CHAPTER 36
LUCKY'S POV
Nagmamadali akong bumaba ng stairs galing ng second floor dahil binalikan ko yung work book ko sa Physics lab kadadaldal sa akin ng dalawa kanina. Pababa na ako ng stairs ng biglang mag vibrate yung phone ko sa bag kaya huminto ako saglit para dukutin ang phone sa side pocket ng bag ko habang nakayuko.
Sasagutin ko pa lang sana yung tawag kaso bigla naman akong nabangga ng isang student. Kaya nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng naglag-lagang gamit niya. Kahit nagmamadali ako minabuti ko munang tulungan siya dahil alam kong hindi naman niya sinasadyang mabangga ako.
Halos magkasabay kaming yumuko para damputin ang mga gamit niya sa floor. I-aabot ko na sana yung ibang gamit niya pero pareho kaming nagulat sa isa't ng magtama ang paningin namin.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Biglang sigaw niya at bigla niya akong itinulak ng buong pwersa. Nawalan ako ng balanse sa pagkakatulak niya kaya natumba ako paatras at biglang may sumapo sa magkabilang kilikili ko kaya hindi ako tuluyang natumba sa sahig.
'Kingenang Lucrecia Kasilag to! BI-BINGO ka na talaga sa akin!'
"T-Thank you.." nilingon ko yung babaeng sumalo sa akin na tipid na ngumiti. Nagpagpag ako ng damit at lumapit ako kay MJ.
Si MJ ang lukaret na Cheer Leader. Ang babaeng nagpapakulo ng dugo ko dito sa Carlisle nitong nagdaang mga araw. Ang babaing pilit isinasali ang sarili sa mga bagay bagay na hindi naman siya kasali. Nawala nga si Amber pero nag iwan naman ng isang pang may sapak sa ulo.
'Sardinas ka ba teh?'
Nakita ko nilapitan siya ng dalawang bagong member ng Pink Rangers at tinulungan siya sa mga dala niyang gamit.
"Ugali mo talagang banggain ang mga tao sa paligid mo 'no, hobby mo?" Mayabang na bungad niya sa akin. Taray, siya pa yung galit siya na nga yung bumangga.
"Minsan pero depende sa tao. Ikaw ugali mo din talagang gumawa ng kwento at mambintang sa kapwa mo 'no? Mukhang sanay na sanay ka, ugali mo?" sarkastiko ding sagot ko at natawa yung babae sa likod ko.
"Huwag mong ibahin ang kwento, dahil kasalanan mo naman madalas ang masasamang nangyayari at kamalasan sa campus na 'to." Umpisa pa lang pero mainit na agad ang ulo niya. Yung iba kapag nagagalit namumula pero 'tong baliw na 'to lalong nangingitim.
"Ikaw ang nakabangga MJ, ang normal response ng isang tao ay ang mag sorry, gets mo?" ayoko ng makipagtalo dahil gutom na ako na talaga ako at inaantay na ako ng mga bakla.
"Ako, mag so-sorry sayo? Is that a joke? Am i supposed to laugh?" baling niya sa akin at sa mga kasama niya at sabay sabay silang tumawa ng nakaka insulto.
"M-Miss nakita ko yung nangyari kanina, ikaw ang bumangga sa kanya kaya dapat ikaw ang unang mag sorry." Sabat ng babaeng sumalo sa akin kanina.
"I don't care whose fault it is bitch. Siya itong ta-tanga tanga tapos isisisi niya sa iba." nakapamewang na turo niya sa akin.
"Hiyang hiya naman ako sa kabibuhan mo MJ, ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong mayabang sa ating dalawa."
"Well, wala pa sa 10% ng kayabangan ko ang nakikita mo bakla, what more kung i-todo ko. Cheer Leader ako, ikaw bakla ka lang kagaya ng mga kaibigan mo." Inirapan ako at proud na proud siya sa sinabi niya.
'Problema nito sa mga bakla? Sa kapal ng make up niya mas mukha pa nga siyang bakla kesa sa akin eh. Tch!'
"Obvious nga eh." pinasadahan ko ng nakakainsultong tingin ang kabuuan niya. "Hindi kana kasi nagpapalit ng uniform ever since na nakilala kita . Hindi ka ba nangangati or yan na ang bagong uniform ng Carlisle? Hmmm, bongga ah."pang aasar ko sa kanya.
"I'm an Exclusive Member of Carlisle Cheer leading Group! Huwag mong minamaliit ang club namin." buong kayabangang na anunsiyo niya. Yung tipo ng yabang na parang yung santo papa yung bumuo ng grupo nila sa sobrang yabang ng pagkakasabi niya. So what?
"Tch, really requirement ba yan sa group niyo? Ang pagiging..? Alam muna..." natatawang sagot ko.
