Chereads / Lucky Me / Chapter 43 - LUCKY FORTY THREE

Chapter 43 - LUCKY FORTY THREE

CHAPTER 43

YTCHEE'S POV

Nakakapagod ang naging first day namin sa Baguio. Hindi ako masiyadong makatulog sa biyahe kanina kahit napaka komportable ng deck ang hinihigaan ko. Kaya buong biyahe wala akong ginawa kundi ang makipag tsikahan sa mga baklang kaibigan ko, makinig at magmasid sa paligid ko. Naging exciting ang pagabalik ko dahil maraming bagay ang nagbago sa Carlisle.

At ang highlight ng lahat ng pagbabago sa campus ay ang transferee na si Lucky Gonzaga. Ang baklang magnet ng kamalasan.Minsan pinaguusapan nga nila baklang Andi at Marlon na may transparent na balat si Lucky sa pwet. Keber! Inggit lang sila dahil wala silang sinabi sa ganda ni Lucky Gonzaga. Na ikuwento ni Andi at Marlon ang lahat ng nangyari simula nung mawala ako sa Carlisle hanggang sa pagpasok ni Lucky.

He's a very interesting subject, halos lahat ng kaibigan at mga kakilala ko sa Carlisle siya ang bukam bibig pagbalik ko. Mostly about sa gulo nila ni Amber at MJ. Well, nasaksihan ko nga yung sagupaan nila ni MJ sa campus at kahit na dehado si Lucky nung time na yun, bawing bawi naman siya dahil pikon na pikon naman yung negrang yun sa sagutan nila.

Sabagay looks pa lang ni bakla pamatay na, kaso sablay lang dahil parang tomboy siyang kumilos, sinapawan yung angas ko. Oo, tomboy nga ako kung yun ang iniisip mo, pero bisexual ako yun ang gender preference ko. Boyish ako kumilos pero hindi ako yung butch type. Nagdadamit ako kung saaan ako komportable at yung ang gender identity ko. Simple pero ROCK!

Parang si Lucky simple lang ang datingan, messy look pero ang astig tingnan dahil kahit simple lang ang suot mukha paring astig dahil magaling siyang magdala ng sarili. Yan ang unang nagustuhan ko sa kanya kasi pareho kaming pa simple pero astigin. Ang kakaibang napapansin ko lang sa kanya ay ang lungkot ng mga mata niya kapag tinitingnan ko siya. Madalas kasing blangko ang expression niya, pero sa tuwing ngingiti naman siya mapapansin mo rin yung kakaibang kinang ng mga mata niya at alam mong masaya siya.

"There's more to this than meets the eye. I think Lucky is not who we think he is.

"There must be more to him, or else why would he be interested in him?"

*** F L A S H B A C K ***

"L-Lucky." Napalingon ako at nakita ko si Kenneth na lumapit sa amin.

"Kuha lang ako ng tubig sa mesa Ytchee.." at nginitan ako bago tumalikod at hindi man lang sumulyap kay Kenneth.

"Pakyu ka ulol anong, I'm perfectly fine? MUKHA MO!!!" malakas na sigaw ko sa kanya habang papalayo. Alam kong nag inaarte siya ngayon dahil napikon siya kay Kenneth kanina habang nag aasaran sila.

"Ikaw namang lalaki ka sa dinami dami naman kasi ng pwede mong sasabihin yun pa naisip mong ikuda!" Singhal ko dahil sa inis ko sa kanya.

"I didn't mean it that way, you know that." Mahinang sambit niya at nakanguso.

"How will i know that, aber? Hirap kasi sayo.." inambaan ko siya ng konyat at napayuko siya na parang natatawa.

"Puro ka kasi pa pogi pero walang laman yang kukote mo!"

"Counter attack ko lang yun sa sinabi niya kanina, siyempre na insulto ang pagkalalake ko sa sinabi niya."

"So dapat i-insultuhin mo rin siya ganun? Alam mo naman kaming mga miyembro ng ikatlong lahi may pagkamadamdamin kami lalo't kung ang kasarian na namin ang iniinsulto niyo." Mahabang litanya ko.

"That's why i feel so sorry okay, i know what i've said was over the top. Please tulungan mo nalang ako kung paano ako makikipagbati sa kanya." Tinaasan ko siya ng kilay.

'Ngayon kailangan mo ng tulong ko payatot ka!'

"Huwag ka sa akin magpaliwanag dun sa kanya!!" turo ko sa direksiyon nila Lucky. "Dun para paglapit mo palang i-itcha ka niya sa kalsada!" pananakot ko sa kanya at biglang nanalaki ang mga mata niya.

"Grabe ka naman, kidding aside Ytchee, will you please help me?" nakita ko naman yung sincerity niya.

Napanganga ako ng bahagya sa naririnig ko sa kanya. Hindi lang ako makapaniwala dahil hindi ito ang Kenneth na kilala ko. Si Kenneth na sinasamba ng mga malalantong na students ng Carlisle gustong mag sorry sa baklitang si Lucky?

'NO WAY HIGHWAY!'

"P-Please?"

"O-Okay fine. Madali lang naman kausap yan si Lucky. Just be yourself and be honest. Walang maraming pasikot sikot. Sabihin mo lang kung anong nararamdaman mo. Impromtu! Ganern!"

"Okay. Just be yourself and be honest." mahinang bulong niya sa sarili niya na parang kinakabisado yung sinabi ko.

'Parang tanga to. Trip niya ba si Lucky?'

"That's it?"

"Gusto mo maghubad ka rin sa harap niya. Ayy! sigurado papatatawarin ka niya hindi mo na kailangang magsalita pa." natatawang biro ko sa kanya.

