CHAPTER 57
YTCHEE'S POV
Pagbalik ni Lucky kung saang lupalop man siya galing kanina napansin ko agad ang biglang pananahimik niya. Panay lang ang buntong hininga at hindi mapag hiwalay ang naguuntugan kilay niya. May pinagdadaanan na naman to malamang. Ano na naman kaya ang ganap ng baklang 'to? Nakaapak na naman siguro 'to ng tae este kamalasan sa labas.
Siniko ko siya sa tagiliran. "Pengeng yosi." Inabot niya pero kumuha muna siya ng isang stick at nag sindi.
"May problema ka ba Lucky?" nag aalangang tanong ko habang bumubuga siya ng usok.
"Sa tingin mo ba malandi ako?" wala sa hulog na tugon niya. Liningon niya ako at parang wala siya sa sarili niya. Kinakabahan tuloy ako. Bakit ba hindi ako masanay sanay sa kanya? Sigh.
"H-Ha? Depende."
"So parang sinasabi mo ngang malandi ako." Para siyang robot na dahan dahang lumilingon habang umuusok ang bibig.
"Oo at Hindi. Basta! Makinig ka muna." Natatarantang paliwanag ko.
"Ayusin mo at patong patong na kasalanan mo sa akin!" banta niya.
'Patong patong? Yung tungkol parin ba to sa sinabi ni Kenneth sa kanya? Silang dalawa kaya pagpatungin ko ng magkaalaman sila?'
'Humanda talaga sa akin yang payatot na yan at idi-drain ko ang bone marrow niya at gagawin kong pataba sa lupa!'
"Ipapaliwanag ko sayo at makinig kang mabuti. Simulan natin sa ano ba ang kahulugan ng malandi." hindi siya sumagot at sumimangot ulet siya.
"Noong araw ang mga babaeng nagsusuot ng maiksing shorts, tight fitting na damit, spaghetti strap o magkaroon ng boyfriend sa maagang edad ay tinatawag nang malandi."
"Nag shorts lang malandi na? Di ba pwedeng comportable lang sila kapag ganun ang suot?" naka simangot na tanong niya.
"Eh wala kang magagawa ganun manghusga ang society naten noon."
"Sabagay meron parin mangilan ngilang taong ganyan parin magpahanggang ngayon." Walang ganang sagot niya.
"Sa henerasiyon natin ngayon nag evolve na yung meaning ng salitang malandi. Sila na yung mga tipong FLIRTY and SLUTTY na type. Hindi lang mga babae ang pwedeng tawaging malandi ngayon. Kundi lahat ng kasariang alam mo pwede ng tawaging malandi, talipandas, kiri, kirengkeng, hitad, pandot, mahindot, balitanda, talandi, alembong, garutay, harot, maharot, magatod, malantod, haliparot, handak, limbang, palikero, palikera kirimpot, kikay, at makati."
"Andami naman nun!" reklamo niya at binugahan ako ng usok sa mukha at napahilamos ang kamay ko sa mukha.
"Kahit ang mga hayop na kagaya ni MJ BELMONTE ay may tinatawag ding paglalandi o ang estrous cycle o oestrous cycle sa Ingles. Estrus refers to the phase when the female is sexually receptive (IN HEAT) Ito ay binubuo ng mga pagbabagong pampisyolohiya na dulot ng mga hormonang pangreproduksiyon sa karamihan ng mga mamalyang kababaihan na may bahay-bata."
"Nandamay kapa. Ibang level kalandian nun walang katulad." Sabay irap niya.
"Para maintindihan mo ang tunay na kahulugan ng "Malandi" hindi yung puro ka diyan emote."
"Lahat naman tayo may itinatagong landi. Hindi ko lang maintindihan yung ibang taong huhusgahan ka o tatawagin kang malandi ng ganun kadali." Malungkot na tugon niya sabay bumuntonghininga.
'So tama nga ako may pinag dadaanan na naman siya. Sino na naman kayang sinuwerteng nilalang ang nakabangga niya ngayon?'
"Inday, maraming klasipikasiyon o uri ng malalandi."
"Alam ko, naging bakla pa ako kung wala akong alam sa sinasabi mo." Naiinis na sagot niya.
"Ano na naman ba kasing ginawa mo at nasasabihan ka ng malandi ng kung sino sino?"
"Ewan ko ba sa hinayupak na yun! Nire-regla ata at ako na naman ang napagbalingan." Mahinang bulong niya.
"Si Kenneth na naman ba yan?" panghuhuli ko dahil yun ang hinala ko kanina pa.
"Siya agad? Isa pa yang kadaldal mo puputulin ko yang dila mo." Naiinis siyang humithit sa sigarilyo habang nakatingin sa malayo.
"Wala nga akong sinasabi dun shunga. Kanina hinuhuli niya ako pero wala talaga akong sinabi sa kanya." Pero napaisip ulit ako mahirap na baka may nasabi nga talaga ako kanina.
"Kung ayaw mong i-share ang pinagdadaanan mo, ayusin mo yang mukha mo dahil kapag yung dalawang bakla ang makapansin sayo hindi ka makakalusot for sure." Inakbayan ko siya at hinimas himas ang likuran niya.
"Ewan ko ba kung bakit hindi na ako masanay sanay sa kamalasan ko. Konting kibot lang nag uumapaw na sila sa harap ko."
"There's no such things as malas Inday."
"UN-LUCKY meron. See pangalan ko pa lang kadikit na yung salitang malas." Mapaklang tawa niya. Gusto ko ring matawa sa sinabi niya.
"Eh di naniniwala ka rin sa swerte? Kasi ang malas ay laging kadikit ng swerte." Nag angat siya ng tingin. Nandun parin yung lungkot sa mga mata niya.
"Lucky, kung iisipin mo parating malas ka, hindi malayong mangyaring mamalasin ka. Mind over matter lang din yan. Tandaan mo tayo ang gumagawa ng malas sa sarili natin kaya tayo lang din ang pwedeng gumawa ng ikasu-swerte natin. Huwag nating iaasa sa tadhana ang lahat dapat sabayan din natin ng kilos o gawa at konting paniniwala."
"Talaga? Parang line lang pa yan ni Ate Guy yan sa Walang Himala movie ah." Bigla siyang sumampa ng bahagya sa terrace.
"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang himala!" panggagaya niya kay Nora Aunor at sabay kaming tumawa ng malakas sa terrace.
"Ngayon okay na ba ang nararamdaman mo?" nakangiting tanong ko. Sana kahit sa mga kabalbalan ko nakatulong ako sa kanya.
