LUCKY'S POV
Pagdating namin sa bahay nagluluto pa si Tita Jack kaya inaya ko muna si Jasper na tumambay sa kubo sa likod ng bahay namin.
"What brought you here Jasper? " sinenyasan ko siyang umupo sa tabi ko.
"You know why i'm here YumYum." Isang pilyong ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Oh c'mon Jasper! Akala ko ba napag usapan na natin 'to?" sumusukong tugon ko.
'Anong bang level ng kakulitan ang meron ang lalaking 'to at saksakan talaga ng tigas ang bungo!'
"Alam mong hindi ako madaling sumuko lalo't kapag gusto ko." Pagmamatigas niya.
Nung kami pa naku kyutan ako sa ugali niyang 'to, pero ngayon na realize ko masakit pala sa ulo.
"Jasper, we talked about this and my answer is still no." Nag cross arm ako.
"Pero paano na ako?"
"Paano ka? Eh engot ka pala eh diba aalis kana papuntang states? Almost two weeks ka na lang dito sa Pinas nag aadik ka ba?"
'Ano bang kinukuda nito aalis na lang eh dina dramahan pa ako?'
"So kapag hindi ako umalis may pag asa pa ako?" pangungulit niya at bakas sa mukha niya ang tuwa.
"Ilan ba puyo mong talipandas ka at bakit saksakan ng tigas yang bungo mo?" Naghahalo na ang inis pero natatawang sagot ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko Lucky. May pag asa paba ako sayo?"
"Meron naman siguro kapag umalis ka." Mahinang sagot ko.
'May pag asa ka pa. May pag asa ka pang magbago.'
"Really? May pag asa pa talaga ako?" Bigla siyang napatayo sa kina uupuan niya at hinawaka ano sa magkabilang balikat.
"Tss, meron naman kaso sa kakatihan mong kulugo ka, malamang wala pang dalawang linggo makaka buntis ka na naman sa Tate. So good bye pag asa." Derechong litanya ko sa kanya.
"I hate you!" Nakangusong sagot niya habang umuupo. Ang cute niya kaso may tagas lang.
"Now you hate me. I like that." Tatango tangong sagot ko.
"I'm gonna miss you my lucky star." Malambing na sambit niya at isinandal ang ulo sa balikat ko. Namiss ko yung paglalambing niya ng sobra. Sigh.
"I know.." Mayabang na sagot ko at napangiti siya.
"Araw araw kitang tatawagan para lalong mainis yung boyfriend mong possessive. Hahaha!"
"Baliw!" Natatawang sagot ko.
Namiss ko tuloy bigla yung ungas na yun kahit hindi naman direktang binabanggit ang pangalan niya.
"You really like him do you?" nakaturo ang pointing finger niya sa pisngi ko.
Inatras ko ang ulo ko. "Why do you say that."
"Hindi kita nakitang ganyan nung naging tayo."
"Psh, anong alam mo?!"
"Kakaiba kasi yung kinang ng mga mata mo ngayon. At ibang Lucky Gonzaga ang nakikita ko."
"Iba talaga, dahil yun yung tira tira ng Jasper Teng na kilala ko." Umiling iling ako.
"Ang hard mo sa akin."
"Dahil ginawa mong hard as rock ang love story ko tae ka!!"
"Hoy! Sumusobra ka na ah! Bakit hindi ka ba naging masaya kahit minsan nung naging tayo?"
"Masaya oo pero mas na challenge yung pagkatao ko."
"Ganun talaga nag boyfriend ka ng gwapo eh."
"Gwapo? Baka babaero?!" pang aasar na sagot ko at kinurot niya ako ng mahina sa cheeks.
"Bakit hindi ba ako gwapo? Tss, matangkad lang yung boyfriend mo pero pantay lang kami pagdating sa pagiging gwapo uy!"
"Daming sinasabi!" tumaas ang gilid ng labi ko.
"This might gonna sounds weird Lucky, but i notice nagiging pa girl ka na." Natatawang sagot niya.
"P-Pakyu ka!"
'Seryoso? Maygad!'
"Bakit hindi ba? Holding hands while walking? Isa yun sa pinaka ayaw mo! Nag ki-kiss sa public? Nagiging pabebe kana Lucky aminin mo!"
