Chereads / Lucky Me / Chapter 55 - LUCKY FIFTY FIVE

Chapter 55 - LUCKY FIFTY FIVE

CHAPTER 55

YTCHEE'S POV

Nagsimulang tumugtog ang musika. Si Olive sa drums, si Andi sa piano at si Marlon naman ang may hawak ng gitara. Ang cool nilang apat tingan sa stage pero pinaka cool si Lucky dahil tutok ang atensiyon ng lahat sa kanya pagsampa pa lang niya sa stage. Aminin man nila o hindi halatang halata sila, parang itong katabi ko hindi pa man nagsisimula tulala na kay Inday. Ha ha ha

"What has life to offer me when I grow old?

What's there to look forward to beyond the biting cold

They say it's difficult, yes, stereotypical."

Tahimik lang ang buong hall ng magsimulang kumanta si Lucky. Nangingibabaw ang boses ni Inday na sinasabayan ng magandang tunog ng piano. Kahit ilang beses ko ng narinig ito habang nire-rehearse niya kanina ng acapella pakiramdamko ito ang unang pagkakataon narinig ko yung kanta. Ngayon mas lalong ko ng na appreciate yung kanta dahil sa banda.

What's there beyond sleep, eat, work in this cruel life

Ain't there nothin' else 'round here but human strife

'Cause they say it's difficult, yes, stereotypical

Gotta be conventional, you can't be so radical."

Bilib ako sa paraan ni Lucky sa pag interpret ng kanta, para lang siyang nakikipag usap sa audience ng habang kumakanta. Kakaiba at kahanga hanga ang control niya sa boses niya dahil kung tutuusin lalake siya pero mas babae pa siya kesa sa akin kung kumanta. Bilib ako sa power at pag control niya sa boses niya. Yung bawat paghina tapos lalakas, lalakas tapos hihina ang sarap sa pandinig.

"So I sing this song to all of my age

For these are the questions we've got to face

For in this cycle that we call life

We are the ones who are next in line

We are next in line."

Hindi ko namalayan na sinasabayan ko na pala siya sa pagkanta. Kung hindi pa ako siniko ni Kenneth hindi pa ako titigil. Sinimangutan ko lang siya pagkatapos niyang sumenyas na huwag akong magingay. Para kaming mga batang nakikinig sa isang mahusay na story teller, isa sa pinaka hinahangaan ko kapag kumakanta siya ay yung kung papaano niya nabibigyan ng tamang emosiyon ang isang kanta.

"We are next in line..

Oh-hoh, we are next in line."

Napalingon siya sa gawi namin ni Kenneth sa gilid ng stage habang tinatanggal ang microphone sa mic stand. Parang wala lang kung ibirit niya ng mataas ang linyang yun at kinilabutan ako ng sobra. Naramdaman kong parang nanigas si Kenneth ng magtama ang paningin nila ni Lucky. Natawa ako bigla dahil sa wirdong ikinikilos niya.

"And we gotta work, we gotta feel (we gotta feel)

Let's open our eyes and do whatever it takes

We gotta work, we gotta feel (we gotta feel)"

May gigil at diin ang bawat salitang binibitawan niya, maganda ang diction at malinaw ang ang pagbigkas sa lyrics kaya mapi-feel mo talaga yung kanta. Connected ang audience kay Lucky dahil nakakatuwang panuorin ang sabay sabay at dahan dahan nilang iwinawagayway ang mga kamay nila sa ere kasabay ng kanta.

Hindi siya kagaya ng tatlong nauna sa kanya na malikot sa stage. Wala masiyadong hand gestures o naglalakad lakad. Nakatayo lang siya sa harap ng mic stand at bahagyang itinataas at ibinababa ang kamay. Very relax at animoy sanay na sanay na sa ginagawa. Lucky owns the stage and got everyone's attention.

"Let's open our eyes, oh-woh-oh"

Kinilabutan ako at bigla nanayo ang balahibo ko sa batok ng nagsimulang tumaas ang tempo ng kanta kasabay ng pagtaas ng boses ni Lucky. Walang dudang iniidolo niya ang Asia's Song Bird. Iisa ang paraan nila kung papaano ibirit ang matatas na nota. Aliw na aliw akong makinig at manuod sa mini concert niya.

"And i sing this song to all of my age

For these are the questions we've got to face

For in this cycle that we call life

We are the ones who are next in line.."

Napaka efforless ng pag hit niya ng mga high notes at kaya niyang i-sustained ng ilang segundo sa itaas. Isa pang gusto ko kapag nag si-shift siya from higher to lower notes. I'm a big fan. Lucky sounds so amazing! For me it was a mind blowing performance.

'Music is not something about how you hit the right key or notes. Its about the feelings and emotion that put on the music. And that's what Lucky did a whie ago.'

Bravo! Bravo! Yung isinisigaw ko sa isip ko habang pumapalakpak. Hindi ko napigilang pumalakpak ng malakas kasabay ng malakas na palakpakan sa loob ng hall. Siyempre feeling proud ako dahil kaibigan ko yung kumakanta sa stage. Kahit hindi namin ka section nag chi-cheer kay Lucky halos at lahat nakatayo at pumapalak sa kanya.

"Oh-hoh, we are next in line." Swabeng swabe niyang tinapos ang kanta.

Ngayon mas lalo ko pang na appreciate ang performance ni Lucky dahil mas naunawaan ko ang mensahe ng kanta. Nais ng awiting itong ipabatid sa lahat ang reyalidad ng buhay. Life is short. No matter how hard life is we have to keep on going and fighting. The song reminds us that we are now on the line of life, that no matter what we do we can't stay here and we're all gonna leave someday. The next generation will take our place and stand where exactly we're we are right now. We only live once, so let's just enjoy life to the fullest and live every moment as our last.

Halos tamaan na ako ng siko ni Kenneth sa lakas ng bawat palakpak niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napansin niya ang paghagod ko ng tingin sa kanya.

"What's wrong?" nagtatakang tanong niya.

"Somethings wrong with you men." Iiling iling na sagot ko

"What do you mean?"

"You know what i mean." Nagsusukatan kami ng tingin pero una siyang bumigay.

"Manuod ka na nga lang dami mong napapansin." Masungit na sagot niya at bumalik ang tingin sa stage kung saan kasalukuyang nag ba-bow yung apat sa stage.

"Ang sabi mo papalakpak ka lang sa taong gusto mo." Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Para siyang batang nahuli sa akto. Bumalik na naman siya sa pagiging seryoso.

"Oh?" walang emosiyong sagot niya.

"Di-- gusto mo nga siya."

