|| Axis
Tuesday, 1220H
Tangina. Putangina talaga.
Hindi man ngayon, pero makakabawi rin ako kay Lawreign!
Ang sakit talaga ng leeg ko putangina!
Kakauwi ko lang sa bahay, at kailangan ko magpahinga ng ilang araw at magsuot ng cervical brace. Hindi naman ako nabalian pero sobrang nabigla yung leeg ko na nagkastiff neck ako.
Nagbihis muna ako ng pantulog at nahiga ako sa kama ko para naman mabawas bawasan yung sakit. Kinuha ko yung phone ko na nasa side table at tinawagan si Lawreign.
"Hello Austin Xil. Is there an upcoming meeting?"
Bati niya sa akin. In British accent pa.
Di na ko alam kung ginagago talaga ako neto eh.
Alam mo yun, masakit sa tenga yung sarcasm ng sagot niya?
"Oy Lawreign, kahit nakakaputangina ang ginawa mo, sa iyo ko ipapasa yung sixth meeting. Ikaw in-charge. Report mo sa akin pagkatapos." inis na reply ko.
"Bakit? Nagcancel na ba ng deal ang mga magulang mo." pagiba niya ng boses, ngayon naman medyo pabebe.
Huh.
Ano 'tong pinagsasabi niya? Ang alam ko walang deal pinagusapan mga pamilya namin ah?
Kung meron man, alam ko na agad.
"Pinasasabi mo?" tanong ko.
Bigla siya nagiba ng boses ulit, ngayon naman seryoso na. "Basta yun. Bakit nga?"
"Ayokong makita ka." cold na sagot ko.
"Good. The feeling is mutual. Ayaw rin kita makita. Byeee." at binaba niya yung call.
Minsan talaga di mo maintindihan kung anong merong utak tong si Lawreign eh. Nagtataka pa rin ako kung bakit at paano ko 'to naging kaibigan.
Ilang segundo lang, narinig ko notification bell ng phone ko, nagtext siya sa OP: SEIRA app.
"Putangina Axis muntik na ako madulas kaya yun sinabi ko. Kasama ko kasi si Jinyoung. Pero pagaling kang hayop ka. Yoko masayang yung binayad ko sa'yo."
Buti nga. Dapat tuluyang nadulas to eh. No one can tell the difference anyways.
Saka ngayon ko lang narealize na nililigawan pala to ng kambal ng asawa ko.
Yes! Makakaganti na ako dito sa wakas!
"Gago. Magiging sister-in-law na pala kita. Mas mataas na ako sa'yo. Di mo na rin ako matotorture." reply ko.
"Alam mo, kahit maging brother-in-law kita, mas mataas pa rin ako sa iyo. Good luck!" reply niya.
Binaba ko na phone ko pagkatapos nun, at narealize ko na mas matanda pala sa kambal si Jinyoung, at nakakabata si Jia mi inamorata.
So paano na, tortured ako for the rest of my life?
Ba't wala akong takas sa babaeng yun?
"Mahal, may dala ako para sa iyooo." sabi ng asawa kong papasok na may dalang kung anong box since di nga ako makalingon. Ramdam kong nilapag niya yun sa higaan ko.
"Anong dala mo? Tanong ko."
"Krispy Kreme mahal. Isang box, isang dosena." sagot niya.
"Ah sige. Mamaya ko nalang kakainin yan." sagot ko. "Di ba may pasok ka pa mamaya sa International Law?" dagdag ko.
Lumapit siya sa akin. "Dito muna ako, aalis ako 30 minutes bago ng klase."
Tinignan ko siya. "Hay nako. Nagabala ka pa pumunta. I love you so much mahal."
Ngumiti siya. "I love you more mahal."
Hays. I am blessed.
Pero hindi blessed pagpasok ko ulit kasi tatambakan ako ng mga subjects ko sa Economics.
