Chereads / Lucky Me / Chapter 39 - LUCKY THIRTY NINE

Chapter 39 - LUCKY THIRTY NINE

CHAPTER 39 - BAGUIO DAY 1

ANDI'S POV

Ito na ata ang pinaka masayang field trip ko sa Carlisle Academy. Nakasama kaming lahat ng mga kaibigan ko at may pa BONUS pang Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco. Dininig ni Papa Jesus ang panalangin ko two days ago. Pero ang napansin ko buong biyahe ay ang biglaang pagiging close nila Lucky at Kenneth. Mukhang may samtingan 'tong dalawang ito 'e May drama pang pasundo sundo ang Papa Kenneth sa balur nila Lucky. At ang dalahirang Lucky pa mysterious epek pa at ayaw pang magkwento kung bakit siya sinundo ni Kenneth.

"Ses, nakakatakot yang pananahimik mo." Siniko ako ni Marlon at naputol ang malalim na pag iisip ko.

"Anong nakakatakot dun bruha ka?!" At humarap ako sa pagkakahiga sa kanya.

"Eh baka kasi may kinikimkim na namang galit yang puerta mo at bigla kang magpasabog dito sa loob ng bus." Natatawang sagot niya. Nanahimik lang natatae na hindi ba pwedeng nag iisip lang? Ututan ko kaya 'to sa mukha ng matupad ang wish niya?!

"Hindi noh, bumo-e na ako ng pang two days sa bahay bago ako umalis kanina." mapagpatol na paliwang ko sa kaaningan niya.

"Ay very good ses! Dahil for sure hindi nila kakayanin ang bombang pasasabugin mo!" At hinampas ko siya sa braso para magseryoso.

"Eh kung diyan ko sa mukha mo pasabugin ang bombang sinasabi mo, keri mo?"

"Pakyu ka hindi kakayanin ng plastic surgery ang damage na iiwan mo sa mukha ko!" singhal niya at umayos ng higa sa tabi ko.

"Seshie, may napapansin ka bang kakaiba kay Kenneth at Lucky?" pagbabago ko ng usapan dahil kanina pa talaga gumugulo ang bagay na yun sa isip ko.

"Oo marami. Ang Lola mo naging pabebe. May pasundo sundo ang peg. Sa tingin mo sila na?" at halos sabay nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.

"Juice Colored! Si Lucky at Kenneth?! WORLD WAR sa Carlisle yan seshiee!" Mahinang impit ko kay Marlon.

"Baka hindi pa naman? Magsasabi naman yang si Luis Manzano sa atin eh. Kakaiba lang talaga sila lately yun ang napapansin ko." aniya at mukhang napapaisip din kagaya ko.

"Something fishy eh." may pagdududang sagot ko. May nagbago 'e, ramdam ko hindi ko lang mapangalanan.

"Sa bagay! Eh yung eksenang hindi niya crush si Kenneth? Trulalu o Eklavu?" napangiti ako sa tanong niya.

"EKLAVUUUUUHH!" Sabay naming sagot at napa-apir pa kami sa tuwa. Atleast ngayon hindi na ako nag iisa at may kasama na ang magduda sa biglaang closeness nila.

"Echusera siya wala ata akong kilalang hindi nag ka crush diyan kay Kenneth." pairap na komento ko. "Tsisoy, saksakan ng gwapo, misteryoso, matangkad, magaling mag basket ball at..." Huminto ako at nagkatitigan kami ni Marlon na parang alam niya ang iniisip ko.

"DAAAAKKKSSS!!" at bigla kaming tumawa habang nakatakip ang palad sa bibig.

"Ses, anong tsisoy? Ano yun parang prutas kasoy?" kunot noong tanong ni Marlon kaya lalong na emphasize ang mga pores niya.

"Bugak! Tsisoy. Pinaghalong Tsinito at Tisoy." pagtatama ko at saka lang niya na gets.

"Basta ang tumatak talaga sa akin yung pagiging DAKS niya!" inalog alog ako sa balikat sa kaharutan niya. Maygad!

"Hoy sinong DAKS yan ba't di ko kilala?!" Nakasilip na saway ni Lucky sa deck namin.

"Halika ka nga dito dalahira ka magkwento ka at nangangati na tumbong namin sa sobrang ganda ng lahi mo!" Kaway ko kay Lucky. Kaso sinamaan siya ng tingin ni Kenneth.

'Sus naman hihiramin lang ipagdadamot pa.'

"Kenneth peram muna kay Lucky ah, may pag uusapan lang kami about sa kakantahin niya sa competition." Paalam ni Marlon habang naka peace sign.

"Take him away.. kanina parin ako naiirita sa likot niyang katabi ko." Hindi ko alam kung seryoso siya o nang iinis lang. Hinampas siya ni Lucky sa balikat at kitang kita ko ang kakaibang palitan nila ng ngiti habang iniilagan ni Kenneth ang mga hampas ni Lucky.

'Naaay, ganyan ganyan kami noon ng kras ko nung elementary.'

"Palibahasa para kang tuod diyan sa pwesto mo. Dapat sa kabaong ka humiga tutal 'di ka naman gumagalaw." litanya ni Lucky na ikinapula ng tenga ni Kenneth.

"A-Anong k-kabaong?!" napaangat si Kenneth sa kinahihigaan. "Bawiin mo yun siraulo ka!" At nagtawanan kami ni Marlon.

"Sauce, kundi ko nga lang nakikitang gumagalaw yang adams apple mo iisipin kong tegibams ka na kanina!" hinaltak ni Lucky pababa ang jacket ni Kenneth na nakatakaip sa katawan nito.

"Anong tegibams ang pinagsasa sabi mo?" pinandilatan niya si Lucky na biglang natawa sa reaction niya.

"Tegibams, tegi, deads, shutay ang common terms na ginagamit ng mga bakla sa salitang "PATAY" sa Gay Lingo." sabat ni Ytchee sa kabilang deck na biglang bumangon at pagkatapos magsalita biglang itong bumalik sa pagkakahiga.

'Isa pa to kahit tulog walang patawad!'

"Ibang klase ka talaga buhay pa ako pero pinapatay muna ako!" bahagya niyang hinampas ng jacket ang braso ni Lucky.