"Oo, salamat may silbi din pala yang kadaldalan mo." At niyakap niya ako.
"Seriously, Lucky anong nangyari sayo bakit bigla kang nawala kanina?" sinserong tanong ko dahil nag aalala talaga ako sa lagay niya.
"Galing ako sa suite nila Wesley." Nakangusong sagot niya.
"Si Kenneth?" derechong sagot ko.
"Bakit ba puro ka Kenneth siya lang ba tao dun?"
"Dahil masiyado kang mahal ni Ongpauco kaya malabong bigyan ka niya ng problema." At sa nakikita kong reaction niya mukhang tama nga ng hinala ko.
"Pumunta ako dun para kunin yung cellphone ko sa kanya."
"Bakit na sa kanya yung phone mo?"
"Basta mahabang kwento. Natapunan ako ng tubig sa park kanina pati yung phone ko kaya pinatago ko muna sa kanya."
"Kaya nung nagpapapasa ako ng pictures sayo kanina saka mo lang naalala?" sagot ko at tumango tango siya.
"Kasalanan ko naman talaga pero hindi naman lalala yung pagtatalo namin kung hindi siya nagbasa o nangelam ng laman ng phone ko." Nakayukong sambit niya sa terrace.
"Bakit may scandal kabang tinatago sa phone mo at napanuod niya kaya kayo nagtalo?"
"Wala naman pero hindi lahat ng video dapat niyang panuorin."
"Eh ano nga yun?"Hinugot niya ng phone sa bulsa at nagkalikot.
"Oh ikaw na humusga." Inabot niya ang phone niya.
Nang iabot niya ang phone imahe agad ni Kenneth ang una kong nakita habang nakahiga sa kama. Kinabahan ako, lintek to may scandal nga sila! Pisti, ano na naman kayang kababuyan ang ginawa nila. Nakita kong isinara niya ang pinto ng terrace at nagsindi ulit ng sigarilyo.
"Panuorin muna bago pa magbago ang isip ko." Utos niya. Nginiwian ko lang siya.
"Bugak, hindi yan tulad ng iniisip mo." At saka ako nakahinga ng maluwag.
Si Ongpauco agad ang unang lumabas kaya madali kong ihininto ang video.
"Maygad! Dalawa sila kinaya mo? Tama siya malandi ka nga talaga." at binatukan niya ako.
"Akina nga yan!" inaagaw niya phone pero pinitik ko ang kamay niya.
"Ito na biniro lang eh. Sorry na." at pinanuod ko ulet yung video.
Agad akong napalunok. OMAYGAD! OMAYGAD! Hindi ako alam kung paano ako mag re-react sa nakikita at naririnig ko. Si Kenneth Ang? Bwahahahahahaha! Hindi ko ini-expect na magiging ganito ang epekto ng Baguio sa magpinsan. Kingenang yan, bilib na talaga ako sa kamandag nitong si Inday walang kupas. Two birds in one stone. Sapul may kasama pang bukol! Napailing lang ako pero hindi ko maitago yung ngiti ko sa harap ni Lucky. Sinasabi ko na nga ba eh may future ang loveteam na ito. Ha ha ha.
"Ang creepy mo!" singhal niya sa akin.
"Mas creepy ka! May sumpa yang kagandahan mo." At sinabayan ko ng malakas na tawa.
"Siraulo." Umupo siya sa tapat ko. "Nahuli ako ng dating kaya napanuod na niya yan bago pa ako makarating sa suite nila." Malungkot na balita niya.
Bahagya akong nalito sa kwento niya. Ano ngayon kung nahuli siya? May magbabago ba sa nararamdaman ni Kenneth kung sakaling napaaga siya?
"Teka nga nililito mo ko eh. Ano naman ngayon kung nahuli kang dumating?" napakamot ako ng ulo. Bumalik na naman yung panlulumo niya kanina.
Sigh. "Sa tingin mo ba lalapitan pa ako ni Kenneth after ng insidenteng yan?" Napa isip naman ako. Bakit naman hindi? Unless naiilang sila sa isa't isa.
"Actually wala akong masiyadong maalala sa sobrang kalasingan ko kagabe."
"Actually wala akong masiyadong maalala sa sobrang kalasingan ko kagabe."
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng maalala ko yung sinabi niya ng tanungin ko siya kung anong ganap nung hinatid sila ni Lucky kagabe sa suite nila. Pakingshet!
"Maygad! Ibig sabihin wala talaga siyang maalala tungkol sa bagay na yan simula kaninang umaga?" kahit magkaharap lang kami hindi ko ma control ang lakas ng boses ko dahil sa nalaman ko.
'Imposible naman atang hindi niya alam yun? Ano may amnesia siya?'
"Actually kaninang magkasama kami pahapyaw ko siyang tinanong kong may naaalala ba siya nung hinatid ko sila kagabe." Salubong parin ang kilay niya habang hithit buga ng usok.
"Ako din tinanong ko rin siya kanina kung anong nangyari nung hinatid mo sila."
"Wala raw siyang maalala." Halos magkasabay na sagot naming dalawa.
"Actually nakahinga nga ako ng maluwag sa isinagot niya. And besides wala din naman akong planong ipaalam sa kanya ang bagay na yun tutal wala naman siyang maalala sa nangyare kagabe."
"Psh, anong inarte naman yan? Ano aantayin nalang natin na maka recover siya sa amnsesia niya, tapos pag gumaling siya maaalala niyang ikaw pala ang gusto niya. Pero huli na ang lahat dahil may mahal na siyang iba. Ha ha ha!" nababaliw na tawa ko.
"Baliw." Umirap siya.
"Tantananan mo ko Lucky sa dami ng kamalasan mo gusto mo pa ng mala teleseryeng istorya!"
"Sana nga ganun na lang matatanggap ko pa."
"Oh tapos anong nangyare sa teleserye?"
"Ayun ako lang naman yung pinalabas niyang kontrabida. Malandi daw ako at ginagago ko raw silang magpinsan blah blah blah. Magaling siya yung naging bida ura-urada!" sarkastikong kwento niya.
"Wow." Maygad! Kung si Andi o Marlon siguro ang nasa kalagayan ni Lucky malamang nasa emergency room na sila at nire-revive ng mga doktor dahil sa hindi na tumitigil ang pagbula ng mga bibig nila sa kilig.
"Wala imbes na siya ang mailang sa sitwasiyon namin kanina ako pa yung nahiya sa kanya."
"Jusmiyo! Ano bang pinagsasasabi niya?"