"P-Pag ginawa ko yun m-mapapatawad n-niya na a-ako?" nauutal na tanong niya at napapalunok.

"Funny ka noh?" seryosong sagot ko sa kanya.

"Alam ko na yan FUNNY-WALAIN!" at hinampas ako sa braso at ngumiti ng napaka pogi.

"Alam mo naman pala eh, eh bakit naniniwala ka pa?"

"Ikaw naman kasi seryosong usapan hahaluan mo ng kalukohan." Napakamot siya sa ulo.

'Pasalamat ka mas naunan kitang naging kaibigan kesa kay Lucky.'

"So hindi na ako maghuhubad?" inosenteng tanong niya ULIT. Kulit nitong payatot na to.

"Naku huwag na huwag kang maghuhubad sa harap niya baka gawin niyang pang gatong yang kalansay mo! Naku sayang yang kagwapuhan mong matagal munang pinaka iingat ingatan!" sigaw ko sa kanta at bigla siyang natawa.

"Thank you. Sige mamaya sa bus kakausapin ko siya." Mukha ngang desidido na siyang kausapin si Lucky mamaya.

"Pwede bang magtanong?" lapit ko sa kanya.

"What is it?" lumapit siya sa akin ng kaunti.

"Trip mo si Lucky noh?" mahinang bulong ko sa tenga niya.

"W-WHAAATT?" malakas na sagot niya buti natakpan ko agad ang kanang tenga ko. Sakit!

"Huwag mo akong ma what what what Kenneth, halatang halata ka na! Kanina habang kumakain tayo sa karinderya bistadong bistado na kita hoy!"

"Tss, that's impossible." Iling niya sa akin.

"Sus, kaya pala nung sinabi niyang sa bus kanina na hindi ka niya hahayaang mamatay sa harap niya, kilig na kilig yang itlog mo!"

"Hoy ano ba yang pinag sasasabi mo!" tinakpan niya yung bibig ko.

"DON'T ME KENNETH! DON'T ME!" nagpumiglas ako.

"Enough Ytchee, that's a lie." Seryosong sagot niya.

"Eh nung sinabi niyang crush ka niya? Sauce, kakaiba yung ngiti mo dun, Pakyu Ninong mo!"

"Oh c'mon Ytchee, i'm exhausted."

"What else can i say, Lucky is a very lucky beki." Natatawang sagot ko at sinimangutan niya lang ako.

"Look i don't want you to think anything about me having some sort of feeling towards Lucky. Hindi yun tulad ng iniisip mo okay."

"Whatever Kenneth, halata kapa sa obvious, mas malinaw ka pa sa crystal clear kaya huwag na tayong maglokohan dito."

"Alright.H-he's driving me crazy okay, he's too stubborn, he's a walking magnet of unfortunates things when he's around.Siya ang exact definition ng salitang "MALAS." Dere-derechong paliwanang niya.

"He's just too Lucky sweety. Luck is not always about good fortune, but it also about failures as well. Both things are necessary to keep everything on balanced."

"Like YIN and YANG This principle is that all things exist as inseparable and contradictory opposites, for example female-male, dark-light and young-old and don't forget gay and lesbo." Natulala siya sa mga sinabi ko. I know sakit ko na talagang bigyan ng meaning ang lahat ng bagay na naririnig ko. Sigh.

"Sabihin na nating nakahanap ka lang ng katapat mo Kenneth Ang." napapangising tugon ko.

"I think so."

"Pero bakit parang madalas mainit ulo mo sa kanya?" nagtatakang tanong ko dahil yan yun ang obserbasyon ko sa kanila sa tuwing magkasama sila.

"I don't know. Maybe because he's the only person i allowed to cursed me, humiliate me, and shout at me right in front of my face. I didn't even know why i'd follow his orders and fetch him on his house this morning!" Naiinis sa sagot niya.

"That's because deep inside of you, you feel something for him too. And what ever it is hindi mo pa yan mapapangalanan ngayon."

"No Ytchee..He's out of my league.."

***E N D O F F L A S H B A C K***

Biglang nag vibrate yung phone ko.

"Ano kailangan mo?"

"Ang sungit mo naman!" Sagot ni Kenneth at natawa ako sa kanya.

"Akala ko ba inaantok kana?"

"Nawala antok ko eh, matutulog na ba kayo?"

"Kayo o siya?"

"Bakit may binanggit ba ako? Sabi ko kayo kako kung matutulog na kayo?"

"Sauce imbento mo! Nasa CR nag tu-toothbrush namaho ang hininga kaka kain kanina!"

"Ahhh--buti naman marunong siya mag toothbrush." Natatawang sagot niya.

"Sinong niloko mo, kunwari pa tong payatot na to. Bakit ka napatawag? Namiss mo?"

"Baliw, kung na miss ko siya dapat siya na tinawagan ko." Pagsusungit niya.

"Bakit alam mo ba number niya?" panunukso ko.

"Hindi!" inis na sagot niya.

"Gusto mo i-forward ko sayo?" Panunukso ko.

"Bahala ka, hindi ko naman siya ite-text eh."

"UTOT MO BILOG!"

"Tumawag lang ako para mag thank you okay, dami mong sinasabi."

"Eh di your welcome! Anything else ser?"

"Ang sungit sungit mo!"

"Eh papano ang hina hina mo! Mas mabagal kapa sa pagong na lumpo!"

"Baliw may pagong bang lumpo?"

"Ayan naniwala ka naman agad! Naku pasalamat ka gwapo ka payatot!" Mahinang bulong ko sa cellphone ko.

"Ang ingay ingay mo, sino na naman yang kausap mo? Dyowa? " biglang singit ni Lucky at dinikit ang tenga niya sa cellphone na nakapatong sa tenga ko.