"Pumalakpak lang may gusto na?" mukhang tangang tanong niya. Sarap kaltukan nito huling huli na nagde-deny pa.

"Ba't defensive ka? Hoy, narinig ko yung pinag uusapan niyo kanina kaya ko naitanong" Sarkastikong sagot ko.

"Tsismosa ka talaga. Baka yung kaibigan mo ang may gusto sakin." Mayabang na tugon niya at bahagya akong napanganga at umangat naman ang gilid ng labi niya.

"Kenneth, gwapo ka, sobrang galing mo mag basketball at maraming nagkakagusto sayo. At kagaya mo sikat at napaka gwapo rin ng pinsan mong si Wesley..." Siguro naman hindi ko na kailangan i-explain sa kanya kung anong pinupunto ko.

Mahinang tawa na labas sa ilong ang isinagot niya sa akin. Alam kong naiinis siya sa sinabi ko pero kaibigan ko si Lucky. Kahit isang linggo pa lang kaming magkakilala gustong gusto ko na siya. Kaya bilang kaibigan gusto ko siyang protektahan.

"Kaninong mabahong bibig mo naman nalamang may gusto sayo si Lucky?" Mabilis at walang kagatol gatol na sagot ko sa kanya.

"Narinig ko yung pinag usapan niyo sa lobby kanina, kasama yung batang tinulungan niyo." Titig na titig na sagot niya at kailangan kong magpanggap na wala akong alam sa sinasabi niya dahil lagot ako kay Lucky kapag nagkataon. Pero kaibigan ko si Kenneth at ayoko ring magsinungaling sa kanya.

'Lintek na buhay to naiipit tuloy ako sa gitna.'

"Wala akong maalalang sinabi niya yun." Umiiling na sagot ko.

"C'mon Ytchee, i thought we're friends." Seryosong sagot niya.

"Of course we're friends idiot!" Mabilis na sang ayon ko. "Hindi ako sigurado okay, wala naman siyang sinasabi eh." seryosong sagot ko at ngumiti siya.

Hindi man derechahang sinabi ni Lucky yun kanina at kung totoong nandun nga siya malamang yun din ang iisipin niya. Kahit ako nalilito kung totoo nga yung sinabi niya o sinabi lang niya yun para sa ikasisiya lang ng batang Kenneth dahil kapangalan niya. Ewan ko ba kahit ako naguguluhan sa sagot niya, dahil kung pagbabasehan ko yung sagot niya sa batang yun siguro nga may gusto na siya sa payatot na 'to.

"Look hindi ako interesado sa kanya okay. Narinig ko lang yung pinag uusapan niyo kanina kaya ko nasabi ko yun." Medyo naiilang na paliwang niya muli siyang nag iwas ng tingin.

'Weh, di daw?

"Sa tingin ko walang namang ibang ibig sabihin yun para kay Lucky. Kaibigan mo ako kung meron naman akong alam sasabihin ko naman sayo di ba?" Siniko siya ng mahina at ngumiti ako.

"Psh! Ang labo mong kausap." Umirap siya. Wow kalalaking tao nang iirap dinaig pa sila Andi. Nasan na nga pala yung mga baklang yun?

"Kung hindi ka talaga interesado sa kanya hindi ka magtatanong kung anong nararamdaman niya para sayo."

"Hindi ang nararamdaman ko ang pinag uusapan dito kundi ang nararamdaman niya para sa akin." Derechong sagot niya na ikinabigla ko.

"Eh ano naman ngayon kung sakaling may nararamdaman siya sayo?" prangkang tanong ko. Dahil kung hindi nga siya interesado bakit kailangan niya pang malaman ang feelings ni Lucky towards him.

"W-Wala lang bakit ba!" naiilang na sagot niya at inayos ang sleeves ng jacket niya. Tintitigan ko siya sa ginagawa niya, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang napapangiti siya pero pinipigilan niya.

"Sauce, hindi ka pa ba nakukuntento sa dami ng magagandang babaeng nag kakagusto sayo sa campus huh?" singhal ko sa kanya.

"Ano ba, ang ingay ingay mo." mahinang tugon niya at unti unting nagsalubong na naman ang kilay niya.

"Honestly, kahit ako nalilito sa takbo ng utak niyan Lucky. Kagaya na lang sa nangyari sa pinsan mo.." mahinang sagot ko.

"Bakit naman nasali sa usapan ang pinsan ko?" pagsusungit niya.

'Dahil ang pinsan mo ang living proof ko na may saltik talaga sa utak ang kaibigan ko. Hello!! Kahit sinong babae mababaliw kung katulad niya ang aaming may gusto sayo. Nagiging palaisipan tuloy sa akin ang mga nangyari kagabe nagugulumihanan ako.'

"Wala naman. Napapaisip lang ako kung ano ba talaga yung dahilan ni Lucky para tanggihan ang pinsan mo."

"Baka naman may iba siyang gusto."

"Meron nga." Birong sagot ko.

"W-What?" bulalas niya. Gusto kong tumawa ng malakas kaso baka mabatukan niya ako.

"Joke lang!" nag peace sign ako. At biglang ngang nag landing ang kamay niya sa batok ko.

"PLUK!"

"Siraulo ka talagang payatot ka!" pinagsususuntok ko siya sa mapayat niyang braso. Tumatawa lang siya habang umiilag.

"Dami mo kasing alam!"

"Dami mo kasing kuda, tinatanong lang naman kita kung bakit ka pumalakpak kanina." Ako naman ang nagsungit sa kanya.

"Dami mo rin kasing palusot. Ikaw rin naman ang nagsabing aamin din pala siya kung hindi pa nagtanong yung bata kanina, diba sinabi mo yun?" Natutop ko bigla ang kamay ko sa bibig dahil sa sinabi niya.

'Pucha, lagot ako kay Inday narinig pala ng kumag na 'to ang pinag usapan namin kanina.'

"Aamin saan?" nanghina ang tuhod ko ng marining ko ang boses ni Lucky sa likuran ko. Pinandilatan at sinenyasan ko si Kenneth na manahimik.

"Wala isa ka pa." Masungit na sagot ni Kenneth kay Lucky saka ako nakahinga ng maluwag.

"Luh, bakit ako kararating ko lang ah?" Saka ako humarap sa kanilang dalawa. Nakasimangot si Lucky samantalang blangko naman ang itsura nung isa. Ngumiti ako ng pagkalaki laki ng humarap ako kay Lucky.

"Lucky, grabe ang galing galing mo kanina promise!" masiglang bati ko sa kanya. Iniba ko na agad ang usapan dahil ayokong malaman niya ang pinag uusapan namin ni Kenneth dahil siguradong lagot ako sa kanya.