"Ayon bukod daw sa hindi niya maalala yung mga ginawa o sinabi niya dahil sa kalasingan malayo rin daw sa katotohanan na magkatotoo yung mga sinabi niya."
"H-Huh?" bigla akong napakamot sa ulo.
"Its all crap, impluwensiya lang siguro ng alak kaya niya nasabi ang mga yun."
Malakas ang kutob kong totoo ang nararamdaman ni payatot dahil may something sa kanila sa tuwing magkasama sila. Malamang hindi lang niya matanggap sa ngayon na isang Lucky Gonzaga ang magpapatumba sa kanya. Beat that! Alam kong may dahilan din yun kaya niya nasabi yun kay Lucky. At yun ang aalamin ko kapag nakita ko siya. Humanda siya!
"Kalokohan! Hindi totoo yung hindi mo alam ang ginagawa mo kapag lasing ka. Ang totoo niyan nagkakaroon pa nga tayo ng sapat na lakas ng loob na mailalabas ang tunay nating nararamdaman kapag lasing or nakainom na tayo."
"Ganun ba yun?"
"Oo! At may mga taong malakas lang ang loob magsalita kapag nakakainom sila. Kaya huwag niya tayong pinaglolo-loko." Singhal ko sa kanya.
"Malabo yun Ytchee. Dagdag niya pa kanina hindi ganitong klaseng lovestory ang pinapangarap niya." Napasinghot siya saka humithit buga sa sigarilyo. "Tibay nga eh ipinamukha niya pang hindi ang kagaya ko ang tipo ng taong magugustuhan niya. Sarap diba?"
"N-N-Na---"
"NA FRIENDZONE NGA AKO TAMA KA." Tumawa siya pero yung tipo ng tawa na hindi umabot sa mata. Hindi ko alam kung mahahabag ako o matatawa sa kanya.
'Teka nga tama ba itong nakikita ko?'
LUCKY'S POV
'Karma is real.'
"Lucky, magsabi ka nga ng totoo. May gusto ka na kay Kenneth noh?" bulalas niya.
"Its complicated."
"Complicated? Pakyu kayo pareho!"
"Grabe mas hard ka pa sa kanya!"
"KINGENANG YAN! Hard na kung hard, If i know gumaganti lang kamo siya dahil sa nangyari sa inyo ni Ongpauco." Nanlalaki ang butas ng ilong niya.
"Yun din ang nasa isip ko kanina." Mahinang sagot ko. Sa ginawa niya nawalan tuloy ako ng kumpiyansang harapin silang magpinsan ngayong araw. I feel guilty.
"Eh si Ongpauco may alam ba siya?"
"Wala. Kaya pakiusap lang yang bibig mo ipaayos muna ang preno." Inambaan ko siyang papasuin ng sigarilyo pero mabili ssiyang umilag.
"Jusmiyo! Anong plano mo?"
"Wala. Dapat ba talaga may plano?"
"Yan diyan kayo ng payatot na yun magaling eh. Ang magtaguan."
"Taguan?"
"Magtaguan ng feelings." Ngiting sagot niya.
"Tss, sana ginalingan niya ng magtago, oh ngayon sino ang unang nakita."
"Sinong nagtaguan at sinong nakita? Sali ako!" biglang silip ng ulo ni Andi sa pinto.
"Kagulat ka naman! Wala. Hindi ka pwedeng sumali mahirap kang hanapin sa dilim sa sobrang itim mo!"
"FYI lang, Jambi Madrigal brown ang kulay ko at hindi ako maitim ."
"Oh sige dirty brown na lang." Sabat ko at sabay kaming tumawa ng malakas ni Ytchee.
"Ihagis ko kaya kayong dalawa sa terrace?" at binuksan niya ng malaki ang pinto at nakita ko ang magpinsan malapit sa mini bar na nakaupo.
"Charot lang! Aalis naba tayo?" natatawang sagot ni Ytchee.
"Ayy, Oo seshie kaya nga ako nandito nandiyan na sila Wesley hinahanap kayo." Senyas niya sa loob at nagkatinginan kami ni Ytchee. Naunang pumasok si Andi sa loob at nagpaiwan pa kaming dalawa sa terrace. Kinakabahan tuloy ako sa muli naming pagkikita.
"Ytchee anong gagawin ko?" Nanlulumong lingon ko sa kanya.
"Pagselosin natin siya.." Mahinang bulong niya at panay ang sulyap sa loob.
"Nasisira na ba ulo mo?"
"Oo! Subukan natin kung gaano siya katagal magpapanggap na walang gusto sayo."
"Huwag na uyy, napahiya na nga ako kanina tapos ngayon ipapahiya ko na naman ang sarili ko? No way!" mariing tanggi ko.
"Gusto mo bang malaman kung totoo ang lahat ng sinabi niya sayo?" tumango ako.
"Pwes, sundin mo ang sasabihin ko." Nag cross arm siya habang nakatayo.
"Taena naman eh. Anong gagawin ko?"
"Act normal, maging extra sweet ka pa kay Wesley. Tingnan natin kung hindi uminit ang tumbong niya mamaya. Hahahaha!" Nababaliw na tawa niya.
'Pagselosin? Nababaliw na talaga ako. Hindi pa ba sapat yung yung sinabi niya kanina para malaman mong hindi ka niya gusto? Sige torture pa more, gaguhin mo pa sarili mo Lucky Gonzaga.'
"Hindi ko kaya. Mapapahiya lang ako sigurado." Nakayukong sagot ko.
"Please gawin mo lang yung part mo, gusto ko lang din malaman ang totoo." At saka siya tumayo at hinila ako.
"Ytcheehhh.." padabog akong sumunod.
"In the name of the Father...and of the Son...And of the Holy...Spirit. Amen" Lunok.
WESLEY'S POV
"Wait lang daw Ongpauco nagbibisyo pa ang magagaling kong kaibigan eh." bungad ni Andi pagbalik galing sa terrace. Lumingon ako sa pinanggalingan niya at nakita ko yung dalawa na magkasunod na pumasok sa loob.
"Its okay maaga pa naman." Ngiting sagot ko habang nasa kanila ang tingin.
"Oh, ito na pala sila." Senyas niya sa dalawa na nakangiting lumapit sa amin.
"Walang kakupas kupas ang gwapo mo talaga Ongapauco." Nagulat ako dahil biglang nakipag high five si Ytchee sa akin paglapit sa kinauupuan namin ni Kenneth.
