CHAPTER 51
LUCKY'S POV
"Surprise Bitch!" mataray na bungad ni Mj sa amin pagkabukas ng pinto. Sunod sunod na mang pumasok ang mga kaibigan ko kasama si Kenneth at Wesley.
Para kaming sumali sa mannequin challenge sa posisyon namin ni ser Adam ngayon. Kasalukuyang nakaipit ang ulo ko sa kili kili at dibdib ni sir Adam at pareho kaming nanigas sa biglaang pagpasok nila sa suite.
'Oh crap!' nakalimutan kong i-text si Ytchee kanina kung nasaan ako.'
"MJ, what are doing here?" at dahan dahan kaming naghiwalay ni sir Adam at umayos ako ng tayo.
"Lucky what's the meaning of this?" kunot noong tanong niya at paulit ulit niyang kinakagat ang pang ibabang labi niya dala siguro ng pagka tense.
"W-Wesley, i'll explain everything, please hindi ito tulad ng iniisip mo." Hinawakan ko siya sa kanang braso pero dahan dahan niyang inalis ang kamay ko. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni sir Adam at mababakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkadismaya.
"See, I told you guys ma su-surpresa kayo. Lucky is not who we think he is." Nakapamewang na sabat ni Mj.
"Shut up Mj. You don't know anything about me." Naiinis na sagot ko habang nakatingin sa kanya.
"Now i do honey. Lucky The Slut." Dahan dahang sagot niya at masiyadong trying hard magpaka bitch sa harap naming lahat.
"Atleast hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa ibang tao." Sarkastikong sagot ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Pfft! Hindi yun ang issue dito dear. Concern lang ako sa mga kaibigan mo kaya nag magandang loob akong samahan sila dito para makita at malaman nila kung anong tunay na pagkatao mo.."
"Psh, kailan ka pa nagkaroon ng concern sa affairs ng mga kaibigan ko Mj?"
"Its just happened. I was on the right place and on a right time. Na surprise ba kita?"
'Teka papaano niya naman nalamang nandito ako sa suite ni ser Adam? Tch, stalker nga pala to.' Napalingon ako sa tabi ni ser Adam.
"Sa kabilang suite sila naka check in." Mahinang bulong ni ser Adam sa likod ko.
"Mj please you're so fake. Mahihiya sayo si Barbie." Napapailing na sagot ko.
"Look whose talking, pareho lang tayo ang pagkakaiba lang natin hindi ako pumapatol sa instructor ko." Gusto kong tumawa ng malakas sa huking sinabi niya. Hindi ko alam na joker din pala tong si Mj.
"Alam niyo po bang ground for termination itong ginagawa niyo Sir Adam?" lumapit si Wesley kay ser pero mabilis siyang pinigilan ni Kenneth at hinila ito papalapit sa tabi niya.
"I know the rules Wesley, if you let us explain the situation." pigil ni ser Adam sa namumuong tensiyon.
"Ganyan ka na ba ka desperado manalo Lucky? Kaya pati instructor mo pinatulan muna para siguraduhing mananalo ka mamaya sa laban?" Malisiyoso at nakakainsultong tanong ni Mj. Gusto ko siyang sapakin sa baho ng bibig niya.
Tahimik lang na nakikinig ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman hinihiling na ipagtanggol nila ako sa pagkakataong ito gusto ko lang makinig sila sa magiging paliwanag ko o kahit sa ipapaliwanag ni ser Adam.
"MJ what are you talking about? This is ridiculous!" sabat ni ser Adam at napahawak siya sa batok niya at minasahe niya ito ng dahan dahan. Nararamdaman kong na stress na siya sa sitwasyon namin.
"No, this is disgusting! Ang taas taas ng tingin ko sa inyo. Hindi ko alam na ganito pala kababa ang pagkatao niyo." Gumagaragal ang boses na sagot ni Mj.
"Mj itigil muna to. Hanggang ngayon ba never ending parin ang mga kabaliwang kwento diyan sa utak mo?"
"Kabaliwan bang matatawag ang mahuli kayo sa akto?" muling pag didiin niya. "Kayo—" turo niya sa mga kaibigan ko. "Kayo ang nakakakilala kay Lucky, kayo na ang humusga." Lingon niya ulet sa mga kaibigan ko.
"Enough with that crap Mj! I'll explain everthing. Walang kasalanan si Lucky sa nangyayare. Kung may dapat kayong sisihin ako yun. Ako ang may kasalanan kaya sa akin kayo magalit." Halata na sa tono ng pananalita ni ser na naiinis na siya sa mga haka haka ni Mj.
"Good luck with your explanation Sir, i'll make sure na makakarating to sa mga Board of Directors as soon as possible. Both of you will be kick out from Carlisle Academy before this day ends." Mabilis siyang tumalikod at binagsak ng malakas ang pinto.
"Guys listen its not what you think it is. I'll explain everything. Lucky and I are--"
"Hindi niyo na po kailangang magpaliwanag sir Adam. Sapat na yung nakita namin kanina bilang matibay ebidensiya." Putol ni Andi. At halatang halata ang pagiging sarkastiko niya dahil napapairap pa siya habang nagsasalita.
"Andi ano bang pinagsasa sabi mo? Makinig ka muna bago mo kami husgahan!" Napipikang sagot ko.
"I'm done listening to all your drama Lucky. Huwag kang magpanggap na ikaw ang biktima dito, dahil ito naman talaga ang gusto mo noong una palang diba?"
"W-What? Ano bang nangyayari sayo Andres ha?" Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya ngayon.
'Si Andi ba talaga tong kaharap ko o sinasapian siya?'
Hindi ko inaasahan o naisip na gagawin sa akin to ni Andi. Nalilito ako sa mga ikinikilos niya. Gutom ba siya? Nauutot o natatae? Siya yung nag iisang taong inaasahan kong kakampihan o susuportahan ako kahit ano pa ang dahilan ko at ipagtatanggol ako kahit hindi ko sabihin sa kanya.
"Dapat talaga lagi kang may eksena sa bawat school na papasukan mo? Now, I wonder why you left your old school.." Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, pinipilit kong intintindihin si Andi dahil alam kong galit lang siya. Pero hindi palaging mahaba ang pasensiya ko lalo't inuungkat ang nakaraan ko. Hindi ako handang magkwento sa kanila tungkol sa nakaraan ko. Ngayon pa bang nakaka move on na ako kahit papaano.
