Ang ating mundo ngayon sa kasalukuyan
Napupuno ng selos at galit na siyang rason ng mga kaguluhan
Na dapat hindi hayaang maging hadlang sa atin.
Magkaroon ng pananampalataya sa tao, kaibigan, dahil ito'y bubuti rin
Kagaya ng mga away ng naganap noon sa sinaunang kabihasnan
Na sinakop ng malalaking emperyo para mapalakas ang kanilang kapangyarihan
Nagbago ang mga kasangkapan, kagamitan at transportasyon
Mga impluwensyag ambag na kapakipakinabang hanggang ngayon
Mga pangyayari na nagdaan sa paglipas ng panahon
Ay umuulit kahit wala namang sumasakop ngayon
Bihag ng sariling kaisipan at ng may posisyon na mga tao
Mga may gusto ng pagbabago ngunit ayaw talagang magbago
Sa pagsapit ng dilim sana'y inyong maalala
Ang liwanag ng pag asa ay nasa puso ng mga masa
Ang kapayapaan at pagbabago ay wala sa mga halal na pinuno
Kundi sa tao sa siya'ng kinabukasan ng mundo
[End]
"Ating Mundo"
By: MysticalGalaxy14
[11/5/18]