Chereads / Lucky Me / Chapter 40 - LUCKY FORTY

Chapter 40 - LUCKY FORTY

CHAPTER 40 – BAGUIO DAY 1

LUCKY'S POV

Pagbaba ko ng bus sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hanging Baguio. Ang sarap sa lungs, ang gaan sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin. Ang weird lang na maamoy ang paligid malayo sa amoy ng polluted na usok sa siyudad at nakaka excite ang amoy ng mga sariwang bulaklak uat mga puno't halaman sa paligid.

Napangiti ako sa ganda ng The Manor at Camp John Hay. World Class ang angking ganda ng hotel na ito sa Baguio. Para akong nakatanaw sa isang napakaganda at napakalaking painting at hindi matanggal ang mata ko sa ganda ng tanawin sa paligid nito. Napapalibutan din ng nagtataasang puno ng pine trees at makukulay na halaman at iba't ibang klaseng mga bulaklak ang hotel.

'Lord nasa langit na ba ako?'

"Hoy! Anong ngini-ngitingiti mo diyan para kang baliw, perstaym sa Baguio teh?" siniko ako ni Ytchee paglapit at kagaya ko namangha din siya sa habang nakatingin din sa kabuuan ng The Manor.

"Oo, first time ko rito. Parang ayoko tuloy ng bumalik sa Maynila." Natatawang sagot ko.

"Alam mo ba ang The Manor at Camp John Hay---" bigla kong tinakpan ang bibig niya para pigilan ang kung ano mang trivia o impormasyong tatagas sa bibig niya.

"Huwag ngayon sisirain mo yung pagmo-moment ko. Nasaan na si Ungas pasok na tayo ang lamig na dito sa labas eh." Lalo ata akong gininaw sa sinabi ko. GRRRRRR!

"Na miss mo agad? Aaway awayin tapos ngayon hahanap hanapin mo." pinandilatan ko siya at mahinang hinampas sa braso.

"Hinanap lang namiss na? Isa ka pa 'e pagbubuhulin ko kayo ng payatot na yun. Malapit na kayo buminggo sa akin Ytchee!" banta ko at sabay kaming napalingon dahil papalapit na si Kenneth. "Yung bibig mo!" paimpit na banta ko.

"Let's go? Nasa loob na ata silang lahat." At nagpalitan ang tingin niya sa amin ni Ytchee.

"Namiss ka agad nito ang tagal tagal mo! Naninigas na nipples ko sa lamig ang bagal bagal mo kalalaki mong tao!" Singhal ni Ytchee kay Kenneth bago kami nilayasan.

"Anong problema nun?" kunot noong tanong ni Kenneth pag alis ni Ytchee.

"Huwag mong pansinin masiyadong naalog utak nun ng maaksidente. Tara na sa loob giniginaw na ako eh." At sabay kaming naglakad papasok ng lobby.

Batch by batch ang pagpasok namin sa loob ng hotel according sa bus number o grupo na magkakasama para hindi kami mapuno sa lobby. At dahil kami ang huling bus kami rin ang huling pumasok sa hotel. Naunang lumapit si Kenneth at Ytchee sa mga kasama namin sa front desk. Naiwan ako sa gitna ng lobby at binubusog ko muna ang mga mata ko sa magagandang bagay na nakikita ko sa loob ng hotel.

Kung napa wow ako sa breath taking scenery sa labas ng hotel napanganga parin ako sa pagpasok namin sa loob. Wow! Para akong nasa loob ng isang palasyo, ilang ulet akong napalunok sa paghanga ako sa ganda at laki ng chandelier para akong batang aliw na aliw sa paligid ko. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako ngayon dahil lahat ng nakikita ko ay bago at maganda sa paningin ko.

Bumagay ang kulay brown na wall at floor ng hotel sa kulay berdeng view sa labas. Maraming fresh flowers ang naka display sa bawat sulok ng hotel. Napaka warmth ng mga ngiting sumalubong sa amin galing sa mga employee sa lobby.

Maharlika ang lugar na ito, hindi puchu-puchu ika nga ng mga bakla.

Yung ibang school mates namin walang humpay ang selfie at grufie sa loob at labas ng hotel. Kanya kanyang bitbit ng mono pod at maya't maya ang flash ng camera phones nila. May ilang students na nang abala pa ng employee na nagkalat sa lobby para magpa picture.

"I hope your enjoying the view." natatawang tanong ni SirAdam na ang gwapo gwapo sa scarf na nakapulupot sa maputing leeg niya.

"Oo naman tas dumagdag pa kayo ser, ano pang hahanapin ko? Ha ha ha!" napangiti siya ng todo at ginulo ang buhok ko.

"Loko ka mamaya may makarinig at maniwala sa sinabi mo. Sige na magpahinga muna kayo and see you guys at lunch dahil may opening ceremony tayo sa The Manor Hall at 12 noon." At tinapik ako sa balikat bago ako iniwang mag isa. Nakita kong kumakaway si Marlon at iwina-wagayway ang hawak na room key na may number na 309. Excited na hinila ko ang trolley bag ko papalapit sa kanila.

"Oh anong sabi ni Sir Adam, nakita naming nilapitan ka niya kanina seshie?" agad na usisa ni Andi.

"May opening ceremony daw sa The Manor Hall mamayang 12 noon huwag daw tayong papa late." Maikling kwento ko at ngumiwi ang nagmamantikang nguso niya.

"Ahhh-- akala ko ano na.." may pagdududang sabat ni Ytchee dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay. "Nakakapanibago lang maya't maya kasing lumalapit sayo si Ser Adam." dugtong niya pa.

"Psh! Don't worry sa susunod sasabihin ko na sa inyo na siya lumapit kapag may isang song number o competition pa siyang naiisip." sarkastikong sagot ko sa kanila. Ayokong pag isipan nila ng masama ang pagiging malapit namin ni Ser Adam.

"Ito naman hindi na mabiro!" biglang bawi ni Ytchee sabay tawa.

"Kapag ma stress yan si Lucky kayo ang isasalang ko sa singing competition!" duro ni Marlon kay Ytchee at Andres. Napailing nalang ako sa harap nilang tatlo.

"Guys!" biglang sulpot ni Wesley sa tabi ko at wala ni isa sa amin ang nakapagsalita sa pagkabigla. "May almost 2 hours pa tayo para magkapagpahinga. So see you all guys later?" lakas maka fresh ng ngiting yun ni Wesley habang pinapaikot ang susi sa daliri niya.

"Sige text text na lang kapag papunta na kayo sa Hall." sagot ni Ytchee at paulet ulet niyang sini-siko sa tagiliran ni Kenneth na mukhang naiinis na sa kanya.

"See you later, Lucky!" kumaway pa si Wesley sa akin habang paatras na naglalakad.

"Bye Lucky.." mahinang pahabol ni Kenneth pagtalikod ko. Hindi ko alam kung haharap ako o itutuloy ko na lang paglalakad ko. Sakto pagharap ko nakatingin parin siya kaya sumaludo lang ako. Pigil ang ngiting itinugon niya bago tumalikod at napairap lang ako dahil parang kiti kiting nangisay si Andres at Marlon sa nakita.

"Ewan ko sa inyo, pagbubuhulin ko kayo 'e." Singhal ko.