"Ano? Ang pagiging BOBO?" Biglang sigaw niya at nagkibit balikat ako.
"....Sexy MJ yun sana ang sasabihin ko. Pero okay din yung sinabi mo, bagay na bagay din naman sayo." Pa inosenteng sagot ko kaya lalo siyang naasar.
"FVCK YOU FAGGOT! Wala pang nagsabing BOBO ako except you!" nanggagalaiting sigaw niya. Wait dala ko ba yung tranquilizer sa bag ko? Ang sarap kasing itarak sa leeg niya.
"See you prove it MJ, i never mention that hideous word to you." umiiling na kontra ko sa sinabi niya.
"But that's what you're trying to say Lucky. Aaminin ko hindi ako manalo pagdating sa pagiging pilosopo mo. Pero ito ang tandaan mo. Never akong umaatras sa laban."
"Ito rin ang pakatatandaan mo MJ. Wala ka naman talagang dapat atrasang laban.." binitin ko yung sinasabi ko at tinitigan ko siya mata. "Kasi wala ka namang kalaban." Nginitian ko siya at kitang kita kong paano gumalaw ang panga niya sa galit.
"YOU'RE FREAKING CRAZY FAGGOT!" nanggagalaiting sigaw niya ulet kaya dun ko lang napansin na marami na palang nakapalibot sa amin ng mga usisero at usisera sa campus. Nabu'ang na!
"And you're calling you're self what? Normal? Hmmm. Ngayon tanggap ko ng ngang abnormal ako kung ganyan pala ang standard ng pagiging normal na tao." Nakita kong may inabot yung isang Pink Ranger kay MJ at binulungan siya nito.
"SURPRISE!" Ipinakita niyang hawak niya ang phone ko at dahan dahan niya itong ihinulog sa sahig.
Parang nag slow motion ang lahat. Dahan dahang nalaglag ang cellphone ko at tatlong beses pa itong tumalbog talbog papunta sa paanan niya. Mabilis akong lumapit kay MJ para damputin ang cellphone ko kaso nahuli ako ng ilang segundo dahil bigla niyang inipakan ng buong pwersa ang kawawang cellphone ko sa sahig at narinig kong nabasag ito sa ilalim ng rubber shoes niya. Malakas na napa singhap ang naroroong mga students na nanunuod sa ginawa ni MJ.
Natulala ako ng ilang segundo sa ginawa niya, hindi ko inaasahang gagawin niya yun sa cellphone ko. Sobrang babaw naman ng dahilan niya para sirain niya ang bagay na hindi naman niya pag aari. Para ano, maka ganti sa pambabara ko? Napaka childish palibahasa mayayaman.
"Oops, I'm so sorry Lucky. I didn't mean to do that." Mahinhing sambit ni MJ habang na kunwaring nagulat sa ginawa niya. At sabay sabay nila akong tinalikuran at tumawa ng malakas kasama nung dalawang Pink Rangers. "We have to go may rehearsal pa kasi kami. See you around faggot!" at sabay tawa habang papalayo.
Napaluhod ako sa sahig habang dahan dahan dinadampot yung basag na phone ko. Hindi naman maibabalik sa dati yung phone ko kung sasapakin ko siya ng paulit ulit sa harap ng mga 'to. Pasalamat ka wala tayo sa labas ng school kundi pagsisishan mo yang kamalditahan mo.
Minsan sadyang napaka unfair ng pagkakataon. Ikaw na yung binangga, tinulungan muna pa tapos ang ending ikaw pa ang pinakalugi. Kapag binanatan mo naman irereklamo ka ng parents sasabihin sayong wala kang karapatang saktan ang anak nila, hindi ikaw nagpapakain, nag papaaral. Blah Blah Blah Blah! Kingena!
Ang ending ikaw ang ididiin nila dahil ako ang lalaki at babae siya. Lalake ako at Babae siya. Gusto kong matawa, ano pang silbi ng ipinaglalaban ng mga babae EQUAL RIGHTS sa mga lalake kung hindi din naman equal ang judgment for both gender.
Lalake padin ako at babae pa rin siya. Mas malakas ako mahina siya. Pero minsan ba inalam nila kung bakit nasaktan ang mga anak nila? Hindi ba nila itatanong kung sino ang nanguna? Pakyu yang mga katwiran nila!
Napatitig na lang ako sa sirang phone sa kamay ko. Lagot ako kay Kuya Jiggs regalo pa naman niya 'to nung birthday ko last year.
"Sesshiiiee!!!!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Andi sa malayo. Hindi ako lumingon dahil bigla akong nawalan ng gana kumilos. Nangingibabaw din ang boses ni Marlon habang tumatakbo papunta sa direksiyon ko.
