?"
Ngumiti siya ng naiinis. "She wanted me to get the fuck out of our suite."
Napatango nalang ako.
"I don't know what the fuck is wrong with your girlfriend, but I think she's getting overbearing." she ranted.
Sometimes... I don't know. Gusto ko nang awayin si Maryl. Wala siyang karapatan na pagsabihan si Jia ng ganun. She's sweet and a wife-material!
Nagreklamo na nga lahat lahat si Maryl, wala pa ring reaksyon galing kay Lawreign. Nilapitan ko siya at sinilip kung anong ginagawa niya, nagdadagdag siya ng information sa online version ng written report.
"Hallelujah! Praise the lord!" sigaw ko.
Tinignan ako ni Lawreign ng masama, nakakunot pa ang noo. "Baliw 'tong taong to. Kailangan na tumawag ng mental hospital."
"Sino ba may kasalanan?" tanong ni Maryl.
Napatameme si Lawreign.
Yippeee! Ang saya ko! Walang asungot sa meeting ngayon!
Biglang tumayo si Lawreign at nagapproach, pansin ko rin na nagiba bigla ang aura niya.
Okay medyo kinakabahan na ako.
Nginitian niya ako at kinausap nang painosente. "Can we talk?"
"S-sure?" sagot ko. Nauutal na ako kasi ang creepy ng vibe niya.
"Sa balcony sana, para makapagusap tayo nang maayos."
Tumango ako.
May balcony kasi kami dito, katabi ng kitchen at dining hall. Dito pwedeng magdine and relax pag napagod at nagutom kaming lahat, at bet namin magluto.
Lumabas kami at napatambay malapit sa may mismong handrail.
Tinignan ako ng seryoso ni Reign, na para bang may icoconfess ang gaga. Yung mata niya nandidilim, at naninibago ako kasi ngayon ko lang nakita mata niya ng ganito. Nagbuntong hininga rin siya at dahan dahang nagsalita. Dahan dahan din siya lumapit.
Mas kinakabahan na ako eh.
"Hey Ax... I appreciate your hard work."
Yung tingin niya sa akin. Di ko ineexpect. Parang pwede na niya akong katayin at idissect anytime, saka yung boses niya parang lumalim, in a sultry way kung baga.
Hinarang niya ako bigla.
Napapalunok nalang ako. Nakakatakot eh.
"G-gago ka. May girlfriend ako!" pag sigaw ko.
Nilapit niya mukha niya sa akin at nagsmirk. "Pakealam ko? Ikaw lang nagiisip niyan."
Anong ako pang nagiisip?! Anong ginagawa niya ngayon?!
Pilit niya nilalapit mukha niya sa akin at napapasandal ako sa handrail sa kakalayo.
Bumilis bigla pangyayari...
Ramdam kong yung paa ko ang kinakabahan...
Napahiga ako sa isang bubong ng inflatable playhouse. Buti nalang matibay at medyo mataas binagsakan ko, pero feeling ko nabigla leeg ko sa sakit, napajerk backward siya nang di oras.
Hindi maganda pagbagsak ko kahit sa inflatable na. Nakaposisyon leeg ko sa paglayo sa mukha ni Lawreign eh.
Feeling ko walang estudyante at professors sa oras na 'to, wala akong naririnig na nabigla o nataranta man lang sa nangyari. Saka alam kong kakaset-up lang ng playground na ito dahil malaman at umuumbok sa pagkacompress ng hangin.
At since di ko magalaw leeg ko, pinilit ko na mapatingin ako sa 10th floor. Napatingin sina Maryl, Carlo at Ian dito. Medyo rinig ko pa sila.
"Relax guys, buhay pa yan. Calculated ko lahat." sagot ni Reign.
"Tangina mo Lawreign Ellison, sinadya mo 'to? Kala mo ba nakakatawang joke 'to?!" pikon na sigaw ko at napaaray sa kirot ng leeg ko.
Kumunot noo niya. "Malay ko ba madudulas ka? Gusto ko lang na pagtripan ka ngayon."
"Hayop ka! Ang sakit ng leeg ko! Nilalandi mo pa ako?!" sigaw ko ulit at pinipilit yung sakit.
"Yan tanga mo kasi. Saka di kita nilalandi. Manyak talaga utak mo eh no?" pagdepensa niya.
"Namimilipit yung sakit ng leeg ko, Lawreign Ellison! Di ko magalaw putangina!" sigaw ko.
Tumingin siya kay Ian at narinig ko command niya. "Tawag ka na nga ng ambulance Ian."
Nakita ko yung pagkuha ni Ian ng phone at pagtawag niya.
"Hang in there bro. Walking distance lang ospital oh." sabi sa akin ni Carlo.
"Tanga, papalakarin mo ako, namimilipit na nga sa sakit leeg ko?! Tangina." sigaw ko pabalik.
Dumating naman agad yung emergency respondents ng Alexandra University Hospital. Medyo nahirapan nga lang sila akong ibaba dahil nga nasa taas ako ng inflatable playhouse.
Tangina talaga Lawreign Ellison, ba't naging kaibigan pa kita?
_____
Beyond the Spectrum | Wave 15: Fifth Meeting • © mxylms