"Ang ganda mo ganda mo rin 'e... konting ingat baka maapakan niyo yung buhok ni Lucky ang haba haba." pang aasar ni Marlon. Muntik na akong mapatalon ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone ni Ytchee.

Con los terroristas

Tas, tas, tas, tas, tas, tas, tas

Tas, tas, tas, tas, tas

And do the Harlem Shake

(Shake), ey (shake)

Con los terroristas

Ey (shake), ey (shake)

Ey (shake), ey (shake)

Ey (shake), ey (shake)

At dahil inborn ang tagas namin apat sa ulo. Nagkanya kanya kami ng sayaw na parang mga siraulo sa lobby habang tumutunog ang Harlem Shake na ringtone ni Ytchee.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAH!" malakas na tawa ni Kenneth at Wesley habang pinapanuod kaming sumasayaw.

"GONZAGA! ARAULLO! BOLIVAR! TRINIDAD!" tawag ni Ser Adam sa mga apelyido namin at nag unahan kaming dumampot ng mga dala namin at tawa kami ng tawa habang papalapit sa elavator area.

Buti nalang wala na kaming ibang kasabay paakyat dahil ang dami naming bagaheng dala dala. Nag unahan namang lumabas sina Andi at Marlon pagbukas ng pinto ng elevator. Si Ytchee naman ang nagbukas ng pinto ng room namin dahil abala yung dalawang bakla sa pag se-selfie sa hallway kaya nauna kaming pumasok ng kwarto.

"Wow ang ganda ng suite natin!" Makalas na sigaw ni Ytchee pag pasok namin kasunod sila Andi.

Nag dive ako sa malaking kama na sobrang lambot at sobrang bango dahil sa amoy amoy flower scent na bed sheet. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. May dalawang malaking kama, 43 inches na flat screen TV at may minibar kami sa loob. Nasa mesa naman ang isang papel kung saan naka sulat ang wifi password ng hotel.

Nakabukas ang pinto ng CR na nangingintab sa linis at sa tabi ng kamang hinihigaan ko ang terrace ng may napakagandang view sa labas. Mabilis akong tumayo para makita ang view sa kinaroroonan ng suite namin. Malamig na hangin ang sumalubong sa mukha ko kaya napayakap ako sa sarili ko.

"I LOVE YOU BAGUIO!!!" Malakas na sigaw ko sa terrace at narinig kong tumawa sila Ytchee sa loob mg kwarto.

"Grabe ses, ito talaga ng pinaka masayang fieldtrip ko sa Carlisle." Si Marlon habang nakasandal ang mga braso sa terrace at nakatingin sa mga nagtataasang puno sa labas.

"Bakit anong pinagkaiba nito sa ibang field trip niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mas espesyal 'to kasi kayo ang mga kasama ko ngayon siyempre." At itinaas ang mga kamay at nag unat unat.

"Pakyu! If i know dahil dun sa mag pinsang kulugo kaya ka masaya ngayon."basag ko sa pag e-emote niya.

"Ay grabe siya...mapanghusga na pinalibutan lang ng dalawang gwapo!" nakatakip pa ng isang kamay sa bibig na parang hindi nakapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit, hindi totoo? Kaltukan kita Marlon sabihin mong hindi?" nilapitan ko siya napa atras siya ng kaunti.

"OO NA SIGE NA! PALIBHASA SYOTA MO NA SI KENNETH JAMES ANG KAYA KA NAGKAKAGANYAN!" sigaw niya at saka mabilis na tumakbo sa loob ng suite..

"HOY BAWIIN MO YUN!" Mabilis ko siyang hinabol sa loob ng kwarto.

"Bakit sa tingin mo hindi namin nahahalata?" natatawang sagot niya sa likod ni Andi na kasalukuyang nagsusuot na jacket.

"Siraulo babalikan ko nalang si Jasper kesa patulan yang payatot na yan!"

"Ayy, ganda ni seshie nag chu-chusi na ngayon!" natatawang sabat ni Andi.

"Doon na ako sa siguradong tahimik ang buhay ko. Kay Kenneth para akong kumuha ng bato na ipu-pukpok sa ulo ko." hindi ko alam kung bakit nagpapaliwanag pa ako. Feel ko lang. "And wait there's more, a-araw arawin pa akong ngangaragin ng mga Pink Girls! No.Fucking.Way." napipikang sagot ko kapag naaalala ko kung gaano sila kasakit sa mata.

"Pero kung hindi ganun ang sitwasiyon may chance ba kayo?" Singit ni Ytchee habang nakasandal sa table na kinalalagyan ng TV hawak ang iskandaloso niyang telepono.

"Malabong maging kami, yan ang malinaw. Period!" dahan dahan akong humiga sa kama. SARAP!

"MAMATEY?!" si Marlon na umupo na sa tabi ko.

"OO, MAKIRAMAY KA PA!"

"Okay, sinabi mo eh.." tinaasan ako ng kilay ni Ytchee na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Huwag na ngang pag usapan yan napipikon ako sa topic na yan eh." Tatayo sana ako ng biglang may kumatok sa pinto namin. Lumapit si Andi sa pinto para pagbuksan ang kauna unahang bisita namin. Bell boy lang yan. Dumapa ako sa kama para ma-relax ang utak ko at baka sakaling makalimutan ko ang mga pinag usapan naming apat kanina.

"Speaking of the very handsome devil..." Malanding bungad ni Andi sa bisita namin. "Pasukin mo ko.... este ang kwarto namin." Kinabahan ako ng marinig ko ang pamilyar at mahinang tawa ng taong bisita namin.

"Luis Manzano bumangon ka diyan may bisita tayo!" sigaw ni Andi na parang nasa kabilang kwarto ang layo ko. Walang kagana ganang napatihaya ako ng higa.

Una kong napansin ang kamay nitong nakasuksuk sa magkabilang bulsa ng pants niya. Kapansin pansin ang pag umbok ng cellphone nito sa bulsa at ang... nag slide sa tuyong lalamunan ko ang malagkit na laway ko ng tumama ang mata ko sa nakaumbok nitong harapan. Maygad! Bigla akong napabangon ng tumikhim si Kenneth sa tabi ni Ytchee.

"Oh Ungas.." patay malaisyang tawag ko at nakita kong nagkurutan sila Andi at Marlon kaya pinandilatan ko sila.

"U-Unlucky.." Natatawang sagot niya. At hindi na napigil nila Andi at Marlon ang kilig kaya naitulak nila si Ytchee papunta kay Kenneth at muntik na siyang ma out of balance.

"Bakit Unlucky? Dahil malas siya?" inosenteng tanong ni Ytchee. Oo nga pala hindi pa pala alam ni Ytchee ang buong kwento ng kamalasan ko.

"Sort of.. Ha ha ha!" mahinang tawa niya at ang pogi pogi niyang tingnan at parang gusto ko ng magkulong sa CR maghapon.

"Napadaan ka?" umayos ako ng upo sa kama at pinilit kong magpa casual sa harap nilang lahat.

"Wala naisip lang kitang daanan.." at mabilis nag iwas ng tingin.

"At siya lang talaga ang naisip mo 'e apat kaming nandito?!" singhal ni Ytchee na ikinangiti ni Kenneth.

"May itatanong lang kasi ako.."