"Joke lang ang seryoso mo naman! Tandaan mo tatanda ka ng maaga!" pananakot ni Lucky.

"TANDAAN MO KAPAG MAMATAY AKO SA HARAP MO, IIYAK KA NG TODO!" duro niya saka humiga at nagtakip ng jacket sa mukha.

"Yun kung hahayaan kitang mamatay sa harap ko..." Mayabang na sagot ni Lucky. Dahan dahang ibinaba ni Kenneth ang jacket sa mukha niya at kitang kita ko ang namumuong ngiti sa labi niya at bigla ulit siyang nagtakip ng jacket sa hiya. Gusto kong kiligin sa asaran nila. Bagay na bagay sila para silang Aso at Pusa. "Siyempre sisiguraduhin kong wala ako sa harap mo. Ano ko engot? Takot ako sa patay noh!" At bumaba siya ng deck at naglakad papunta sa deck namin ni Marlon.

"EWAN KO SAYO!" malakas na sigaw niya sa loob ng jacket at natawa kami ni Marlon ka cute'an nila.

"Anong latest?" Bungad niya at umupo sa gitna namin.

"Ikaw ang latest, bruha ka andami mong paandar kanina bago umalis ng Carlisle. Magkwento kung ayaw mong tawagan ko yung driver ko at ipasundo ka ngayon pabalik ng Quezon City!" at napakamot siya agad ng ulo na parang wala pa nga tinatamad ng magkwento. Ganyan talaga ang mga beklu walang kapaguran ang bibig, dapat kapag may bago i-chika agad baka mapanis lang. Sayang!

Sinilip niya muna sa deck nila si Kenneth kung tulog ba at ng nakita niya sinenyasan niya kami ni Marlon na lumapit sa kanya.

"TOINK!" Pinag untog niya kami ni Marlon. "Mag tsismosa kayo, hindi man lang inantay makarating tayo ng Baguio!" pinagkukurot niya kami sa tiyan ni Marlon.

"Mapapanis yan kapag 'di mo nilabas ses, kitain mo yung kinain ni Andi kapag 5-6 hours na sa tiyan niya ang baho na ng singaw." paliwanag ni Marlon. Pisting bayot na 'to ginawa pang example ang asset ko. Chos!

"Oo nga noh." agad na sang ayon ni Lucky. Naniwala naman ang bruha!

"Hoy ang lagay kayo kayo lang ang mag tsi-tsismisan?" Si Ytchee na biglang sumalampak ng upo sa gitna namin. Kaya kahit masikip ang posisyon namin napilitang magkwento si Lucky sa lahat ng nangyari sa kanya kahapon.

Una, sa aksidente nilang pagkikita, hawak hawakan ng kamay sa loob at labas ng Mall. Pagbili ng cellphone na binayaran din niya ng cash kay Kenneth. Pagtatalo nila habang kumakaen, walk out dito walk out doon hanggang sa habulan nila sa Sky Garden papuntang sa parking lot sa harap ng The Block.

"Actually kanina akala ko talaga hindi na siya darating para sunduin ako." malungkot na dugtong niya.

"Imposible yun ses, pagdating palang sa gate ng Carlisle mainit na ang ulo ni Papa Kenneth pati si Wesley nga di pinansin masiyado nung malamang wala ka." kwento ni Marlon at muntik na akongmataw ang maalala ko ng nasigawan siya ni Kenneth kaninang umaga ng malamang wala si Lucky.

"Truth seshie, biglang umalis pinaharurot ang kotse ayon kinaen namin yung maitim na usok ng tambutcho niya!" Reklamo ko sa kanila.

"Arte mo buti nga sa kanya usok lang, sayo sinumpang utot na walang lunas narinig mo bang nagreklamo siya?!" pandadarag ni Ytchee at tinawanan nila ako.

"Tapos anong eksena pagdating ni Kenneth sa inyo?" excited na usisa ni Marlon. Basta talaga tsimisan ayaw pahuli.

"Ayon after kong mag antay ng almost an hour tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad pauwi sa bahay.."

"OMG so talagang decided ka ng hindi sumama ng hindi man lang kami sinasabihan? Di ba may usapan na tayo?" Nagtatampong sagot ko.

"May plano naman akong magtext pero siguro kapag nakaalis na kayo. Sayang naman ang mga contribution niyo kung dahil lang sakin di kayo tutuloy. Makokonsensiya lang ako promise." pati ako nahawa sa malungkot na salaysay niya. See, ang hirap talaga maging maganda buti nalang 'di kagandahan 'tong si Marlon kaya di niya masiyadong ramdam.

"Pero may usapan tayo ses." nakikidramang sagot ni Marlon.

"Alam ko kaya nga blessing nadin na dumating yung ungas na yan kanina." nag angat siya ng tingin at sumilip sa deck nila. "Kaya ayun sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya kanina." Nakangusong sagot niya at napa nganga kaming tatlo sa sinabi niya.

"Hoy, mga bakla narinig niyo yung sinabi ko?" Mga 5 seconds kaming naka ngangang bago namin nakuha yung huling sinabi niya.

Natawa ako ng biglang maglanding ang kamay ni Ytchee sa ulo ni Lucky. "Eh siraulo ka pala, pasabi sabi kan pag wala kang crush pero makayakap ka naman wagas!"

"Crush agad 'di ba pwede napahanga lang ako dahil tumupad siya sa usapan namin kagabe?" Depensang sagot niya habang kakamot kamot ng ulo.

"Crush is paghanga shunga shunga ka ka talaga!" Sagot ko sa kanya.

"Weh, yun din ba yun?" napaisip siya sa sinabi. "Akala ko kasi ang crush is only paghanga but sometimes nawawala." napaka ignorante talaga nito.

"So kayo na ni payatot?" Turo ni Ytchee sa natutulog na si Kenneth sa kabilang deck.

"Loko, mamaya marinig ka niyan. Wala mga abnormal kayo!" Sagot niya at bigla siyang namula.

"Hoy, Luis Manzano hindi kami mga tanga dito, lahat nakapansin sa pagiging close niyo bigla. Kanina pa kayo pinag tsi-tsimisan sa loob ng bus na to." singit ni Marlon at naunahan ako sa linya ko.