"Andi, pakinggan muna natin ang sasabihin nila, pareho pareho naman tayong walang alam dito." Mahinahong awat ni Ytchee saka sumulyap sa akin ng tingin.
"Para ano pa Ytchee? Para papaniwalain na naman tayo sa mga bagong kasinungalingan nilang dalawa?" Sigaw niya rito.
"Ses, chillax pare pareho tayong walang alam sa nagyari kanina huwag mo namang husgahan agad si Lucky dahil sa sinasabi ni Mj." naiiyak na sagot ni Marlon habang nakahawak sa braso ni Andi.
"Isa ka pa!" Singhal niya kay Marlon. "Hindi pa ba sapat yung nakita natin? Tingnan mo nga yung suot ng kaibigan mo? Don't tell me sa ganyang outfit naglaro lang sila ng LUCKY 9 kanina?" sarkastiko siyang tumawa. "Baka nga katatapos lang nilang mag sex ng dumating tayo eh!" Hindi ako nakatiis at nilapitan ko siya.
"Andres." Seryosong sagot ko.
"Bakit yun din naman ang naging isyu niyo noon ni Jasper diba? Ang sex—" nilapitan ko siya bago niya pa ibunyag ang pinakatatago tago ko.
"Ano bang nagyayari sayo Andres ha? Ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa kin?" Ewan ko kung bakit parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko habang nakikipagtalo ako sa kanya. Ganun ba talaga ang pakiramdam kapag kaibigan mo yung mismong nakakasamaan mo ng loob?
'Please Andi huwag dito..'
Sa sobrang inis at pagpipigil ko ng galit nanlalabo na ang paningin ko sa kanila. Pinipigilan kong huwag umiyak sa harap nila. Sapul ako dun eh. Tirahin ba naman ako sa mismong kahinaan at lihim ko. Sa kaisa isang bagay na itinatago ko sa kanila. Sa isang bagay na nagbigay ng malaking pilat sa pagkatao ko.
"Sa tingin mo kaya ako nandito dahil nakipag sex lang ako? Hind mo man lang ba itatanong kung bakit o paano ako nakarating dito?" Hindi ko na mapigilan at kusang nag unahang tumulo ang luha sa pisngi ko. Mabilis kong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
"Kailangan ko pa bang itanong kung nakita naman ng mismong mga mata ko? Ngayon alam ko na kung bakit kakaiba ang treatment ni ser Adam sayo. And of all students sa Carlisle ikaw lang ang nag iisang friend niya sa facebook."
"Yun lang ba ipinuputok ng butse mo? Dahil sa treatment niya sa akin at friend niya ako sa Facebook?" gusto kong matawa sa kababawan ng rason niya. Nakalimutan ko lang sabihin sa kanila nung nakaraang araw dahil sa dami ng hindi inaasahang pangyayari sa campus kaya nawala na din sa isip ko.
"Itinuring ka naming kabigan Lucky, pero ikaw wala ka ng ibang ginawa kundi ang ilihim ang lahat ng tungkol sayo." Duro niya sa mukha ko.
'Dahil hindi lahat ng sekreto dapat malaman kay anga siya tinawag na sekreto." pambabara ko sa kanya kahit pikang pika na ako.
"Lucky, please be serious.." mahinang sambit ni ser Adam sa tabi ko.
"So sinasabi mong hindi totoo ang lahat ng nakikita at napapansin ko sa inyo? Naming mga kaibigan mo?" at sumsenyas kela Ytchee at Marlon.
"Andi, kung bibigyan mo ng kahulugan ang lahat ng bagay na mapapansin mo bakit hindi subukang maging dictionary?" narinig kong napabungisngis si Ytchee pero mabilis siyang siniko ni Marlon.
'So matagal na pala silang may napapansin bakit hindi pa nila ako tinanong? Sabagay ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ang magkwento ayoko kasing isipin nila na assuming ako.'
"Okay fine, eh ano ngayon? Bakit may problema kaba sa sex life ko?" derechong sagot ko. Tingnan natin kung hanggang saan aabot sa usapang ito. Gusto kong malaman kung ano talaga ang ikinagagalit niya.
"So di inamin mo rin?" Nilapitan niya ako saka tinulak sa noo gamit ang hintuturo. "Kasi nga malandi ka, yan naman ang plano mo diba ang akitin ang lahat ng mga gwapong lalaki sa Carlisle para sa ikasisiya mo?" Natameme ako.
'Wow, all this time yun pala talaga ang tingin niya sa akin.'
'Maygad, na recruit na ata ng samahan ni Mj si Andi. Hindi hindi siya bagay maging Pink Rangers hindi bagay sa kanya ang kulay na pink sa itim niya.'
"Tama na Andi umalis na tayo." Awat ni Marlon at hinawakan siya sa braso pero nagpumiglas si Andi.
"Eh ano ngayon kung yun ang plano ko? Naiinggit ka, kasi wala ni isang taga Carlisle ang gustong pumatol sayo!" Nasapul ko ang ego niya kasabay ng paglipad ng isang palad niya sa mukha ko.
"Hey stop!" Humarang si Wesley sa gitna namin at itinulak si Andi.
"Isa ka pa!" dinuro niya si Wesley. "Magpakatanga ka lang diyan pa sa malanding yan!" Duro rin niya sa akin. Hinawakan ako ni Wesley sa pisngi.
'Masakit yun negra!!'
Sa laki niya at lapad ng kamay ni Andi para akong sinapal ng pata ng baboy. Unti unit kong nalalasahan ang dugo sa bibig ko.
"Why do you slap him?" galit na sigaw ni Wesley at hinila ko siya sa tabi dahil ayokong magkagulo din sila ni Andi.
"Because he deserves that!" sigaw niya rin dito.
"Andi that's enough, Marlon take him outside." Madiing utos ni Kenneth. Kung hindi pa siya nagsalita hindi ko rin mapapansing kasama namin siya sa loob ng kwarto.
"Huwag mong asahang pagtatakpan namin ang kalandian mo. Ginawa mo yan mag isa namnamin mo ang consequense mag isa." Saka siya tumalikod at lumabas ng suite.