"Gusto niyo bang lumabas muna kaming tatlo para makapag usap kayo?" usisa ni Ytchee at sinenyasan sina Andi at Marlon na tumayo.

"Hindi na kailangan sumaglet lang naman ako." nahihiyang sagot niya kay Ytchee.

"Don't tell me namiss mo agad si Lucky kaya ka nandito?" biro ni Marlon na ikinapula ng tenga ni Kenneth.

"Alam mo ba Marlon noon kasing ganda din ako ni Lucky kaso nahamugan lang ako." banat ni Andi na ikinangiwi ng nguso ni Ytchee..

"Ay akala ko nausog ka lang tapos hindi kana gumaling!! Hahahaha!" At nagtawanan kami sa sagot ni Marlon.

"Nasaan na nga pala si Ongapauco bakit hindi mo kasama?" Nagtatakang tanong ni Andi.

"Kausap sa Skype si Tita Sylvia kaya iniwan ko muna." Nakangiting sagot niya.

"Paano mo pala nalaman yung room number namin?" parang imbestigador na tanong Marlon.

"K-Kay Ytchee ka text ko kasi siya kanina wala kasi akong mapuntahang iba eh."

"Ahhhhh--" chorus ni Andres at Marlon.

"Tara sa terrace.." aya ko sabay tayo ko. "Dun tayo maingay maingay ang mga bibig nito baka di tayo magkarinigan." tumango lang siya sa mga kasama ko at nauna akong maglakad papunta sa terrace. "What's up?" bungad ko pagharap ko sa kanya.

"Wala naman gusto ko lang ulit mag sorry dun sa nangyari kanina nung nasa La Union tayo." naiilang na sagot niya.

"Forget it. Wala na yun, naka move on na ako."

"I know pero tumatak sa akin ang lahat ng sinabi mo kanina." Yumuko siya at napakapit ang ng mahigpit ang isang kamay sa terrace.

"Look, you caught me off guard back there kaya nakapag react ako ng ganun kanina."

"That's why i'm very sorry.. I've spent hours of thinking what I'm gonna say to you nung nasa bus pa tayo."

"Tapos anong naisip mo? E wala ka namang ibang sinabi ngayon kung hindi "I'm sorry." labas sa ilong na sagot ko. Akala ko nagkaayos na kami kanina. Ano na namang ine-emote nito ngayon?

"Wala nahirapan kasi ako mag isip." Napangiting sagot niya pa. "Ang sabi ni Ytchee sabihin ko lang yung nararamdaman ko kapag kaharap na kita. Yung Impromptu."

"So dahil kay Ytchee kung bakit ka nandito?"

"Of course not!" mabilis na tanggi niya. "Sa kanya lang ako huminge ng tulong hindi ko kasi alam ang sasabihin ko."

"Ganun din yun wala ka sa harap ko ngayon kundi dahil sa kanya." giit ko parin sa teorya ko.

"Ang kulit mo naman e. Ako nga ang may gusto nito sa kanya lang ako humingi ng tulong kung anong pwede kong sabihin na hindi ka mao-offend ulet." pagsusungit niya. Wow! Yan ba ang magso-sorry 'e bakit parang siya pa yung galit? "I know being sorry doesn't change anything but still i'm sorry.."

"Ang drama mo. Sinabi na ngang okay na ako diba?" natatawang sagot ko saka ko siya siniko sa braso.

'Ang totoo okay na talaga ako. Hindi na ako nagdaramdam o nagtatampo. Buti na lang may lakas loob 'tong payatot huminge ng sorry despite of our differences. Akala ko puro lang 'to yabang at magpa gwapo ang alam nito eh.'

"Hindi ka na talaga galit, kahit pinaiyak kita sa bus kanina?" Naninigurong tanong niya at humarap sa akin.

"Hindi na.."

"Swear?"

'Makulit din to eh.'

"Oo dahil sa susunod na iiyak ako doon na sa lamay mo." Mayabang na sagot ko.

"Nagsisimula ka na naman tapos mauuna kang mapipikon!" aniya na may halong sumbat. Gusto kong matawa sa kakatawang facial expression niya. Para siyang limang taong gulang na nakikipagtalo sa matanda.

"Pakyu, below the belt ka naman kasi magbiro. Obvious na pinangangalandakan mo pa." at bigla siyang napanguso sa pagsusungit ko. Maisyadong guilty 'tong batang 'to.

"Okay point taken, pero lahat naman ng biro diba sabi mo half meant? So huwag kang mapipikon kung minsan ang dating biro sayo totoo, dahil biro nga lang eh.. biro." nag cross arms siya bago sumandal paharap sa loob ng suite namin. Nag aamok ang mga kilay nito. Bipolar ampota!

Humarap ako sa nagtataasang puno ng pine trees saka ako huminga ng malalim.

"Dun lang naman ako sa bagay na yun napipikon 'e. Minsan na akong biniro ng tadhana tungkol sa pagkatao at kasarian ko at aaminin kong hindi maganda yung naging epekto sa pagkatao ko."

"I know that's why i'm very sorry. Naalala ko kasi yung mga ikinuwento mo noon. " hindi ko inaasahang hahawakan niya ako sa braso. Napangiti lang akong humarap sa kanya. He looks really guilty i swear. Nakakatawa talaga siya magpinsan nga sila ni Ongpauco.

"Habang buhay na yung nakatatak dito." dinala ko sa dibdib ko ang hintuturo niya.

"Buti kinaya mo." Ewan ko kung nagbibiro lang siya pero seryoso kasi ang itsura nito habang nakatingin sa dibdib ko.

"Well, kaharap mo pa ako."

"E di buburahin ko.." kinuskos niya ng daliri ang kaliwang dibdib ko na parang may hawak na pambura. "Para sa susunod madali mo ng mapatawad ang mga nagkakasala sayo." hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinbi niya. Anong akala niya ganun lang yun kadali?

"Tss! Aaminin ko madali ako magpatawad.." pasimple kong inalis ang daliri niya, naninigas na kasi ang utong ko sa ginagawa niya. "Pero matagal ako makalimot." ilang segundo siyang natatulala sa sinabi ko.

"Grabe ka alam mo ba yun?" nangunot ang makinis na noo niya.

"Honest lang ako anong masama dun?"

"Mean mo kamo.." inirapan niya ako bago humarap sa mga nagtataasang puno ng pine trees.

"I told you i've changed.." mahinang usal ko sa tabi niya.

"Pansin ko nga.." natawa ako ng malakas ng napangiwi pataas ang mapulang nguso niya.

"Kahit kailan hindi ka makausap ng matino." napabuga na lang ako ng hininga sa malamig na hangin ng Baguio.

ANDI'S POV

Pag alis ng gwapong bisita namin nagpahinga muna kaming apat sa kwarto at naghanda para sa opening program sa The Manor's Convention Center.

"Maliligo ba kayo? Mauna na ako ha natatae kasi ako." Si Ytchee habang inaayos ang mga gamit sa gilid ng kama nila ni Lucky.

"Mag hihilamos lang siguro ako, mamayang gabi na ako maliligo." Tinatamad na sagot ni Lucky habang nakahiga sa kama.

'Weird nito dapat nga full ang energy nito dahil sa gwapo naming bisita.'