"Tigilan mo ko Teng ang sabihin mo nagseselos ka lang!" ngiwing sagot ko. Natahimik siya at unti unting sumeryoso ang gwapong mukha.
"Eh ano ngayon kong nag seselos ako? Mahal parin kita eh may magagawa ba ako?" Kunot noong sagot niya.
Ako naman ang natameme sa sagot niya.
'Shit, napaka insensetive ko.'
"Jasper. Hindi ko intensyong pagselosin ka kung yun ang iniisip mo. Kung magpapalit kayo ng posisyon ng mga oras na yun ganun din ang gagawin ko." Maikling paliwanag ko ayokong ma misinterpret niya yung sinabi ko.
"Alam ko. Sinasabi ko lang naman yun para alam mo." Pilit ang ngiting sagot niya.
"Para alam ko o para saktan ako." Mapaklang sagot ko. "May point ka naman naging napaka insensitive ko kanina at hindi ko inisip ang mararamdaman mo. I'm sorry. "
"Don't be. Actually hindi ko rin maintindihan ang sarili ko lately. There's part of me that can't let go of you Lucky."
"I know how its feels Jasper. Sa una hindi pa yan masiyadong masakit. Pero habang tumatagal at nakikita mo siya dun mo lang siguro mararamdaman yung tunay na sakit. Trust me. I've been there."
"Ganun din ba ang naramdaman mo noong naghiwalay tayo?" malungkot na tanong niya. Mukhang na curious yung loko.
"Oo higit pa nga ata dun."
"I'm so sorry Lucky if you feel that way because of me."
"Naalala ko isang beses nakita ko kayo ni Andrea sa Mall. Naka akbay kanya mukhang masaya kayo pareho. Nung time na yun hiniling ko na sana bumuka yung lupa at kainin kayo sa harap ko. Parang gusto ko kayong paulanan ng bala, sibat, panang umaapoy, lumilipad na kinakalawang na yero, palakol, lagaring bakal, at ulanin kayo ng pako ng riles!" natatawang kwento ko.
"Whoaa! Grabe ka naman!"
"Oo ganun ako ka bitter noon Jasper. Ginawa ko na ngang tsiklet yung hilaw na ampalaya para kumpleto yung araw ko!!" At narining ko siyang tumawa ng malakas.
"Kahit kailan talaga ang sarap sarap mong kausap Gonzaga!"
"Alam mo yan Teng, hindi mo ko babalik balikan kundi ako masarap!" Mayabang na sagot ko.
"Ang yabang mo! Bakit ako hindi ba ako masarap?" taas noong sagot niya.
"Wala kang sustansiya Jasper Teng. Ako ang naging bitamina mo. Hahahahaha!"
"Grabe siya oh!" Napapailing na sagot niya. "Eh yung Wesley na kasama niyo ni Andi hindi kaba pinormahan nun?" Taas kikay na tanong niya.
"Ahh?" Mukhang tangang sagot ko.
"Anong ahhhh sagutin mo yung tanong ko."
"Yun okay naman siya. Pinsan yun ni Kenneth actually." Tipid na sagot ko at ngumiti.
"Huwag mong ilihis yung usapan Lucky." Napapakamot siya ng ulo.
"O-Oo isang beses sa Baguio." Halos mahilo ako sa sobrang pag irap ko.
"WWWHHHAAAT?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa lakas ng paghampas niya sa mesa.
'Kitain mo 'to mangungulet tapos maaaning!'
"Tinuhog mo yung magpinsan?!!" malakas na sigaw niya habang dinuduro ako.
"Tukmol! Eh kung tuhugin kaya kita?" Inambaan ko siya ng konyat pero umilag siya. "He tried but i turn him down nicely." Pahina ng pahinang sagot ko.
"B-Bakit?" salubong ang kilay niya.
"Anong bakit?"
"Bakit mo siya binasted?"
"Baliw hindi ko siya binasted. Nagpaliwanag naman ako ng maayos kung bakit ayoko ko."
"Bakit nga ba ayaw mo? Mas gwapo naman yun kesa sa boyfriend mong saksakan ng yabang! Tch!"