"Hindi yun tulad ng iniisip niyo okay." depensa niya. "Siguro mas naging malapit lang kami ng konting konti dahil madalas kaming nagkikita."

"MADALAS KAYONG MAGKITA NI KENNETH?!" Chorus naming tatlo at hindi siya magkanda ugaga kakatakip sa mga bibig naming tatlo.

"Sige ilakas niyo, iparinig niyo sa lahat! Ano hihiramin ko pa ba yung wireless microphone kay ser Adam para ii-broadcast niyo sa lahat?!" sarkastikong sagot niya. Hindi kami nakasagot. At hinayaan namin siyang ikuwento ang pagkikita nila ni Kenneth sa supermarket malapit sa Carlisle.

"Ikaw kahit kelan ang malas malas mo noh?" natatawang komento ni Marlon.

"Sabi ko naman sa inyo noon pa kapag nasa paligid yan si Kenneth may mangyayaring masama sa akin." Napapailing na sagot niya.

"Pero sinabi mo talaga yun sa kanya? Na maging kayo dahil pareho kayong single?" hindi makapaniwalang tanong ni Ytchee.

"Oo, biro lang naman yun masiyado kasi siyang seryoso at saksakan ng sungit." Sagot niya habang nangangamot ng ilong. Bilib na talaga ako sa kawirduhan nitong seshie ko. Jusme 'saang kamay ko ng diyos kukunin angganung klase ng lakas ng loob. Mapatitig nga lang ako kay Kenneth napupunit na ang bahay bata ko.

"Anong naging sagot niya sa tanong mo Lucky?" At nagdikit dikit kaming tatlo ng ulo sa tanong ni Ytchee.

"M-Manligaw daw ako?" At napatingala pa siya ng konti na parang hindi siya sigurado kung tama ba yung sinabi niya.

"ANO MANLIGAW KA DAW SA KANYA?" Sabay sabay na sigaw naming tatlo kay Lucky at dahan dahan siyang tumango at kinagat ang isang daliri na parang ewan.

"ANO BA KUNG AYAW NIYONG MATULOG MAGPATULOG KAYO!!" saway ni Kenneth sa aming apat.

"S-Sorry.." Nahihiyang sagot ko at nagkukurutan kami nila Marlon sa legs sa kahihiyan.

"Lucky, get back here! Hindi kaba napapagod kakadaldal?" Naiinis na tawag ni Kenneth kay Lucky.

"Ay magpahinga kana daw, yung dede mo huwag mong kalimutang susuhin ses." pang aasar ni Marlon at walang nagawa si Lucky kundi ang tumayo at bumalik sa deck nila ni Kenneth.

LUCKY'S POV

"Sungit mo!" hinila ko pababa yung jacket ni Kenneth na nakatakip sa mukha niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ang ingay ingay niyong apat akala mo ngayon lang kayo nagkita kita." Masungit na tugon niya.

"May pinag usapan lang kami." sumampa ako sa deck at niyakap ko ang doraemon ba unan ko.

"Ano pinag usapan niyo na naman ako?" ngumiwi paitaas ang mapulang lips niya.

"Gwapong gwapo ka din minsan sa sarili mo noh?" di ko mapigilang maging sarkastiko sa kahambugan niya.

"Matagal ko ng alam yan bata pa lang ako." Mayabang na sagot niya. Well, gwapo naman talaga. Mahirap lang sakyan ang pagiging masungit at ang wirdong personality niya minsan.

"Gwapo nga masungit naman. Wala ding saysay." Mahinang sagot ko at bigla siyang napalingon sa sinabi ko.

"So, aminado ka ng gwapo talaga ako?" Tumagilid siya ng higa at humarap sa akin. Nakatingin lang ako sa malaking TV sa harap.

"Minsan, depende sa pagkakagusot ng pagmumukha mo."

"Anong palagay mo sa mukha ko, school uniform na minsan gusot at minsan plantsado?"

"Nakuha mo. Para kang school uniform ng Carlisle Academy."

"Really? Atleast you find me cute sometimes." Tama nga sila Andi may something nga talaga kay Kenneth at nakakapanibago.

"Why are staring at me like that?" Nagtatakang tanong niya at biglang siyang na conscious sa pagtitig ko.

"Nothing, napansin ko lang something weird about you this past few days." ginaya ko ang posisyon niya sa paghiga.

"Hmmm yan din ang sinabi ng pinsan ko a while ago habang magkausap kami." casual na sagot niya. 'Bakit nag usap ba sila? Bakit di ko narinig magkakatabi lang naman kami ah.' Nag usap kami habang natutulog ka kanina.

"Fvck, so hindi pala pala talaga ako na nananaginip kanina?" Mahinang bulong ko sa sarili.

"Sinong na nanaginip kanina?" inosenteng tanong niya.

"W-Wala wala si Ytchee na nanaginip daw siya kanina. Yun kaya napagkwentuhan namin yung panaginip niya. Hehehe!" Palusot ko na lang dahil kinilabutan ako ng sobra.

'Yikes, ano nga ba ulit yung mga pinag usapan nila kanina? Grabe naman kasi ang pagka bangag ko kanina wala kasi akong tulog dahil sa excitement sa fieldtrip na 'to.'

"You should rest, malayo pa tayo. I'll wake you up kapag mag stop over tayo." utos niya at yun na naman ang napaka weird na pakiramdam sa tuwing nakakausap ko siya.

"Stop staring at me Lucky, sige ka baka makasanayan mo yan." Nakangiting biro niya.

"Ngeeh, nag joke ka koya?" Ngiwing sagot ko.

"Siraulo matulog kana." itinakip niya ang jacket ko sa ulo ko.

"Something is wrong with you Kenneth. Hindi ko alam kung ano pero I swear nakakapanibago." Umiling iling ako.

"Change is coming.." Seryosong sagot niya.

"Winter is coming kamo. Papalapit na tayo sa Baguio." At sabay kaming tumawa. Tumalikod na ako ng higa hindi ako makakatulog kung makikipagtitigan o makikipag kulitan pa ako sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. Nagising nalang ako dahil sa maya't mayang pagkalabit at pag alog ni Kenneth sa balikat ko.