"Kapatid kong lalaki, bunso yan batiin mo ng good night, dali!!" Inabot ko sa kanya ang cellphone ko.

"Hi, I'm Lucky good night baby brother!" Masayang sagot ni Lucky sa kausap ko at saka binalik sa kin yung cellphone ng nakangiti.

"Ang sweet naman ng brother mo." Sambit ni Lucky paghiga niya sa tabi ko.

"Gwapo din yan, gusto mo i-reto kita sa kapatid ko?" biro ko sa kanya at narinig kong tumawa si Kenneth sa kabilang linya.

"Huwag na may nililigawan na ako. Kahit na saksakan ng panget ang pag uugali at itchura nun mas gusto ko yun. " sabay tawa ng malakas.

"Ang kapal ng mukha niya sinong saksakan ng panget ang pag uugali at itchura?" napipikong komento niya ng marinig ang sinabi ni Lucky.

"Sus, feeling mo naman ikaw ang tinutukoy niya?"

"Bakit may alam ka bang ibang nililigawan niya bukod sa akin?" mayabang na tanong niya.

"Wala! Feelingero ka lang talaga."

"Psh, See. That's me."

"Sauce meh, Ano masaya kana niyan? May bonus ka pang good night, ano sinagot mo?"

"Siraulo ka talaga, siyempre good night din! Kinabahan ako dun ah." Mukhang tuwang tuwa ang loko.

"Kinilig na naman yang tumbong mo!!"

"Adik ka, ang ganda pala ng boses niya sa phone, parang babae."

"Siyempre, anong gusto mo maging kaboses niya si Big Brother sa PBB House."

"Ewan ko sayo matutulog na ko wala kang kwentang kausap. Good night!"

"Luh, kinilig lang siya nag paalam na. Wala ka pala eh." Pang aasar ko sa kanya.

"Bawi ako next time."

"Pakyu, wala ka ng next time. NGANGAH ka!"

"Lagot ka sakin bukas!"

"Have a nightmare!" At narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

Bading, kalalaking tao kinilig na sa good night, kadiri ampota!

LUCKY'S POV

Bago ako matulog kagabe nag set ako ng alarm ng quarter to 5:00AM, kaya kahit tamad na tamad akong bumangon dahil sa lamig pinilit ko paring tumayo sa kama. Pumasok ako banyo at nag toothbrush. Nag ayos ng kaunti. Kailangan kong mag jogging, mag exercise at magpapawis. Nagpalit lang ako ng Jogger pants, t-shirt at nag suot ng jacket. Nagulat ako dahil paglabas ko ng CR nakaupo na si Ytchee sa kama habang nagkakamot ng mata at humihikab.

"Saan ka pupunta?"

"Magpapa pawis sa labas sama ka?" Yaya ko sa kanya.

"Oo sama ko, saglit maghihilamos lang ako at magbibihis." Kumuha siya ng pamalit at pumasok sa banyo. After 5 minutes naka ayos narin siya at may binasa lang na text sa cellphone at mabilis din itong ipinasok sa bulsa ng jacket niya.

"Paano yang dalawa?" Turo niya kela Andi at Marlon na kasalukuyang nagpapaligsahan ng hilik sa kama.

"Nag iwan na ako ng note sa tabi ng lampshade."

"Nice. Tara na para pagpawisan ang kilikili ko nagyeyelo na eh." Natatawang biro niya. Abnoy!

Pagbaba namin ng lobby ng hotel nagulat ako dahil marami din sa mga ka schoolmates namin ang nakagayak para mag jogging ng ganito ka aga. Akala ko kasi kaming dalawa lang ni Ytchee ang makakaisip na tumakbo sa labas kabila ng malamig na klima sa Baguio. Paglabas namin ng hotel nag stretching at nag warm up muna kami ni Ytchee bago namin simulan ang pagtakbo.

"Hey, can i join you?" Paglingon ko nakita ko si Kenneth na nakatayo sa likod namin. Nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng Adidas jacket niya, may suot itong gray bonnet na lalong na emphasize ang kagwapuhan niya. Naka black Adidad sweat pants, at pinarisan ng white na Adidas running shoes. Ang gwapo naman ng breakfast ko.

"Oi, aga ang natin ahh?" Lapit ni Ytchee at nag high five sila.

"Good morning!" Bati niya sa akin paglapit. Kumunot ang noo ko nung marinig ko ang pagbati niya.

'Hala, kaboses niya yung baby brother ni Ytchee. Biglang nanlaki yung mata ko sa naala!'

"Lucky, Good Morning daw!" Sigaw ni Ytchee.

"Narinig ko baliw!" Inirapan ko siya.

"G-Good Morning din." Matipid na sagot ko at ngumiti lang siya.

Nag simula kaming tumakbo papalabas ng The Manor Hotel. Almost 45 minutes na kaming nag-iikot ng Camp John Hay Picnic grounds saka kami nakaramdam ng pagod. Dumarami narin ang mga taong tumatakbo sa area kaya lakad takbo na lang ginagawa naming tatlo. Nakita din namin yung ibang mga ka-schoolmates namin na imbes mag jogging, humihinto sa bawat madaan para mag selfie at groufie. Juice meh!

"TAHOOOOOOOO!!" Malakas na sigaw ng mamang naglalako ng taho.

"Lucky, taho paborito mo oh!" turo ni Ytchee kaya napahinto kaming tatlo at inantay ang mamang naglalako na dumaan sa harap namin.

"Magandang umaga po, magkano po yung taho?" Magalang na tanong ko sa tindero.

