Chereads / Beyond the Spectrum / Chapter 21 - Midterm Stress

Chapter 21 - Midterm Stress

|| Axis

Iba-iba talaga naiisip pag nakatunganga ka lang sa kawalan, lalo na at tahimik yung lugar. Imbes na antok ang dumalaw sa akin, mga school works yung nagsasayang nagswiswimming sa utak ko. Siguro dahil naiistress ako dahil sa midterms namin.

Wala pang finals, pero pagod na ako. Wala pang end ng school year, gumagapang na sa akin yung pagod. Wala pang end ng school year, nilalamon na ako ng pagod. Wala pang thesis at graduation, pero pagod na talaga ako. Pagod na pagod na pagod na ako.

Talon nalang kaya ako mula dito...?

Pero siyempre joke lang yun, ayoko iwanan asawa ko. Kailangan ko rin maging isang tapat na manananggol. Nagagawa ko pang magbiro kahit nakacervical brace ako last week, hayop.

Ayoko na, ayoko nang mahulog. Kahit babagsakan ko ulit ay inflatable playground, dun nga nabigla leeg ko eh!

Napakatok ako sa wooden na mesa sa conference room ng ultimate hideout namin dahil nga sa lumilipad nanaman ang isip ko. Tapos na yung midterms namin pero ramdam ko pa rin yung aftermath, na sa sobrang lala ay naisipan kong tumambay sa conference room.

Tahimik, sobrang nakakabingi yung pagkatahimik, ako lang mag-isa, walang asungot na nagngangalang Lawreign Ellison Ashly-Midford.

Naumay na ako sa kakatunganga at hinablot ko yung phone ko mula sa bulsa ng blazer ko at nagscroll muna sa FB. Puro articles about sa Koreanong heredero at yung bride-to-be nanaman ang nakikita ko. Alam ko na kasama ng mga Liu, Midford, at Martinenghi, nangunguna rin sila sa listahan ng World's Richest Families ng Forbes magazine, pero hindi ko ineexpect na ganito ka-sikat pamilya nila. Iniisip ko nga na baka sobrang na-hype ang mga Koreano dahil akala nilang lahat bakla 'tong direktor eh. Panigurado mga nasasayangan sa kapogian niya.

Ilang beses na rin ako napagkamalang bakla kaya alam ko, pero di na naging news headline noong naging kami ng aking inamorata na si Shin Jia.

Pero wag na natin pag-usapan yung direktor na yun at yung magiging asawa niya, nasa kabilang kwento yun.

Kahit nagpapasalamat ako na walang tao sa laboratory ngayon, nabibingi naman talaga ako sa katahimikan.

Napapatingin at napapatingala nanaman ako sa taas dahil nakakaburyong pala magselpon. Ang aliwalas pala ng kwartong to dahil light monotone at walang masyadong gamit dito kaya malinis tignan; black office chairs, white board, bagong kabit na projector, conference table, mga importante lang naman nandito. Di ko napapansin yung vibe dito kasi tuwing papasok ako, nakakasama ko si Lawreign, nakakabwiset lang. Pero at the same time, nagpapasalamat akong wala siya at di na lumilipad isip ko.

Habang tumatagal, naririnig ko yata yung tibok ng puso ko. Bumibilis. Parang may naririnig din ako kaluskos na galing sa labas, at bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto.

"Heyyy. Yooow. Whazzup bro? Kinukwestyon mo ba existence mo? Nagaantay ka na ba ng alien na magsusundo sa iyo? Di ka mahahanap ng mga yun!"

Inangat ko bigla ulo ko at tumingin sa direction ng nagsasalita kasi nanayo balahibo ko sa nagsasalitang pang-rapper na akala niya kinacocool niya. Kaya ayun, speaking of the devil, pumasok siya sa conference room.

"Babalik ka pa ba hospital? Balik ka na!" unang asar ni Lawreign sa akin.

Bwiset na babae to, hindi nalang sabihin na lumayas ako dito sa loob. Nananahimik na buhay ko dito eh.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ko nang naiiritang pabalang.

"Ano bang problema mo ha?" panggayang sagot niya din sa'kin nang pabalang.

Kalma lang Axis, kalma.

Demonyo yan. Wag patulan kundi magkikita rin kayo pag namatay ka. Kahit mas angat ka ng konti sa kanya ng lebel, okay na yun. Wag lang kayo magsama dalawa.