"Ganun talaga kailangan eh." Naka ngising sagot niya.

"Inspired ka lang kamo." Wala sa sariling tugon ni Kenneth at sabay kaming napalingon ni Lucky sa kanya.

' Inspired si Inday dahil? Dahil sa kanya? Wow ah hindi daw daw interesado. Sige tingnan natin.'

"Oo naman, ang lakas ba naman ng palakpak mo sinong di gaganahan." Mayabang na sagot ni Lucky at pinandilatan siya ni Kenneth. Halatang nailang siya sa sinabi ni Inday kaya umiwas siya ng tingin dito.

'Kapag si Lucky talaga wala siyang palag eh. Tsk!'

Nang magtama naman ang mata namin ni Kenneth unti unting sumilay ang mapanuksong ngiti sa mukha ko. Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Bwahahaha!

"Isa ka pa!" Singhal niya sa akin, napanguso lang ako. Putragis talaga tong payatot na 'to namumuro na to sa akin kanina pa eh.

"Hala bakit ako? Pumalakpak lang naman ako kanina, mas malakas nga lang yung sayo promise." panunukso ko at namumula na sa hiya si Kenneth at alam kong malapit na siyang mapikon dahil pinagtutulungan namin siya ni Lucky.

"Shut up Ytchee." Saway niya sa akin, Halatang nagpipigil na siya sa sobrang pagkainis.

"Psh, anong nangyare dun sa papalakpak ka lang sa gusto mo?" singit ni Lucky saming dalawa.

"Huwag kang mag assume, it doesn't mean anything." Pormal na sagot niya.

"Okay, sabi mo eh. Ytchee iwan muna kita hanapin ko lang si Wesley." Paalam niya at iniwan niya kaming dalawa. Naglakad naman kami pabalik sa table namin kanina pero napansin kong parang wala sa sarili si Kenneth.

"Kukunin lang niya yung video sa pinsan mo tas ise-send niya yun sa Tita niya." Parinig ko sa kanya paglapit namin sa table.

"W-What are you talking about?"

"Si Lucky kako."

"Who care's?" saka nagkalikot ng cellphone niya pagka upo.

'Who care's who cares, kalbuhin ko yang naguuntugang kilay mo eh.'

"Ano nga palang nangyari sa inyong magpinsan kagabe nung ihatid kayo ni Lucky?" nag angat siya ng tingin pero hindi siya nakasagot. Dahan dahan naghiwalay ang kaninang magkadikit na kilay niya. Magkatapat lang kami pero ang layo ng tingin niya.

"Actually wala akong masiyadong maalala sa sobrang kalasingan ko kagabe." Mahinang sagot niya. Inilapag niya ang cellphone niya sa mesa. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Sa dami kasi ng mga eksena kagabe at nainum namin, no wonder may magkaka amnesia nga ang isa sa amin.

"Mukha nga eh. Ayaw mong magpaalalay pabalik sa suite niyo tapos ginawa niyong tubig ni Wesley yung alak. Tch!" Bigla siyang napayuko sa ibabaw ng mesa.

KENNETH'S POV

Kanina pa talaga ako nag iisip ng malalim at pilit kong inaalala kung anong sinabi ko kay Lucky kagabe. Parang naalala ko nga na ihinatid niya kame kagabe sa suite. But most of it are blurred. Damn it! May sinabi ba ako sa kanyang hindi maganda kagabe? Mukhang nag black out nga ata ako sa kalasingan kaya wala talaga akong maalala.

Pansamantala lang akong nakawala sa pag iisip ng kumanta na si Lucky sa stage. He never fails to amaze me. Yun ang isang bagay na hinahangaan ko sa kanya. Kaya naman ako napapalakpak ng malakas kanina dahil sa nakita kong reaction ng mga judges lalo na ang parents ni Amber. Atleast for now may laban kami sa iba dahil sa husay na ipinamalas ni Lucky kanina.

"Napansin ko lang, isa lang ang pinalakpakan mo simula kanina." Mahinang bulong ni Ytchee sa akin. Napalingon naman ako sa kanya.

'Andami talaga nitong napapansin pati ba naman ang palakpak ko pinupuna.'

Kaya napilitan akong pumalakpak sa kumakanta sa stage. Magkakasama na kaming lahat sa table namin after ng performance nila kanina. Isang performer na lang ang inaantay namin at matatapos na ang competition.

"Ayy, bet mo Kenneth?" si Marlon.

"She's good." Palusot ko sa kanya. Napalingon naman si Wesley na salubong ang kilay.

'Okay fine mas magaling na ang Lucky niyo.'

"Mas magaling pa rin si Inday." Sagot ni Andi habang ginugulo ang buhok ni Lucky. Nginitian lang siya nito at hindi man lang nagreklamo ng magulo ang dati ng magulong buhok niya. Hanggang ngayon hindi ko maipaliwanag kung maiinis o matatawa ako sa tuwing makikita ko siya. Pero mas madalas naiinis ako sa kanya na hindi ko maitindihan.

"Gawin ba namang Araneta Coliseum ang convention center eh. Ha ha ha" tumatawang sagot ni Ytchee.

"Oo nga eh, feeling ko nanunuod ako ng concert niya kanina." Segunda ni Wesley sa tabi ni Lucky at nginitian lang siya.

"Truth, ang audience impact 10% si Inday winanhandred! Bwahahaha!" sabay sabay na tawanan nila at nanulis lang ang nguso niya.

"Oa niyo, sinabayan ko lang kayo masiyado niyo kasing ginalingan ang pagtugtug kanina." Nakangusong sagot niya.

"Ang sabihin mo ayaw mo talagang magpakabog sa kanila!" banat naman ni Marlon.

"Inday may bisita ka." Nguso ni Andi sa kung sino mang paparating na tinutukoy niya. Nagpanggap akong hindi interesado dun sa tao kaya hindi ako lumingon. Alam ko ng aasarin na naman ako ni Ytchee kapag nakita niya akong nakatingin.

"L-Lucky." Masayang bati nito paglapit sa mesa namin. Napapikit na lang ako ng marinig ko na naman ang pamilyar at nakakainis na boses na yun.

"Justin." Kaway ni Lucky. Bumulong muna siya sa tenga ni Wesley bago tumayo at nilapitan si Justin.

"Mag papa autograph lang yan." Natatawang bulungan ni Marlon at Andi.

Napalingon naman ako kung totoo nga ang pinag usapan ng dalawa. Nakita kong nakayakap si Justin kay Lucky, nagtama ang mata namin ni Justin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Damn it.