"Ses, wait! Ytchee dito ka lang kausapin ko lang si Andi." mabilis na humabol si Marlon papalabas ng suite.
"Wesley c'mon may time pa tayong mag breakfast." Walang emosyong tawag niya sa pinsan at tinalikuran kami ng hindi manlang lumilingon sa gawi ko. Parang sasabog ang ulo ko sa galit dahil matagumpay na namang sinira ni MJ ang araw ko.
"Go Wesley, i'm okay promise. I'll text you later." Pagtataboy ko sa kanya.
"I'll be back i promise. Ytchee please don't leave him." Tumango si Ytchee at hinalikan ako ni Wesley sa noo ng madiin. Hindi ko napigilang at humagulhol ako ng iyak dahil sa sama ng loob. Bakit sa dami ng araw na magyayari to dito pa sa Baguio. Sigh.
"Lucky, please don't cry." Dahan dahan niya akong itinayo at niyakap. Walang tigil pagpatak ng luha ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Just go Wesley. I'm fine nandito naman si Ytchee at sir Adam." Namunas ako ng luha saka tinulak siya papunta sa pinto. Napilitan siyang umalis at patakbong hinabol si Kenneth.
Ang sakit bes!
Yung kaisa isahang taong inaasahan mo sa mga ganitong klaseng sitwasiyon bigla kang iiwan ka sa ere. Alam ko namang sumobra din ako dun sa sinabi ko kanina. Pero sinadya ko yun para malaman ko rin ang totoong saluobin niya sa akin. Ngayon alam ko na para akong nalugmok sa kinatatayuan ko.
Nilapitan at niyakap ako ni Ytchee. Umupo kami sa kama.
'Sabi ko 6months ago hindi na ako iiyak. Surprise!'
"Huwag ka ng umiyak ang cute kaya ng spongebob na boxer brief mo." Natatawang sabi ni Ytchee habang hinihimas ang likod ko.
"Kumota na ako ng kamalasan ngayong umaga. Sarap!" Inabutan niya ako ng tissue at suminga ako ng todo.
"Atleast quota na, wala ka ng hahabulin kamalasan sa buong maghapon."
"Baliw!" Natatawang sagot ko.
Nagtimpla ng coffe si ser at dinalhan kami sa terrace ni Ytchee dahil nagyaya akong manigarilyo. Kinuwento ni ser ang lahat ng nangyare simula kaninang umagang nagkatagpo kaming tatlo nila Mj sa Eco-Trail, ang tungkol sa pagkikita ni MJ at pag uusap nila sa likod ko. Napilitan din siyang aminin kay Ytchee ang tunay na nararamdaman niya sa akin.
Kahit na narinig ko na yun kanina, at ngayong pinakikinggan ko ulit hindi parin ako makapaniwalang totoo ang lahat ng iyon.
'Si Sir Adam Villanueva? Hello, plano niya pa atang ituloy namin ang series ng Twiglight Saga.'
Ang ika limang libro titled: "Night of Terror" o "Gabi ng Lagim" CHING!!
"Taenang Mj yan kahit kailan panira ng buhay! Dapat diyan ibinabaon ang katawan sa gitna ng strawberry farm para gawing pataba at magkaroon ng pakinabang sa kalikasan eh." Napahilamos siya ng mukha at dahil sa mga narinig na kwento.
"Pinagsisisihan ko tuloy na hindi kita sinamahan kaninang umaga sana mangyayari ang lahat ng gulong ito." Napasabunot siya sa ulo at yumuko sa mesa.
"Tss, tapos na yung dramarama sa umaga tumigil ka na." Singhal ko sa kanya.
"Lucky again please forgive me for causing a lot of trouble. I know you have a lot on your plate now." Hinawakan niya ang kamay ko sa mesa at pinitik ko siya ng malakas at bigla siyang natawa. "Abnormal ka talaga!" hinimas himas niya ang kamay.
"Move na tapos na oh!"
" I promise i'm gonna fixed this touble as soon as i can."
"Trouble is my middle name. Don't worry sir i'm sure we'll find a way." Tapik ko dahil kanina pa siya mukhang stress sa nangyayari.
"Lucky, habaan mo nalang ang pasensiya mo kay Andi. I'm sure he doesn't mean everything he said a while ago. Dala lang yun ng galit at siguro sa inggit." Ngusong sabat ni Ytchee.
"Galit, oo naiintindihan ko, pero inggit? No fucking way. Kahit mag makipag swap siya ng pagkatao papayag ako. Babayaran ko pa siya!" at nakita kong natawa silang dalawa.
"So hindi ka galit sa kanya?" Nag aalangang tanong niya.
"Galit? NO, nagtatampo lang siguro. Ikaw kaya sampalin ng may lima't kalahating kilong pork liempong botcha sinong matutuwa?" ngiwing sagot ko sa kanya.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" magkasabay silang tumawa ng malakas.
'Mga abnoy nasaktan na pinagtawanan pa. Sakit nun ah muntik ng umikot ng dalawang beses yung ulo ko sa lakas ng pwersa niya.'
"Sir sorry din ah, na husgahan kita at ng mga kasama ko ng di nila alam ang tunay na kwento. Akala kasi namin totoo yung mga kinukwento ni Mj kanina sa lobby ng makita niya kami."
"No worries.. As long as Lucky is fine.. I'm fine as well." Nginitian niya si Ytchee.
"Bakit hindi mo na lang kasi ginelpren yun si Lucrecia Kasilag para naging payapa na ang lahat?" walang ka kibot kibot ng tanong ni Ytchee habang humuhigop ng malakas sa kape niya.
"Sinong Lucresia Kasilag?" Kunot noong tanong ni ser at tumingin sa akin.
"Sino pa eh di yung baliw na negrang si MJ!" inis na tugon niya kay Sir Adam.
"Ha ha ha! Nice name Lucrecia." Nakangiting ulit niya.
"Lukring kasi siya!" inis na sambit ni Ytchee.
"Kung ganun lang ba ka simple bakit hindi?"
"Kung niligawan mo siya sana di na niya pinag initan pa si Lucky."
"She's not my type. She wear too much make up. I'm more interested on personality than looks."
"So, anong type mo ser?" nanunuksong tingin ni Ytchee.
"H-Huh, anong type ko? Hmm.." at napangalumbaba at umaktong nag iisip.