'Wow si Jasper Teng inaming gwapo si Wesley. Emerged!'
Sigh. "Its because of you.." Nagbago ang expression niya. Umamo.
"Because he reminds me of you."
Bigla niya akong kinonyatan ng mahina sa likod ng ulo ko.
"Ouch! Kanina ka pa ah!"
"Okay na yung una eh. Panira ka ng imagination alam mo ba yun?!"
"Tigilan mo na kasi yang pag i-imagine mo, tignan mo kung sino sino nabubuntis mo!" pang aasar ko sa kanya.
"Tseh, maingat ako Lucky alam mo yan!"
"Kaya pala nung gusto mo ayoko dahil wala kang dala!" pagpapa alala ko sa kanya sa ipinagmamalaki niyang bagay na maingat siya.
"Wala lang akong extra nun baliw ka ba!"
"Ay, oo kasi nga naubos muna sa iba!" at kitang kita ko na napipikon na siya kaya tumawa na ako ng malakas. At bigla niya akong pinanggigilan sa inis.
"Tama na sige na naniniwala na ako sayo Jasper."
"Feeling ko tuloy ang bad bad ko sayo." Nakasimangot na sagot niya.
"Honestly, natakot ako yun ang totoo. You're very much alike. Siya ang nasa harap ko pero ikaw ang iniisip ko Jasper. Hindi yun fair para kay Wesley at hindi yun healthy para sa akin."
"Tss, kawawang Wesley Ongpauco na friendzone ni Gonzaga!" Umiiling na tugon niya.
"Adik. But seriously, i like him."
"Psh, lalakero!"
"Shunga hindi yun kagaya ng iniisip mo! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siya dahil he's very kind, thoughtful and very charming. Kahit minsan may pagka isip bata. He's very vocal at hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat yung affection niya sa isang tao."
"Hmm. That's interesting."
"Secret lang natin 'to pero siya ang human power bank ko." Natatawang bulong ko sa tenga niya.
"Ewan ko sayo!"
"Totoo nga na re-recharge ako sa tuwing kasama ko siya."
"Eh bakit si Kenneth ang shinota mo? Baliw ka pala eh."
"Everyone has a story."
"And what he's story?"
"He's a bomb. Nung time nakilala ko siya natutuwa ako kapag nakikita ko siyang naiinis o napipikon. Sobrang iksi ng pasensiya. Tahimik pero hindi naman snob. Palaging salubong ang kilay. Mas madalas pa ata siyang mag birthday kesa ang ngumiti eh at sobrang arte."
"Huwaw. I mean wow. I guess i know why you like him." Natatawang sagot niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"H-How?" nakangusong sagot ko.
"Pareho kayong weirdo."
"Exactly.." natatawang sagot ko. Hinila niya ako papalapit sa katawan niya.
'I never knew i was looking for love till i found Mr. Rabbit!'
Masaya kaming nagkwentuhan hanggang mapilitan siyang mag stay dahil ininvite siya ni Kuya Jiggs at Nanay na mag stay for dinner.
Pagkatapos kumaen at magbisyo hinatid ko siya kung saan naka park ang kotse niya.
"Huwag mong kalimutan yung dinner date natin. Tapos yung dinner sa bahay inaasahan ka ng Grandparents ko. Tapos sasamahan mo pa akong mamili ng pasalubong para sa Mom at Dad ko." Walang patlang at mabilis na ni-recite niya lahat ng gagawin namin this week end.
"Opo ser!"natatawang sagot ko habang nasa harap kami ng sasakyan niya.
"Lucky makipag break kana sa boyfriend mo tayo na lang ulet!" Pamimilit niya habang hawak ang kamay ko.
"Baliw!"
"Love mo pa ako?" Nakangusong tanong niya. Tumango lang ako.
"Hindi na mawawala yun. Pero hindi na kasing lala nung dati."
"Hindi nga Lucky love mo pa rin ako?" bahagya siyang yumuko para silipin ang mukha ko. "Good to know!" Hinalikan niya ako ng mariin sa noo. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganung posisyon. Nakadikit ang labi niya sa noo ko at yakap yakap ako.