"Twenty five ho ma'am!" Ngiting tugon ng matanda.

"Taray ma'am daw." Bulong ni Ytchee sa tenga ko at sinabayan mahinang tawa.

"Gusto mo?" Alok ko kay Kenneth at tumango lang siya.

"Tatlo po manong!" sambit ko.

Binuksan niya yung lalagyan ng taho at nagulat kami ni Ytchee dahil sa kakaibang kulay ng arnibal ang inilalagay ng mamang tindero sa cup namin.

"Ay sosyal PINK!" Tumawa si Ytchee.

"Strawberry Taho ma'am." Tugon ni manong.

"Yung isa po pa extra ng sago." Nakangiting request ko at ngumiti lang si Manong. Nagbayad na ako ng 100 pesos. Pag alis ng tindero naglakad kami ng kaunti para maghanap ng mauupuan sa park habang umiinum ng Strawberry Flavor na taho na mainit init pa. Yummy!!

"Ang sarap pala nito!" Biglang tumayo si Ytchee at hinabol yung mamang naglalako ng taho.

"Manong! Pabili pa po ng isa!" malakas na sigaw niya habang tumatakbo.

"Tsk tsk, Yan droga pa more!" Mahinang sambit ko at narinig kong tumawa si Kenneth sa tabi ko.

"Bakit?" tinaasan ko siay ng kilay.

"Ang harsh mo, droga talaga?!" Nakangiting tanong niya. Napailing lang ako at bigla akong naisip na napaka gandang idea.

*EVIL LAUGH!*

"Si Wesley ba't di mo sinama?" pag iiba ko ng usapan.

"Tulog pa tamad yun bumangon kapag ganito ka aga." Matipid na sagot niya.

"Buti ikaw masipag ka?"

"Tss, sanay na ako."

"Dapat nag doble ka na din ng jacket mamaya mag crack yang buto mo sa lamig lagot ka." Saka ako tumawa.

"Kahit payat ako malakas to hoy!!" Mayabang na sagot niya at sinundan ng tingin si Ytchee.

Humigop ako ng sago sa straw at sinumpit ko siya sa mukha.

"W-What the hell?" Lingon niya sa paligid at nagkunwari akong walang alam at tumingin ako sa malayo.

Sumandal siya sa inuupuan naming kahoy na bench at parang may iniisip na malalim. Kaya sumipsip ulit ako ng sago at sinumpit ko ulit siya sa mukha. Kaso bigla siyang lumingon kaya sumaktong tumama sa mukha niya yung limang sago at dumukit sa mukha niya.

"Hala, anyare sa mukha? Bakit may sago?" Ignoranteng tanong ko pero trinaydor ako ng bibig ko at napatawa ako ng malakas sa harap niya.

"SIRAULO KA TALAGA!" bigla niyang nilapag yung iniinum niya sa tabi niya. Bigla niya akong hinila niya papalapit sa kanya at inipit niya ang ulo ko sa pagitan ng kili kili at dibdib niya. Kini-kiskis niya sa ulo ko yung kamao niyang naka hugis o itsurang mangongotong. Ang sakit pala nun lalo kapag madiin. Ang hard nito magbigay ng parusa!

"Hahahahahaha!" malakas na tawa ko at halos isubsub ko yung ulo ko sa pagitan ng tagiliran at dibdib niya. Kaso masiyadong mahigpit yung pagkakaipit ng ulo at leeg ko sa braso niya.

"Ayy, bumili lang ako saglit ng Strawberry taho, nilanggam na ang buong Camp John Hay!" Biglang singit ni Ytchee at napahinto si Kenneth sa pang to-torture sa ulo ko pero hindi niya inalis yung braso sa leeg ko. Nag freeze lang kami dahil nagulat kami sa pagsulpot ni Ytchee.

"Hala anong nagyare sa mukha mo? Yan ba ang "BULUTONG BAGUIO?" at sinundan ni Ytchee ng nakaka malutong na tawa at sinabayan ko. Sa wakas binitawan niya rin ang ulo ko at umayos kami pareho ng upo.

"Adik, kasi tong si Lucky pinag ti-tripan na naman ako." Reklamo niya habang tinatanggal ang sago sa mukha at jacket niya.

"Sweet naman man trip ng kaibigan ko." Panunukso ni Ytchee kaya sinupit ko rin siya ng sago at mabilis na dumikit sa noo niya.

"LABANAN NA TO!" malakas na sigaw niya.

Bigla akong tumayo at lumayo sa kanilang dalawa. Pumuwesto ako sa isang wooden bench sa kabilang side ng daan na katapat ng bench namin.

Dun nag simula ang kaunaunhang digmaan/sumpitan ng sago sa Camp John Hay.

Dahil mag isa lang ako at dalawa sila mabilis naubos nag bala ko. Nagtaas na ako ng dalawang kamay bilang pag suko. Sa pagod namin kakatawa habang nag susumpitan ng sago sabay sabay kaming na upong tatlo sa bench.

"HAHAHAHAHAHA" sabay sabay ulit kaming tumawa na parang mga tanga.

"Kaya pala nag pa extra sago tong si Lucky kanina may masama na palang balak." Si Kenneth habang nag tatanggal ng mga dumikit na sago sa jacket niya.

"Buti nalang mautak ako at bumili pa ako ng isa." Tuwang tuwang sagot ni Ytchee.

"Ang dadaya niyo, wala na akong bala tapos dalawa pa kayong kalaban ko." nakangusong sagot ko sa kanila.

"Kasalanan mo ikaw nakaisip niyan eh." Nakangiting sagot ni Kenneth.