"Wake up, sleepy head.." mahinang alog niya sa balikat ko at pagdilat ko dahan dahan akong umupo sa deck. Kaming dalawa nalang pala ang tao sa bus.

"Nasaan na sila Ytchee?" nagpupungas ako ng mata at sinundan ko ng mahabang hikab.

"Nauna na silang bumaba about two minutes ago."

"Si Wesley?" at sumilip ako sa deck niya sa tabi ng deck namin.

"Tss, ako ang gumising sayo tapos si Wesley ang hahanapin mo?" mahinang bulong niya at walang paalam na iniwan akong mag isa sa deck at bumaba ng bus.

"Nangyari dun? Natural hanapin ko yung wala ala nga namang hanapin ko yung nandito pa? Kahit kelan talaga lakas ng saltik ng lalaking yun." Kumuha ako ng baon kong sandwich at nagsuot lang ako ng bonet sa ulo saka ako nagmadaling bumaba sa bus.

Tumawid ako at iginala ko ang paningin ko sa lugar. At nagkalat ang mga schoolmates ko sa kahabaan ng highway. Langya! Masasagasaan pa sila kakaharot at kaka selfie nila.

"Kennon Road." mabagal na basa ko habang ngumunguya. Paglingon ko nakita ko sila Andi na kumakaway sa akin at nasa isang cafe malapit sa highway. Naglakad ako papalapit sa kanila at napansin kong wala yung magpinsan.

"Anyare ses sumakit ba balakang mo?" natatawang biro ni Marlon. Nakita kong may binili na silang food sa mesa.

"Pakyu ka, ang haba ng tulog ko. Di niyo man lang ako ginising." dumukot ako ng isang stick ng sigarilyo saka ako nagsindi sa harap nila.

"Arbor na 'to, nauuhaw na ako eh." Saka ako naglakad papalayo sa table nila at nagyosi ako ng nakatalikod sa mga kasama ko. Sarap!

"Asan na si Lucky?" narinig ko ang boses ni Wesley kaya bahagya akong lumingon at nakita ko papalapit na siya. "Ibinili kita ng food-" bigla siyang napahinto sa sinasabi ng makita ang sigarilyo sa kamay ko.

"N-Naninigarilyo ka?" hindi makapaniwalang tanong niya kahit na obvious ang sagot sa tanong niya.

"Hindi napulot ko lang.. papausukan ko sana si Andi baka sakaling ito ang gamot sa ginawang pambabarang sa kanya." dinaan ko nalang sa biro ang sagot ko. Hindi ko alam kung pagka dismaya ba ang nakita kong kakaibang tinging nakita ko kanina.

"Ewan ko sayo!" hinila niya ako papalapit at inakbayan. Weird. Inaantay kong sesermonan niya ako kagaya ng pinsan niya ng mahuli niya akong naninigarilyo noon.

"Joke lang! Oo matagal na huli ka na sa balita." natatawang sagot ko. "Bumalik ka na dun sa kanila mauusukan ka dito." Senyas ko at tinalikuran ulit siya.

"Ayaw dito lang ako sasamahan kita." parang batang sagot niya. Sabay naming pinanuod ang mga sasakyang dumadaan habang nagpapa usok ako.

"My Dad smoke too kaya sanay na ako sa amoy ng sigarilyo." Napalingon ako bigla sa sinabi niya. Sa maikling panahong pagkakakilala ko kay Wesley sobrang dali niyang basahin pero hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"My father too."

"He did?" nanlaki ang mata niya at napangiti.

"Yeah.. He was.." at napanguso siya sa bigla. "Don't worry hindi ang paninigarilyo ang dahilan ng pagkawala ng tatay ko." tinapik ko siya sa braso at nginiwian niya lang ako ng nguso. Ito ang isang bagay na gusto ko kay Wesley hindi niya ugaling mang usisa unless magkukwento ako. Kumibot kibot ang nguso niya at ayaw isatinig ang kung anong naglalaro sa isipan niya.

"Matigas ang ulo ng daddy ko madalas nag tatalo sila ni Mommy sa patakas niyang paninigarilyo." wala sa sariling kwento niya. "I don't hate him for that. Bago pa sila magkakilala ni mommy ko naninigarilyo na ang daddy ko." gusto kong matawa sa pagmamaktol niya. Ang lakas talaga ng dating niya kapag ganyang umaarte siyang parang bata.

"E anong dahilan ng pagkunot kunot niyang noo mo?"

"Nothing.. Don't mind me." umiiling na sagot niya. Humakbang ako papalapit sa poste saka ko pinitik papalayo ang hawak kong sigarilyo sa direksiyon ng mga nakatambak na basura.

"Ayoko na ngang manigarilyo hindi maganda health!" kunwaring nandiri ako ng amuyin ko ang palad ko.

"Nakakainis ka naman e!" bigla niya akong inakap pagharap ko. "Naiinis lang ako sa daddy ko okay.. masiyadong kasing matigas ang ulo niya." paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong. This guy is so freaking sweet. Napaka swerte ng mga magulang ng batang ito. Gwapo na sobrang mapagmahal pa.

"Tara balik na tayo sa kanila." Inakbayan ko si Wesley pabalik sa mga kasama namin.

"Yun oh! Pa-akbay akbay na lang." Bungad ni Ytchee paglapit namin ni Wesley.

"Kumain na kayo ng marami dahil last stop over na natin to kailangan before lunch nasa Baguio na tayo sabi ni Sir Adam." si Marlon habang may kinakapa sa bulsa ng sling bag niya.

"Samahan mo nga ako bumili ng maku-kutkot sa biyahe." Yaya ni Marlon kay Andi.

"Tama yan imbes yang nakabukang pores niyo ang kutkutin niyo bumuli nalang kayo ng makakaen naten!" pang aasar ni Ytchee. Ang hard talaga mandarag ng tiborsiyang 'to!

"Tseh! Inggetera ka!" singhal ni Marlon kay Ytchee.

"Sama ka seshie?" alok ni Andres pagkaupo ko.

"Kayo nalang nagugutom na ako 'e. Damihan niyo nalang ang mga bibilhin tas patak patak nalang mamaya tayo sa bayad." suhesitiyon ko na sinang ayunan naman nila bago sila umalis.