"Lucky, share naman diyan kung anong pinag usapan niyo ni Kenneth kanina?" ungot ko kay Lucky at dumapa ako sa kama.

"Nangamusta lang tapos nakipag asaran. Ganun naman trip nun madalas 'e." walang ganang sagot niya bago humarap ng pagkakahiga sa side ko.

'Wow, ilang oras na silang magkatabi sa bus tapos ngayon pinuntahan lang siya para mangamusta at makipag asaran? Ang ganda mo Inday!'

"Alam mo ang weird niyo pareho 'e." nagtatakang sagot ko. Ewan pero hindi talaga ako maka get over sa kakaibang closeness nila. Siguro kung si Ongpauco yung dumalaw kanina hindi na ako magtataka pero si Kenneth James Ang yun. Suntok sa buwan na may nilapitan yung iba. Jusmiyo!

"Bakit naman ano namang weird sa ginagawa namin?" itinukod niya ang kamay sa gilid ng ulo sa bandang tenga.

"Kagaya niyang pagdalaw dalaw niya dito kahit na magkasama at magkatabi na kayo ng ilang oras sa bus idagdag mo pa yang pakiki pag aasaran niya sayo ang weird weird talaga." hiningal ako sa haba ng sinabi ko.

"Normal sa magkakaibigan ang mag asaran Andi. Unless hindi ka normal na tao kagaya namin?" pambabara niya. Dalahirang 'to obvious na ayaw pa umamin.

"Pero hindi ang kagaya ng isang Kenneth James Ang ses Lucky." Singit ni Marlon mula sa mini bar. "Sa tagal ko sa Carlisle never ko pa siyang nakitang naging malapit sa ibang student except sa pinsan niya." bakas na bakas sa bukas na pores niya ang matinding pagtataka kagaya ko.

"Tss, imposible yun hindi niyo naman siya nakakasama maghapon kaya pano niyo masasabing ako lang ang kinakausap niya ng ganun?" Humiga ulit siya at humarap sa kisame.

"Ses, baka nakakalimutan mo marami kaming mata at tenga sa loob ng campus? Isa dun ay classmate ni Kenneth at Wesley at yun ang matibay naming ebidensiya." pasimple ko siyang kinindatan sa interogasiyon namin kay Lucky. Alam kong kagaya ko kating kati rin siyang malaman ang totoo. Hindi ako kuntento sa ikinuwento niya sa loob ng bus. Susunduin kaba ni Kenneth ng wala lang?

"Basta hindi ko padin ma gets yung mga sinasabi niyo. Para sa akin ordinaryong estudyante lang sila kagaya naten, nothing special except sa mga gwapo sila at mga talented." Muling siyang dumapa sa kama. Halatang gusto niyang umiwas sa ibabato pa naming tanong. But knowing how weird Lucky is. Kainis wala tuloy akong mapigang impormasiyon sa kanya.

"Seshie parang hindi ko na ata ma aurahan ang mga Pink Rangers mula pa kaninang umalis tayo ng Carlisle." napa tuwid ako bigla ng upo dahil nasa mini bar parin si Marlon habang nakaupo at kanina pa abalang nag ta-type sa harap ng laptop niya.

"Nandito sila ses. Except kay Amber of course." akala ko sinaniban siya ng bigla siyang umirap pagtingin sa akin. "Ang balita ko nasa bus number 1 silang lahat. Kailangan nating maging handa dahil hinding hindi magpapatalo ang mga yun lalo't kasama natin sina Kenneth at Wesley." makahulugang dugtong niya.

"Ngayon pa ba, nung natalo nga natin sila sa Volleyball hindi na mapakali ang mga kaluluwa nila para makaganti sa atin eh." Naiisip ko pa lang kung gaano sila karumi maglaro sa mga nagdaang fiedltrip activities naiirita na ako.

"Bakit ano bang meron sa mga activities at masiyadong big deal sa inyo?" singit ni Lucky na akala ko nakatulog na. Sabagay wala naman siyang idea dahil ito ang first time niyang makasama.

"Big deal talaga ses, kasi last trip na ito ng mga senior students. Every year kasi nagkakaroon ng ranking ang bawat sections per year level. Doon sinusukat ang cooperation ng bawat isa or yung relationship between students sa class advisor nila etcetera. Yung mga awards naman na makukuha sa bawat activities ay malaking factor para sa ranking ng per section at the end of the year." Pansamantalang huminto siya sa ginagawa. Maya maya isinara ang laptop at tumabi sa akin ng upo sa kama. Basta talaga tsimisan hindi nagpapahuli ang seshie ko.

"Lahat ng magiging activities natin dito graded and documented at higit sa lahat kasama 'o sa Year Book natin.." dugtong ko naman sa sinabi ni bakla.

"Ay big deal nga.. Huwag niyo nalang isipin na mananalo tayo. Gawin na lang nating memorable at dapat mag e-enjoy tayo sa lahat ng gagawin nating activities. Okay ba yun?" nag thumbs up siya sa amin habang nakahiga.

"I second demotion ses, mag participate lang tayo at lets enjoy the beauty of Baguio City." Maarteng tugon ni Marlon na biglang tumayo at umikot ikot na parang sumasayaw.

'Pero may kutob ako na may eksena na naman yan si MJ kaya nananahimik eh. Hindi pa din ako kampante lalo na at alam ko kung gaano kabaho maglaro ang grupo nila MJ simula pa noon.'

"Oh sinong next?" Bungad ni Ytchee paglabas ng CR at bagong ligo.

"Ako muna mga seshsie, may gumagalaw na sa loob ng tiyan ko 'e" Napapikit ako habang nagsasalita. Pero hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ngunit paglingon ko nawala na silang tatlo sa harap ko.

'Nasaan na ang mga yun?'

"SIGE NA SES, TAKE YOUR TIME HUWAG MO KAMING ISIPIN." Malakas na sigaw ni Marlon mula sa terrace at parang mga batang nagsisiksikan sa isang sulok.

"Paano kayo nakarating diyang tatlo? Malamig diyan magsipasok nga kayo dito!" kaway ko sa kanila.

"Ayos lang ses, kailangan namin ng fresh air kasawa na yung aircon eh. He he he!" natatawang sagot ni Ytchee.

"Ambilis niyo namang naglaho nagsasalita pa lang ako tapos isang iglap bigla kayong nawala. Anong bang meron?" nagtatakang tanong ko kahit alam ko sa kanila.

"YAN ANG TUNAY NA NINJA MOVES!" Sigaw ni Ytchee.

"SURVIVAL OF THE FITTEST!" sagot ni Lucky at nag pose pa na parang ninja.

"Sige na mauuna na ako sa banyo, OA niyo parang sumakit lang ang tiyan nagkakaganyan na kayo."

Paglabas ko ng banyo nakapag ayos na silang tatlo at may 30 minutes pa kami bago ang opening ceremony. Narinig kong nag uusap si Lucky at Ytchee habang nag bibihis ako at nasa terrace naman si Marlon habang may kausap sa cellphone.

"Samahan mo kong mag bisyo sa baba Ytchee, lamig na lamig na kasi ako 'e." habang pinag kikiskis ni Lucky ang mag palad at hinihipan pa ito pagkatapos.