Tangina Lawreign. Kasalanan mo 'to eh. Pag ako talaga di makapasa ng AXU-College of Law, malilintikan ka sa akin.
-----
Reign
"Alam mo nung time na nanalo ako ng Science Quiz Bee sa Italy? Kala ko imposible kasi 5 years old lang ako, pero nakuha ko yung youngest inventor award dahil dun...."
"Tapos nakapagaccelerate din ako noong 8 years old para sa science..."
"Nakailang best inventor award din ako, pero chill lang..."
"Easy lang naman kasi..."
Ang daming sinasabi, alam ko naman na lahat ng 'to. Humble bragging pa talaga ginagawa ngayon. Siyempre alam ko background ng bawat sikat na engineering student sa university na ito.
Kung di lang 'to nanlibre ng samgyupsal ngayon, iniwanan ko 'to sa ere eh.
Nasa school canteen kami, kung tama ba na 'tawagin ko 'tong school canteen kasi isang buong building na puro pagkain nandito.
Yung nasa basement at lower basement, buffet. Depende nalang kung anong trip nila iserve ngayon. Sa first to third floor, fast food. Fourth and fifth floor, Asian, which naappreciate ko yung humor kasi four means death in East Asian culture; mostly din kasi sa pagkain nila oily. Sixth and seventh naman ay European/Meditteranean. Sa eighth ay African. Ninth and tenth naman ay North, Central and South American cusine. Sa eleventh and twelveth floor ay mamahaling restaurants, at sa thirteenth floor ay rooftop bar.
Naappreciate ko rin kung bakit sa 13th floor nila nilagay yung bar. Natatawa nalang ako eh. Although pagmamay-ari ng mga Liu ang school na ito, sa pamilya namin galing yung canteen building eklavu na ito, alam niyo na kung saan akp nagmana?
Anyways, puro college students ang nandito. Pwede naman pumasok ang ibang levels kung umay na sila sa selection ng food buildings/canteen nila, pero syempre wala silang access sa rooftop bar.
Okay, balik tayo sa boring na "date". Nasa 4th floor kami at niyaya niya akong magsamgyupsal. Authentic yung samgyup dito, kaso hindi budget-friendly. Eh marami pa naman scholars ang school na 'to, marami ring mayayaman kaya nakakabenta.
"Reign, nakikinig ka pa ba?" tanong ni Jinyoung sa akin habang naggrigrill ng beef.
Hay. Kung di lang pagkain 'to, nilayasan ko na eh.
Biglang nagring yung phone na nasa bulsa ng coat ko. Noong chineck ko, si Axis.
Ano kaya problema nito? Nabayaran ko na hospital bills niya. Pwede ko na ba siya pagtripan ulit? Hmmm...
"Sino yan?" tanong ni Jinyoung habang naglalagay ng beef sa plato ko.
"Isa ring bwiset sa buhay ko." sagot ko.
Sinagot ko with my sweet, cockney accent. "Hello Austin Xil. Is there an upcoming meeting?"
Wait, nadulas ako dun teka.
"Oy Lawreign, kahit nakakaputangina ang ginawa mo, sa iyo ko ipapasa yung sixth meeting. Ikaw in-charge. Report mo sa akin pagkatapos." inis na sagot niya.
"Bakit? Nagcancel na ba ng deal ang mga magulang mo." tanong ko with a pout.
"Pinagsasasabi mo?" sagot niya.
"Basta yun. Bakit nga?" tanong ko ulit out of curiousity.
"Ayokong makita ka." sagot niya.
"Good. The feeling is mutual. Ayaw rin kita makita. Byeee." at binaba ko yung call para itext siya sa OP: SEIRA app.
"Putangina Axis muntik na ako madulas kaya yun sinabi ko. Kasama ko kasi si Jinyoung. Pero pagaling kang hayop ka. Yoko masayang yung binayad ko sa'yo."