"Ikaw bro, may pabibili ka ba?" kundi pa nabaling kay Kenneth ang atensiyon ni Wesley hindi ko pa mapapansin na kasama namin siya sa mesa. Inirapan ko lang siya ng magtama ang mata namin dahil na aalala ko na naman ang pang uurat niya kanina sa bus.

"Kahit ano basta makaka kain." Walang ka gana-ganang sagot ni Kenneth sa pinsan.

"Stay here. Ibibili rin kita ng maraming snacks." kinurot niya lang ako sa pisngi at nagmamadaling sumunod kela Andres.

"Bakit gusot na naman yang mukha mo?" si Ytchee habang kumuha ng food sa table.

"Wala lang akong gana." Mahinang sagot niya at isinuot ang shades niya.

"Psh! Palagi ka namang walang gana. Kumain ka kasi ng gulay para buhay mo'y maging makulay!" sagot ko at bigla niyang hinubad ang shades na kakasuot lang niya kanina.

"Dami mong alam. Ikaw kumakain ka ba ng gulay?" mayabang na tanong niya.

"Oo lahat, pati yung bahay kubo at puno ng linga kinakaen ko!" sigaw ko sa kanya at biglang tumawa si Ytchee.

"Nakakatuwa kayo mag usap palagi kayong nag aaway. Magandang pundasyon yan ng pag sisimula ng relasiyon." Tuwang tuwang paliwanag ni Ytchee.

"A-Anong relasiyon pinagsasabi mo?" hinampas siya ni Kenneth ng diyaryong nasa mesa at mabilis namang nakailag si Ytchee.

"Bakit wala ba kayong planong bumuo ng relasyon?" hindi talaga siya tumigil pangungulit dahil tumayo pa siya sa pagkakaupo at humarap kay Kenneth.

"WALA!!" sabay kaming sumigaw ni Kenneth.

"Eh bakit parang meron?" nanunuksong palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Baka siya meron.." paismid na sagot niya. "Itanong mo sa kanya." Turo ni Kenneth sa akin. Pinandilatan ko siya sa inis.

"Hoy anong pinagsasa sabi mong ako?" parang may kung anong kumurot sa pwet ko sa sinabi niya.

"Di ba plano mong akong ligawan?" at sarkastiko itong ngumiti. Para akong nag ka stiff neck sa sinabi niya. Kahit alam na ni Ytchee ang bagay na yun nahiya akong lingunin siya dahil alam kong mang aasar lang siya.

"Pakyu ka! Feel na feel mo na naman!" at sabay silang tumawa ng malakas ni Ytchee.

"Diba yun naman talaga usapan natin, gusto mong maging tayo pero manliligaw ka muna." ang sarap salpakan ng diyaryo ang bibig niya sa kadaldalan niya.

"Maghulos dili ka Kenneth, kakaltukan kita!" binato ko siya ng takip ng mineral water. "Mamaya maniwala yan si Ytchee, patola pa naman yan!" banta ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag.

"Yun naman ang usapan natin kahapon diba?" tumuwid siya ng upo. "Susunduin kita tapos uumpisahan mo ng manligaw." At dinampot niya yung shades niya sa mesa at dahan dahang sinuot. 'Ang yabang! Este ang Gwapo!' Teka! Ang usapan susunduin niya lang ako pero wala sa usapan na pagkatapos nun mag manligaw ako. Pesteng payatot na 'to imbento!

"Kingenang trip yan!" napahampas ako sa ibabaw ng mesa sa inis. "Sige subukan mong maniwala pagbubuhulin ko kayong dalawa."

"You're secret is safe with me Lucky. He he he!" humagikhik pa si Ytchee sa tabi ni Kenneth na tuwang tuwa rin sa kabibuhan niya. Sa inis sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"ARAY!" daeng ni Kenneth. "Mapanakit ka ah!"

"Kenneth, bawiin mo yun!" hindi ko mapigilang mapasimangot sa harap nila. "Gusto mong hindi ako makapag tapos ng high school dahil sa mga pinag sa-sasabi mo?"

"Bakit manliligaw ka lang naman ah, hindi ka pa naman mag aasawa." tatawa tawang sagot niya. Nag e-enjoy si mokong palibhasa dehado ako sa topic.

"Baliw, sa tingin mo patatahimikin ako ng mga Pink Rangers kapag lumabas yang pinag kukuda mo?"

"Hindi nila malalaman kasi tayong tatlo lang ang nakaka alam." Singit ni Ytchee at napa palakpak pa.

"Tama! Unless ipagkakalat mo." taas kilay na sagot ni Kenneth.

"Wala akong planong manligaw sayo okay?" inirapan ko siya. "Diploma ang gusto ko hindi ikaw." sagot ko sa pinaka kalmado kong tono. Ayokong ipakitang napipikon na ako sa pinag uusapan namin. For a split seconds naglaho ang mapang asar na expression niya kanina.

Isinandal niya ang parehong braso sa mesa at inilapit ang sarili. "Tss, bakit sa tingin mo gusto kita? Kung makaarte ka akala mo saksakan ka ng ganda. Bakit babae ka ba?" napipikong sagot niya. Nanahimik muna ako. I don't know if he mean it pero sa personality niya hindi malabo yun.

"Malabong maging tayo, yan ang malinaw.." mapaklang sagot ko sa kaniya. Hindi ko ipinahalatang nasaktan ako sa mga sinabi niya kaya dinaan ko nalang sa hugot lalo't kaharap namin si Ytchee.

"Magkapikunan kayo, pag uuntugin ko kayo pareho!" sabat ni Ytchee at makahulugang nakatitig sa aming dalawa.

Para akong sinampal ng malutong na katotohanan. Kahit alam kong normal na pagtatalo lang namin yun pero parang tagus tagusan pa din ang dating ng mga sinabi niya.

'Nanunuot seshie eng sheket sheket!'

Parang karneng minarinate sa toyo at nanuot ang lasa at alat. Pinompyang ako ng katotohanan at parang sinampal ako ni Amber sa katotohanang kahit kailan hinding hindi ako papatulan ng isang Kenneth James Ang. Lalaki siya at bakla ako period. Tuldok. Walang comma sigurado ako dun.