"Ako din naninigas na utong ko sa lamig!" sagot ni Ytchee at tumawa naman ng malakas si Lucky. "Asus! Umamin ka nga anong pinag usapan niyo ni Kenneth at bakit tayong tayo yang utong mo pagpasok niyo dito?!" sabay kurot sa kaliwang nipple ni Lucky na lalo niyang ikinatawa. Bahagya akong sumilip sa pinto para marinig ko lalo ang pinag uusapan nila.

"Baliw! Ang lamig kaya sa terrace kanina at hindi ko suot yung jacket ko!" depensa ni Lucky. Hindi ko napansin yun ahh.. sabagay abala ko kakatigtig kay Kenneth kanina. Aw!

"Okay.." sagot ni Ytchee pero sa tono nito mukhang hindi siya kumbinsido. "Marami ka bang dalang sigarilyo? Arbor muna ko ah, bili nalang tayo pag may oras tayong gumala."

"Marami akong dala hindi tayo mauubusan." nag thumbs up siya kay Ytchee. "Sana may time pa tayong mamasiyal after ng opening ceremony. Today na din ba ang start ng mga activities natin o bukas pa?"

"Bukas pa yan sigurado. Kung palakasan lang yakang yaka ko yan, kung sa pagandahan naman panalo ka na diyan. Kung sa pagiging mabuting mga kaibigan naman kayang kaya na nila Andi at Marlon yan." at sabay bulalas nila ng malakas na tawa.

'Ano daw? Sa palakasan siya daw ang pambato? Sa pagandahan si Lucky? Tapos kaming dalawa ni Marlon sa pagiging mabuting kaibigan lang?!'

"Hoy gusto mong ibaon kita sa gitna strawberry farm! Narinig ko lahat ng sinabi mo Ytchee Araullo!" Sigaw ko sa kanya at tinawanan lang nila ako Lucky.

"Echos lang! Alam ko namang ibang level yang beauty mo eh. Beauty with a purpose." Pang uuto niya pa pagsulpot ko sa harap nila.

"Anong purpose naman yun?" si Marlon na pumasok din mula sa terrace. Ang totoo nga malamig sa terrace bumakat ang nipples ng seshie ko.

"ALL PURPOSE!" sagot ni Lucky at sabay pa silang tumawa ni Ytchee ng malakas.

"Tigilan niyo kong dalawa baka mawalan kayo ng purpose hanggang pag uwi niyo ng Quezon City!" banta ko sa kanila pero 'di pa din tumitigil kakatawa.

"Tapos naba kayo tara na sa baba picture taking muna tayo bago tayo pumunta ng hall." Yaya ni Marlon na full pack na ang make up at nakasabit na ang camera sa leeg niya.

Hanggang hindi pa din talaga ako maka get over sa ganda ng loob The Manor Hotel habang naglalakad kami na a-amaze padin ako sa bawat ng tamaan ng mata ko. Paglabas ng hotel mabilis naghanap ng magandang spot yung dalawa kung saan pwede silang mag bisyo at kami naman ni Marlon nag selfie muna gamit nag cellphone ko .

"Doon Lucky, may nakita akong naninigarilyo!" excited na turo ni Ytchee sa lugar kung saan may isang shed at kakaunti ang tao.

"Shunga sa lamig dito sa Baguio uusok talaga hininga ng bawat taong makikita mo, kaya akala mo naninigarilyo." pang o-okray ni Marlon kay Ytchee.

"Oo nga noh? Pero nakita ko talaga na naninigarilyo si Kuya dun kasi tuloy tuloy yung usok sa bibig niya." At magkahawak kamay sila ni Ytchee naglakad papunta sa shed.

"Mukhang may bagong bestfriend ang best seshie mo ah." Nakangusong turo ni Marlon sa dalawang naglalakad.

"Bugak, pareho kasi sila ng bisyo kaya sila nagkakasundo kadalasan ganun yun."

"Buti di mo naisipang manigarilyo ses?" seryosong tanong ni Marlon habang papalapit kami sa shed.

"Di na ayoko magka lung cancer 'no." Mabilis na tanggi ko.

"Tama yun ses huwag na.. okay ng yang sinumpang utot mo kesa sa usok ng sigarilyo." bigla siyang natawa kaya agad ko siyang binatukan.

"ARAY GRABE OH!!" sigaw niya sa mukha ko.

"Akala ko kasi concern kang hayup ka, makalait akala mo ang kinis kinis nito!"

"Hindi man ako kasing kinis mo pero mas maputi ang balat ko kumpara sayo!" maarteng sagot niya.

"Aanhin ko ang puting ipinagmamalaki mo kung maaligasgas naman ang mukha ko." ganting pang ookray ko.

"Tseh! Tantanan mo ko bakla ka!" singhal niya paglapit namin sa harap ng dalawang adik manigarilyo.

"Oh ayos ba ang bisyo natin?" tanong ko sa dalawang kaibigan kong yosi kadiri.

"Ayos lang mas masaya 'to kesa malanghap yung utot mo." sabay buga ni Lucky ng bilog na usok sa ere at namangha kaming tatlo.

"Pano yan turuan mo ko niya dali daliii!!" pinaghahampas ni Ytchee sa braso si Lucky.

"Oo na huwag mo ko hampasin baka i-itcha kita sa gubat pag namasa yung braso ko."

"Bakit ses may period ka ngayon para mamasa kung hahampasin ka sa braso?" pang aasar ni Marlon.

"Oo meron ako palibahasa kulay orange ang mens mo na lumalabas diyan sa pwerta mo." ganti ni Lucky na kahit kailan hindi nagpapatalo sa asaran.

"So, kumpleto pala dito ang mga baklang black sheep ng Carlisle Academy." Sabay sabay kaming napalingon sa pamilyar at nakakairitang boses ng totoong black sheep ng campus. 'Hiyang hiya naman ako sa haliparot na to!' "Hindi ko alam na naninigarilyo ka LU-CKY-GON-ZA-GA." Maarte at dahan dahan niyang binigkas yung pangalan ni Lucky.

'Ano na naman ang kailangan nito?'

"Hindi ko rin alam na kailangan ko pa palang ipaalam sayo ang paninigarilyo ko EM-JAY BEL-MONTE!" pang gagaya ni Lucky sa tono ni MJ.

Lumapit sila sa kinauupuan naming apat. Sa pangunguna ni MJ at apat na kasama niyang mga Pink Rangers. Dapat ba talaga naka all pink sila palagi? Ang sakit sakit kaya sa mata lalo na yung suot ni MJ na neon pink na scarf.

"I'm here to warn you faggots. Kung sa Volleyball nakatsamba pa kayo, pwes dito sa Baguio hindi na dahil uuwi kayong lahat ng luhaan sa pagkakataong ito."

"Yun lang ba ipinunta mo dito? Effort ah." Mataray na sagot ko sa kanya.

"Oo para hindi na kayo mag expect. Mahirap na atleast alam niyo na sa una na wala kayong pag asa." saksakan ng yabang na sagot niya saka sila tumawang mag kakaibigan.

"Nasabi mo na ba lahat ng gusto mo MJ? Pwede ka na umalis hindi ka invited sa pot session namin. Tsupe-tsupe!" pagtataboy ni Lucky kay MJ at sa mga kasama nito.