"Yung simple pero may dating?" si Ytchee. Tango lang ang sagot ni sir Adam habang nakatingin sa akin.
"Yung tipong may konting angas?"
"Pwede pwede.."
"Messy or rugged looking pero hot?"
"Pwede.."
"Blonde ba hair siya? Kamukha ni Cara Delevingne? Bakla pero tomboy?" Sunod sunod na tanong niya habang nagpipigil ng tawa.
"Hahaha! Oo siya nga gusto ko."
"Eh bakit hindi mo na lang asawahin to?" Turo niya sa akin at sinimangutan ko sila.
"Ayaw niya eh. Ha ha ha!"
"Mga siraulo!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Sus, kilig na kilig ka naman?!" kinurot ako sa mukha ni Ytchee sa akin.
"Ha ha ha loko ka Ytchee baka mapikon yan!" Nakakalokong tawa ni ser.
"Bakit nagtanong ka ba?" singhal ko habang subo ang sigarilyo. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at sumeryoso ang mukha.
"Aba, bakit gusto mo siya?" Taas kilay na tanong ni Ytchee.
"Well, why not he's hot. Crush ko nga yan pers dey ko palang sa Carlisle." Pilyong sagot ko.
"Seriously? May crush ka sa akin?" napapangiting tanong niya at umayos ng upo.
"Pakyu." At tumawa ako ng malakas at naubo dahil sa usok na hindi ko naibuga.
"Bastos na bata!" ngiwing tugon ni Sir Adam.
"Hoy, Lucky Shane Gonzaga wala kang galang sa teacher mo!" Turo ni Ytchee sa mukha ko.
"Ganyan yan kanina bago kayo dumating ginagago din ako niyan, kaya nga naabutan niyo kaming dalawa sa ganung posisyon dahil pinarurusahan ko siya." At hinampas ako sa braso pero nakailag naman ako.
"Pakyu po!" Nag peace sign ako.
"Yan ganyan gumalang ka!" Aprubado niya saka tumawa.
"Mga siraulo kayo, pinag ti-tripan niyo na naman ko!"
"Seryoso ka talaga ser gusto mo talaga 'to?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ytchee dahil inilapit niya pa ang mukha sa mesa.
"Hindi yun tulad ng iniisip mo Ytchee okay. I don't know how to explain it. I'm just fascinated with Lucky."
"Fascinated, pasineyted! Ganun din yun kayong mga lalake ang dami niyong pa utot!" At sabay kaming tumawa ni ser.
"Bakit, kung sakali ba hindi ka ba boto?"
"Hindi naman sa ganun ser, masiyado lang siguro kayong matanda para sa kaibigan ko."
"Para anim na taon lang, maka matanda naman to!"
"And besides lalong maraming makaka away to sa campus sigurado kapag malaman nila ang tungkol dito." pahina ng pahina ang boses ni Ytchee. Natahimik siya sa sinabi ni Ytchee.
Halatang hindi niya nga gusto, kilala ko to si Ytchee dahil very supportive to sa anumang trip ko nitong mga nakaraang araw. Pero may point siya lalo akong pag iinitan sa campus. Hindi pa nga tapos ang kaso namin ni Amber, sumisingit pa si Mj sa eksena tapos dadagdagan pa nito?
Baka ipa-firing squad na ako ng mga students sa Carlisle sa gitna ng soccer field sa sobrang ganda ko.
"Hoy makapagpalitan kayo ng kuro-kuro parang wala ako sa tabi niyo!" Sigaw ko at nag angat sila ng tingin sa akin.
"May gusto o wala, wala akong pake ang gusto ko ngayon katahimikan!"
"Eh dun ka sa sementeryo ang ganda mo kasi masiyado!" Bulyaw niya sa akin.
'Lintik to maka sigaw parang nasa kabilang kwarto ako.'
"Peace of mind ang ibig sabihin nun tanga!" singhal ko sa kanya.
"Sus, sa angking kamalasan mo malayo mong makamit ang gusto mo. Lalapitan ka ng isang swerte pero didikitan ka ng apat na malas bilang kapalit. Hindi mo ba napapansin yun?" Mahabang litanya niya kaya napa isip ako.
"What do you mean by that?" Nagtatakang tanong ni sir Adam.
"True to life yun ser. Sa bawat swerteng dumidikit dito kay Lucky lagi din itong may kadikit na kamalasan." Umiiling na kwento niya.
Napa pito si ser sa sinabi ni Ytchee.
"Ang masakaklap dun siya lang ang uma-absorb ng lahat kamalasan hindi ang taong dumidikit dito." may bahid ng lungkot na sambit ni Ytchee habang bumubuga ng usok sa ere.
Alam ko naman yun matagal na. Yan din kasi ang sinasabi ng mga kaibigan ko noon pa. Absorbent ako ng negative vibes at naglalabas ang katawan ko ng positive vibes sa ibang tao. Siguro yan ang misteryong bumabalot sa pangalan ko. So Lucky.
"Lucky or not hindi na nun mababago ang nararamdaman ko sa isang 'to." Seryosong sagot niya kay Ytchee.
"Fascinated daw oh?! Don't me ser, Ginoo ko!" ngiwing sagot ni Ytchee.
"Pakiramdam ko talaga ayaw mo sa akin? Siguro may iba kang gusto para sa kaibigan mo? Ano aminin mo!" Naghahamong tanong ni ser. Hindi kaagad naka sagot si Ytchee at naiwan siyang nakatingin kay ser.
"H-Hindi ahh. Wala kong paki sa kung sino gusto niya, pero sa kapakanan niya meron." nag iwas siya ng tingin at nabaling sa mga puno ng pine trees ang tingin niya.
"Kahit sino naman siguro ang piliin niya sa huli pareho din naman ang magiging kapalaran niya." Makahulugang sagot ni ser.
"Tss, ano mamalasin ako?" Pareho silang bumaling ang tingin sa gawi ko at sabay na napatango.
"Matitigil lang tong kamalasan ko kapag natagpuan ko na yung taong handang magpakamalas kasama ko." Mayabang na sagot ko. Pareho silang napanganga sa sinabi ko.
"Kung sino man ang taong yun na nakatadhanang makatagpo ko, siya yung tipo ng taong minamalas din kapag nasa paligid ako. Yung tipong pareho kaming minamalas pero ma swerte kami dahil natagpuan namin ang sa isa't isa. Gets niyo?" Tumango silang dalawa.