Wala pa man parang na broken hearted na ang pakiramdam ko. Pero bakit ako nalulungkot 'e wala naman akong nararamdaman para sa kanya? Di ba hindi mo naman siya crush O siguro crush muna? Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napabunot ako ng isa pang sigarilyo.

'KINGENA MEH!'

"E-Excuse me.." tumayo ako pero nahawakan ako ni Kenneth sa braso.

"I didn't mean it.. what i've said.." pigil niya habang hawak ang kamay ko.

"Does it matter? That's life dude, truth hurts." At binawi ko yung braso ko at nagsindi ako ng sigarilyo habang naglalakad.

"Oh saan punta nun?" narinig kong tanong ni Wesley sa pinsan niya.

"Maninigarilyo lang. Susundan ko dito lang kayo." Biglang habol ni Ytchee sa likod ko.

"Ano okay ka lang? Pa hits nga.." at inagaw ang sigarilyong hawak ko.

"Hoy siraulo mamaya makasama sayo yan!" saway ko sa kanya kaso huli na naibuga na niya yung usok.

"Naininigarilyo talaga ako bago pa man ako maaksidente."natatawang kwento niya at sabay nag puff ulet sa yosi ko. "Magaling na ako, don't worry mas malakas pa ako sa kalabaw!" at nilabas niya yung muscle sa braso niya at natawa ako.

"Okay sinabi mo eh. Siguraduhin mong hindi ako ang sisihin ni Andi alam mo naman yun makuda." Nagsindi ulit ako ng isa pang sigarilyo at paitaas kong ibinuga ang usok.

"Hindi nagtataka nga yun bakit hindi ako sumama sayo kapag nagyo-yosi ka." At natawa kaming pareho.

"Pero Lucky, okay ka naman diba?" biglang iba niya ng usapan.

"Bakit ako hindi magiging okay? matagal na akong nag bi-bisyo baliw." Umirap lang ako sa sinabi nya.

"Hindi yun ang tinutukoy ko, wag kang mag maang maangan hayup ka hindi mo ko maloloko!" kahit kelan ang hard ng babaeng 'to, pero nakakatuwa kasi napaka prangka niya at yun ang gusto kong katangian sa isang kaibigan. Ayoko kasi ng pasikot sikot napa plastikan ako.

"I'm perfectly fine. Huwag kang mag alala." Nakangiting sagot ko. Muntik akong mapatalon dahil biglang sumulpot si Kenneth sa tabi ko. Napairap ako sa kawalan. Nanapak pa naman ako kapag nagugulat ako.

"L-Lucky." Mahinang bigkas niya sa pangalan ko.

"Kuha lang ako ng tubig Ytchee.." at nginitan ko lang sila bago ako tumalikod.

"Pakyu ka ulol! Anong I'm perfectly fine? MUKHA MO!!!" singhal niya pagtalikod ko. Natawa lang ako habang naglalakad pero parang tutulo nadin ang namumuong luha sa mata mga ko.

Isa isa ng nagbalikan ng bus ang mga classmates namin after ng halos one hour na stop over sa La Union. Pagsampa namin sa kanyang deck wala pa din kaming imikan ni Kenneth.

Well, actually ako lang naman ang hindi umiimik sa kanya mula pa kanina. mGago ba siya anong palagay niya sa akin BATO? Walang akong feelings, hindi ako nasasaktan, invisible, transparent ang katauhan, hangin ako na pwedeng bugahan kahit saan? Maganda lang ako, bakla, nasasaktan, tinatablan!

Kingena niya palibasa gwapo, hinahabol, tinitilian, nagpapaiyak, paasa, kinababaliwan ng lahat kumpara naman sa akin anong panabla ko sa kanya? Di nag iisip, insensitive, patola, harsh, hard, may sapak, mema lang ampota! Nahihirapan akong mag isip kung paano pa ide-describe ang kawalang hiyaan niya.

Ang sakit bes!

"Lucky.. I'm sorry." Biglang putol niya sa na---------------------------pakalalim na pag iisip ko.

'Sorry? Taena mo. Baliktarin kaya natin ang sitwasyon natin ngayon tapos ako mag so-sorry sayo?'

"Mmm.." tipid na sagot ko.

"Please say something." Pareho kaming nakasandal sa deck at bahagyang nakahiga habang nakatutok sa flat TV Screen sa bandang unahang part ng bus.

"I'm fine Kenneth. Don't mind me." walang emosiyong sagot ko.

"No you're not fine. Ang sabi ni Ytchee hindi ka kumaen at nanigarilyo ka lang." bigla siyang humarap sa side ko pero nakatutok lang ako sa pinapanuod ko kahit walang pumapasok sa utak ko sa kung anong napapanuod ko.

"Sira pala ulo mo 'e. Alam mo naman pala ang sagot bakit nagtatanong ka pa?" Sarkastikong sagot ko. Pinapainit niya ang ulo ko sa mga walang kwentang tanong niya.

"Because i'm not.." seryosong sagot niya. Napakamot ako sa leeg bago ako humarap sa kanya. Isang solid na sapak lang Lord solb na ako. Buti na lang nasa dulong deck kami at mahimbing ng natutulog ang mga kaibigan ko. HIndi ko alam kung anong gusto niyang iparating. Naguguluhan ako.

"Then its not my problem anymore." walang kagana ganang sagot ko.

"I don't mean everything I've said back there. I'm sorry nasabi ko lang yun out of nowhere.." Ramdam ko yung sinseridad sa tono ng boses niya pero kung pagbabasehan ko ang ugali niya alam ko ring yun talaga ang saloobin niya. Nabigla man siya o hindi Kenneth mean everything he said. Truth hurts at totoong nasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Its too late. Yan ang mahirap sa mga taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba.." nagsisimula na namang uminit ang ulo ko kasabay ng panlalabo ng mga mata ko. Sorry pero hindi umabot sa pamantayan ko ang katwiran niya para pagbigyan siya.

"Look, kung ano man ang nasabi ko sayo binabawi ko na lahat yun okay!" nagsulputan ang ugat sa noo kasabay ng pamumula ng tenga niya. "I swear to God Lucky I didn't mean it that way. It was unintentional, its was just a joke for me."