"May sago ka pa sa mukha." Bigla kong kinuha yung sagong nakadikit malapit sa labi niya at pinitik ko yun papalayo. Nakita kong nagulat si Kenneth sa ginawa ko dahil biglang nanlaki yung singkit niyang mga mata at tinitigan ako.

"Thanks.." Mahinang sabi niya. Tumango lang ako.

"May baon kang sigarilyo? Yosi tayo." Singit ni Ytchee.

"Of course boy scout ata to!" inabot ko yung isang kaha ng sigarilyo at lighter sa kanya.

"Lipat ka dito sa tabi ko mauusukan ka diyan sa gitna."

"H-Huh?" Naka tulalang sagot niya sakin. Hindi siya kumilos kaya ako na ang tumayo at pinausog ko siya sa pwesto ko at tumabi ako kay Ytchee.

"Aga aga tulala. Rugby pa more!" Sambit ko bago umupo at kinutusan ako ni Kenneth ng mahina sa ulo.

"A-ARAY!" Napakamot ako ng ulo at tumawa naman si Ytchee.

"Okay lang yan sa una na magsakitan kayo, basta sa huli magmamahalan kayo." sabi ni Ytchee habang bumubuga ng usok. Pareho kaming napanganga ni Kenneth sa sinabi niya at parang nabasa niya agad yung iniisip ko.

Magkasabay naming tumayo sabay naming kinonyatan si Ytchee na nagulat at biglang napabuga ng usok. Sabay kaming tumakbo ni Kenneth habang tumatawa papalayo kay Ytchee.

"MGA HAYUP NA TO! BUMALIK KAYO DITO PAGBUBUHULIN KO KAYO!" malakas na sigaw niya sa amin habang nangangamot ng ulo.

KENNETH'S POV

"Lucky, tatawagan ko na lang sina Andi para sabay sabay na tayong mag breakfast, tinatamad na akong umakyat sa taas eh." Si Ytchee habang nag da-dial sa cellphone at nakatingin kay Lucky.

"Ikaw, tawagan mo nadin kaya si Wesley para sabay sabay na tayong lahat mag breakfast." Humarap siya sa akin habang nagsasalita.

"S-Sure." Sabi ko nalang at tinawagan ko si Wesley at sinagot niya after ng pang limang ring.

"H-Hello?" Antok na antok na sagot ni Wesley.

"Bumangon kana, sabay na tayong mag breakfast kela Lucky."

"Si Lucky? Bakit nasan ka ba?" Nang banggitin ko ang pangalan ni Lucky bigla nagising ang loko.

"Kasama ko sila ni Ytchee nag jogging kami kanina sa park around 5:30AM."

"W-What? Magkasama kayo kanina pa?" gulat na tanong niya sa kabilang linya.

"Magkasama sila ni Ytchee sumabay lang ako sa kanila."

"Ang daya mo bro!" parang batang reklamo niya.

"Drama mo, oh ito kausapin mo siya.." inabot ko yung cellphone ko kay Lucky at parang nagulat siya.

"Sino yan?" inosenteng tanong niya habang inaabot ko yung cellphone sa kanya.

"Si Wesley kausapin mo, pababain mo para sumabay sa atin."

"Hello, si Lucky to bumaba ka dito, hawak ko ang buhay buong pamilya mo." Nakangiting sagot niya at tumawa ng malakas.

'Siraulo!'

"Good morning din sayo! Oo sa susunod sumama kana. Ikutin natin ang buong Baguio kakatakbo hanggang malumpo ka!" sagot niya at napailing siya at tumawa ng malakas si Ytchee sa narinig.

'Magkaibigan nga sila parehong malakas mang trip eh. Tch!'

"Oh, bababa na raw siya." Inabot niya pabalik yung cellphone ko.

"Sila Andi pababa nadin daw magbibihis lang." Sabat ni Ytchee.

"Tara mauna dun na natin sila antayin sa loob nagwawala na yung tiyan ko eh." Nakasimangot na sabi ni Lucky.

"Mukha nga mukhang mananakit kana kapag nagtagal pa tayo dito." Napapailing na sagot ko. Kaya naglakad na kami papasok ng Le Chef restaurant. Pagpasok naming tatlo bumungad agad ang mabangong food na nakahain sa buffet table sa gitna ng restaurant at magiliw kaming binati ng mga staff nila.

Sabay na kaming tatlo kumuha ng food habang inaantay yung ibang mga kasama namin. Nasa buffet area na din ang ibang mga schoolmates namin at ibang teachers para mag breakfast.

"Oh dahan dahan sa pagkuha ng pagkaen dika mauubusan." Saway ko kay Lucky dahil halos mapupuno na ang dalawang platong dala niya. Paglingon ko ganun din pala si Ytchee na parang nagpapaligsahan sila sa dami ng laman ng plato.

"Kuya may maple syrup kayo? Bitin yung nasa lagayan eh." Tanong ni Lucky sa staff.

"Meron po ma'am, wait lang po refill ko lang in a minute." Nakangiting tugon ng staff.

"Ayos yan kuya!" Nag high five yung dalawa habang nag aantay.

"Ang tatakaw niyong dalawa, may alaga ba kayong sawa sa mga tiyan niyo?" Naka ngiwing tanong mo pag alis ng staff.

"A-NA-CON-DA, kakainin lang ang kawawang sawa na sinasabi mo." Maangas na sagot ni Lucky.

"That's insane.."

"Ikaw papayat ka lang maganda yan, para paghumangin ilipad ka sa malayo." Natatawang sagot niya habang namimili pa ng pagkaing ilalagay sa plato niya.

"That's enough Lucky, baka hindi kana matunawan sa dami ng pagkain sa plato mo." Saway ko sa kanya.