'Alam kong magulo pero yun ang binubulong ng isip ko. Kung may ganun mang taong nag e-exist malamang hindi pa siya ipinapanganak.'
"Siya siguro yung taong hindi matagalan na kasama ako sa loob ng isang minuto pero hindi rin kayang makatagal ng ilang segundo na wala ako. Korni noh? Pero kutob ko siya yung soulmate ko." Napabuntong hininga ako ng malalim at nag puff sa nauubos na sigarilyong hawak ko.
"Minamalas man kami sa ibang bagay pero ang totoo lucky charm namin ang bawat isa.." Pagkatapos ko ng mahabang sentimyento.
"Wow." Halos sabay na bigkas ni Sir Adam at Ytchee.
"Ngayon kailangan ko ng magbihis at mag practice dahil kapag hindi ako manalo mamaya. Ipapalasap ko ang totoong kahulugan ng salitang malas sa harap niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Nakayukong banta ko sa kanilang dalawa. Sabay silang tumango at hindi makapag salita sa harap ko.
"Susunduin paba kita sa suite niyo?" mahinang tanong ni ser.
"Huwag na ser, nabanlian lang ako ng taho hindi ako nabaldado." natatawang sagot ko.
"Okay, galingan mo mamaya. Manalo matalo ikaw pa rin ang winner for me." at natawa ako sa ka kyutan ni ser.
"Sus, tumi-teenager ka ser!" pang aasar ni Ytchee.
"Shut up!"
"Basta sa ngayon ser ilihim na lang muna natin ang bagay na ito. Mag ingat na tayo dahil hindi patas yang si MJ lumaban." si Ytchee.
"Wala din naman akong planong ipaalam to in the first place."
"So are we good?" Nag thumbs up pa si Ytchee.
"L-Lucky, are you okay?" Tumango lang ako. Marami lang akong iniisip kaya nakikinig lang ako sa usapang barbero ng dalawang kasama ko.
Pinahiram lang ako ni ser ng shorts at nagpaalam muna kami ni Ytchee para bumalik ng suites at maligo dahil 11AM ang call time namin sa Convention Hall.
"See you guys later." At sabay kaming lumabas ni Ytchee sa kwarto.
KENNETH'S POV
Nagmamadali akong lumabas ng suite. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos sa loob. Gusto kong lumabas o lumayo sa lugar na yun at magpalunod sa sariwa at malamig na hangin galing sa labas. Parang sasabog ang ulo ko sa mga bagay na nakita ko ngayon. Naiisip ko pa lang na magkasama silang dalawa sa kwartong yun kanina parang sasabog na ako sa galit. Gusto kong magwala sa galit, gusto kong manapak, sumigaw hanggang mawalan ako ng boses.
Pero bakit? Ano bang dahilan bakit ako nasasaktan ng ganito sa ginawa niya? I'm so disappointed. I feel cheated. Disgusted. Hindi ko talaga maintindihan ang lahi niya.
Nasasaktan ako para kay Wesley. Kung ako ang nasa kalagayan niya baka pinag untog ko na yung dalawa kanina.
'Damn you Lucky Gonzaga! Ang lakas ng loob mong manloko ka at paasahin ang pinsan ko. Pakiramdam ko pati ako niloko mo.' Naiiyak ako sa galit gusto ko siyang saktan ng paulit ulit. Babae ka ba para mang gago?'
I never had a girlfriend. Hindi ko pa makita ang sarili ko na makipag relasiyon in the near future. Its not that i don't believe ni love. The truth is I'm afraid to fall in love.
'True love is not real unless its returned. Love is a verb. Ang verb ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw. If love is real, my dad would choose us over his job. How do i love someone, if i don't feel loved at all?'
Some people get confused between love and lust. And i don't wanna get jam inbetween. Its not that i'm not interested in opposite sex. Sa ngayon hindi ko pa talaga makita ang sarili kong magmahal ng iba. Iniisip ko pa lang nawawalan na ako ng kompiyansa. Ayokong magaya kay Dad na pinaasa kami sa pagmamahal niya at hindi ako paasa.
"Kenneth wait!" Huminto ako sa tapat ng elevator at nakita kong humahabol si Wesley. Isa pa tong pinsan kong masokista.
'Kadalasan hindi ko maintindihan ang sarili ko pero mas madalas na hindi ko naiintindihan ang mga tao sa paligid ko.'
"You're not gonna buy that crap are you?" Seryosong sabi niya habang nag aantay kami ng elevator.
"I'm not in the mood to talk right now Wesley." Walang ganang sagot ko sa kanya.
"Lucky is innocent. He's not stupid as you think he is." Depensa niya sa pinakamamahal niyang si Lucky. Gusto kong matawa.
"Yes, he's innocent." Sarkastikong sagot ko paglingon ko sa kanya. "He looks innocent wearing that shirt with no undies." Pagak akong tumawa.
"C'mon Kenneth, for sure Mj made this all up para siraan si Lucky."
"Are you really that stupid? Yung nakita natin kanina, isn't that enough proof that they'd had sex before we came?! Wake up bro." Natatawang sagot ko. Gusto ko siyang sapakin sa sobrang katangahan niya.
Maraming maduduming bagay ang pumapasok at naglalaro sa utak ko habang iniisip kong magkasama sila kwartong yun. Magulo ang buhok, malaking t-shirt lang ang suot, i don't know kung may pang loob siya. Yun lang ang tanging suot niya habang kasama ang maniac na advisor nila.
'Matatawag bang inosente yun? In the end mahuhuli mo silang masayang naghaharutan sa na parang kakatapos lang ng honeymoon nila. Damn you Lucky Gonzaga!'
"How did you know that? Not because we saw them in that kind of scene, that doesn't prove anything."
"Love is blind lang bro? Huh, pag uwi natin ng Manila samahan kitang ipa check up yang mga mata baka may cataract ka na." Sarkastikong sagot ko sa kanya.
"You're not funny Kenneth."
"And you are.."
"Try to listen bro.."
"Tama nga si Andi, niloloko kana nagpapaka tanga kapa."
"You know nothing Kenneth. You're too judgemental." Umiling iling siya.
"And now you do? That bullshit!" Tumawa ako na parang baliw.