"Alam mo ba ang joke ay half meant? Minsan dinadaan natin sa biro ang mga bagay bagay na hindi naten masabi ng derecho para hindi tayo maka offend o makasakit ng ibang tao."

"I don't fucking know!" ramdam ko sa kinauupuan ko ang pagpipigil niya sa sarili. "So you got offended that's why your acting that way?" naiinis na tanong niya at pag irap ko napahilamos siya ng palad sa mukha. "So napikon ka nga?" at sinundan ng mapaklang tawa.

"No idiot, actually its a compliment. Would you please put that in writing? I-papa laminate ko kasi sa Recto isasabit ko sa kwarto at pipirmahan mo." hindi ko mapigilang mamilosopo sa inis. "You know that's something to be proud of and to remind me every fucking day who i really am." hindi ko namalayang nag uunahan na palang tumulo ang luha sa mga mata ko sa sobrang saya ng pinag uusapan namin.

'Kingenang 'to sarap gilitan ng leeg sa MOA ARENA sa harap ng mga fans niya. LIVE in National Television, Pay Per View pa natin!'

'Neyeta! Tali-talino!'

"Ayan ang mahirap sayo 'e. Kapag ikaw ang nagbibiro sa ibang tao, ayos lang sayo kahit nakakasakit ka. Pero pag ibang tao ang mag umpisang magbiro sayo napipikon ka. Hindi ka sport Lucky. Your being unfair you know that." galit at walang patlang na sumbat niya na parang siya pa yung dehadong dehado.

"Its not about the joke that being thrown to you. This is not about whose fucking fair or not being fair Kenneth." sinalubong ko ang masamang titg niya. "Its something about what you've said that hurts that certain fucking persons feelings your talking to.. Your stating the obvious idiot!"

"W-What?" Parang tangang tanong niya at nag indian seat. "I'm only stating a fact Lucky and as i've said it was only a joke, didn't you get it?" pilit na paliwanag niya. Napisinghot ako ng hard. English yun boy, kapag inulet ko pa yun dugo na ang lalabas sa ilong ko imbes na malabnaw na sipon.

"Oh? Ano naging masaya ka naman ba pagkatapos?"

"What the fvck?" walang boses na tugon niya.

"Oo BAKLA ako Kenneth. Kahit kailan hindi ko dine-deny yun. Pero yung ipapamukha mo sa harap ko at sa harap ng kaibigan ko yung pinag sasasabi mo ibang usapan na yun." hindi ko na alam kung luha o sipon na yung nalalasahan ko dahil pareho naman silang maalat. Letseh!

"So what do you want me to do? A public apology? Lumuhod ako sa harap mo? Mag makaawa ako dahil sa mga maling sinabi ko? Ano sabihin mo?" Namumula na siya sa galit ng lumingon ako.

'Who care's mas galit ako.'

"You actually remind me of Jasper."

"I don't fucking care! Just tell me what to do!" tumaas ang boses niya at hindi na maitago ang galit.

"DROP DEAD KENNETH!" At napasinghot ako ng sipon na kanina pa nakikipag karerahang tumulo sa luha ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at walang gustong magpatalo.

"L-Lucky, why are you crying?" Sabay kaming napalingon ni Kenneth sa deck ni Wesley na kasalukuyang nakaupo at mukhang kanina pa kami pinapanuod.

"Nothing Wesley, napuwing lang ako." walang kaseng peke ang naging pagtawa ko. Bumaba ako sa deck walang lingunang dumerecho sa CR na halos kadikit ng deck namin ni Kenneth.

Doon ko ibinuhos ang lahat ng luha at sipon ko. Bakit ba ako umiiyak? Ano ba kasing ipinuputok ng butse mo at ang drama drama mo? Sinabihan ka lang ng hindi ka maganda, na hindi ka babae tapos kung maka arte ka akala mo babae ka? Hindi ikaw yan Lucky Shane Torres Gonzaga. You're better than that. Tapos kana sa boring na high school drama. Level up na ano ka ba?!

Akala ko naubos na lahat ng luha ko after kong iiyak lahat kay Jasper noon. Hindi pa pala, may reserved tears pa pala ako ng hindi ko namamalayan. Drama ko, well normal yan sa aming mga bakla ang maging super emotional. Insecure kasi kami sa mga bagay na wala kami lalo na pagdating sa mga babae. Malakas kaming tingnan sa panlabas pero sobrang iyakin at weak kami inside. But, a big BUT mahusay kaming magtago ng nararamdaman para hindi kami kaawaan.

Madalas kami yung nagpapatawa dahil kaya naming ibigay yun para mapasaya sila. Pero sa kabila ng lahat aminado kaming hirap din kaming mapasaya ang mga sarili namin gaya ng ginagawa namin sa iba. Walang perpektong tao lahat tayo pantay pantay. Lahat tayo kumakaen, tumatae, natutulog. Ituro niyo sa akin ngayon kung sino ang hindi gumagawa niyan duduraan ko!

This is me, this is what gays are made of. Man of Steel pero pusong mamon.

Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Ayokong mapansin ng mga kaibigan ko kung bakit mugto ang mga mata ko. Kaya sinigurado kong wala ng bakas paglalabas ako. SMILE!

Paglabas ko ng CR nakita ko si Wesley sa tabi pinto.

"Tatae ka?" Natatawang bungad ko sa kanya dahil parang natatae yung hilatsa ng mukha niya.

"Natatae your face! Anong nangyari sayo?"nag aalalang tanong niya habang hawak ang baba ko at tinitigan ako.

"Wala naman. May nakain lang ako kaya sumama yung tiyan ko." Nakangusong sagot ko.

"Mukha mo. Kung ayaw mo magkwento ngayon ayos lang pero huwag kang iiyak dahil mag aalala ang mga kaibigan mo lalo na ako." Inakbayan niya ako at nakaramdam ako ng comfort sa sinabi niya. Parang gusto ko tuloy ulit umiyak.

"Ayos lang talaga ako Wesley. Pwede bang tumabi muna ako sayo sa deck mo?" nahihiyang paalam ko. Kakapalan ko na mukha ko baka hindi ko mapigil ang sarili ko at makasapak ako ng intsek ng wala sa oras.

"Sige mag sounds tayo." Nakangiting pagpayag niya at hinila ako sa deck niya.