"Naks concern sa ka loveteam! Maganda yan matibay na pundasiyon yan sa hinaharap!" pang aasar ni Ytchee.

"Shut up!" Mahinang bulong ko at pinandilatan ko siya.

"OWWKEEY!" natatawang sagot niya. Pagbalik ng staff dala yung maple syrup naghanap kaming tatlo ng table sa dining area. Nakahanap kami agad at sabay sabay kaming naupo.

"Good Morning!" Bungad ni Wesley sa tabi ni Lucky at halos mapunit ang labi niya sa pagkakangiti kay Lucky.

"Good morning handsome!" Bati niya sa pinsan ko at gumanti din ng ngiti.

"Kumuha ka na ng food Wesley, habang wala pang pila." Si Ytchee.

"Huwag na share na lang tayo sa food ko marami akong kinuha oh." Nakangusong turo niya sa dalawang plato sa harap niya.

"Talaga share tayo? Ang sweet mo pala kapag umaga Lucky, i like it!" masayang sagot ni Wesley.

"Here, ito nalang gamitin mo kukuha ako ng bago." Alok niya sa spoon at fork niya at tumayo.

"Sama ako kukuha din ako ng coffee para sa ating dalawa." at tumayo silang dalawa at naglakad pabalik sa buffet area.

"Ano ka ngayon?" bungad ni Ytchee.

"What?"

"NGANGA?" at bigla siyang tumawa.

"Don't worry pagdating ni Andi sabihin ko subuan ka niya para ganahan kang kumaen." Hindi parin siya tumigil sa pang aasar.

"Shut up Ytchee you're not funny." iritabling sagot ko.

I don't know what happen pero nagbago bigla yung mood ko. Hindi ko alam kong bakit ako biglang nagkakaganito kanina naman masaya pa kaming tatlo sa park at nag kakantiyawan.

Mood swings. Lakas maka bading. Sigh.

Bumalik nadin sa table si Wesley at Lucky at may dala silang apat na mug ng umuusok na coffee. Habang kumakaen kami panay kwentuhan ng tatlo at nakikinig lang ako. Wala akong ganang sumali kahit na alam ko ang pinag uusapan nila. Kinuwento kasi ni Lucky kay Wesley yung Sago War namin kanina sa park at tawa sila ng tawa.

"Sayang hindi ako nakasama sana may kakampi ka kanina. Sa susunod sasama na akp promise!" Masiglang sagot ni Wesley. Psh, sa himbing mong matulog malabo yang sinasabi mo.

Pinanuod ko lang kung paanong mag pa cute si Wesley habang nag si-share sila sa pagkaen ni Lucky.

'Kaya pala dinamihan kasi may pagbibigyan. Tsk tsk tsk.'

"Try mo to masarap.." Alok niya ng pancake kay Wesley. At sinubuan niya ito. Nagkatinginan kami ni Ytchee pero mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Ang sarap. One more please." Nakangiting hirit ni Wesley. Sinubuan siya ulit ni Lucky ng pancake galing sa plato niya.

"Yan ang sweetness early in the morning!" Napalingon kami sa bagong dating na si Andi at Marlon.

"Trulalu, mas matamis pa sa maple syrup ng pancake ko." Natatawang sabat ni Marlon at nilapag ang mga food sa table namin.

Umupo si Marlon tabi ko at sa tabi naman ni Ytchee umupo si Andi.

"Anong ganap bakit nag marathon kayo. Hindi man lang nag aya nakakasama ng loob." Nagtatampong sabi ni Andi.

"Sinamahan ko lang si Lucky, tapos nakita lang namin si Kenneth kay sabay sabay na kaming nag jogging sa park."

"Sana ginising niyo manlang kami." Nakasimangot na sagot ni Marlon.

"Kwento mo sa mantikang tulog! Makahilik kayong dalawa ni Andi kanina parang may orchestra sa kwarto sa lakas niyong magsihilik." singhal ni Ytchee.

"Don't worry next time lahat na tayo, hindi din naman ako nakasama kanina kasi napahimbing ang tulog ko." alo ni Wesley sa dalawang bagong dating.

"10:00AM na daw ang call time mamaya. Ang balita ko ang mga activities daw ngayon are all about Team Work." Mahinang kwento ni Marlon kaya lahat kami napatingin sa gawi niya at nakinig sa kanya.

"Akala ko ba 11:00AM diba sabi kahapon after ng opening program?" Si Ytchee

"Ia-adjust daw ng mga organisers today, dahil after lunch magkakaroon din ng sariling team building ang per section at part pa rin daw yun ng program."

"Bakit biglang nagkaroon ng changes akala ko ba all set na yung schedule kahapon?" Nagtatakang tanong ni Wesley.

"Masiyado kasi tayong marami kung magsasabay sabay tayo sa isang place. So for today after ng activities back to original section muna ang lahat."

"So it means babalik kami ni Wesley sa section namin right after the activities." Pormal na sagot ko.

"Isang malaking check ng kulay violet na ballpen!" sagot ni Marlon.

"Ang sad naman akala ko naman makakasama namin kayo until the end." Malungkot na sambit ni Wesley.

"That's fine Wesley, for today lang naman yun. Bukas kasama na ulit namin kayo." Mahinang bulong ni Lucky sa pinsan ko.

"Ayoko gusto ko kasama kita the whole day!" Parang batang sagot niya kay Lucky.

'Tss, sandali lang naman hindi makakasama kung maka arte parang hindi sila magkikita.'

"Ang sweet naman ni Wesley kay Lucky!" Kinikilig na singit ni Andi.

"Siyempre naman sinusulit ko lang yung time na magkasama kami. He he he"

Sagot niya at nangamot ng ulo napailing naman si Lucky.