'Gahhd! Maaga akong magkaka uban sa kulet ng lalakeng 'to!'
Sinusuntok suntok ko siya ng mahina sa dibdib. Maya maya narinig ko siyang sumisinghot kaya napa angat ako ng tingin.
"Jasper are you okay?" Nag aalalang tanong ko. Umiiyak ba siya?
"I have to go. I love you Lucky!" At agad siyang pumasok sa kotse niya.
Naiwan ako sa labas na nakatayo at pinagmamasdan siya sa loob ng tinted na salamin ng kotse niya.
Alam kong umiiyak siya. Ayokong makita yun kaya hindi nagtagal tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay.
'I love you and goodbye Jasper.'
KENNETH'S POV
After kong kausapin si Wesley sa phone mabilis kong ini-start ang makina ng kotse ko. Muli kong nilingon ang pinang galingan ko kanina. Hindi ko parin sila kayang panuorin o makitang magkasama kaya pikit mata akong umalis papalayo sa lugar na yun.
Nasa Quezon Avenue na ako pero hindi parin maalis ang pagka iritang nararamdaman ko ngayon. Tanaw ko na ang ospital na pupuntahan ko sa kahabaan ng Quezon Avenue ng pumasok ulet sa isip ko si Lucky.
'You're 15 minutes is up Gonzaga! Nasaan na yung tatawag ka after 15 minutes?'
Napahampas ako manibela sa inis. Imbes huminto ako sa hospital dumerecho lang ako at nag U TURN paglampas ng isang kanto. Nababaliw na siguro ako. Huli na para magbago ulet na isip dahil tinatahak ko na ulet ang daan pabalik sa pinanggalingan ko kanina.
Lalo pang nakadagdag sa masamang mood ko ang traffic pabalik sa bahay nila Lucky. Sa bawat minutong inilalagi ko sa kalsada tumatagal ang pag uusap nila. After 30 minutes nakabalik ulet ako sa parking lot na malapit sa bahay nila Lucky. Nag park ako at pinatay ang makina. Tamang tama lang pala ang dating ko dahil siya naman ang paglabas ng dalawa.
"Nagawa niya pang ihatid ang lalakeng yan pero hindi man lang niya ako magawang tawagan tulad ng ipinangako niya? Magaleng Lucky Gonzaga! Ang sarap mo talaga kausap!"
Lalo lang dumagdag ang inis ko dahil nakita kong hinawakan ni Jasper ang kamay niya at pareho pa silang tumatawa.
Hindi ako natatawa sa nakikita ko. Punong puno ng galit at selos ang dibdib ko ngayon. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hilahin ni Jasper si Lucky. Niyakap at hinalikan ng madiin sa noo. Para pinipiga ang puso ko sa nakikita. Wala pang bente kwatro oras pero ito pinagtataksilan na niya ako. Hindi ko alam kung gaano sila katagal sa ganung posisyon at hindi ko rin alam kong gaano ako katagal na nakatulala sa kanila.
Nakatulala lang ako at nakatingin kay Lucky na mahinang hinahampas hampas ang dibdib ni Jasper. Napakamot lang ang lalake sa ulo bago bumitaw at nag madaling pumasok sa loob ng kotse.
Nagtatalo ba silang dalawa?
Nakatayo lang sila Lucky sa labas ng kotse ni Jasper. Makalipas ang ilang minuto tumalikod na siya at tinahak ang daan pabalik sa kanila.
Dahil nasa bandang unahan naka park ang kotse safe ako. Nang makita kong naglakad na si Lucky pabalik sa kanila saka ako lumabas ng kotse ko. Nilapitan ko ang naka park na sasakyan ni Jasper at kinatok ko ng tatlong beses.
Dahan dahang bumaba ang tinted wind shield ng kotse niya.
"Hey, Pare what are you doing here?" Kunot noong tanong niya.
"We need to talk." Seryosong sagot ko at napatango siya at sumilip sa daan kung saan pumasok si Lucky.
"Does Lucky knows you're here?" Kapansin pansin ang bahagyang pamumula ng mata niya.
"No, i actually came here to talk to you."