"Tss, patola naman." Dinig kong bulong ni Ytchee. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagpadala ako sa narinig ko. Nabaling ang tingin ko sa pinsan kong abalang nanunuod sa mga sumasayaw sa harap.

Usually kapag ganitong may kumakausap kay Lucky naiinis siya.

'Ano kayang ibinulong ni Lucky sa kanya kanina at napa behave niya ng ganyan ang pinsan ko.'

"See you around Songbird!" kahit hindi ako tumingin alam kong malaking malaki ang pagkakangiti niya.

"Geh, see you sa ilalim ng Minesview Park!" at nagpalitan sila ng tawa.

"Naks, dinadalaw ng avid fan." Pang aasar ni Marlon pag upo ni Lucky sa table.

"Baliw! Nangamusta lang namiss daw niya ang itim na aura ko eh." ngiting sagot niya at nagtawanan sila pareho.

"Inday, lakas ng tama sayo ng Koreanong yun!" singit ni Ytchee. Napalingon naman si Wesley sa sinabi ni Ytchee.

"Di ako interesado." Ngiwing sagot niya at nagbulungan yung tatlo sa sinabi niya. Sumandal lang siya sa balikat ng pinsan ko na abala na nanunuod.

'Tss. Di daw interesado pero nagpapayakap kung kani kanino. Kalokohan!'

Natapos ng mag perform ang lahat ng section. Matapos magbigay ng maiksing speech ang isang board member na siya ring pinaka event organizer ng fieldtrip namin bumalik ulit si Sir Adam sa stage para i-announce ang winner ng last competition.

"ARE YOU GUYS EXCITED TO KNOW WHOSE OUR LUCKY WINNERS?" masiglang tanong ni Sir Adam at nagkagulo ang buong convention center sa lakas ng hiyawan ng mga senior students. Pati ang mga kasama ko sa table nakikisali rin sa ingay.

"FOR THOSE WHO ARE CURIOUS ABOUT HOW OUR SET JUDGES SELECT OUR WINNERS, HERE'S OUR CRITERIA FOR JUDGING." Binasa ni Sir Adam sa isang papel na hawak niya isa isa ang criteria.

"Voice quality (tonality, appropriateness to genre, & technique)- 50%"

"Style and Performance (rendition qualities, discipline, timing

and precision, choreography, delivery & interpretation,

appropriateness of staging of song selected ) - 40%"

"Over-all Appeal(stage appeal and audience impact) - 10% for Total of 100%."

"AND NOW WE ARE PLEASED TO ANNOUNCE THE RESULTS OF THE COMPETITION. AND TO ANNOUNCE THE WINNERS, MAY I INVITE OUR GUEST OF HONOR TO COME UP ON STAGE TO ANNOUNCE OUR THREE BIG WINNERS?" Nakangiting announce ni Sir Adam habang nasa judges ang tingin.

"IT IS MY GREAT HONOR AND PLEASURE TO INTRODUCE TO ALL YOU, PRESIDENT AND OWNER OF CARLISLE ACADEMY, MR. & MRS CARLISLE GUTIERREZ." Dahan dahan itong tumayo sa kinauupuan ang mag asawa at nagtungo ng stage. Masigabong palakpakan na may kasamang hiyawan ang sumalubong sa mag asawa ng iabot ni Sir Adam ang isang microphone.

"Good Afternoon students. On be half of the Board Members, we'd like to say our big thanks to everyone for participating! It has been a great pleasure watching all your amazing performances." Nagpalakpakan muli ang lahat ng nasa hall. Lumingon ako at nagtama ang paningin namin ni Lucky.

"Kinakabahan ako." Walang lumalabas na boses pero nababasa ko ang bawat pag galaw ng mapulang labi niya.

"Relax." Ginaya ko rin ang ginawa niya. Yumuko at isinandal niya ang ulo sa likod ni Wesley. Nang mapansin ito ni Wesley ay bigla itong natawa at hinimas himas ang ulo niya. Sigh.

"Garnering an average score of 94.5 percent, our 3rd Place goes to.." Tahimik ang buong hall habang inaabangan ng lahat ang pangalang babangitin ni Sir Carlisle.

***DRUM ROLL***

"Bryan Pineda IV – Peacock!" Nakangiting announce ni Sir Carlisle. Nagtayuan at naghiyawan ang lahat ng classmates nung Bryan Pineda. I knew that guy, pinsan siya ng isang ka team ko sa basketball minsan na kasi siyang nanuod ng practice game namin noon. He's really good actually. Napansin kong nagustuhan din ni Lucky ang performance niya kanina dahil nakitang kong sumasabay pa siya rito habang kumakanta.

"Our 3rd Place winner will recieve 20 thousand pesos and a certificate." Singit ni Sir Adam habang umakyat si Bryan sa stage. Iniabot naman ni Ma'am Samantha ang isang sobre at certificate.

"Maygad! Ako ang kinakabahan para sayo Lucky!" natatawang sambit ni Marlon at nakipag yakapan ito kay Andi na kagaya rin niya natataranta na rin.

"Second place na! Second place na, isinusumpa ko ipapuputol ko ang ulo nitong si Andi at Marlon kapag pangalan mo ang tinawag diyan Lucky!" sigaw ni Ytchee at natawa kaming lahat sa kanya.

"And for 2nd Place." Muling nagsalita si Sir Carlisle. "Garnering an average score of 95.5 percent. Our 2nd Place winner is..." Halos lahat ng students sa hall ay nakatayo na at nag ipon ipon malapit sa stage. Kahit kaming anim ay tumayo na rin sa kinauupuan namin.

***DRUM ROLL***

"I GUESS IT'S LUCKY GONZAGA."

"LUCKY GONZAGA!"

"IV-MOCKING JAY! IV-MOCKING JAY!"

"MJ BELMONTE!"

"KATHERINE VELASCO! IV- EAGLE!"

"IV-FLAMINGO! JANE CABALLEDA!"

Naging maingay ang bulungan at sigawan ng mga senior sa buong hall. Isinisigaw ang mga pangalan ng gusto nilang manalo. Pinaka malakas na isinisigaw ay ang pangalan ni Lucky na galing sa section ng Scarlet Macaw. Sa section ni Amber at MJ. Isang panalo na lang ang kailangan ng section nila para sila ang mag champion. Kagaya rin ng section nila Lucky isang panalo na lang.

"Mga hampas lupang 'to!" naiinis sa sambit ni Ytchee sa tabi ko.

"Kapag si Mj ang maging first place ang Scarlet Macaw ang mag cha-champion this year." May bahid ng bitterness na sambit ni Marlon.