Naguguluhan ako kay Wesley, hindi ito ang reaction na inaasahan ko makita sa kanya. Dapat nga siya pa itong galit na galit o di kaya nagwawala dahil sa nakita niya kanina. Pero kabaliktaran lahat ang nakikita ko at ako itong galit na galit sa taong ginagawa siyang tanga.
"Please Wesley, can we just stop talking about him for now? I'm so sick of hearing his name wherever i go."
"I'm sorry, i'm not gonna stop until i prove that Lucky's innocent."
"Have you seen your self on the mirror lately? Look closely bro, how Lucky changed you. I'm sorry. He's not worthy of your affection."
"Watch your words Kenneth, we're talking about Lucky, My Lucky! not just your freaky ex girlfriend." Gigil na sagot niya at napalingon ako sa galit.
"There are plenty of fish in the sea Wesley, don't settle for a mermaid."
"Sure there are other fishes in the sea, but i don't give a damn."
"Look bro, marami ang gustong magpakatanga sayo, pero ikaw pinili mong magpaka tanga sa iisang tao."
Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa kwelyo at itinulak pataas sa pader.
"Wow, You're dumber than i thought! Wala na akong ibang kilala na mas ta-tanga pa sayo." Galit na sambit niya sa mukha ko. Hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niya pakiramdam ko may ibang kahulugan yun.
"Ganyan ka na ba talaga kabaliw sa kanya?"
"Oo baliw na baliw, dahil gustong gusto ko siya." Napayuko siya at ng nag angat siya ng ulo nakita ko na parang naiiyak siya. "Subukan mo rin kasing magmahal ng iba bukod sa sarili mo Kenneth."
'Kung mahal na mahal niya bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Hindi ko siya maintindihan.'
"Pff, kung kagaya lang niya di bale na. Hindi ko ugali ang magpakatanga sa kagaya niya."
"Of course you are Kenneth Ang! The Mighty Kenneth Ang who only love himself."
"Dahil yun ang tama. Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao."
"Just like i thought, you're a shallow person."
"That's not the issue Wesley, my question is, mahal mo siya Wesley, pero mahal ka ba niya?!" Pabato niya akong binitawan at pinindot niya ang elevator ng paulit ulit.
'What now? Bakit hindi niya masagot ang tanong ko?'
"Ano sumagot ka? Diba ito naman ang gusto mong pag usapan?" paghahamon ko sa kanya.
"Shut the fuck off Kenneth!"
"Kung magpapakatanga ka lang sana dun na sa taong mahal ka." Nanlilisik ang mga mata niya sa galit ng lingunin niya ako. Bumukas ang pinto elevator.
"Going down?" Tanong ng ginang sa loob. Natahimik kaming dalawa.
"Yes ma'am." Mahinang sagot ni Wesley at magkasunod kaming pumasok sa loob.
Natapos kaming mag breakfast ng hindi kami nag iimikan. Magkasama kami sa isang mesa pero parang wala din akong kasama. He's physically present but his mentally absent.
"Mauuna na ako sayo sa taas." Nagpunas siya ng tissue sa bibig, sabay tumayo at iniwan ako mag isa sa mesa.
Iniisip ko ngayon kung saan ako pupunta. Masiyado pang maaga para bumalik sa suites at 11:00AM pa ang competition nila. Ayokong magkasagutan kami muli dahil sa walang kwentang mga bagay. Kahit labag sa loob ko tinahak ko ang daan pabalik sa suite namin.
Napahinto ako sa paglalakad. "Baby why are you crying?" Nag aalalang tanong ni Ytchee sa isang bata. Huminto ako dahil ayokong makita niya ako at hindi pa ako handang humarap sa kanila.
Nakaluhod siya sahig habang kausap ito sa gitna ng lobby. Naisipan kong magtago muna. mabuti nalang may nakaharang na dispaly ng flowers sa kinaroroonan ko kaya natatakpan ako. Minabuti ko munang umupo sa sofa sa tabi nito at magmasid. Kumuha ako ng magazine sa rack at nagkunwaring nagbabasa habang inaantay kong anong gagawin nila.
"M-My mom is missing." Umiiyak na sagot ng batang lalake.
He's really cute maputi, tsinito at mamula mula ang pisngi. Sa itsura nito mukhang itong limang taong gulang at may kapayatan ito sa edad niya. Kinikiliti siya ni Ytchee habang namumunas ng mata ang bata.
Lumapit si Lucky sa dalawa. "Pinahanap ko na sa reception yung parent's niya."
"Oh ano pang sabi."
"Ang sabi antayin nalang daw natin dito sa lobby." Napakamot lang siya sa ulo.
"May oras paba tayo?"
"Oo, may two hours pa tayo." Saka pinisil ang mamulang pisngi ng bata.
'Hindi ko alam na mahilig din pala siya bata.'
"What's your name again kiddo?" Nakangiting tanong ni Lucky.
"Kenneth Lopez." Humihikbing sagot ng bata. Nanlaki bigla ang mata ko sa narinig. Bigla kong naisara ang magazine na hawak ko.
"HAHAHAHAHA" sabay nilang tawa sa harap nung kawawang bata. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng inis ng marinig ko ang tawanan nila.
"W-What's funny about my name?" Nakanguso at inosenteng tanong nito sa kanila.
"Nothing Kenneth, stop crying baby your mommy is on her way na." Niyakap niya ito at hinimas himas sa likod. Nung humarap ito kay Lucky bigla siya nitong hinalikan sa labi.
'What the heck is that for?' Tiim bagang kong nabitawan yung magazine sa lap ko dahil sa ginawa ng pilyong bata.
"Abah aba , guma-galawang hokage ka ah!" panunukso ni Ytchee sa batang Kenneth.
"Hoy, ano ka ba bata yan." Saway ni Lucky sa kanya.
"Mabuti pa tong batang Kenneth marunong dumiskarte, yung kakilala kong Kenneth alam mo ba, MAHINA!!" Natatawang kwento ni Ytchee na parang pinaparinggan ako. Bigla siyang kinonyatan ni Lucky. Natawa naman yung batang Kenneth sa ginawa niya.
"Who's Kenneth? Is that your boyfriend?" inosenteng tanong ng bata kay Lucky. At napatayo ako sa kinauupuan ko. Gusto kong marinig ang isasagot niya sa bata.