"O-Okay i got it." Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at lumabas. Nang isara niya ang pinto sumandal siya pinto nito kagaya ng pagkakasandal ko sa kotse niya. Naglabas siya ng kaha ng sigarilyo at nagsindi sa tabi ko.
"Do you mind if i smoke while we're talking?" Pa cool na wika niya pagkasandal niya.
'Psh, no wonder nagkakasundo silang dalawa pareho silang mga smoker.'
'Hndi ko babaguhin ang sarili ko para sa kanya. Nagustuhan niya ako ng ganito magtiyaga siya. And besides naaamoy ko palang yung usok na uubo na ako!'
"Its okay." Matipid na sagot ko.
"What do you want to talk about?" Humarap siya sakin habang ipinapatong ang kaha ng sigarilyo at lighter sa bubong ng kotse niya.
"Its about Lucky." Umpisa ko at mabilis na tumaas ang isang kilay niya.
"Of course. Its always about him. The world revolves around him. Everybody talks about him. But guess what?"
"Cut that crap Jasper. I came here to warn you." Namulsa ako at pinantayan ko ang angas niya. "Stay away from him."
"Sorry bro, but i can't." Umiling iling siya. "My world revolves around him."
"Then start living your world without him." Napangiti lang siya sa sinabi ko.
"You don't understand because you're not in my position."
"Maraming ibang planeta diyan Jasper bakit hindi mo subukang umikot na lang sa iba."
"Isang orbit lang ang kaya kong ikutan pare."
"Really? Kaya pala naligaw ka sa ibang solar system." Sarkastikong sagot ko.
"Naligaw lang ako parang yung planetang Pluto."
"Tapos ngayon babalikan mo kung kailan may umiikot ng iba sa kanya."
'No wonder magkakasundo sila ni Lucky pareho silang pilosopo.'
Umikot lang pataas ang mata niya. Mukhang maiksi din ang pasensiya niya.
"Mahal mo ba siya?" Mayabang tanong niya.
"H-Hindi..." Nagkatitigan kami ng ilang segundo.
"What? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Nanlisik ang mata niya sa galit.
"....Dahil mahal na mahal ko siya." At unti unti siyang huminahon ng marinig ng buo ang sagot ko.
"Cool dahil kapag maka kita ako ng butas aagawin ko siya sayo yan ang tandaan mo."
'Sinasabi ko na nga ba mahal niya parin si Lucky eh.'
"Hmmm. Yun kung plano ka pa niyang balikan?" Mukhang nasapul ko siya dun dahil agad na gumalaw ang panga niya tanda ng pagka inis.
"Funny but you actually remind me of myself when i started dating Lucky."
"Oh please, we both know that i'm a lot better than you Jasper. So stop comparing yourself to me."
"You're acting like you know me so well Kenneth." Sarkastiko siyang ngumiti pagbanggit ng pangalan ko.
"I don't need to, but one thing for sure i'm not like you Jasper."
"Interesting, so you know something about our past."
"Look man, i don't care about your past or his past. His happiness is all that matters for me now. "
"Chill man. I'm not gonna steal Lucky from you."
"Trust me Jasper, you can't." sagot ko at tinititigan ko siya ng seryoso.
"Well atleast for now..." Bumuga siya ng bilog bilog an usok katulad ng ginagawa madalas ni Lucky. Gusto ko siyang banatan sa sobrang taas ng kompyansa niya sa sarili.
'I can't believe na pumatol si Lucky sa kagaya niya. He's a jerk!'
Pero kitang kita ko rin ang pagiging seryoso niya. Naalala ko bigla yung aksidenteng marinig ang usapan nila sa parking lot nung birthday ni Marlon. Sa mga narinig kong usapan nila sigurado akong mahal na mahal niya pa rin talaga si Lucky.
'May tiwala ako kay Lucky pero sa isang 'to wala.'
Nakakatawa dahil parang babae ang pinag aagawan naming dalawa. Ang swerte swerte mo Lucky Gonzaga. Tsk Tsk Tsk!
"Do you still love him?"
"Yes. And I'm kind of lost without him."
"Then why did you leave him?"
"I never leave him. He did." Malungkot na sagot niya.
Bigla akong nakaramdam ng pagkalito sa isinagot niya. Pakiramdam ko paraan lang niya 'to para siraan ang tiwala ko kay Lucky.