"Oh, one thing Lucky... Alam na ni Amber ang lahat ng nangyayari dito. Lalo na sa pagsulot mo kay Kenneth James Ang para mapunta sila sa grupo niyo." walang pakundangang paratang nito. BUti nalang kami lang ang tao dito, dahil kung may makakarinig mang iba maniniwala sa kompyansa ng pagkakasabi niya.

"Pagsulot? Wow bilib na talaga ako sa talento mo sa pannghuhula umabot pa hanggang Baguio." napabungisngis si Ytchee sa tabi ni Lucky.

"Dahil yun ang totoo palaging kasama ng section namin ang magpinsang yun.. nakapagtataka naman nasama ang pangalan nila sa section niyo?" ayaw parin niyang magpatalo at pinanindigan ang sinabi niya kanina. Nagsalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. May point si MJ never nahalo sa ibang section si Kenneth at Wesley madalas niyang kasama ang section nila Amber.

"Accept it MJ, hindi palaging nasa inyo ang alas."

"So aminado ka nga na may kinalaman ka kung bakit nalipat sila Kenneth sa section niyo?" para nanalo sa lotto ang itsura ni MJ.

"Maglinis ka ng tenga isabay muna din yung utak mong mas advance pa sa siyensya." Sarkastikong tugon ni Lucky.

'Ano bang kinukuda nito ni MJ? May kinalaman nga ba si Lucky kung bakit nalipat sa amin sila Kenneth? Paano?'

"Dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman ka kaya nalipat sila sa bulok na section niyo." walang patumanggang pang iinsulto niya. Siguro pag iisipan ko pa yung paratang niya kay Lucky pero yung insultuhin niya kaming mga Mockingjays ibang usapan na yun.

"Bakit ako ba nag organize ng field trip na naten? Ako ba ang adviser nila? Mag isip isip ka nga bago ka magsalita pati ata utak mo mini-make up'an mo 'e." bahagyang natameme si MJ sa sinabi ni Lucky.

"Basta buo ang paniniwala kong may kinalaman ka dito." usal niya ng makabawe.

"Kung ano man ang tumatakbo diyan sa maliit na utak mo pwede ba solohin mo na lang. Dami mong alam bakit 'di ka pa pumanaw?" nagtawanan kaming tatlo sa pambabara niya.

"Mauuna ka siguro dahil sa dami ng kasalanan mo kagaya nalang ng pandaraya mo. Tandaan mo dahil sa pagbabalik ni Amber wala na kayong takas." seryosong banta niya sa aming lahat.

"Wala kaming planong tumakas dahil wala namang kaming tatakasan. Ikaw nga 'tong mukhang bagong takas eh.." walang takot na sagot ni Lucky sa mga Pink Rangers.

"Bagong takas? Huh, saan naman ako tatakas?"

"Saan ba tumatakas ang mga nababaliw?"

"Ang kapal mong sabihing baliw ko!" namumulang sigaw niya kay Lucky. Lakas talaga mandarag nito ni bakla!

"At ang lakas ng loob mong pagbintangan ako kahit alam mo ang totoo."

"Dahil yun ang totoo!" nanggagalaiting sigaw niya kay Lucky na hindi man lang nakitaan ng kahit anong takot sa kausap.

"Dahil may tagas yang utak mo!!" mas malakas na sigaw ni Lucky kaya napalingon sa gawi namin ang ibang taong dumaraan.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng pinagsasabi mo Lucky." nanginginig ang kamay na duro niya. "Pagsisisihan niyong lahat na ako ang binangga niyo!" Dinuro niya kaming apat at nakaramdam ako ng konting takot sa huling sinabi ni MJ.

'Wala kaming binabangga MJ, binangga mo lang yung nagkabanggaan na kaya ka nandito.'

"Puro ka banta, sana bago ka sumugod pinantay mo muna yang paglalagay ng blush on sa mukha mo." At binugahan sila ni Lucky ng usok ng sigarilyo. Sabay sabay silang napa atras dahil sa usok. Sinamaan lang niya kami ng tingin bago kami nilayasan.

'Kahit kailan patola tong si Lucky kaya 'di kami tinatantanan eh!

"Kailan ba mauubusan ng eksena yung babae yun. Hindi ba siya nag sasawa?" naiinis na sambit ko.

"Ang pangit naman ng negrang yun kundi dahil sa make up hindi pa siya mag mumukhang ta este tao!" sagot ni Ytchee habang panay practice ng pabilog na usok.

"Aray maka negra! Dahan dahan sa paggamit ng salitang negra, maitim din ako oh!" turo ko sa mukha ko.

"Sa lamig dito sa Baguio nakuha niya pang mag make up ng makapal. Kinaganda niya yan!" si Marlon na prang may pinaglalaban.

"Subukan mong hagisan yan ng monggo sa mukha bukas toge na sa kapal ng make up niya!" Segunda ni Ytchee at natawa kaming tatlo sa kanya.

'Kababaeng tao lakas manlait daig pa ang mga bakla!'

"Hayaan na natin siya sa trip niya, maba-badtrip lang kayo. Nandito tayo para mag enjoy at mag relax tama ba?" Nag iinat at naghihikab na sabi Lucky habang nakatingin sa nagtataasang mga puno.

"Tara na sa Hall para makahanap tayo mg magandang spot!" Yaya ni Marlon at nagsitayuan na kami.

Madali naming nakita ang The Manor Convention Center sa tulong ng isang employee na napagtanungan namin pabalik ng hotel. Pagpasok naming apat halos lahat ng senior students nasa loob na at halos occupied na ang lahat ng table.

Hinanap namin ang section namin at naglakad papasok sa loob. Napakaganda ng pag kakaayos ng mga mesa at ng mga silya na may cover ng puting tela. Sa ibabaw ng mesa naka set up na ang iba't ibang mga kubyertos at pagkain nalang ang kulang kumpleto na sana. Sa bandang gilid ng hall makikita ang catering service na nag aayos ng mga food na ise-serve mamaya. Maygad! I'm so excited!

"Ayon si Wesley kinakawayan tayo!" Paglingon ko nakaturo si Marlon sa bandang gilid na mesa. Sinalubong niya kame bago pa kami makarating sa ni-reserved nilang mesa.

"Buti maaga kami ni Kenneth dumating kundi mauubusan tayo ng mesa." bungad niya at agad tinabihan si Lucky.

"Salamat Wesley may pinuntahan lang kami tas medyo naligaw ng konti. He he he!" palusot ni Marlon.

"Gutom ka na ba? Ako kanina pa buti na lang may pagkaen dun sa ref ng suite namin ni Kenneth." dinig kong reklamo niya kay Lucky habang naghihimas ng tiyan.

"Ayos lang wala pa akong gana 'e." casual na sagot niya. MAygad, hina nitong maka pick up nagpapa cute si John Wesley Ongpauco! Sigaw ko sa kanya sa isip ko.

Ano bang meron sa magpinsang 'to at panay ang dikit kay Lucky? Naalala ko tuloy yung sinabi ni MJ kanina. Totoo kaya yung ibinibintang niya? May kinalaman kaya si Lucky kung bakit sa amin nakasama si Kenneth at Wesley? Nakakapagtaka talaga wala sa tamang hulog ang mga bagay bagay. Sabagay knowing MJ madalas wala din sa hulog ang utak niya.