Napabuntong hininga ako at pilit na manahimik nalang kaysa na patulan siya. Nag-monologue si Lawreign magisa kasi di ko siya pinapansin. Instead na matuwa ako kasi di ko siya pinapansin, naiirita at nabwibwiset lang ako kase nagiging news announcer slash story teller na siya sa sobrang wala siyang magawa sa buhay niya. Tumitig nalang ako sa may pintuan, at medyo napapansin ko si Lawreign, na ang gamit niyang microphone ay nirolyong handkerchief.

"Magandang araw mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga mag-aaral at mga tauhan ng Pamantasan ng Alexandra! Ako po ang inyong lingkod, Lawreign Ellison Midford, naguulat sa mga oras na ito. Kasalukuyan pong nanahimik si Ginoong Austin Xil Salvatierra at hindi ako pinapansin. Mukhang malalim ang kanyang iniisip, meron ba itong problema sa kanilang magkasintahan? Samahan niyo po ko alamin kung ano ang kanyang naiisip ngayon hapon na ito."

Lumalapit lapit siya sa akin at gumagawa gawa ng weird expressions.

"Nandito na po tayo sa loob ng utak niya grabe po ang pangyayare dito kase tinotorture niya na po ako dito sa utak niya! Mga kaibigan, kailangan na natin ng psychiarist dito! Mali palang hospital yung nirefer ko. Di pala dapat orthopedics kundi psychiaric ward!"

Binuksan ko na bibig ko para sa kaniya kasi hindi ko na kayang magpigil ng inis. "Kinalimutan mo siguro na may psychiatric ward ang AXU Hospital."

Inignore lang niya sinabi ko at inasar pa ako lalo ng hayop. "Sayang mga kaibigan! Di natin nakita ang pagkamatay ko sa loob ng utak ni Axis."

Minsan iniisip ko, dalhin ko na kaya 'tong si Lawreign sa psychiatric ward ng Alexandra University Hospital? At saka, nagdadasal na ako para sa MassComm students ng pamantasang 'to dahil sa pagpanggap niya bilang reporter.

Sa di katagalan ng pagiging nonsense ni Lawreign, nagsqueak ulit ang pintuan at sumilip si Ian, na para bang sobrang perfect ng timing para sa isang mood whiplash "A pleasant afternoon to you both." bati niya sa amin. "Did Maryl drop by at any chance?"

Buti nalang may dumating na matino tino ang utak, pero kahit siya talaga ang may pinakamatinong utak.

Napatigil sa pangangasar si Lawreign at sinagot yung paghahanap ni Ian "Alam mo kung nandito si Maryl, either aawatin ako, mananahimik para magrebyu, dadaldalin ako, o tatawanan ako sa mga kalokohan ko sa buhay. Saka nasa classes pa siya according to the app."

"Does it have to be one of those 4 choices?" tanong ni Ian sa kanya na nakakunot yung noo.

"Mukha bang may iba pang gagawin yun bukod sa mga choices na yun? And anyways, ba't mo hinahanap? May date kayo?"

"Hoy Lawreign, dahan dahan sa pananalita." tinignan ko si Lawreign nang masama.

Tumingin siya pabalik, the same tingin tuwing nangangasar siya. "Ay so confirmed tih? They're dating na pala?"

"Gaga. Baka pumasok si Carlo." sagot ko na may pag face palm, kasi nagcricringe ako sa tingin niya na yun.

"Ayyy sabi ko na Barbie." asar sa akin ni Lawreign.

"Gago ka. Last mo na yan." sagot ko pabalik.

"Uhh... guys? Maryl sent some bioweapon reports, and I wanted to discuss these with her." awat sa amin ni Ian at pumasok siya sa room. May hawak siyang dark blue na plastic folder, napaghahalatang kay Maryl nga galing yung report.

"Tibay. Nagawa pang gumawa ng bioweapon report ni ate mo girl." pagcomment ni Lawreign, na binigyan ni Ian ng resting jerk face. "You asked her for this, and you must be responsible for any consequences that will happen in this project."

Nagreply si Lawreign with a mocking smirk. "Eh ganun talaga. Prepare for the worst nalang tayo, since we have Maryl on the side."

"Sadista ka talaga eh, no?" tanong ko sa kanya.

"Bago ko sagutin yan, pabasa muna ng report." lumapit si Lawreign at hinablot niya mula sa kanya yung dark blue folder, at di na nakailag si Ian. Binasa ni Lawreign yung contents na nakastraight face at binanggit ang iilan. "So cross-out na yung Yersinia pestis dahil kailangan ng flea carrier, Variola major dahil may nadevelop nang vaccine dito, marami pang nabanggit na crinoss-out niya and prolly gagawa siya ng bagong strain. Although delikado, best or worst option yung Bacillus Anthracis sa recommendations niya dahil madali lang gawin sa lab."