"Hoy, anong boypren boypren ang bata bata mo pa ah!" saway ni Ytchee dito.
"You're too young to know about that kind of thing. Who taught you that?" tanong ni Lucky sa bata.
"I heard it from my sister po." Nakayukong sagot nito at kinukutkut ang daliri na parang nahihiya at sumubsob sa dibdib ni Lucky.
"Yan kadaldalan mo kasi!" inis na sambit niya kay Ytchee at tinulak ito ng mahina habang yakap yung bata.
"Boyfriend mo ba siya?" hinawakan siya nito sa mukha. Napangiti lang si Lucky habang nakikipag titigan sa bata. Bahagya akong lumapit sa mga halaman, parang nakaramdam ako ng kaunting excitement na marinig yung isasagot niya sa batang Kenneth.
'Hoy, baka nakakalimutan mong galit ka sa kanya Kenneth?'
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Niloko niya ang pinsan mong si Wesley. Huwag ka ring papaloko sa ganyang klaseng tao. Napailing ako para mawala ang boses sa isip ko.
"No, he's not my boyfriend.." iling na sagot niya rito.
"Does he like you?"
"He doesn't like me." Napapangiting sagot niya dito.
"Don't worry, I like you po.." at yumakap siya kay Lucky.
Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi ito ang inaasahan kong isasagot niya sa bata. Hindi man lang siya nag panggap kahit kunwari may gusto ako sa kanya or whatever para matuwa naman yung bata.
'Hmpf! Mahina ka rin pala eh.'
'Ano bang ine-expect mong sasabihin niya? Na may gusto ka sa kaniya o may gusto siya sa yo?'
"My mom always told my sister "If a boy doesn't like you he's Gay." nakangiting sagot niya kay Lucky at malakas na tumawa ang dalawa magkaibigan. Mga baliw talaga.
"Your naughty boy." at bahagya nya itong pinalo sa pwet at tumawa ito ng malakas.
'Salbaheng bata to ah! S-Sinong Gay??'
"Do you like him?" muling pangungulit nito.
"Paktay ka diha Inday!" napakamot ng ulo si Ytchee. Natulala lang si Lucky sa harap ng bata.
"Do you like him Ate?" ngusong tanong nito sa kanya.
Tinitigan ko si Lucky kung anong isasagot niya. Nagtitigan lang silang dalawa habang inaabangan ng bata ang isasagot niya. Kinurot niya ito ng mahina sa ilong.
"I'm planning to court him in the near future, does it count?" at unti unti siyang ngumiti.
"Yes!" masiglang sagot ng batang Kenneth mabilis na yumakap sa kanya.
Hindi ko alam kung papaano magre-react sa isinagot niya. Nakatulala lang ako sa kanya.
"Sus, eh di umamin ka rin na gusto mo siya!" Dun lang nagising ang diwa ko ng marining kong magsalita si Ytchee. Itinulak niya si Lucky at napaupo ito sa sahig at natawa naman yung batang Kenneth.
"Tantanan mo ako Ytchee maaga pa!" nagpagpag ito ng pants.
Napaupo at napasandal ako sa sofa. Napatingala ako sa kisame. Hindi ko alam kong anong tinitingnan ko sa taas, ang pakiramdam ko nakalutang ako ngayon.
"I'm planning to court him in the near future, does it count?"
"I'm planning to court him in the near future, does it count?"
"I'm planning to court him in the near future, does it count?"
Dahan dahan akong napapangiti hanggang maningkit ang mga mata ko. Kung may makaka kita sa akin ngayon iisipin nilang nababaliw na ako. Nasisiraan na nga ata ko ng bait, kanina lang galit na galit ako sa kanya tapos ngayon may nalaman lang ako nakaramdam naman ako ng kakaibang saya.
'He likes me? He really likes me. Lucky likes me? Again, again again. He likes me! Seriously he likes me?'
Para akong timang na nag i-imagine habang nakatingala.
"Mukhang lahat ata ng Kenneth na kilala mo Inday minamalas. Pansin mo? Ito ang ebidins oh!" nagulat ng magsalita si Ytchee at sinilip ko ulit sila sa pagitan ng mga halaman. Inagaw niya kay Ytchee yung bata at tumayo na sila.
'Napangiti ako sa narinig ko kay Ytchee. Tama ka, simula ng nakilala ko yan hindi na talaga ako tinantanan ng malas.'
"Bugok, ako nga minamalas sa kanila."
"Ang ganda mo daw kasi."
"Sila sinusuwerte sa akin, dahil nag iisa lang ang Lucky Gonzaga." Sagot niya at inirapan lang siya ni Ytchee.
'What? Ako pa ang sinusuwerte dahil nakilala ko siya? Kotongan ko kaya to.'
"Do you wanna hear Ate Lucky to play the piano and sing you a song while we're waiting for your mom?" Nakayuko tanong ni Ytchee sa bata. Ngumiti ito nag sobrang cute at lumabas ang dimples nito.
That kid actually reminds me of myself when i was on his age. Teka ngayon ko lang napansin bakit parang mag kamukha pa kame? Whoa, ang weird!
Sabay silang tumupo sa grand piano naka naka pwesto sa gilid ng malaking lobby ng hotel malapit sa pinagtataguan ko.
"Kanta na para makatulog 'tong bata at makasibat na tayo gutom na ako." Sabi ni Ytchee kay Lucky habang kinakalong yung bata.
"Yes madam masusunod po." Inirapan niya si Ytchee.
Mabuti nalang hindi nila ako nahahalata dahil natatkpan ako ng mga flowers na naka display sa lobby. Nagigitnaan lang ng mga naka display na flowers ang pwesto ko at ang grand piano na kinauupuan nila.
Nagsimula siyang magtipa sa grand piano.
"This is a story about a girl named Lucky..."
"Ayy, gusto ko yang kay Aleng Bretni Spirs! Tamang tama yung kanta sayo, sobrang "LUCKY" mo kumota kana sa kamalasan ngayong araw!"
"Shut up" mahinang sagot niya kay Ytchee. Nagtipa ulit siya sa piano.
"Early morning, she wakes up
Knock, knock, knock on the door
It's time for makeup, perfect smile
It's you they're all waiting for
They go...
"Isn't she lovely, this Hollywood girl?"