'Nagsasabi kaya siya ng totoo? Lucky never told me about it. Ang alam ko naghiwalay sila noon dahil nakabuntis si Jasper.'
"He never told you that didn't he?" Pagak siyang natawa.
"What do you expect from him? Na antayin ka hanggang sa huli knowing na nabuntis mo yung ex mo?"
"But it never happened. Hindi ko siya nabuntis, but still he leaves me."
"Because that's the only way he knows how to move on, idiot!" Iritabling sagot ko sa kanya.
"Stop acting like you know everything. Because you don't have any fucking idea what i've gone through after that!"
"Sadly no, but you missed you're chance."
"No, i still take any chance if have to." Desididong sagot niya.
"As if i'm gonna allow you." Mayabang na sagot ko. Hithit buga lang siya sa hawak na sigarilyo.
"Don't dare to mess with him Kenneth, 'coz the last man tried to mess with him doesn't end up good." May halong
"I know and you're my living proof."
"If you can, try not to kiss him. He's charm is so irresistible. And don't let yourself fall for him too much. If you kiss him it means there's no turning back. There's no way out when you start loving him or you'll end up hurting yourself badly."
"Oh please, i don't need any advice's from my partners ex boyfriend." Napangiti siya sa sinabi ko.
Pero napaisip rin ako sa sinabi niya. I know its kinda weird pero naka relate ako sa sinabi niya. 'Coz the more i kiss him the badly i needed him. He's like a drug. My personal kind of drug.
"Just saying bro. There's no harm in trying."
'You're too late. I wanted him so bad and right now i can't stop thinking about him.'
"Sorry bro, i know you two shared good memories together. You had your chance but you wasted it."
"I know that's why i keep coming back." He reminds me of Wesley. He so stubborn. The way he act or behave they're very much alike. Maybe that's the reason why he likes my cousin.
"You don't have to that anymore Jasper. I'm gonna take care of him from now on."
"As you wish."
"I heard your going to continue your studies abroad."
"Yeah, sa States ko na itutuloy ang studies ko."
"That's a great opportunity." Tatango tangong sagot ko. Atleast kahit papano mababawasan ng isa ang problema ko.
"Huwag ka munang masiyadong magpakasaya Kenneth. Pwede pang magbago ang isip ko." Nagsukatan kami ng tingin.
'Shit, mukhang nabasa niyha ang iniisip ko!'
At bigla siyang tumawa ng malakas.
"Just kidding bro!" tumatawa parin siya habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan.
"Siraulo ka talaga!"
"Sinusubukan ko lang kung gaano mo ka mahal si Lucky."
"Baliw ka kamo! Alam mo bang halos mapikon na ako sa pagtatalo natin?" Singhal ko sa kanya.
"Cool man! But seriously i still love Lucky. Hinding hindi na siguro magbabago yun. Please ingatan mo siya para sa akin."
"Thank you. Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya."
"You make him happy nakikita ko yun sa mga mata niya."
"Lucky makes me happy as well. And i'm glad to hear it from you."
"Nah its fine, just a friendly advice though. Don't be too possessive on Lucky, Kenneth."
"I can't." Matigas na sagot ko.
"Lucky doesn't like it."
"He can't boss me around. Hindi sa pagyayabang but he's kinda afraid of me." Taas noong sagot ko.
"Oh that's new.." Salubong ang kilay na sagot niya sa sobrang pagtataka. "Maybe that's reason why he likes you." Nakangiting sagot niya at tuwang tuwa naman ang puso ko sa narinig.
'Tss, paano patay na patay kamo yang ex mo sa akin. Tch!'
"Kahit saksakan ng tigas ang ulo niya may pagkakataong sinusunod niya ako."
"Good dahil sa natatandaan ko noong kami pa, hindi ko siya basta basta napapasunod." Kakamot kamot sa ulong sagot niya.
"Don't worry hindi parin siya nagbabago. Mas lumala pa nga ata eh." Natatawang sagot ko.
"One thing pare. Hindi siya seloso, clingy type na tipo ng makaka relasiyon mo. Hahayaan kanyang gawin ang lahat ng gusto ko. Pero kapag napuno na siya magtago ka na sa lungga mo." Sabay kaming tumawa.