"Baci-- what? Ano yung huli?" pagtatakang tanong ko.

"Anthrax." sagot ni Ian sa medyo bingi kong tenga.

"Pwede rin tong Botox since silent killer 'tong hayop." pagcontinuous ni Lawreign na iscan yung contents.

"Hindi ba pampaganda yun, pampawala ng wrinkles ganun?" pagtatakang tanong ko ulit.

"Botulinum toxin is a neurotoxic protein produced by the bacterium Clostridium botulinum. It prevents the release of the neurotransmitter acetylcholine from axon endings at the neuromuscular junction and thus causes paralysis on muscular tissues." pagexplain ni Ian.

Napatingin si Lawreign kay Ian. "Wow, di ka lang pala physics boi."

"Well, isn't this a general knowledge?" pagtanong niya ng may curiousity at nag-cross arms pose.

"Sa iyo, oo. Kay Axis, hindi." sagot ni Lawreign habang pinagpapatuloy niya ang pagbabasa. "Okay na 'to, pakisabi sa asawa mo na I trust her decision wholeheartedly. Kaya naman niya yan, malaki naman na siya."

Napansin ko na parang nasamid si Ian sa sinabi ni Lawreign and namula ng konti. Obvious namang he's trying to keep his cool. "You're really putting your bestfriend at risk, aren't you?"

"Eh, anong magagawa ko, siya lang nag-iisang medtech sa atin? Saka jusko, parang wala ka namang tiwala sa bebe girl mo."

Natahimik si Ian at di na pumalag kay Lawreign. Si Lawreign naman ay binasa yung isang page na mukhang verbatim. "Post script: If you wanted a concoction of hallucinogens and depressants, please let me know. Although I stand by this quote of Adam Sandler; "Chemistry can be a good and bad thing. Chemistry is good when you make love with it. Chemistry is bad when you make crack with it." Bioweapon is a dangerous weapon, you know? I'd blame Reign if something goes wrong."

"That was a good one." pagcomment ni Ian. "I cracked when I first read it, and I know she prioritize our safety and health beforehand."

"Kung katulad 'to ng elixir sa nilalaro namin ni Maryl, I might consider." sagot ni Lawreign na may pagtango.

"Since she's referring to recreational drugs, Axis, what do you think?" tingin sa akin ni Ian.

"Whatever suits best, kayong bahala. Mas gamay niyo yung science and engineering eh." sagot ko at tumingin ako kay Lawreign. "Basta wag lang ako masugod sa ospital ulit."

"So bakit parang kasalanan ko?" pagwika ni Lawreign na may facial expressions at paglagay ng kanang kamay sa dibdib.

"Alam ko na yang acting mo, Lawreign." pagcomment ko.

"Seconded. You watched too much 'Four Sisters and a Wedding'. It's getting too mainstream. Please come up with non-mainstream lines next time." pagagree sa akin ni Ian at tumango.

"U guyz r nu fun." pagbabytalk ni Lawreign at bumalik ulit siya sa pagbabasa.

-----

His mind has been wondering for a few nights now; thinking he might not have a chance. He had to distract himself upon the thoughts of her... to a heated pleasure on another woman. Strokes of fingers, trails of kisses; all made from shots of whiskey and mutual sexual attraction.

"I have to forget her. She is a part of my past, I have to focus on the present." he thought as he gave himself onto the waves unexplainable lust.

There are words that should have left unsaid, and now he could not undo and change course. Taking responsibility of anything casual is so unlike him. He knows, and now he has nothing to do about it. The lack of protection, the tangled thoughts, and the high dosage of alcohol made him commit countless of bad decisions.

The night wraps up the untangled bond made by the midterm stress. One of those bad decisions he made was to ask a golden question. In response, she said "yes".

He woke up the next morning, with the new woman on the other side of the hotel bed. He knew what happened last night, and then again, he knew he couldn't undo anymore. He knew he asked the wrong woman to be his girlfriend.

Are the romantic feelings mutual? I'd say somewhat. He had to endure for not to hurt her feelings. Since he had to forget any lingering emotions from his past woman, he has to learn how to love a woman on his side. He is praying that he could, anyhow. If God was real, he'd beg for forgiveness, for he just committed the biggest mistake of his life.

"Please make me learn how to love her, please don't make me hurt her feelings just because I couldn't fix mine."

______

Beyond the Spectrum | Wave 21: Midterm Stress • © mxylms