And they say...
'I never heard this song. Seriously ganun talaga ang simula nun?'
"She's so lucky, she's a star
But she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
Then why do these tears come at night."
Ngayong naririnig ko siyang kumanta, I felt different. Yung kaninang galit na nararamdaman ko parang nababawasan na pa isa isa. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
His voice is really something, hindi ko alam kung papano ko ipapaliwang pero kapag naririnig ko siya natutuwa ako.
"Lost in an image, in a dream
But there's no one there to wake her up
And the world is spinning, and she keeps on winning
But tell me what happens when it stops?
They go...
"Isn't she lovely, this Hollywood girl?"
And they say..."
Tuwang tuwa yung batang Kenneth sa pagkanta ni Lucky. Nakatingala at nakatingin lang siya sa mukha ni Lucky habang kumakanta ito. Nawala na yung iyaking bata kanina at nakangiti ito na parang mga kilalang kilala niya ang mga kasama.
Sa maiksing panahon, hindi ko pa talaga siya lubusang kilala pero unti unti ng lumalabas ang toong kulay niya.
Sad. Kung hindi lang sa mga nangyare kanina sana kasama ko siya ngayon. Sana katabi niya ako ngayon habang kumakanta. Ngayon pang may nalaman ako sa kanya. Seryoso kaya yun?
Bigla akong napahinto sa iniisip ko.
'What? Gusto mo siyang makasama eh halos isumpa mo na nga siya kanina?'
"She's so lucky, she's a star
But she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
Then why do these tears come at night."
"Best actress, and the winner is...Lucky!" turo ni Ytchee kay Lucky.
"I'm Ytchee Goes Araullo for Pop News standing outside the arena waiting for Lucky" malakas na sambit ni Ytchee.
At nagulat ako ng may narinig akong nagpalakpakan sa lobby. Paglingon ko marami na palang tao ang nakatayo sa at pinapanuod sila. Masiyado akong naka focus sa kanila at hindi ako naging aware sa paligid ko akala ko ako lang ang nanunuod.
Bumulong si Ytchee sa batang Kenneth. "Now.."
"Oh my god...here she comes!" Masayang sambit ng batang Kenneth. At nagtawanan ang mga tao sa paligid nila.
"Isn't she lucky, this Hollywood girl?
She is so lucky, but why does she cry?
If there's nothing missing in her life
Why do tears come at night?"
Hindi ko alam pero parang bigla akong na guilty. I feel like the song was really his own story. The way he sung it feels like he's telling me that there is really something missing in his life. And what could that be?
Pinagmamasdan ko lang siya. He's perfectly normal para sa mga taong hindi siya kilala. But for someone who knew him personally, will be sad to hear his story. A few weeks ago he broke up with his ex, yung conflict niya kay Amber and Mj. At ang latest, this morning may bago na naman siyang hinaharap na problema.
For me it means that even though he seems lucky and fortunate on the outside, because of how he looks and his amazing singing voice, doesn't mean he's necessarily lucky and fortunate on the inside. Siya yung taong ayaw tantanan ng kamalasan. Basically the finer things in life can't give you happiness or complete you as a person.
'Isn't he lucky?
"She's so lucky, she's a star
But she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
Then why do these tears come at night."
I didn't even know if that song is really sung by Britney Spears. But one thing for sure, nabigyan naman niya ng hustisya ang ganda ng pagkaka kanta niya. He's so lucky.
Tumayo silang dalawa. Habang karga naman ni Lucky yung batang Kenneth. Malakas ang palkpakan ng mga guests ng hotel kasama na yung mga staff na nasa lobby.
"M-MOMMYYY! ATTTEEEHHHH" Sigaw nung bata ng makita ang kanyang ina at kapatid. Ibinaba ni Lucky yung bata at mabilis itong tumakbo papunta sa mommy at kapatid niya. Lumapit din silang dalawa.
"Kayo po ba ang mommy ni Kenneth?" Magalang na taning ni Lucky.
"Yes his my son, i'm so sorry kung naabala ko kayo. I don't know how to thank you guys for looking out for my son. Nasa labas lang kami ng restaurant kanina paglingat ko wala nawala na siya." Malungkot na kwento nito.
"Ayos lang po behave naman si Kenneth habang wala po kayo." Sabat ni Ytchee.
"This is my daughter Kyla." Pakilala niya sa anak niyang babae.
"Hello. I'm Lucky and my friend Ytchee."
"Hi po!" kaway ni Ytchee sa dalawa.
"You're so pretty Ate." At nanlaki bigla yung mata ni Lucky sa sinabi ng dalaga.
"Anyways iha, you have such a beautiful voice. Familiar ako dun sa kanta. Lucky ang title nun diba?"
"Yes ma'am." Ngiting sagot ni Lucky at napakamot ng batok.
"Lucky ang title nun? Wow, l i didn't expect that.'
"I was actually surprised, that you make it your own rendition. It was an amazing cover. Sana pala na video ko ng buo para na upload ko sa social media account ko." panghihinayang niya.
"Anways, Kenneth say thank you to your Ate and will go upstairs na." Lumapit ito sa dalawa at yumakap kay Ytchee at humalik naman siya sa lips ni Lucky.
'Lokong bata to nakaka dalawa ka na ah.'
"Be a good boy, huwag ka ng hihiwalay sa Mommy at kay Ate ah." Ginulo pa ni Lucky ang buhok ng bata at yumuko siya para halikan ito sa pisngi. Yumakap ulit ang bata sa leeg niya.
"C'mon honey. Thank you so much guys see you around." Hinawakan niya ang anak sa kamay at naglakad na sila papalayo.
"Good bye!" Sumigaw ulit si Kenneth habang nakaharap at nag flying kiss pa. Sigh.
"Lokong batang yun ah, sa akin panay yakap lang tapos sayo maraming halik." reklamo ni Ytchee. Umupo ako sa sofa habang nakayuko at nagpanggap na nagbabasa pag daan nila.
"Naramdaman niya kasing tomboy ka!" At tumawa ito na akala mo wala itong dinaramdam na problema.
"Kaltukan kaya kita sa gums!?" banta niya.
"Subukan mo tandaan mo may kasalan ka pa!" At ngumiti lang si Ytchee at inakbayan si Lucky papalabas ng hotel.
To be continued...