"Ses Lucky nakasagap ako ng chikka na nakikipag warlahan ka kay MJ kanina kaya napasugod kami dito." Nag aalalang lapit ni Marlon at inalalayan akong tumayo.
"Sinaktan kaba ni Lucrecia Kasilag seshie?" si Andi habang nakatingin sa kamay ko at inagaw naman ni Marlon sa kamay ko ang sirang phone ko.
"Pasalamat siya wala ako dito kundi yung mukha niya ang sisirain ko!" sa gigil ni Andres ang buhok ni Marlon ang napag initan niya.
"Ayos lang ako mabuti nga tinulungan niya ako kanina.." Turo ko sa babae na nakatingin sa aming tatlo.
Bigla natigilan at natulala sina Andi at Marlon na akala mo nakakita ng multo. Maya maya biglang silang tumili ng malakas.
'Eksaheradang mga bakla halos katabi ko na ngayon pa lang nila nakita.'
"KKKYYYYYAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
"YTCHEE ARAULLO buhay ka, este magaling ka na bakla ka!" Malakas na sigaw nila ni Marlon at nagtatalon sa tuwa ng makita yung babae sa likod ko.
"Maygad, Ytchee ikaw ba talaga yan?"Hindi makapaniwalang tanong ni Andi habang tsini-tsek ang kabuuan nung babae.
"Hindi aparisyon lang ako, sige sambahin niyo ako magsawa kayo!" Nag pose siya na parang modelo.
"Mga bakla kayo hindi kayo nagbago ang pa-panget niyo pa rin!" Natatawang sagot nung tinawag nila Ytchee Araullo.
"OW-EM-GEEEE!" Exsaheradang tili ni Marlon at nagyakapan pa yung tatlo.
Tinitigan ko yung tinawag nilang Ytchee, may hawig siya dun sa dating artista na nakikita ko sa mga lumang magazine ni Nanay. Ano bang name nun? Dindin? Dindi? Dindi Gallardo! Hahaha yun nga kamukhang kamukha niya. Matangos kasi ang ilong niya, with deep set eyes, pahaba ang mukha at fair complexion. Napansin ko din ang pagiging boyish niya. Jambi?
"Ay seshie Lucky ito si Ytchee ang bestfriend ko, yung kinukwento ko sayo remember?" Naalala ko na, siya yung bestfriend ni Andi na nag udyok sa kanya na mag enroll dito sa Carlisle Academy.
Ayon sa kwento ni Andi na aksidente noon si Ytchee about 4 months ago. Isang car accident at na comatose for almost two months. Nang magising under observation pa din siya kaya home schooled muna si Ytchee habang na nagpapagaling siya sa kanila. Isa yun sa special program ng Carlile Academy para sa mga cases kagaya ng sa kanya.
"Kilala niyo siya?" turo ni Ytchee sakin na may halong pagtataka.
"Oo siya yung kinuwento ko sayo sa noon sa Skype, yung kasing pretty kong friend na transferee." Masayang kwento ni Andi.
"Hoy, Andres na coma lang ako pero hindi pa nanlabo ang mata ko! Ang ganda niya tapos ikaw.." hindi niya matapos yung sasabihin niya dahil pinandilatan siya ni Andi at napangiwi ang nguso niya.
"ANO?! ANO?!" nagbaliw baliwang sagot ni Andres kaya natawa ako.
"Mabait ka friend! Sobrang bait mo. Salamat sa mga padala mong prutas--" at bigla siyang kinotongan ni Andi.
"Letseh ka gusto mo ulit ma coma?"
'Siraulo negrang to kakagaling lang sa coma nung tao maka kotong wagas!'
"Biro lang siyempre mahal kita!" at niyakap siya ni Ytchee at humarap siya sa akin. "I'm Ytchee Araullo." kusa ko ng inabot ang kamay ko sa kanya.
"Lucky Gonzaga. Lucky na lang kahit madalas UNLUCKY. He he!" at nagtawanan kaming apat.
Pansamantala kong nakalimutan ang insidente kanina. Nag take out kami ng food sa canteen at naglakad papunta sa paborting naming tambayan. Wala na kasi kaming klase kaya nagkwentuhan muna kami dahil nanabik si Andi at Marlon sa pagbabalik ni Ytchee.
"B-Bakla ka talaga Lucky?" gulat na gulat na tanong niya.
"Madalas akong mapagkamalang tomboy, pero oo bakla nga ako." At napakamot ako ng ulo.
"Akala ko babae ka talaga kanina." at hinawak hawakan niya ako sa braso, mukha at pinisil pisil ang dibdib ko na parang hindi makapaniwala. Nailang tuloy ako bigla.
'Mas malala pa 'to kay Andi. Magkaibigan nga sila.'