Bumalik muna ako sa deck namin para kunin ang jacket at shawl ko. Nakatalukbong lang ng jacket sa mukha si Kenneth. Alam kong gising siya dahil panay kuyakoy ng isang paa niya habang nakahiga. Bumalik ako sa deck ni Wesley at tumabi ako sa kanya at sumandal ako sa bintana. Nakaramdam ako ng panandaliang kapayapaan sa tabi niya. Very peaceful 'di gaya kapag ang pinsan niya ang katabi ko. Nag share din kami sa earphone niya habang nakinig ng mga ballad songs hanggang makatulog ako sa balikat niya.

"Lucky..Lucky.." Dumilat ako at nakita ko si Wesley na naka bonnet at naka jacket na. Kumurap kurap muna ako ng limang beses.

"Bakit stop over ulit?" Napalingon ako at napansin kong nagbaba-baan na ang mga classmates namin. Kinilabutan ako ng makaramdam ako ng sobrang lamig at bigla akong napayakap kay Wesley. Bigla siyang tumawa ng malakas at inamoy amoy ang ulo ko.

"Welcome to Baguio!" Masayang bulong niya sa tenga ko at napangiti ako at hinampas ko siya sa braso.

"Nasa Baguio na tayo? Hala ang bilis naman ata." Nagtatakang tanong ko.

"Mabilis, kasing bilis ng pagyakap mo kay Wesley." sabat ni Ytchee sa kabilang deck at nagtawanan sila Andi at Marlon na naka complete outfit na ng panglamig. Mga baklang 'to parang sa North Pole ang punta namin kung pomorma.

"Para-paraan ka din Luis Manzano. Pero epek yan magaya nga yan minsan. Effective eh oh, ganda mo seshie!" sigaw ni Andi habang nakaturo saming dalawa ni Wesley.

"Baliw akala ko kasi walang kamatayang stop over na naman." Inalalayan akong bumaba ni Wesley sa deck at pagbaba ko nakita kong tahimik na nag aayos na ng gamit si Kenneth sa deck namin.

"Wesley sumama ka sakin kukunin natin yung susi ng mga rooms kay Sir Adam dali!" Yaya ni Marlon kay Wesley.

"Sama ko seshie baka magbago ang ihip ng hangin at si Wesley na yung kasama namin sa room hindi na ikaw at maghimalang mailipat ka sa room ni Lucrecia Kasilag." Natatawang biro ni Andi.

"Pakyu ka, magbiro ka na sa lasing wag lang sa baklang walang buking!!" Imbyernang sagot ni Marlon.

"See you later." Bulong ni Wesley at pinisil niya ang baba ko.

"Sige ingat ka sa dalawang yan baka hindi ka na makabalik." Natatawang biro ko at nginusuan niya lang ako.

"Mamaya na ang sweetness malamig sa Baguio baka makabuo pa kayo." sigaw ni Andi. Nangangamot ss ulong sumunod si Wesley kela Andi pababa ng bus. Lumapit ako sa deck namin habang inaayos ko ang ilang gamit ko.

"Oh kayong dalawa, ano ganyan nalang kayo? Hindi kayo magpapansinan habang nasa Baguio tayo?!" puna ni Ytchee sa amin ni Kenneth habang nag aayos kami ng mga gamit.

"Nag sorry na ako. Ayaw niya lang tanggapin." Nakayukong sagot niya habang isinasara ang luggage bag niya.

"Nag sorry na naman pala siya Lucky, ano pang problema?" hinila niya yung luggage ko sa deck papunta sa deck nila Andi na bakante na.

"Ako ang problema. Oh 'di problem solved!" Nakangiting sagot ko. Naglakad ako pero hinirang ako ni Kenneth.

"Promise hindi na ako mag jo-joke ulit sa harap mo o sa harap ng mga kaibigan mo. Bati na tayo please." nagpalitan ang tingin ko sa mata niya at sa kamay niyang nakataas na animoy nanunumpa. Nakakainis pero ang cute cute niya sa suot niyang blue bonnet habang nakasabit ang red headphone sa leeg niya.

"Oh Lucky, ba-tiin muna daw si Kenneth. Tamang tama malamig ngayon. Hahahaha!" siya lang ang tumawa sa green minded joke niya. Natigil lang siya ng mapansing nakaititig kami ni Kenneth sa kanya. "Joke yun mga siraulo kayo!" Sigaw niya sa amin at kami naman ang natawa sa nakakatawang reaksiyon niya.

"This is for you." inabot sa akin ni Kenneth ang isang blue na head phone na tulad ng pulang head phone na nakasabit sa leeg niya. "Binili naten yan kasabay ng phone mo remember?"

"Tss! Nanuhol kapa para lang makipag bati ako sayo?"

"H-Hindi yan suhol ahh-- nakalimutan ko lang yan iabot sayo kagabe bago ako umuwe.." pahina ng pahina ang boses niya. Hindi daw suhol... anong tawag diyan bribery?

"Oo na.. daming arte para kang babae---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang isinabit sa leeg ko ang kulay asul na head phone. Napayuko ako sa hiya sa lapit ng mukha namin sa isa't isa 3 seconds ago.

"Bati na tayo?" yumuko siya ulet at sinilip ang mukha ko. "Will you give me another chance?" Taena! Kailangan bang magpa cute kapag nakikipag bati ka? Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Lucky I'm serious.."

"Tss, past is past. But I'm warning you.." Duro ko sa mukha niya at lumubog ang daliri ko sa lambot ng pisngi niya. "Kapag inulet mo pa yun sisiguraduhin kong mababaog ka Mister Ang!" At saka ko kinurot ang pisngi niya sa gigil ko.

"A-Aray! Aray!" Natatawang daing niya at nagtatalon naman sa tuwa si Ytchee sa loob ng bus na parang tanga.

"YAN BATI NA SILA! GROUP HUG! GROUP HUG!" sigaw niya sa harap namin. Napangiwi lang ako at saka ko dinampot yung mga gamit ko at naunang lumabas ng bus sa kanila. Narinig ko ang malakas na tawa ni Kenneth at Ytchee habang hirap na hirap akong ibaba ang mga gamit ko.

To be continued...