Sa isang round table na pang animan ang seats namin. Maingay ang loob ng hall dahil sa mga seniors na panay ang selfie sa kanya kanyang table, yung iba sa harap dun mismo sa stage na puno ng bulaklak. Kapansin pansin din ang mesa sa pinakaharap na para siguro sa mga boss ng Carlisle Academy. Natahimik lang ang lahat ng maglakad si Sir Adam sa harap ng stage kung saan naroon ang microphone stand.

"Thank you all for coming and joining us here today. We are pleased to be able to welcome those of you that have been with us for some time now as well as those of you who are new to our beloved school Carlisle Academy." gwapung gwapong panimula niya.

Tahimik lang ang lahat at nakikinig sa napaka gwapong adviser namin na si Sir Adam Villanueva habang nagsasalita sa harap. "Today marks our 25th Annual Year Level Fieldtrip and we are very proud to be able to host it today here at The Manor at Camp John Hay with all of you." Ngumiti si ser ng pagkakagwapo at malakas na nagpalakpakan ang mga senior students pero ang pinaka malakas na cheer ang side namin dahil kami ang advisory class niya. "Just before we get started, on behalf of the faculty we would like to express our gratitude to all of you who so generously helped us make this event come together smoothly, to Mr. and Mrs. Carlisle Gutierrez Chairman of the Board and other Board of Directors. We couldn't have done it without our big bosses! Thank You so much.."

Nag speech pa si Sir Carlisle Rodriguez at ang ilang board members. Hindi ko na masiyadong maintindihan ang ibang sinasabi nila dahil kumakalam na yung tiyan ko sa gutom. Ang nasa isip ko ngayon ay itsura ng kanin, ulam at yung mga nakakapag laway na mga desserts at appetizer dun sa buffet table. Kapag naiisip ko ang lahat ng yun nanghihina ang mga tuhod ko. Nahihilo na ako sa gutom.

"The food is ready and enjoy your lunch seniors.." Yun ang magic words na kanina ko pa inaantay na sabihin ni Sir Adam at parang nabuhay muli ang katawang lupa ko.

LUCKY'S POV

After ng nakakagutom na speech ng mga Big Bosses at Board of Directors nagtayuan na ang mga schoolmates ko para kumuha ng food sa buffet table. Gusto ko na sanang tumayo para kumuha ng food pero masiyado pang maraming taong nakapila.

"Maya maya na tayo kumuha ng food ang dami pang nakapila oh." Nakangusong turo ni Ytchee sa buffet table at muntik na akong matawa sa itsura ni Andi dahil mukhang gutom na gutom na talaga siya. Well lahat naman kami pagod at gutom dahil sa mahabang biyahe kanina.

"Mag picture naman tayo guys!" hinugot ni Marlon sa bag ang DSLR na dala niya para gamitin sa pagpicture.

Kahit paano nalibang kami ng kaunti habang nag aantay walang sawang pag flash ng mga camera sa mesa namin. Natatawa na lang ako sa kanila kasi panay wacky ang mga shots namin. Kahit si Wesley at Kenneth nakikisali kaya masaya kaming lahat. Nang mapansin naming kaunte na ang tao sa buffet table area magkakasunod na kaming tumayo at pumila. Iba't ibang putahe ang nakahain at karamihan mga seafoods. Parang nawalan ako ng gana kaya lahat ng pinili kong ilagay sa plate ko ay appetizer at deserts lang.

"Himala wala ka ngayong gana?" tinabihan ako ni Kenneth habang kumukuha ng drink. Nakita niya kasing konti lang yung laman ng plato ko at puro sweets.

"Nalipasan na kasi ako ng gutom baka sumakit yung tiyan ko mahirap na." palusot ko nalang.

"Sayang naman.." at nakita kong parang gusto niyang matawa.

"Tss, masaya ka dahil wala akong gana?" Nginusuan ko siya habang pumipili ako ng drink nadadalhin. Inirapan ko muna siya bago ako tumalikod. PAasalamat ka gutom ako at wala akong ganang makipag asaran sayo.

"Wala naisip ko lang kanina sa katakawan mo baka dalhin mo ang buong buffet table sa mesa natin." sabi niya habang sinasabayan ako sa paglalakad papalapit sa table namin. Nagtataka naman ang mga kasama ko sa nakitang laman ng plato ko.

"Kamusta naman ang mga suite niyo? Maganda ba pwede ba kaming dumaan ni Kenneth dun mamaya?" tanong ni Wesley sa amin at nakita kong lumaki ang ngiti ni Andi at Marlon sa narinig.

"Oo naman superior room yung suite namin may mini bar pa kami kaya mag inuman tayo mamaya." Pabulong na kwento ni Ytchee sa lahat kaya natawa kami sa kanya.

"Nagpunta si Kenneth dun kanina bakit hindi ka sumama?" nagtatakang tanong ni Marlon kay Wesley at agad itong napalingon kay Kenneth na abala naman sa pagkain sa plato niya.

"Tumawag kasi si mommy kanina kinakamusta kami ni Kenneth, kaya di ako nakasama sa kanya kanina." Napakamot lang siya sa ulo at tila nahihiya.

"Sayang sana sumama ka para mas masaya." Nanghihinayang na tugon ni Andi kay Wesley.

"Ano palang ginawa ni Kenneth sa suite niyo kanina?" inosenteng tanong niya. Pakiramdam ko hindi sinabi ni Kenneth na dumaan siya sa kwarto namin kanina. At sa nababasa kong reaction ni Wesley mukha ngang walang siyang idea.

"Wala naman nangamusta lang at nag usap sila ni Lucky." Singit ni Ytchee na kasalukuyang inilalapag ang baso ng juice sa mesa at napatango lang si Wesley habang nagtiti-tigan silang magpinsan.

"Bakit hindi ba sayo sinabi ni Kenneth?" usisa ni Marlon na bahagyang ikinagitla ni Wesley.

"S-Sinabi naman niya hindi ko lang namalayan na umalis na pala siya dahil kausap ko pa si mommy sa phone kanina." nakangiting sagot niya kay Marlon. Parang walang naririnig si Kenneth dahil panay lang ang mahinhing pagnguya nito sa pagkaen na parang babae.

"Bakit parang wala kang gana? Ito Tempura tikman mo for sure magugustuhan mo.." Alok ni Wesley sa pagkaen niya at aktong ililipat sa plato ko.

"Naku Wesley, allergic si Lucky sa seafoods.." maagap na awat ni Andi bago pa man nito mailipat ang tempura sa plato ko.

"S-Sorry sorry Lucky, hindi ko alam na allergic ka s seafood.." hingi agad niya ng pasensiya at bahagya siyang namulasa hiya. Nakatitig naman sa akin si Ytchee at Kenneth.

"Ayos lang hindi mo naman alam eh.." napakagat lang ako ng labi dahil kahit ako natatakam din sa amoy ng Tempura. A year ago ng magkaroon ako ng allergy sa seafood at sandamakmak na mapupulang pantal ang lumalabas sa buong katawan ko. Kaya simula noon nakipag break na ako sa mga lamang dagat na hindi ko makain gaya ng prawn, crab, sugpo etc.. Nagpatuloy lang kaming anim sa pagkain at nauna akong matapos sa kanila kaya naisip kong magpaalam para makapag CR muna.