'Weird, close ako sa lahat ng friends ni Lucky but Ytchee.. She's closer to my cousin than me.'
"I'll be back maghuhugas lang ako ng kamay." Paalam ni Lucky at iniwan kami. Sinundan ko siya ng tingin.
'God i miss him already. Namiss kaya niya ako? Hehehe'
"Ito ring isa ayaw magpatalo. Umaalingasaw ang bango. Mukhang aakyat ng ligaw ang itsura ng kasama mo ah." Biro niya kay Kenneth at pinandilatan siya nito.
Nakakatawa yung reaction ni Kenneth sa sinabi ni Ytchee dahil bigla siyang nailang sa sinabi nito.
"Hindi kana nasanay, di ba ginaya mo pa nga dati yung brand ng perfume ko?" Sagot ng pinsan ko.
"Oo naman, dun ko kaya napasagot si Bonnie. Kakaiba daw ang bango ko amoy kwarto. Bwahahahaha!" Malakas na tawa niya.
'Ano daw amoy kwarto? Well, may point siya palagi kasi yang nagkukulong sa room niya kaya most of the time amoy kwarto siya. He he he'
"Tss, gaya gaya ka kamo."
Habang inaantay kong lumbas ng si CR si Lucky kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Lihim akong natawa ng marinig kong tumunog yung theme song ng Doraemon. Napalingon silang lahat sa papalapit na si Lucky. Nakangiti ngunit salubong ang kilay na makatango siya sa cellphone.
"I miss you too." Nakangiting lapit niya. Tumayo ako at bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nagtatakang napatingin sa amin ang mga kaibigan niya maliban kay Ytchee na abalang nakikipag kwentuhan kay Kenneth.
"Hiyang hiya naman ang long distance relationship sa inyong dalawa." Sita ni Marlon. Napalingon si Kenneth at Ytchee sa amin.
"Bakit anong ganap?" singit ni Ytchee.
"Paano itong si Ongpauco hindi masiyadong sweet." Sarkastikong sagot ni Andi. "Magkasama na mega text pa kay Lucky."
Hindi na bago sa mga kaibigan niya ang pagiging sweet ko kay Lucky, pero ngayong araw parang may kakaiba. Dalawang beses niya akong hinahalikan sa pisngi sa harap nila. I know he's weird, but this is strange. Hindi na ako nagpahalata pero hinayaan ko lang siya after niyang i-reject ang nararamdaman ko kagabe kulang pa yung halik bilang kabayaran sa na damage kong ego.
"Ganun talaga namiss lang namin ang isa't isa." Mayabang na sagot ni Lucky.
'Shit! Sinasabi ko na nga ba namimiss na niya ako! Hahaha!'
"Are you ready?" pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. Ngumiti siya tila nagpapa cute sa harap ko. Tumalon talon ang puso ko. Nagbago na kaya ang isip niya at na realize na niyang gusto niya ako?
'Oh good Lord, kung babae ka lang iuuwe na kita.'
"Excited much!" Masayang sagot niya at gumati ng pisil sa kabilang pisngi ko.
"Oh, mamaya na ang sweet sweetan at baka maubusan tayo ng bike." Parinig ni Marlon sa amin at bigla siyang nakaramdam ng hiya.
"OA mo, sabihin mo baka maubusan kayo ng lalake sa park." sagot ni Ytchee sa kanya.
"Kasama na yun. Malas ng isa diyan hindi na makaka "Awra" dahil naka bantay si Ongpauco." Pahabol na parinig ni Marlon.
"Hahahaha!" Sabay tawa nila Andi at Ytchee. Tahimik naman si Kenneth sa tabi nila animo'y di interesado sapaligid.
Kanina ko pa actually napapansin ang pananahimik ni Kenneth. Kung hindi ko pa siya nga pinilit kanina wala talaga siyang balak sumama ngayon. May mood swing na naman siguro, napansin ko rin na hindi man lang niya iniimik o tinitingnan si Lucky simula ng dumating kami kanina.
"Anong awra?" Nagtatakang tanong ko kay Lucky.
"Huwag mo ng pansinin, may tagas ang utak ng mga yan." At hinatak niya ako papalabas ng suite.
"Ibig sabihin nun hindi na siya makakapang lalake dahil nandiyan ka." Habol na sagot ni Andi habang papalabas kami ng kwarto.
"Suotan mo yan ng tapahoho para hindina tumingen sa iba." pahabol ni Ytchee.
"Psh, imposible yan, kung gusto maraming paraan." Komento ni Kenneth kaya napahinto ako humarap kay Lucky.
"Subukan mong manlalake sa harap ko pagbubuhulin ko kayo!" tinusok ko yung noo niya.
"Manahimik nga kayo!" Sigaw ni Lucky sa kanila. Lihim akong natatawa sa pang aasar nila Ytchee. Hinatak niya ulet yung kamay ko. Para akong nakalutang sa ulap. Sasama ako kahit saan niya ako dalhin.
'Ang sweet sweet niya ngayon grabeh!'
"You look great by the way." Napahinto siya sa paglalakad at naiilang na tumingin.
"Lalaki lang yang ulo mo kapag pinuri pa kita kung gaano ka kagwapo ngayon Ongpauco." Natatawang sagot niya.
"Tinitipid mo ko." Nakangusong sagot ko.
"Anong tinitipid dun nakakadalawang kiss na nga ako sayo ngayong araw eh." Natatawang sagot niya.
"Sounds fair." At inakbayan ko siya habang naglalakad at huminto kami sa tapat ng elevator.
"Smile its our first date." Biglang nanlaki ang mata ko. Para akong kinikiliti sa sinabi niya. Kung kaming dalawa lang siguro ngayon pinanggigilan ko na siya ng sobra sobra.
"S-Seriously?" nahihiyang tanong ko.
"Ayaw mo?" Pinindot niya yung button ng elevator. Hindi ko napigilang kurutin ang magkabilang pisngi niya kasabay ng pagpipigil ko ng tawa. Wala akong pakialam kung masiyado na akong obvious sa nararamdaman ko. Masiyado akong masaya para isipin pa ang sasabihn nila.
"Ano kasama ba kami diyan sa binubuo niyong mundo?" Narinig ko ang boses ni Ytchee papalapit sa amin kaya bumitaw ako sa pagkaka akbay kay Lucky.
"Bahala kayo. Si Lucky lang sapat na." Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap nila. Mapanuksong ngiti naman ang ipinukol ng mga kaibigan niya.
'Gahhd! Kung Ako lang masusunod si Lucky lang talaga ang gusto kong makasama ngayon.'