"Lord, magda-diet na talaga ako promise!" Lahat kami napalingon sa sinabi niya. "Charot lang!" sigaw niya sa aming lima.

"Our 2nd place winner is from IV-Scarlet Macaw, Miss Mj Belmonte!" Nakangiting announce ni Sir Carlisle. Malapit lang ang table nila Mj sa stage kaya ilang hakbang lang ay nakarating na ito sa harap.

"KKKYYYAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ni Andi, Ytchee at Marlon. Halos mapatalon kami ni Wesley sa gulat. Natatawang pinaghahahampas ni Lucky ang mga kaibigan niya.

"Makatili naman kayo parang tayo na yung nanalo!" singhal ni Lucky sa kanilang tatlo. Tumatawa naman si Wesley sa tabi ni Lucky na halatang kinakabahan na sa kalalabasan ng results. Kinakabahan na rin ako actually, its either siya ang first place or hindi siya kasama sa big three.

"Atleast hindi sila ang champion. Madaragdagan lang kasi ang kayabangan ng mga yun kapag sila ang mag over all champion." Si Andi habang nakatingin sa grupo nila Mj.

"Huwag muna tayong magpakasaya, hindi pa tayo sigurado kung si Lucky ang mapipiling first place." Sagot ni Wesley na ikinatahimik nila.

"Tama si Wesley, lahat sila sobrang magagaling. Walang kasiguraduhan kung makaka ba si Lucky sa Top 3." Mahinahong sagot ko. Ayoko silang takutin pero yun ang reality. Kay Lucky na mismo nanggaling yun kanina na mukhang mahihirapan siya sa labang ito dahil sa set of judges ng competition. Finger crossed!

"Our 2nd Place winner will recieve 30 thousand pesos and a certificate." Si Sir Adam. Nakipagkamay naman si Mj kay Sir Carlisle at niyakap naman siya ni Ma'am Samantha. Panay naman ang kislap ng flash ng mga cellphone cameras kasama rin ang tatlong official photographer ng Academy.

"And to our 1st place." Seryosong wika ni Sir Carlisle. "A powerful voice that made a real impact and inspires everyone in this hall. With his/her fantastic vocal control and technical ability the performance in this competition makes him/her a very worthy of a winner." Tahimik na ang lahat at nakatutok na lang sa sinasabi ni Sir Carlisle.

"GARNERING AN AVERAGE SCORE OF 98.7 PERCENT.."

"WOW, ANG TAAS NG SCORE!"

"GRABE, LAHAT SILA MAGAGALING ANG HIRAP HULAAN KUNG SINONG WINNER!"

"KAHIT SINO SA KANILANG LIMA ANG MANALO THEY ALL DESERVED IT LAHAT SILA SOBRANG GAGALING!"

"....BY THE WAY GUYS, OUR LUNCH WILL BE HELD HERE INSIDE THE HALL AFTER THIS AWARDING CEREMONY." Nakangiting singit ni Sir Carlisle habang nakaturo sa likod kung saan nag se-set up na ulit ang catering service ng hotel sa loob ng hall.

"AHHHHHHHHHHHHHH!" Halos sabay sabay na ungol ng mga seniors dahil sa pambibitin ni Sir Carlisle sa audince na kanina pa nag aabang.

"OKAY." Natatawang sambit niya sa mic. "OUR FIRST PLACE WINNER GOES TO..." Isang mahabang drum rolls. Lahat ay sobrang excited malaman ang results makikita sa mga itsura nilang lahat na excitement na malaman ang maswerteng winner. Napalingon ako at nakita kong nakayakap si Lucky sa bandang dibdib ni Wesley habang nakatalikod sa kanya. Nakatingkayad ito at nakasandal ang ulo sa balikat nito at mahinang tumatawa.

"Sweet nila noh?" bulong i Ytchee sa tabi ko. Tiningnan ko siya ng masama at nanahimik siya.

"Tigilan mo ko, Araullo!"

"Di tigilan. May sasabihin pa naman ako sayo.." sagot niya habang umaatras at papalayo. Mabilis ko siyang hinabol at hinablot sa braso.

"A-Ano yun? Sabihin muna ngayon."

"Wala diba sabi mo tigilan na kita?" Ngiting sagot niya saka binawi ang braso. Lumapit ito kay Lucky at yumakap. Lumapit na lang ako sa kanila kahit na babadtrip ako.

"OUR FIRST PLACE WINNER GOES TO..." itinaas ni Sir Carlisle ang hawak niyang microphone sa audience.

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

Sabay sabay na sigawan ng mga seniors sa crowd. At halos lahat ng students ay nakatingin na sa grupo namin. Hiyang hiya naman si Lucky na nagtatago sa likod ni Wesley. Ako na lang ata ang hindi sumisigaw sa pangalan niya.

"OF COURSE ITS LUCKY GONZAGA FROM IV-MOCKINGJAY!" dere-derechong announce ni Sir Carlisle.

Napapikit ako ng marinig ko ang pangalan ni Lucky.

'YES!' Malakas na sigaw ko sa isip ko. Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan sa loob ng hall.

LUCKY'S POV

"OUR FIRST PLACE WINNER GOES TO..." parang mabibingi ako sa lakas ng sigaw ng mga tao sa paligid. Isinigaw nila ang pangalan ko. Napakasarap sa pakiramdam na maraming sumusuporta sayo. Para itong musika sa tenga ko. Mga classmates at mga kaibigan ko lang sapat na pero yung makita mong ibang section ang nag chi-cheer sayo? Heaven! Kahit siguro hindi ako manalo sa cheer pa lang ng crowd feeling ko big winner na ako.

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"OF COURSE ITS LUCKY GONZAGA FROM IV-MOCKINGJAY!" Masiglang announce ni Sir Carlisle.

Nang marinig kong binanggit ang pangalan ko halos mabutas ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito sa rib cage ko.

"Lucky you won! You won!" Bigla akong napayakap kay Wesley at bigla akong napahalik sa pisngi niya. Hindi ko alam kong maiiyak o maiihi ako sa sobrang saya. Kasalukuyan namang nagkakagulo si Andi, Ytchee at Marlon na halos magwala sa table namin ng i-announce na ako ang nanalo. Napansin ko namang nanigas na si Wesley sa harap ko.

'OH MY GOD, ANNA NAKITA MO YUN HINALIKAN NIYA SI WESLEY!"

"KAHIT KAILAN TALAGA NAKAKAINIS YANG SI LUCKY GONZAGA!"

"ANG SWEET NA NILA TINGNAN KANINA PA."

"OO RINA, ANG CUTE NILA TINGNAN NAKAKAINGGET!"