"Excuse me.." dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo.

"Saan ka pupunta seshie? Sasabay ako kukuha akong desert." Habol sa akin ni Andi pagtayo ko kaya halos lahat sila tinitingnan ako.

"Pupunta ako ng CR kung gusto mo dun ka kumuha ng desert mainit init pa." bulong ko sa kanya at napangiwi siya sa pandidiri.

"Lumayas ka! Sinisira mo appetite ko!" mataray na sagot niya.

"Taray! SPELL APPETITE Andres?! Selan selanan.."

"Tseh!" at pakendeng kendeng niya akong tinalikuran. Makaarte akala mo trese sukat ng bewang niya.

Medyo natagalan ako sa CR kaya pagbalik ko halos tapos na silang kumaen. Sakto namang nagtama ang paningin namin ni si Sir Adam bigla siyang tumayo sa kinauupuan ko kanina ng makita ako. Tumingin ako sa mga kasama ko at kagaya nila wala din silang idea kung bakit nasa mesa namin ang adviser namin.

"L-Lucky.." ngumiti at sabay napakamot siya sa batok. Alam ko na ang mga galawang yan.

"B-Bakit ser may problema ba?" kunwaring kinakabahang tanong ko sa kanya at lahat ng mga mata nila nakatutuk sa aming dalawa.

"Ahh-- Ano kasi eh.." paulit ulit niyang kinakagat yung mapula niyang lips at ayaw niya paring sabihin kong bakit.

"Sabihin niyo na itong wala akong ganang kumain, mainit ang ulo ko!" nag galit ako at nakita kong nanlaki ang mata niya at narinig kong tumawa si Ytchee at si Marlon.

"Kailangan kita Lucky.." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"Mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko? o kailangan mo ko kaya mahal mo ko?" serysosong sagot ko habang nakatingin ng derecho sa mga mata niya.

"Ay kinabog mo seshie si Claudine Barreto sa eksenang yan!" narinig kong bulong ni Andi kay Marlon. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa mga itsura ng mga kasama ko sa mesa. Alam kong na shock sila sa batuhan namin ng linya ni ser. Tahimik kasi at walang nagsasalita kaya alam ko na ang ini-imagine ang mga 'to.

Si Sir Villanueva naman mukhang na gets yung joke ko kaya tumawa siya bigla at napako naman sa kanya ang attention nila.

"Puro ka kalokohan. Seryoso na kailangan nga kita Lucky." May himig ng pagmamakaawa ang tono ng pananalita ni ser. Alam na.. kabisado ko na ang mga ganyang galawan niya.

"Juice Colored akala ko totoo na yung eksena. Ha ha ha!" malakas na tawa ni Marlon. Natawa din sila lalo na si Ytchee at Andres. Yung dalawang magpinsan naman parang nakagat ng ahas dahil tulala parin sila.

"Bakit nga ser? Honestly natu-trauma na ako everytime na lumalapit kayo."

"Eh nag nag ka allergy kasi si Rhian Zuniga yung magbibigay sana ng song number mamaya para sa mga bisita natin. Naparami kasi ang kain niya ng seafood kanina kaya ayon dinala siya sa clinic hindi na kasi tumigil sa ka uubo." may kahabaang paliwanag niya. Hindi ko na masiyadong inintindi ang mga sinabi niya.

"S-Sir classmate po namin ni Kenneth si Rhian Zuniga." Napatayong sagot ni Wesley at mukhang alalang alala. Taray, bakit ex niya sobrang concerned 'e?

"She's fine now. Kailangan lang niya uminum ng antihistamine." at muling nabaling ang tingin ni Sir Adam sa akin. "Ano Lucky mapagbibigyan mo ba ulit ako? Last na talaga 'to promise! He he he!" napailing lang ako dahil mukhang wala na akong choice sa request niya.

Napakamot ako ng uko at tinitinigan ko si ser. Napanguso lang siya at nag aantay parin ng sagot ko.

"Sige na Lucky pagbigyan muna yan si Ser Adam Pogi kawawa naman." Ungot ni Ytchee sa tabi ko.

"Oo nga ses, pagbigyan muna si Sir Adam minsan lang naman yan mag request." Nakita kong nag angat ng tingin si ser at nagpipigil ng ngiti sa kanila.

"Pangatlong minsan na yan Marlon, next time ikaw na isasalang ko!" at napayuko siya sa kinakaen. "Last na yan ser ah, malake laki na utang mo sa akin!" at nakita kong nanlaki ang mga mata niya at bigla niya akong niyakap dahil sa tuwa.

"God, You're my sweet little angel!" mahinang bulong niya sa ibabaw ng ulo ko bago niya ako binitawan. Bigla akong nanigas sa hiya at hindi ako nakapagsalita.

"I'll call your name in 15 minutes be ready. Good luck!" at saka siya umalis sa mesa namin ng nagmamadali. Tingnan mo 'to nakuha lang ang gusto nilayasan na ako. Patay na ano namang song ang kakantahin ko?

"Good Luck daw? Kahit kailan pahirap ng buhay. WARNEENG na yan sa akin!" gigil na usal ko sa sarili at umupo ako sa gitna ni Ytchee at Kenneth. Nanahimik lang ako ng ilang sandali habang nag iisip.

"Hoy, magsalita ka? Masarap ba yung yakap ni ser Adam?" hindi ko alam kong matatawa o maiinis ako sa tanong ni Ytchee. Paglingon ko kay Wesley abala ito sa pagkaen.

"Magbigay ka ng random word." Siniko ko si Kenneth na nasa kanan ko. Kay Wesley sana ako magtatanong kaso ayaw akong tingnan at abala ito sa pagkaen.

"W-What word?" Nagsalubong ang kilay niya. Psh! Mukhang mainit na naman ang ulo. Kainis! Wala ba akong makakausap ng matino?

"Kahit ano lang.. ano bang pumasok sa isip mo ngayon?" pitik pitik ko yung daliri ko sa ere at minamadali siya.

"F-Father?" Mahinang sagot niya. Nag isip ako kung anong song ang may word na father.

"Dance With My Father." nanlaki ang mata ko. "Andi ikaw mag gitara, gayahin natin yung rendition ni Jessica Sanchez sa American Idol." pakiusap ko at mabilis siyang tumango tango.

"Keri ko yan, sige di-dighay lang ako ses!" At lahat kami napatitig ng masama sa kanya. "DIGHAY LANG HINDI AKO UUTOT, O-OA NIYO HA!" masungit na sambit niya.

"Nag iingat lang kami bakla ka! Nakakalason kasi yang utot mo, kayang kaya nga niyang sirain ang buong strawberry farm dito sa Baguio!" pang aasar ni Ytchee at naghagalpakan kami ng tawa.

"Perfect yang kanta mo ses dahil this coming week, birthday celebration ng founder ng Carlisle Academy. For sure magugustuhan nila yan kapag dun mo i-dedicate yung song number." Masayang balita niya at nabawasan ang kaba ko dahil dun. Narinig kong tinawag ang pangalan ko sa stage kaya nagdasal ako ng taimtim bago ako tumayo.

'Kaya mo yan Lucky!'

To be continued...