"Masiyado siyang maingay at pagbabantaan ka niya ng kung ano anong bagay na ikagugulat mo." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakikita ko ang lungkot at lubos na panghihinayang kay Jasper ngayon. Namumula ang tenga niya at teary eye siya. Mabilis siyang nag iwas ng tingin at tumingala at doon ibinuga ang usok ng sigarilyo.
"Jasper can i ask you something?"
"Sure anything!"
'Kahit nahihiya ako kailangan kong maglakas loob na tanungin siya sa bagay na 'to.'
"Noong naging kayo anong madalas niyong pagtalunan?" mahinang tanong ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" Malakas at sunod sunod na tawa ang isinagot niya.
'Fuck! I'm so stupid why did i ask him about that? Baka isipin niya si Lucky ang una ko! Idiot!'
"I'm sorry. I'm sorry." Natatawang sagot niya pa. "I thought you're gonna ask if Lucky is still a virgin."
'Well, i was actually thinking about it but i trust Lucky. I know he still is.'
"But yes he's still a virgin." Natatawang sagot niya.
'Tss mayabang ka hindi ka naman naka score!'
"I already knew that coz i'm his first." Mas mayabang na sagot ko at bigla siyang nanahimik.
Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"You're kidding me right?" bahagya pa siyang nakangiti.
"No i'm serious. Why?"
"You sonofobitch!" Bigla siyang sumugod papalapit sa akin pero mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang side ng kotse niya.
"Im just kidding! I'm just kidding bro!" Malakas na sigaw kohabang tumatakbo kaya bigla siyang tumigil sa paghabol sakin. Yumuko ang ulo niya sa ibabaw ng kotse niya. Pag angat ng tingin napasindi pa siya ng isa pang sigarilyo.
'Geez, he's crazy!'
"Wala kang kwentang kausap alam mo ba yun?!" Galit na sigaw niya habang bumubuga ng usok.
"Sorry gumaganti lang ako sayo." Pinipigilan kung huwag matawa.
'Napaka isip bata talaga parang si Wesley. Tsk tsk tsk!'
"Fine. Madalas naming pag awayan ang mga lalakeng umaaligid sa kanya sa school. Siguro naman hindi yun nagbago pagdating sa school niyo?"
'Kung alam mo lang! Isa yan sa mga bagay na nagpapainit ng ulo ko!'
"Yeah, i'm well aware of that. Tama ka nga siguro aside from he's trouble magnet. He's weird but very charming person. Everybody loves him and hate him at the same time."
"That's what i like about him. Kaya nga sa school alam ng lahat ang relationship namin para wala ng makalapit sa kanya." Nakangiting sagot niya.
'Fuck! Kaya ko din bang gawin yun? No no no no! I'm not ready for that! I'm still on the adjusting stage. I know he'll understand.'
"Bakit hindi paba nila alam ang tungkol sa inyo?"
"Hindi pa. Napagkasunduan namin na huwag mo ng ipaalam sa iba dahil yun ang gusto niya."
"Gusto niya o gusto mo?"
"Look man, i'm new in this kind of relationship. Nag aadjust pa ako sa maraming bagay." Nahihiyang paliwanag ko.
"I know. I've been on your position before. But trust me bro, masarap magmahal si Lucky lalo't open siya sa family niya kaya mag e-enjoy ka for sure. Like i do." Hindi ko alam pero pakiramdam ko inaasar niya lang ako. At aaminin ko napipikon ako sa ginagawa niya.
'Nag enjoy ka? Pakyu! Sige pagselosin mo pa ako para msapak kita!'
"Thank you. That's all i want to know." Sagot ko sa kanya.
"Seriously Kenneth may nangyari na ba talaga sa inyo?" Pangungulit niya at mukhang hindi ata naniwala sa sinabi ko.
"Hmmm." Kunwari nag iisip pa ako. "Sorry but its our dirty little secret!"
"You bastard!" Hindi ko na siya tiningnan dahil mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko.
'Don't worry malapit na makukuha ko rin ang gusto ko noong nandun ako sa Baguio.'
To be continued...