"SO CONFIRMED, SILA NA TALAG! WALA NA TALAGA TAYONG PAG ASA! HUHUHUHU!"

Sa kabila ng ingay sa loob ng hall rinig na rinig ko pa rin ang tsismisan ng mga nakapalibot at nakatingin na mga students sa amin. Bigla tuloy akong nagsisi sa ginawa ko, mukhang lalong dadami ang haters ko ngayon. Sigh.

"Hoy!" pintik ko siya bigla sa noo.

"Ha Ha ha!" malakas na tawa niya ng matauhan. Abnoy.

"Sarap naman, pakiramdam ko tuloy ako yung nanalo." Natatawang sambit niya at niyakap ulit ako.

"OA mo Ongpauco." Ngiwing sagot ko.

"Okay lang may kiss naman ako." Sabay kindat.

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY ME! LUCKY ME!"

"MOCKINGJAY! MOCKINGJAY!"

"LUCKY GONZAGA PLEASE COME UP ON STAGE." Tawag ni Sir Adam sa pangalan ko kaya napalingon ako sa harap. Pansamantala kong iniwan ang mga kaibigan ko at nagtungo ako sa stage.

"Our 1ST Place winner will recieve 40 thousand pesos and a certificate. But wait there's more, as a bonus the winner will also receive a 3 days and 2 nights stay for two here at The Manor for free courtesy of Mr. & Mrs. Carlisle Gutierrez." Hindi mawala wala ang kaba sa dibdib ko. Dahan dahan akong naglakad dahil baka bigla na naman akong matapilok sa harap nilang lahat.

Nakipag kamay sa akin sina si Sir Carlisle at Ma'am Samantha pag akyat ko sa stage. Kinindatan naman ako ni Sir Adam na katabi ni Sir Carlisle. Ang gwapo gwapo nila pareho sa casual attire nila lalo na si Sir Adam he looks so dashing.

"Congratulations Lucky." Masayang bati sa akin ng ginang habang inaabot ang certificate at ang sobreng naglalaman ng premyo ko. Bahagya din akong nagulat ng yakapin niya ako. Namiss ko tuloy si Nanay dahil siya ang madalas na kayakap ko.

"Thank You po, Ma'am/Sir." Magalang na sagot ko at nag bow ako sa harap nila.

"Malapit na ang Foundation Day natin Lucky make sure na kakanta ka." si Sir Carlisle at tinapik ako ng mahina sa braso.

"Yes Sir!" tumayo ako ng tuwid at sumaludo sa kanya. Natawa naman silang mag asawa.

"Again, a big thank you to all other participants, and especially to our three winners, you did very well!" masayang bati ni Sir Adam sa lahat ng contestants na kasalukuyang nasa stage na lahat at nag papapicture.

Tinawag na rin ni Sir Adam ang lahat ng participants ng competition para kunan kami ng pictures. Para akong nakalutang sa sa sobrang saya ng pakiramdam ko. Pagbaba ko ng stage napansin kong nakatingin ang ilang mga board members sa akin kaya lumapit ako sa table nila.

"Thank You po." Nag bow ako sa harap nila.

"You deserved it iha." Sagot ng kalbong board member na sobrang sungit kanina at nagpalakpakan naman sila. Gusto kong maiyak sa sobrang saya, akala ko puro kamalasan ang aabutin ko hanggan matapos ang araw na ito.

Bumalik ako sa table namin at naglapitan ang mga classmates ko na nasa kabilang side lang ng table namin. Isa isa silang yumakap, bumati at nakipagkamay sa akin. Abala naman si Wesley na kuha ng pictures kahit pinagkakaguluhan din siy adahil gusto nilang magpa picture sa kanya.

"You're Luckier than i thought." Muntik na akong mapatalon ng may bumulong sa tenga ko. Matipid na ngiti galing sa manipis at mapulang labi ni Kenneth Ang sumalubong sa akin. Hinampas ko muna siya sa braso at hinila saka ko siya niyakap.

"Who'd have thought sinunod ko lang naman yung payo mo." Nakangiting sagot ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko na humahaplos. Aaminin ko nabigla din ako sa ginawang pagyakap ko sa kanya ngayon. Natutuwa lang ako dahil kaninang kabadong kabado ako siya nag nagpalakas ng loob ko.

Mabilis din akong bumitaw dahil nakita kong kakaiba ang tinging ipinupukol ni Ytchee, Andi at Marlon sa yakapan namin ni Kenneth.

"Kayo, hindi niyo ko yayakapin?" singhal ko sa kanilang tatlo. Narinig kong natawa si Kenneth sa tabi ko. Patakbo silang lumapit sa kain at niyakap ako.

"Kainis to mas inuna mo pang yakapain yang mag pinsan na yan kesa kaming mga kaibigan mo." May himig na pagtatampong sambit ni Andi.

"Oo nga tapos si Ongapauco, may kiss pa!" si Ytchee.

"At si Kenneth mega bulong at mega haplos!" malisyosong singit ni Marlon.

"Mga timawa kasi kayo mas inuna niyong mag baliw baliwan kesa sa lapitan ako kanina." Pagsusungit ko sa kanila.

"Siyempre, kapag tinawag ang pangalan mo automatic na tayo ang champion!" masayang sagot ni Marlon.

"Kailangan nating mag celebrate!" itinaas pa ni Ytchee ang kamay sa ere. Nagtakip ako bigla ng ilong.

"Ching!"

"Yan ang hirap eh!" nilapirot niya ang pisngi ko.

"Aw!" mahinang daing ko.

"Ang swerte mo Inday may bonus ka pang 3 days & 2 nights dito sa The Manor. Sino ang isasama mo?" pang uusisa ni Marlon.

"Baka ibigay ko nalang kay Nanay at Tita Jack para makapag unwind naman sila." ngiting sagot ko.

"Manlilibre ka ba may portitawsan ka na Lucky!" Singit ni Ytchee.

"Ipambabayad ko to kay Andi at Marlon sila ang nagbayad ng contribution ko kaya ako nakarating dito." Naka ngusong sagot ko.

"Ay naku Lucky hindi na. Kwits na tayo sa dami ng kasalanan ko sayo dapat ako pa nga ang magbayad." Senserong sagot ni Andi.

"Ako rin ses, deadma na ang mahalaga tayo ang champion hindi mababayaran ng kahit magkanong cash yung experience na 'to!" niyakap ako ni Marlon. Napansin kong pinapanuod lang kami ng magpinsan sa dramahan namin.

"Congrats Lucky Me!" at niyakap nila akong tatlo hanggang hindi ako makahinga. Nagkwentuhan muna kami pansamantala habang nag aantay matapos sa pila sa buffet area ang ibang ka batch namen.