Habang nagtatype ako, narinig ko sabat ni Jinyoung. "May 'the feeling is mutual' pa kayo ah. Kailan yung sa sa atin?"
Tinarayan ko siya dahil sa pagsabat. "Manahimik ka dyan."
Agad naman nagreply sa akin si Axis: "Gago. Magiging sister-in-law na pala kita. Mas mataas na ako sa'yo. Di mo na ako matotorture."
Natawa nalang ako bigla dahil napatawa niya ako. Sure ba siya diyan? Eh mas matanda si Jinyoung kay Jia? Saka as if magiging sister-in-law ako ng isang Austin Xil? Kung mapasagot ako ni Jinyoung, sure. Pero never, even in his dreams.
"Nababaliw na 'to. Kinikilig ka sa'kin no?" feelingerong tanong ni Jinyoung.
Tumingin ako sa kanya. "Gago. Natatawa ako kay Axis. Ang taas ng pangarap."
"Ay oo nga pala, future brother-in-law mo pala yun."
"Ulul." minura ko at bumalik sa pagchat kay Axis.
"Alam mo, kahit maging brother-in-law kita, mas mataas pa rin ako sa iyo. Good luck!" reply ko kay Axis sa app.
Binaba ko na phone ko at binalik ang atensyon sa samgyupsal, na isang bundok na pala na nasa plato ko.
Wag na yang si Jinyoung. Epal ih. Nakikisabat, di naman kausap.
Pero sana ang kasama ko ngayon si Maryl o si Tally. Hays. Pag isa sa kanila nadatnan ko dito sa canteen, ililibre ko! Kahit impossible na dumating si Maryl dahil may pagkain sa lab, nangangalangin pa rin yung demonyita na to!
"Kain ka na. May klase ka pa mamaya, di ba? Baka magutom ka ulit." alalang sabi ni Jinyoung.
Pwede bang... umalis muna 'to sa harap ko? Naiilang ako na ewan eh.
Think Lawreign, think.
Napatingin ako sa isang corner, sa isa pang area ng Asian food na for Pinoy dishes; yung prof ko sa Housekeeping patapos na kumain. Binilisan ko pagkain at bumalik yung atensyon kay Jinyoung.
"May nakikita ka bang di ko nakikita?" tanong ko sa kanya.
"Ano yun? Pagmamahal mo sa akin? I knew it." gagong sagot ni Jinyoung.
Yuck.
Gusto ko na talagang umalis.
Cringe-y.
"Yung prof ko sa Housekeeping paalis na. Kailangan ko nang pumasok. Byeee." sabay kuha ng bag at alis sa harapan ni Jinyoung.
Hinablot niya kamay ko. "Di ba wala kang Housekeeping ngayon?"
Ay pota, ba't ang lakas ng memorya neto?!
"Naglast-minute change kasi ng time sa mga subjects pagkabigay ko sa iyo ng sched ko. Sp ayun, goodbye mate!"
Buti nalang bumitaw si Jinyoung at napatakbo ako papuntang escalator, na nakaheels.
Wala naman talaga akong Housekeeping subject ngayon, pero it's a great way to escape that guy. Ilang beses ko nang iniignore, patuloy pa rin eh!
Pababa na sana ako gamit ng escalator noong nakasalubong ko si Maryl na paakyat. Nakamain uniform siya at wala rin siyang kasamang medtech friends, so I know na engineering subjects lang pinapasukan niya ngayon.
Hallelujah! Praise the heavens! Kahit alam kong di ako tatanggapin dun dahil mahaba na invisible sungay ko! Buti nalang di naisipan ni Maryl na kumain sa laboratoryyy!
Pagkaakyat niya, bigla kong hinila braso niya. "Tara kain tayo. Anong gusto mo? Libre ko."
Biglang nanlaki mata ni Maryl kasi sobrang bihira ko lang manlibre.