"Naku iba na yan Ongpauco, inlababo ka na!" pang aasar ni Andi paglapit sa amin.
"Inlababo?" at nakita kong naghagikhikan si Ytchee at Marlon. Napailing naman si Lucky sa tabi ko.
'Inlababo? What does it mean in gaylingo? Ugh,they're driving me crazy.'
Sakto namang bumukas yung elevator at nauna siyang pumasok. "Inlove ka daw, totoo ba yun?" Natatawang sagot ni Lucky ng humarap sa akin.
KENNETH'S POV
'Avoiding something doesn't always mean that you hate it. It could also mean that you want it but you just know it isn't right.'
"Inlove ka daw, totoo ba yun?" dinig kong tanong ni Lucky pagpasok namin ng elevator. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit kong idikta sa isip kong huwag siyang tingnan, napapalingon parin ako.
"Inspired lang." Nahihiyang sagot ni Wesley. Kaniya kaniya kaming sandal pagpasok namin sa loob.
"Oh, so nakaka inspire lang pala si Lucky hindi nakaka in love?" may pagka sarkastikong sabat ni Ytchee.
Napatingin kaming lahat kay Wesley na hindi nakasagot sa tanong ni Ytchee.
"Lucky inspired me in a lot of ways and that's what i like about him." Seryosong sagot niya habang nakatingin kay Lucky.
"Hindi muna siya love after kang ma friendzone?" si Marlon. Napanguso lang si Wesley sa tanong.
"Liking someone doesn't mean you have to be lovers, sometimes you just have to be friends." Pormal na sagot ko. Hindi ko alam kung para sa akin ba yung sinabi ko o para idepensa ang pinsan ko. Lahat sila sabay sabay na napalingon sa kinasasandalan ko.
'Psh, kaya lalong nagiging isip bata si Wesley eh.'
Umubo si Ytchee. "Excuse me po." Nilakihan niya ang boses na parang lalake at sumulyap kay Lucky. Sinamaan siya agad ng tingin nito at umayos ng tayo sa tabi ng pinsan ko.
"Tigilan niyo na nga si Wesley." Awat ni Lucky habang tinatakpan ang parehong tenga ng pinsan ko.
"Willing to wait naman ako, until Lucky likes me back, coz honestly i don't want anyone else."
"Well sabi nga nila, if its meant to be its meant to be no matter how long it takes." Sabat ni Andi at nag thumbs up pa kay Wesley.
"At sino namang nagsabi sayong hindi kita gusto?"
"Ikaw diba?" parang batang sagot ni Wesley.
"Kagabe lang yun pero nakalimutan muna?" salubong ang kilay ni Lucky habang nakatingin kay sa pinsan ko.
"Tanda ko pa, ayoko lang alalahanin." At nagiwas siya ng tingin.
Sa paraan ng pag uusap nila parang silang dalawa lang yung tao sa loob elevator. Narinig kong napatikhim si Marlon pero hindi nagpatinag yung dalawa.
"Ang sabi ko, gusto kita pero hindi lang sa paraang gusto mo."
"Alam ko huwag mo ng ipaalala."
"Kailangan kong ipaalala, baka ako naman kasi ang makalimot at pagsisihan ko pa." Nakangising sagot niya at sakto naman bumukas ang elevator at nauna siyang lumabas at iniwan kaming lima.
"Kapit lang Ongapauco bibigay din yan." nakangiting tinapik ni Ytchee sa balikat si Wesley habang naglalakad kami palabas ng hotel. Nakaramdam ako ng inis kaya nauna akong naglakad sa kanila. Paglabas ko ng hotel nagtama ang mata namin ni Lucky habang may kausap siya.
"Oh, si Sir Adam yun tara lapitan natin!"
"SER ADAM!" parang mga batang sigaw nila Ytchee, Andi at Marlon habang tumatakbo papalapit sa dalawa.
Napansin kong nawawala si Wesley at paglingon ko mukhang may kausap sa phone.
"Oh guys its good to see you, where are you going?" si Sir Adam habang nag aagawan naman sila Andi at Marlon kung sino ang unang yayakap sa adviser nila. Hindi na ako lumapit sa kanila minabuti ko na lang antaying matapos si Wesley sa ginagawa niya. Pero panakaw akong sumusulyap sa kanila at sa tuwing titingin ako na papansin kong na kay Lucky parati ang atensiyon ng adviser nila.
Naiinis ako sa tuwing may kumakausap sa kanya lalo na kapag nilalapitan siya ni Justin yung Koreanong hilaw umiinit agad ang ulo ko.
Nang matapos ang kwentuhan nila saka kami umalis. Dalawang taxi ang sinakyan namin, kasama ko si Ytchee at Marlon. Si Wesley, Lucky at Andi naman ang sa isa. Pagdating sa Burnham Park mabilis kaming nagtungo sa rentahan ng mga bike. Tatlong sidecar bikes ang nirentahan namin. Ka partner ko si Ytchee, si Andi at Marlon naman ang magkasama and of course hindi naman papayag si Wesley na iba ang magiging partner niya.
Nagkarera kami sa park kahit na panay ang banggaan dahil ayaw magpatalo ng iba lalo na ang grupo ni Andi at Marlon. Panay lang ang tawa ko at pansamantala kong nakalimutan ang mga iniisip ko kanina. Salitan din kaming nagda-drive ni Ytchee kapag napapagod ako. Panay kasi ang sadyang pambabangga ng mga babae sa amin ni Ytchee. Marami ding sumusunod sa amin kung saan kami pupunta.
"Lintek na makikiring mga babaeng to panay ang buntot sa atin." Naiinis na sambit ni Ytchee na hinihingal na kaka pedal.
"Baka sinusundan ka?" natatawang biro ko sa kanya.
"Letse! Kapag nainis ako ihuhulog kita para tantanan tayo ng mga haliparot na yan!" singhal niya sa akin.
"Hala bakit ako?" reklamo ko at may bumangga na naman sa likuran namin.
"Sorry po. Nawalan po kami ng preno." Maarteng sambit ng dalawang babae sa likod namin.
"SORRY? HUWAG NIYONG ANTAYING AKO MAWALAN NG PASENSIYA AT PRENO MAY PAGLALAGYAN KAYO!" sigaw niya at nakita kong may apat pang paparating na side car.
"Ang sungit mo naman Ate nag so-sorry na nga eh."
"OO MASUNGIT AKO LALO'T ANG BOYPREN KO ANG PINUPUNTERYA NIYO!"