"May balita kaba kung anong game mamaya?" Excited na tanong ni Ytchee.

"Meron..."

"AYYYYYY! ANO DALI I-CHIKKA MO!" Sigaw ni Andi at nagulat kaming lahat. May mga schoolmates kaming lumingon sa table namin.

"Huwag kang OA!" Saway ni Lucky.

"Parang magiging Race yung activities ngayon. May Catterpillar, Magic shoes at yung isa hindi ko alam ang name parang may extreme obstacle course keme ganern.."

"Exciting! Buti na lang nakapag warm up na ako kanina!" Napatayong sambit ni Ytchee at napasuntok pa sa ere.

"Sa obstacle course 7 students kailangan, sa Caterpillar 10 at sa Magic shoes 10 students din."

"Diyan masusubukan ang team work natin kasi mahirap manalo kung wala tayong cooperation." mahinang sagot ni Lucky.

"Sa aarte ng mga classmate natin mukhang mahihirapan tayo niyan."

"May naiisip ka bang idea Ytchee?" singit ni Lucky habang umiinum ng coffee.

"Wala pa eh.."

"Ako ang bahala ide-divide natin ng maayos ang mga classmates natin para siguradong sure win tayo. Okay ba yun?" naka ngiting tanong ni Marlon at lahat naman kami sumang ayon sa suggestion niya.

"DEAL!!" Sabay sabay kaming nag toss ng coffee mug sa ere.

"L-Lucky." sabay sabay kaming napalingon dun sa tumawag ng pangalan niya.

"Hey, Justin!" bigla siyang tumayo at nilapitan yung koreanong kinaiinisan ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina eh." At niyakap niya si Lucky sa harap naming lahat.

"Psh. Sino naman 'to?" singahal ni Wesley habang nakatingin sa kanila.

"Si Justin Kwon di mo kilala?" nagtatakang tanong ni Marlon.

"Who care's, bakit feeling close siya kay Lucky?" kunot noong tanong niya ulit.

"Magkakilala sila ni Lucky, if i'm not mistaken nagkasabay sila one time mag commute papasok ng Carlisle."

"Mag commute bakit wala ba siyang kotse? If i know sinasadya niya yun.." asar na sagot niya.

"C'mon don't be jealous." Natatawang singit ni Ytchee.

"Ang aga aga kasi nang-iistorbo, kumakain yung tao eh.." mahinang bulong ni Wesley habang nakatingin sa dalawa na abalang nag uusap.

'Tss seloso..'

"Mukhang close sila ni Lucky ah?" Si Ytchee.

"Oo, seshie close friend sila bakit may plano kang kumontra ka?" sagit ni Andi at nginiwian lang siya nito.

"Hindi nagulat lang ako.. Itong mag pinsan tapos ngayon si Justin Kwon? Wow." Hindi makapaniwalang sagot niya.

'Sabihin mo lalakero siya.'

"Well, bukod sa magnet ng kamalasan yang batang yan, magnet din yan ng mga kalalakihan!" at sabay na tumawa si Andi at Marlon.

"Mukha ka nga eh." Sabat ko at napalingon sa akin si Ytchee at pinandilatan ko siya.

"Kapag naglalakad nga kami sa campus minsan agaw pansin yan si Lucky eh. Kaya ayun galit na galit yung mga babae sa kanya kasi mas pinapansin pa siya kesa sa kanila. Ha ha ha" maiklingkwento ni Marlon.

'Well, narinig ko na ding pinagkwentuhan siya minsan boys locker room one time after practice dahil sa galing niya mag volleyball may nakapanuod kasing mga ka team ko ng game nila. Well, mostly yung legs niya yung topic nila.'

"Lucky, bumalik kana dito hindi ka pa tapos kumain." Tawag ni Wesley kay Lucky na mukhang nag e-enjoy pa sa kausap.

"Sandali lang." Kaway niya kay Wesley at ng humarap siya sa amin halatang na badtrip siya.

"Seloso ka pala Wesley." Natatawang sabi ni Marlon.

"H-Huh? Hindi ah masama kasi yung iniiwan ang pagkaen sa mesa." Pormal na sagot niya at tumuloy sa pagkain.

"Don't worry ganyan talaga yan si Lucky sa lahat super friendly kasi yan." Ngiting sagot ni Andi.

"Pero infairness bagay sila ni Justin Kwon, ano ses?" si Marlon habang nakatingin kay Andi.

'Oo, bagay nga sila pareho silang may saltik sa utak.'

Sinubukan kong makinig sa pinaguusapan nila Lucky at Justin dahil nasa likod ko lang sila.

'Tsk, kaya ka nasasabihan ng tsismoso eh.'

"Nakikita mo na pala ako kahapon, bakit hindi mo man lang ako nilapitan?" si Lucky.

"Nahihiya kasi ako sa mga kasama mo."

"Meron ka ba nun?" sabay silang natawa sa sinabi niya.

"Akala ko nga talaga hindi ka sumama dito eh." Nakangusong sagot niya. "Tapos nung narinig kong tinawag yung pangalan mo akala ko mali ang yung dinig ko. Grabe ka pala kumanta idol na kita Lucky!" Parang batang kwento niya.

"Tsamba lang yun." Naiilang na sagot niya.

"Grabe ka naman tsumamba pang American Idol!"

"Lucky! Mauubos ko na yung food mo, mamaya kana makipag kwentuhan." Napipikang tawag ng pinsan ko at gusto kong tumawa ng malakas dahil mukhang ubos na ang pasensiya niya.

"Psh, binabakuran kana ng mag pinsang yan ah. Mukhang mahihirapan na akong lapitan ka sa susunod.." Mahinang bulong niya bago tumawa.