Di ba sabi ko pag nakita ko si Maryl o si Tally, may libre ko? Gagawin ko nga. Para na rin di ako lapitan ng hayop na yun. Urat eh.
"You seem generous today, anong nakain mo?" curious na tanong sa akin.
"Cringe-y na palibre ni Shin Jinyoung na may poot at galit." sagot ko.
"Poot at galit? What?" and had her eyebrows twitched.
"Dinagdagan ko lang para deep." sagot ko.
"At least may libre." pagdepensa niya.
"Kahit sino basta wag lang dun!" pagkontra ko. "So ano gusto mo? Seryoso, libre ko."
"Hmm actually, I was craving for Italian f--."
"Sige sige taraaa." biglang agree ko.
Di ko na siya pinatapos at hinila ko siya papuntang sixth floor.
Pumunta kami sa Italian food section, napansin namin na di marunong magEnglish yung cashier. Nahire siguro galing pa ng Italy para magluto ng authentic Italian food, mukha kasi siyang nasa late 40s.
"What do you want to eat?" tanong sa akin ni Maryl.
Kinuha ko yung handheld menu na malapit sa cashier at nagscan. "Hmm... ano sa iyo?"
"Tagliatelle al ragù." sagot niya.
"Yun na rin sa akin. Dagdagan mo na rin ng dalawang tiramisù."
"Sige sige.
"Mukhang di siya marunong magEnglish, sure ka?" tanong ko sa kanya.
"Yeah. Ako na bahala." sagot ni Maryl at nilapitan niya yung cashier. "Buon pomeriggio, signore. Parla Inglese?" tanong niya.
Wait, marunong mag-Italiano si Maryl? Magsusummon din ba to ng tatay kong demonyo?
Daddy Devil, di ko pa kayo handang imeet ngayon hehe. Chill lang po kayo.
Ang kinky pakinggan ng 'daddy'. Kadiri. Nevermind.
"Mi dispiace signorina, conosco solo alcune parole in Inglese." sagot ng cashier.
Napatango si Maryl. "Vorrei due tagliatelle al ragù, e due tiramisù."
At nagpunch na yung cashier ng order namin. "Sarebberro 500 pesos."
Kinuha ko yung wallet ko na nasa bag at inabot sa cashier. Tinuro niya yung seats na siguro pinapaupo kami. Sinunod naman namon at naupo sa pangdalawahan na magkaharap. Wala na kasi ako talagang maintindihan sa sinasabi nila eh.
"What foreign languages did you take since elementary? Akala ko sinusummon mo na tatay ko." tanong ko kay Maryl.
"Hm... Japanese, Korean, Chinese, Spanish, Italian." sagot niya. "Alam mong required yung Spanish and Chinese."
"Alam mo yung apat eh, Japanese and Korean classes magkasabay din tayo dun. Pero bakit kasama yung Italian?"
"Well, since pre-school pa yung sa Italian." sagot niya.
"Sa Singapore ka nagaral ng 10 taon, paano nasama yung Italian?"
"My parents just said that I need to learn Italian. No other reasons. Pero on the brighter side, I embraced the language and nakapasa agad ng Italian Proficiency Test habang nagtetraining tayo." pagexplain ni Maryl.
Training sa Italy? Given na yun kasi lagi kaming nagtetraining sa ibang bansa bago sumabak sa college. Pero feeling ko may something, na di rin siguro alam ni Maryl.
Kinukutuban ako. I need to find that out.
-----
Translations:
(It.) Buon pomeriggio - Good afternoon
(It.) Signore - Mister
(It.) Parla inglese? - Do you speak English?
(It.) Mi dispiace - I'm sorry
(It.) Signorina - Miss
(It.) Conosco solo alcune parole in inglese - I speak just a few words of English.
(It.) Vorrei due... - I would like two...
(It.) E - and
(It.) Sarebberro - That would be...
_____
Beyond the Spectrum | Wave 17: Cervical Brace • © mxylms