"B-Boyfriend mo si Kuyang pogi?" tanong ng bagong lapit na double seater na bike.
"OO, AT HINDI KAMI MAKAPAG MOMENT KAKASUNOD NIYO!" gusto kong tumawa sa lakas ng trip ni Ytchee..
"Chill, ako naman diyan magpahinga kana sweety." Kinindatan ko siya. Isa isa namang nag alisan ang kaninang sumusunod ng marinig nila ang sinabi ko.
"Sweety?"
"Oo ayaw mo ng sweety?" nagtatakang tanong ko pag upo ko pinipigilan kong huwag tumawa.
"Ang cheap mo Kenneth ang gwapo mo tapos sweety lang ang itatawag mo sa gelpren mo? Ambilibabol!"
"Huwag ka ng maarte kung iba yan baka inatake na sila sa kilig kapag tinawag ko silang sweety." Ngiting sagot ko at nag drive papalayo.
"Di rin! Ang gwapo mo kaso ang baho ng endearment mo! Malas ng dyo-dyowain mo payatot!" iiling iling na sagot niya.
"Nauuhaw ako sweety gusto mo ng BJ?" maarteng tanong ni Ytchee at ang tibay nag beautiful eyes pa.
Gusto kong matawa sa itsura niya pero ng maalala ko yung sinabi niya natahimik ako. May naalala lang ako bigla sa Buko Juice.
"Ayaw mo ng BJ? Pero kapag galing kay Lucky gusto mo?" walang kupas talaga ang bibig nito ni Ytchee.
"Tumigil ka nga."saway ko sa kanya. Ayokong mahalata niya na may nangyari sa amin ni Lucky kanina.
"Psh, palibhasa madumi yang utak mo! Ha ha ha!" malakas na tawa niya. Natawa rin ako ng bahagya ng maalala ko yung buko juice na biruan nila. Naghanap kami ng mabibilhan ng maiinum at sakto namang natanaw ko si Lucky at Wesley na bumubili rin. Huminto ako sa isang tindahan malapit sa binibilhan nila maraming tao kaya malabong mapansin nila kami ni Ytchee.
"Huwag na tayong lumapit hayaan na nating mag moment yung dalawa."
"B-Bakit lalapitan ko ba?"
"Dito ka lang ako na ang bibili, bantayan mo yung bike baka mawala!" mabilis na bumaba si Ychee at lumapit sa nagtitinda.
Hindi sinasadyang nagtama ang mata naming dalawa ni Lucky ng mapalingon siya. Una akong nagbawi ng tingin at nag kunwaring may kay text ako. Nang mag angat ako ng tingin nakita kong kasama na niya si Wesley.
Wala sa sariling pinapanuod ko lang si Wesley at Lucky habang masayang nag uusap sa harap ng tindahan. Pinupunasan ng pawis si Wesley na halatang pagod sa pagmamaneho. Kapansin pansin ang pagiging sweet ni Lucky sa pinsan ko ngayon. Nakakainis tingnan ang pagpapa cute niya. Maya't maya ang pagtawa at madalas na nakatingin ng derecho sa mata ni Wesley sa tuwing magkausap sila.
Isang baso lang ang binili nila at sa isang straw lang din sila umiinum. Naiinis ako sa ipinapakitang sweetness ni Lucky kay Wesley parang hindi totoo. Parang sinasadya niyang magpa ka sweet dahil alam niyang nakatingin ako. Napaka effective ng gionagaw amo Gonzaga kumukulo ang dugo ko ng sobra sobra. Sa ginagawa niya pinapaasa niya na naman ang pinsan ko.
"Ayy, iha nobyo mo ba itong kasama mo? Naku bagay na bagay kayo" dinig kong tanong ng tindera habang inaabot ang sukli nila. Umiling lang si Wesley sa matanda.
"Yan Nanay nakita niyo dine-deny ako, palibasa ho babaero."
"Iho, matakot ka sa karma iwasan mo ang manloko."
"Hindi po 'nay siya po ang may ayaw sa akin, hindi ho ako."naka ngusong sagot ni Wesley at malakas na tumawa si Lucky.
'Tss, bagay nga kayo pareho kayong sinto sinto.'
"Nagtext yung dalawang bakla nasa lagoon na daw sila. Boating naman daw para mapractice ang pagiging shokoy nila este serena pala." natatawang abot niya sa akin ng softdrink sa plastic at ng makita kong saan ako nakatingin nginiwian ako ng nguso.
"Boating? Akala ko ba gusto nilang mag horse back riding?" mabilis na sagot ko habang sumisipsip ng softdrink sa straw. Diba yun ang gustong gawin ni Lucky kanina? O nagbago na naman ang isip niya kagaya ng palagi niyang ginagawa.
Huli kaming dumating ni Ytchee sa lagoon area ng Burnham Park dahil ibinalik pa namin yung bike na nirentahan namin kanina. Isang malaking man made lake ang bumungad sa amin na kung saan pwede kang sumakay ng iba't ibang klase ng bangka. Sa paligid may iba't ibang boat operators din ang halos magkakasunod kung saan ka pwedeng mag rent ng mga bangka. Pero ang pinaka nakaka agaw ng pansin sa lahat ng naroon ay ang mga Swan Boats.
"Ayun sila!" turo ni Ytchee sa isang pahabang waiting shed na may nakasulat sa taas na "Swan Boat Baguio."
Magkakasama silang apat habang makikipag usap sa boat operators. Malaki at kaaya aya sa paningin ang mga itsura ng mga bangka. Para silang mga higanteng pato na nakapila sa tubig at nag aantay ng sasakay sa kanila. May dalawang klaseng bangka silang ino-offer para sa mga customer. May Rowing type and Pedal type na bangka na dalawa hanggang tatlo tao ang pwedeng sumakay.
Unang nakaagaw ng atensiyon ko ay si Lucky na panay ang picture sa mga Swan Boats, sa Lagoon, sa mga taong namamangka sa lake. Habang abala siya sa pagkuha ng picture palihim na lumapit si Wesley at humarang sa harap ng camera habang tumatawa.
"Gonzaga huwag kang ngingiti lagot ka sa akin! Huwag kang--" Nanggigigil na bulong ko sa sarili ko ngunit huli na dahil all out na naman ang kasiyahan niya kapag kinukulit siya ni Wesley. Inakbayan siya nito at may ibinulong sa tenga niya na lalo niya pang ikinatawa. Nang makitang papalapit kami ni Ytchee kumaway siya sa amin at yumakap kay Wesley.