Dumaan ang grupo ni Mj sa harap namin papunta sa buffet area sa likod. Kitang kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Alam kong mas lalo lang madadagdagan ang galit niya sa grupo ko dahil sa pagkatalo ng section nila.

Pagkatapos nilang kumuha ng pagkaen, isa isa narin kaming naglapitan sa buffet table para kumuha ng pagkaen. Pasado alas dose na pala hindi na namin namalayan ang oras dahil sa program kanina. Pakiramdam ko nawalan ako ng ganang kumaen ngayon, kanina pa ako tingin ng tingin sa mga pagkaen sa harap ko pero wala akong mapiling kunin.

"Penny for your thoughts?" singit ni Kenneth sa tabi ko. Sumulyap ako sa plato niya pero kakaunti lang din ang pagkaen na meron sa plato niya.

"Wala akong ganang kumaen, hindi ko alam kung bakit." Nalapingon ako sa table namin at nakita kong nandun na sila Wesley kasama sila Ytchee na maganang kumakaen.

"Di ba dapat ganado ka ngayon?"

"Nalipasan na naman kasi ako ng gutom. Sa dami ng pinagdaanan ko ngayong umaga sino pang gaganahan?" Walang kagana ganang sagot ko sa kanya at nilapag ko ang plato sa mesa.

"Sabagay." Sabay lapag din ng plato sa mesa. At nag angat ako ng tingin sa pagtataka.

"Hindi na rin ako kakaen para may karamay ka. Saan mo gustong pumunta?" biglang nagliwanag ang paningin ko sa sinabi niya.

"Gusto kong manigarilyo. Para mas ma relax ako." Inirapan lang niya ako at saka dinampot muli ang plato niya.

"Puro ka bisyo. Pilitin mong kumaen!" singhal niya at tinalikuran ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod at napilitang dumapot ng pagkaen sa buffet table.

Pabalik na ako sa table namin ng may maisip akong magandang idea. Habang naglalakad hawak ang plato hindi ko mapigilang mapangiti at tumalikod pabalik sa buffet table.

"Oh ang tagal mo naman, akala namin dun ka na kumaen sa buffet table." Si Marlon.

"Bakit walang laman yang plato mo?" sita ni Andi ng inilapag ko ang plato ko sa mesa.

"Wala ka na naman bang ganang kumaen?" si Wesley na nakatingin sa masebo kong plato.

"Konte." Nakasimangot na sagot ko. "Dito lang kayo babalik ako saglit lang." Paalam ko sa kanila. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa bag ko.

"Hindi kana kakaen?" biglang singit ni Kenneth.

"Pipilitin kong kumaen."

"Kakaen eh wala ngang laman yang plato mo pagdating mo." Sabat ulet ni Marlon.

"Anong laman ng bulsa ng jacket mo?" nagtatakang tanong ni Kenneth habang nakatingin sa magkabilang bulsa ng jacket ko. Kinapa ko naman ko rin yung dalawang bulsa sa likod ng pants ko at napangiti ako.

"Wala. Don't worry hindi ako magpapagutom. Magpapahangin lang ako sa labas." Sinaluduhan ko lang silang lahat bago ko sila nilayasan.

Mabilis akong lumabas ng convention center at naghanap ng pwedeng mapagbisyuhan. Nag lakad lakad muna ako hanggang maka kita ako ng isang wooden bench sa isang di mataong daanan. Maganda ang view dahil panay puno lang ang makikita mo sa paligid. Nakaka relax pagmasdan yung mga puno at halaman, yung tunog ng huni ng mga ibon sa paligid, yung lamig ng hangin sa Baguio na lalong nag papaganda sa tanawin.

Nagsindi ako ng sigarilyo habang naka dekawatrong nakaupo. Ngayon mas payapa na ang sistema ko. Malayo sa ingay sa loob at crowded na tao. Isa isa kong inilabas ang mga pagkaeng binalot ko at inilapag sa tabi ko. Para akong batang tuwang tuwang nag pi-picnic mag isa. Panay hithit at buga ako sa hawak kong sigarilyo at maya't mayang kumakagat sa fried chicken sa kabilang kamay ko. This is life!

"Ito ang gusto ko!" masayang sambit ko habang nakangiti at nakatingin sa malayo. Para akong nasa bahay dahil nakaangat pa ang isang paa ko sa upuan habang kumakaen. Kung may makakakita sa akin ngayon iisipin nilang nababaliw na ako. Punong puno ang bibig ko nakuha ko paring makasigaw ng malakas.

"Tss. Alin ang kumaen mag isa malayo sa mga kaibigan mo?" bigla akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

"A-Anong--" hindi ko matapos yung sasabihin ko dahil biglang bumara yung mga kinakaen ko sa lalamunan ko. Bigla siyang lumapit sa akin at iniabot ang mineral water na dala niya. Mabilis kong tinungga yung tubig sa bote. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya ng ibaba ko ang bote. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Tch! Grabe kasi yang katakawan mo." Hindi makapaniwalang sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Katakawan? Wala nga akong ganang kumaen eh."

"Kakaiba ka pala mawalan ng gana, halos pang dalawang tao tong baon mo."

"Totoo promise!" itinaas ko ang kanang kamay ko habang hawak yung fried chicken. Napangiti ako habang ibinababa ang kamay ko.

"Kahit kailan hindi ko maintindihan yang takbo ng utak mo."

"Kwits lang tayo, hindi ko rin kayang intindhin ang takbo ng maruming utak mo eh." At bara bara akong nagpunas ng bibig gamit ang tissue. Nanlamlam ang mga mata niya at napatingin sa malayo.

"Oh!" Kahit labag sa loob ko inabot ko yung isang fried chicken sa kanya.

Napangiti naman siyang kinuha yun. Hindi ko alam pero sa tuwing ngumingiti siya ng ganun naaaliw ako. Minsan lang kasi niya gawin yun madalas kasi siyang seryoso. Kadalasan hirap niyang basahin, masiyado siyang malalim at misteryoso. Parang ang dami dami niyang itinatago alam ko yung ganung pakiramdam dahil pinagdadaanan ko yun ngayon.

"Thanks." Mabilis niyang nilantakan yung manok na inabot ko. Gutom much? Napailing nalang ako saka ko tinuloy ang pagkaen.

"Akala ko ba kumaen kana?" tanong ko habang ngumunguya.

"Hindi pa. Diba sabi ko sayo hindi ako kakaen para may karamay ka?" nakangusong sagot niya habang ngumunguya. Oo nga pala sinabi niya yun nung nakasabay ko siya sa buffet table kanina.