"Eh di mag over the bakod ka. Ha ha" sagot ni Lucky. "Sige na kumain kana see you around Mr. Kwon!" nakangiting paalam niya.

'Over the bakod? WTF?'

"I guess i see you around Ms. Gorgeous!" at pinang gigilan ni Justin yung pisngi niya bago nagpaalam at bumalik na si Lucky sa mesa at tumuloy ulit sa pagkain.

"Ang aga naman manligaw ng Koreanong yun?" bungad ni Ytchee pag upo ni Lucky at sinipat niya ako pero iniwasan ko agad ang tingin niya.

"Sira, nangamusta lang akala niya kasi hindi ako sumama dito." Nakangiting sagot niya.

"Ahh. May gusto ba sayo yun?" prangkang tanong ni Ytchee at biglang naubo si Lucky. As usual mabilis siyang inabutan ng tubig ni Wesley. Kawawanag bata may karibal na agad.

"Ang ganda ganda ko naman?" sarkastikong sagot niya.

"Oo naman kumapara sa dalawang to mas maganda ka talaga." At bigla siyang kinonyatan ni Andi.

"Daming sinasabi nandadamay ka pa!" singhal ni Andi sa kanya.

"Joke lang." Naalala ko tuloy yung sinabi ni Lucky about jokes. Joke is half meant.

Well, totoo naman sa case nila dahil kung pagtatabi tabihin silang apat angat talaga si Lucky sa kanila. There's something about him, his irresistable charm towards other people, he has what they call "x-factor". Well, best example diyan yung advisor nila si Sir Adam Villanueva. Lalaki din ako kaya alam kong hindi siya nakaligtas sa charm ni Lucky. But he's too old for him. Eww!

"So anong relasyon niyo ni Justin?" hindi pa rin sumusuko si Ytchee sa pang iintriga.

"Relasiyon? Kumaen ka na nga lang Ytchee sasapakin kita dami mong kuda ang aga aga!" naiinis na sagot ni Lucky.

"Tantanan mo na yan si Inday Lucky dahil allergic na yan sa relationship." Pagtatanggol ni Andi at pinandilatan siya ni Lucky.

'Allergic sa relationship? Sabagay sa ginawa ng ex niya malamang ma trauma na siya.'

"Inday? Bakit Inday? Diba pang maid yun?" nagtatakang tanong ni Wesley at mabilis na sumagot si Ytchee.

"The word Inday does not mean housemaid insofar as Visayans are concerned. It has several gradations of meaning. Inday is a tender word which means, precious, dear, loved one. Parents call their girl children Inday because they are loved, whether they live in a hovel or mansion. When it is expressed with the proper intonation and inflection, Inday is the loveliest sound any girl can possibly listen to."

Napalingon kaming lahat sa kanya except Lucky na abalang kumakaen.

"This explains why Visayan girls who work as maids automatically answer "Inday" when they are asked about their names. They are only saying that in their homes, they are tenderly loved. Because many poor Visayan girls work as maids, the term Inday is often understood as referring to maids."

"Second, it is a term to describe friendship and affection. Thus, Visayan girls who are close friends tend to call each other "Day" in the same manner that Visayan boys call their close friends "Bay" or friend. "

"Wow.." napapito pa si Wesley sa dami ng sinasabi ni Ytchee.

"Third, Inday is a term used to indicate respect. When a Visayan addresses a woman he does not know, he calls her Inday. Its like saying Miss or Madam. When a man wants to introduce himself to a girl, he prefaces his spiel with " Inday...."

Napanganga kaming apat except Lucky na abala parin sa pagkain. Ewan ko bakit hindi pa ako masanay sa ganyang ugali niya pero minsan nakakagulat din kapag na umpisahan niyang magsalita na siya. Siguro kung ako ang may ganyang utak baka anytime sumabog na ako.

"O-Okay.." yun lang ang nasabi ni Wesley at napatingin kay Lucky.

"Well, Inday is a nice nickname. Inday Lucky is still cute." Mahinang bulong ni Wesley kay Lucky at tinawanan lang siya nito.

"Try niyong mag pari, hilig niyong mam binyag eh." Ngiwing tugon niya sa mga kaibigan niya.

"Inday Lucky is cool name though." Sang ayon ko kay Wesley.

"Oo naman "Dodong" mayabang na sagot niya.

"Ako si Dodong?" inis na sagot ko.

"Ha Ha Ha! Yun ang tawag namin ni Manang Loida sa driver namin eh." Malakas na tawa ni Wesley.

"Dodong, Bai are the male counterparts of Inday." Mabilis na sagot ni Ytchee at mabilis na nagtakip ng bibig.

"Shut up Wesley." Sinamaan ko siya ng tingin at napayuko lang siya.

"Guys, meron pa tayong almost 2 hours para mag prepare, Text na lang namin kayo Kenneth tapos kita na lang tayo later." Isa isa na kaming tumayo sa table.

"Saan ba ang venue ng mga activities later?" usisa ni Wesley.

"The Manor Garden Playground." Mabilis siyang luminga linga sa paligid kung may nakarinig sa kanya.

"What's wrong Marlon?" nagtatakang tanong ko.

"Baka kasi may makarinig sa atin, tayo pa lang kasi ang nakaka alam ng changes mamaya sa schedule. He he" kabadong sagot niya.

"Where do you get that information anyway." Tanong ko sa kanya at bigla siyang nagulat sa sinabi ko.

"We'll tell you guys about it some other time, bumalik na tayo sa mga suites natin maya maya lang mag aanounce na yan sila for sure." Sagot ni Marlon.

To be continued...