Para akong nasilaw sa sinag ng araw at hindi ko kayang titigan ng matagalan dahil ang sakit sa mata.
"Huwag mo na kasing titigan kong masakit lang sa mata." Mahinang bulong ni Ytchee sa tabi ko habang nakatingin din sa kanila.
Napalingon ako at nagkunwaring nasilaw ako sa araw.
"A-Alin yung araw?"
"Hindi yung buong universe." Sarkastikong sagot niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Wala sabi ko titigan mo lang hanggang sumakit yang mata mo!" At iniwan niya ako at lumapit sa mga kasama namin.
"Oh, nandito na pala sila." Turo sa amin ni Marlon.
"Bro, mag boating nalang tayo marami kasing tao sa horse back riding eh." Bungad ni Wesley paglapit ko sa kanya.
'Paano niya naman nalamang maraming tao dun galing ba sila dun kanina?'
"Okay lang napagod din ako sa pagba bike kanina ang bigat kasi ni Ytchee eh."
"Sauce, ginawa mo pa akong alibi! Napagod ka kamo kakaiwas sa mga admirers mong habol ng habol sa atin kanina!" Singhal niya.
"Kaya pala bigla kayong nawala kanina seshie." Si Andi.
"Jusmiyo, pano ginawang bump car ng mga haliparot ng mga babaeng yun ang sinasakyan namin." At natawa naman sila sa galit na galit ng expression ni Ytchee.
"Tumigil naman sila kakahabol after a while napagod siguro sa bilis nating magpatakbo." Natatawang sagot ko na lalong ikinalukot ng mukha niya.
"Utot mo! Kung hindi ko pa sinabing dyowa kita hindi nila tayo tatantanan!"
"Sshhh, that's enough sweety." Natatawang inakbayan ko siya at nagtawanan ang mga kasama namin. Nangibabaw ang tawa ni Andi at Lucky na ikinainis pa lalo ni Ytchee.
"Hoy Lucky! Bakit nakikitawa ka akala ko ba kaibigan mo ko?" bigla namang tumigil si Lucky sa pagtawa.
"Sabi ko nga hindi nakakatawa." Serysong sagot niya. "Tara na at mamangka sa ilog Pasig!" Turo niya sa mga swan boat habang hawak sa kamay si Wesley at iniwan kaming apat.
"Wait pa picture muna tayo!" Pigil ni Marlon sa kanilang dalawa. "Kuya kunan mo naman kami ng picture please!" Pakiusap niya sa lalaking nagbabantay.
"Sige po." At maingat niyang hinawakan ang camera ni Marlon habang itinuturo sa kanya kung papaano ito gagamitin.
"Oh Andres sa dulo ka ulit!" Sigaw ni Marlon habang papalapit sa amin.
"Letseh! Ano barbequeue ulet? Neknek mo!!" At naghagalpakan kami ng tawa ng maalala namin yung kalokohan ni Lucky sa Teachers Village nung unang araw namin dito sa Baguio.
"Lintek kasi tong si Lucky daming pausong shot!" hahampasin sana ni Andi si Lucky pero mabilis itong nakailag at nakalipat ng pwesto. Katabi ko si Ytchee, nagigitnaan naman namin ni Wesley si Lucky na katabi ni Marlon.
"Akbay akbay para mukhang close tayo sa isa't isa!" sigaw ni Ytchee. "Akbayan mo ako sweety hindi kita maaabot." Nakangiting utos niya. Napakamot lang ako ng ulo dahil sa idea niya, ibig sabihin kailangan ko ring akbayan si Lucky na nasa tabi ko.
Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko. "Okay lang?" naiilang na tanong ko sa kanya.
"Of course sweety." Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa panggagaya niya kay Ytchee. I rolled my eyes at him.
Nagulat ako ng bigla niyang ikinawit ang kamay niya sa bewang ko at ginaya rin siya ni Ytchee. Ewan ko pero iba ang nararamdaman ko habang nakahawak siya sa waist lineko. Mainit sa pakiramdam yung pagdikit ng kamay niya sa balat ko. Naiilang ako ng sobra at pakiramdam ko may malisya.
'Malisya? Hello nung hinawakan niya sa field yung pag aari mo bakit hindi ka nagreklamo? Ngayong sa bewang lang siya nakawak dami mong nararamdaman!'
"Say CHESS!" Malakas na sigaw ni Kuyang nagpapa renta ng Swan Boat habang nakasilip sa camera.
Ilang segundong katahimikan.
'Ano raw Say Chess? Diba Cheese yun?'
Narinig kong nagpipigil ng tawa si Lucky at Ytchee sa tabi ko ng lingunin ko ganun din ang ibang kaibigan niya. Napalingon ako sa kanya at tamang tamang sa akin din siya nakatingin habang nagpipigil ng tawa. Ilang segundo ko siyang tinitigan sa ganung posisyon at natihinto lang ako ng pisilin niya nag bewang ko dahil sa pagtawa.
Hanggang hindi na nila mapigilan ang malakas na tawa. Nakakahawa ang tawa nilang magkakaibigan kaya natawa narin kami ni Wesley. Panay parin ang shot sa camera ni Marlon kahit tumatawa panay parin ang pose namin sa harap ng camera.
Sumakay na kaming lahat sa Swan Boat. Si Ytchee parin ang partner ko. Walang sagwan ang bangka dahil para rin itong bike na ipi-pedal niyong dalawa. Good thing dahil mas madali siyang i-operate and besides my legs are stronger than my arms.
"Hoy, Marlon kunan mo kami ng picture ni Kenneth!" sigaw ni Ytchee sa kanila. At kinunan niya kami sa DSLR camera niya.
"Isa pa hoy, huwag mo kaming tipirin!"
"Ano PRE NUP tapos ako photographer niyo?" singhal niya bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Huwag ka na magreklamo wala ka namang dyowang kasing gwapo ng SWEETY ko!" Natatawang sagot ni Ytchee.
"Baka pwede namang mahiram ang sweety mo pagkatapos mo?" Birong sagot ni Andi.
"Huwag na baka pagurin niyo, kitain mo nga nangangayayat na!" Sagot niya at nagtawanan silang tatlo.
Sinikoko siya. "Siraulo kahit payat ako malakas ang resistensiya ko!" Singhal ko sa kanya at paglingon ko tamang tama namang dumaraan sa gilid namin ang bangka ni Wesley at Lucky.
"Hoy Inday, hindi por que nasa tubig kayo hindi na kayo pwedeng langgamin!" Sigaw ni Andi sa dalawa.