"Sino namang nagsabi sayong hindi ako kakaen?" nagkibit balikat lang siya at tuloy tuloy parin sa pagkaen. Gutom siya bes at ang cute cute niyang kumaen parang bata.

"Pinabalot ko sa tissue yung mga pagkaen ko kanina sa staff bago ako lumapit sa table natin. Fan ko raw sila." Mahinang bulong ko sa kanya at sinabayan ko ng malakas na tawa.

"Kaya pala punong puno ang magkabilang bulsa mo bago ka umalis kanina." Napangiti ulit siya. Yan na naman siya. Kainis gusto kong panggigilan ang makinis na mukha niya.

"Ay siya nga, may tama ka beh!" biro ko sa kanya.

"Kakaiba ka talaga, Tch!"

Apat na magkakaibang pagkaen ang dala ko at tigda dalawang piraso ang nakabalot sa bawat isang tissue. Mabuti nalang hindi ko pa nabubuksan ang mineral water na dala ko kaya nag share nalang kami sa natira.

"BUURRRRRRPPPP!" Isang malakas na dighay na parang tambay sa kanto ang hindi mapigilang kumawala sa bibig ko. Napayuko ako sa hiya. Nag aalangan akong lumingon sa tabi ko dahil alam kong magagalit na naman siya sa kababuyan ko.

"BBBUUUUUUURRRRRRRPPPPPP!" Nagulat ako akala ko biglang kumidlat, kumulog o ano. Isang mas mahaba at mas malakas na dighay ang narinig ko. Hindi makapaniwalang napalingon ako kay Kenneth.

"What? I'm not allowed to do that infront of you?" natatawang sagot niya.

"BWAHAHAHHAHAHAAHAHA!" Sabay kaming tumawa ng malakas.

Nanatili kaming ganun na sa twing lilingon ako o siya sabay kaming bumubulalas ng tawa. Hindi ko na halos maibuga ang usok ng sigarilyo ko kakatawa kapag naaalala ko yung mala kulog niyang dighay.

"Ganyan, dapat dalas dalasan mo ang pagtawa para mas lalo kang magmukhang kaiga-igaya." Biro ko sa kanya.

"Bakit, hindi pa ba kaiga-igaya ang mukhang ito para sayo?" turo niya sa mukha niya.

"Hindi." Prangkang sagot ko. Bigla na naman siyang nagseryoso at tinitigan ako.

"That's insane."

"Mas madalas ka pa nga atang mag birthday eh kesa tumawa." natatawang sagot ko. Bigla niya akong hinampas sa braso.

"Aray! Grabe ka ah!" pinandilatan ko siya.

"Mas grabe ka!" ganting sagot niya na nanlalaki ang mata kaya bigla akong natawa habang nakatingin sa mukha niya. Para siyang cartoon character na lumaki yung mg amata ng magulat o makakita ng kung ano.

"W-What's funny?" naiilang na tanong niya at ng hindi ko siya sinagot bigla niyang hinugot ang panyo niya sa bulsa at nagpunas ng nagpunas ng mukha kaya lalo pa akong tumawa.

"Sumusobra ka na Lucky!" napipikong sabi niya kaya huminto ako sa pagtawa.

"Nakakatawa kasi yung itsura mo kanina."

"Ikaw lang ang natawa sa itsura ko lahat sila na iinlove dito." Mayabang na sagot niya.

"Eh di ma-inlove sila, paki ko." Napapangising sagot ko sa kahambugan niya. Muli ko siyang tinitigan at may tama naman siya. Kakaiba yung kinang ng mata niya ngayon unlike before na blangko. Gusto ko siyang titigan hanggang madighay ako pero hindi ko kaya.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?"

"Busog ako Kenneth, kaya kita tinititigan para matanggal yung umay dun sa kinaen ko."

"Ang sabihin mo may gusto ka na sa akin." Halos magkasabay kaming napatingin sa isa't isa. Sa nakikita kong reaction niya mukhang nabigla din siya sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko kung may gusto nga ba ako sa kanya. Pero wala akong maapuhap na sagot sa sarili ko.

"Alam mo ba kung anong sasapitin ko sa kamay ni Amber kapag nagkagusto ako sayo?"

"Hindi yun ang issue dito."

"As much as possible ayoko na ng gulo. Alam mo namang sagad sagaran ang kamalasan ko di ba?"

"Umiiwas ka lang sa tanong ko Lucky."

"Umiiwas ako sa gulo hindi sayo."

"So inaamin mo ngang gusto mo ako." Naka ngising sagot niya.

'Ano bang problema nitong kumag na to? May reward ba siyang matatanggap kapag malaman niyang may gusto ako sa kanya? Pordiyos porsanto!'

"Wala akong sinabing ganun." Naiinis na sagot ko kaya napasindi ulit ako ng sigarilyo.

"Para sa akin ganun narin yun."

"Bakit ba ang big deal sayong malamang gusto kita ha? Bakit gusto mo bang maging tayo?"

"H-Hoy diba i-ikaw ang m-may gusto nun hindi ako?" nauutal na sagot niya. Naalala ko tuloy bigla yung pang i-trip ko sa kanya nung gabing nagkita kami sa supermarket malapit sa Academy. Tinanong ko siya nun kung pwedeng maging kami at ang epic ng itsura niya nung gabing yun.

"Dati yun, hindi na ngayon." Masungit na sagot ko sa kanya. Nawala yung kakaibang kinang ng mga mata niya kagaya ng kanina.

"Huli na Gonzaga, inamin na sakin ni Ytchee na may gusto nga sa akin." Seryosong sagot niya at bIgla akong napa nganga. Lintek na tomboy yun humanda siya sakin mamaya. Malamang sa sobrang kadaldalan hindi na naman siya nakapag preno habang nag uusap sila.Wala akong maalalang may sinabihan ako sa kanilang gusto ko siya dahil hindi parin naman ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya.

"Okay fine sabihin na nating may gusto nga ako sayo. Masaya ka na?" Humarap ako sa kanya.

"Eh di inamin mo rin ang totoo." Balewalang sagot niya.

'Sarap isalpak sa bibig niya yung mga tisyung pinambalot ko sa pagkaen kanina.'

"Eh ikaw?" tinaasan ko siya ng kilay.

"A-Anong ako?" pa inosenteng tanong niya na may halong pagtataka. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Kailan mo na realize na gusto mo rin ako?" walang alinlangang tanong ko sa harap niya at halos lumuwa ang mata niya sa sinabi ko.

'Gusto mo ng kakaibang trip? Sige pagbibigyan kita Kenneth Ang!'

To be continued...