"Ongpauco holding hands pa more!" Turo ni Marlon at bigla silang nagbitaw ng kamay ng mahuling magkahawak ang kamay.
Nagiwas ako ng tingin at binilisan ko ang pagpedal sa bangka hanggang makalayo kami sa kanila.
"Hoy, Kenneth iniiwasan mo ba si Lucky?" walang kagatol gatol na tanong ni Ytchee.
"B-Bakit ko naman siya iiwasan?"
"Obvious ka masiyado. Bakit akala mo hindi ko napapansin?"
"A-Alin?"
"Tss, pwede ba huwag ako Kenneth hindi mo ako maloloko." Bigla akong napahinto sa pag pedal at humarap sa kanya.
"Ano nga yun hindi kita maintindihan." Naiiritang sagot ko.
"Bakit mo iniiwasan si Lucky?"
"Hindi ko naman siya iniiwasan ah. And besides wala naman akong sasabihin o kailangan sa kanya."
"Wala kaya pala panay panay ang sulyap mo kapag may time ka."
"Wala kang alam manahimik ka na lang." Napipikong sagot ko.
"Alin na gusto mo na siya?" mabilis na tugon niya. Natameme ako sa sinabi niya.
"W-Wala akong g-gusto sa kanya." Nauutal na sagot ko. "At hinding hindi mangyayari yun okay." Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayokong malaman niya ang sekreto ko dahil kahit ako hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
"I've already seen the video." Mahinang sagot niya habang nakatingin sa bangka nila Lucky.
Kinabahan ako bigla. "W-Whaat?" Malakas na sagot ko. Nag cross arm siya at lumingon sa side ko.
'Bwesit, sana binura ko na pala kanina.'
"English yung sinabi ko ita-translate ko pa ba sa German?
"Oh c'mon."
"Kenneth Ich habe schon das Video gesehen."
"Shut up Ytchee!"
"Pwede ding in Japanese "Watashi wa sudeni bideo o mita."
"Stop!"
"J'ai déjà vu la vidéo, kung mas bet mo ang french—"
"I said stop!" Napahampas ako sa gilid ng bangka namin na ikinagulat niya.
"Okay fine!" kalmadong sagot niya.
"I'm sorry." Mahinang sagot ko dahil nahihiya ako sa inasal ko. Nabaling ang atensyon ko sa papalayong bangka nila Wesley.
"Sa kanya ka mag sorry huwag sa akin dahil nasaktan siya sa mga sinabi mo kanina."
"Akala mo ba madali ang pinagdadaanan ko?"
"Mas madali sana kung hindi mo pinakumplika."
"So you mean its my fault?" hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya. Nakalimutan kong kaibigan nga pala to ni Lucky.
"In some ways, Yes! Kung hindi mo sana pinakialaman yung phone niya eh di sana ngayon masaya kayong dalawa."
"That's bull!"
"Yeah Bullfrog, parang ikaw echuserang frog ka."
"Anong echuserang frog? Asar ka naman lalo mo lang ginugulo utak ko eh."
"Echuserang frog, its a gay slang for a lie. Frog because you have more than a mouthful to say. NAIITINDIHAN MO?!"
"Me a frog?" turo ko sa mukha ko. "A Frog Prince maybe." Mayabang na sagot ko.
"Frog Prince, ihulog kaya kita ngayon ng mapatunayan natin ang pagiging frog prince mo?" banta niya at napakapit agad ako sa upuan.
"Tumigil ka! Sige kampihan mo yang kaibigan mong Lamok!"
"Lamok? Korni mo uy!" naka ngiwing sagot niya.
"Oo LAMOK! Dahil ang mga manloloko ay parang LAMOK, kung kani-kanino DUMADAPO. Nananakit na nga, nag-iiwan pa ng marka."
Alam kong ang korni ng sinabi ko pero wala akong ibang maisagot sa kanya. Naalala ko lang yung nabasa ko sa Hugot Wall sa cafe nila Lucky nung minsang tumambay kami dun nila Wesley at Andi.
Alam kong nagpipigil lang siya ng tawa sa sinabi ko pero halata sa itsura niya. "Manloloko? Bakit niloko ka ba niya?" nagkukunwaring galit na tanong niya.
"Hindi ako. Si Wesley ang tinutukoy ko."
"Hindi kita masundan promise?" naka tagilid ang ulo niya habang nakatingin sa akin.
"Alam mo bang may boyfriend na si Lucky? Nabasa ko kanina yung message sa kanya ng lalake niya." Nanlaki ang butas ng ilong at mata niya.
'Ngayon gulat na gulat ka? Kasi kahit kayo niloloko rin niya.'
"Wala siyang nakukwento sa amin Kenneth. So yun ang dahilan kung bakit ganyan ang trato mo sa kanya?"
"You don't understand. Nakikita mo bang pinapaasa niya lang ang pinsan ko sa panloloko niya."
"Nakikita ko nga Kenneth.."
"See? That's what i'm talking about Ytchee---" Bahagya akong lumapit sa kanya dahil kahit papaano nakuha niya ang gusto kong sabihin.
"Nakikita kong nagseselos ka lang sa pinsan mo Kenneth. Dahil ang mga bagay na gusto mong gawin nagagawa niya."
"Malaking kalokohan yan."
"You never realize how much you like someone until you watch them liking someone else."
Hindi na ako nakasagot dun sa huling sinabi niya dahil kahit pagbali-baliktarin tama ang sinabi niya.
I'm not avoiding Lucky because i hate him. I'm avoiding my feelings towards him. Natatakot akong lumalala ang nararamdaman ko para sa kanya kaya hangga't maari gusto kong iwasan siya.
Alam kong galit siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina. I know i was over the top, sinadya ko yun para galitin siya at pagtakpan ang nararamdam ko. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil mas nauna akong umamin ng nararamdaman ko kesa sa kanya.
"KAHIT GUSTUHIN MAN NATIN PAREHO ALAM MONG HINDI PWEDE. MARAMI TAYONG MASASAKTANG TAO. UNA YANG PINSAN MO. PANGALAWA PAMILYA MO. PANGATLO YUNG MGA ADMIRERS MONG MAY MGA SAPAK SA ULO. IPAPAPATAY NILA AKO SIGURADO."
Kahit gustuhin man natin pareho? Does it mean he feels the same way too? Pero hanggang dun na lang yun diba? Sa kany ana nga nanggaling eh n akahit gustuhin man namin pareho hindi pwede.
'You never realize you lost something good, until you see somebody else enjoying it.'
To be continued...