"Bakit ikaw maganda sila hindi?" pang aasar ni Ytchee habang nakaturo sa dalawa na biglang tumigil sa pagnguya.
"Pinagpala yan si Lucky sa lahat. Kasi kakambal ng kagandahan niya ang kamalasan." At tumawa siya ng malakas pero biglang ding huminto ng sikuhin siya ni Marlon.
"Ambilibabol! You're Androgynous Lucky." at parang pinag aaralan niya ang kabuuan ko.
"H-Huh? Andro-- Anong androgynous?" Napa pangangang tanong ko sa kanya at napangisi yung dalawa. Si Android 18 lang ang kilala ko. Hehehe!
"ANDROGYNOUS is came from the Latin androgynus hermaphrodite, from Greek androgynos, from andr-+ gynē woman. Androgynous is the combination of masculine and feminine characteristics. Gender ambiguity may be found in fashion, gender identity, sexual identity, or sexual lifestyle. It can also refer to one's singing or speaking voice." walang kahirap hirap na paliwang niya at napanganga ako sa pagkamangha.
Nagpalakpakan sila Andi at Marlon.
"Hindi ka padin nagbabago Ytchee, isa ka pading walking encyclopedia." At napakamot lang siya ng ulo at parang nahihiya.
Kinuwento ni Andi na matalino talaga si Ytchee at madalas itong ilaban sa mga local at international quiz bee. Well, obvious naman mukha naman siyang brainy ang weird nga lang niya minsan.
"Siya ang tinaguriang Miss Google ng Carlisle ses, kaya magtanong ka anything masasagot niya." natatawang kwento ni Marlon.
"Hindi naman, nagkaroon din ng side effect yung pagkaka aksidente ko. Minsan nagiging makakalimutin ako sa bang bagay. Kaya nga pinilit kong makabalik dito para ma refresh yung utak ko."
"Bisexual ka noh?" Prangkang tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "I see. Wala lang nakakatuwa na nameet ko na din ang ipinagmamalaking best friend ni Andres. First day ko palang dito sa Carlisle pero ikaw agad ang ibinida niya sakin." At natawa lang siya sa sinabi ko.
"Ganyan yan palibasa may gusto sa kin yang negrang yan eh." at bigla siyang tumawa ng malakas hanggang batukan siya nung isa.
"Kadiri ka bilib lang ako sa talent mo gaga, ano pompyangan tayo, kaloka ka!" at sinamaan niya ng tingin si Andi pero mukhang natatawa siya.
"Namiss ko kayo hindi ang Carlisle promise. May masayang bang naganap habang wala ako? Kapag wala uuwi na lang ako." At inaantay niyang sumagot yung dalawa.
'Isa pa to akala ko may matino na sa grupo may mas malala pa pala.'
Ikinuwento ng dalawa ang lahat ng nangyari simula nung nawala siya hanggang pagdating ko sa Carlisle. At taimtim siyang nakikinig at tatawa kapag yung bangayan namin nila Amber at MJ ang pinag uusapan. Lalo siyang tumawa ng malakas dahil sa Volleyball tournament na napahiya ang mga Pink Rangers.
"Sayang wala ako sa mga masasayang araw na yun, isa sana ako sa mga naka ganti mga hayup na yun!" nanghihinayang na kwento niya habang nakatayo.
"Bakit may ginawa din ba sila sayo Ytchee?" Biglang singit ko sa kanilang tatlo at hindi siya sumagot pero tumingin lang siya sa field na parang malalim ang iniisip.
"Dating kaibigan ni Ytchee si Papa Kenneth dahil minsan silang nagkalaban sa Quiz Bee dito sa Carlisle. Alam muna ang siste seshie. Ayaw ni Amber na may babaeng lumalapit kay Kenneth bukod sa kanya. Kaya yun isa din siya sa pinagbantaan ni Amber na patatalsikin sa school." salaysay ni Andi sa history nila habang naka tingin kay Ytchee.
"Hindi niya ako kaya! Baka gusto niyang ibuhol ko siya sa gulong ng kotse niya?!" Galit na baling niya sa amin pero natawa lang kami sa sinabi niya kaya nakitawa na rin siya.
'Kingena mas OA pa kay Andi at Marlon eh!'
"Walang hindi kayang gawin si Amber sa Carlisle ses, lahat ng imposible nagiging posible sa kanya."
"Ang OA naman kasi ng Amber na yan akala mo ang ganda ganda niya! Eh mas maganda ka pa nga dun Lucky eh. Ang lamang lang niya may puke siya!" At sabay hagalpakan kaming tatlo sa kakatawa sa sinabi niya.
"Siraulo ka may makarinig sayo diyan sugurin na naman tayo ng mga Pink Rangers dito!" saway ni Marlon kay Ytchee.
"Paki ko sa kanila, pasalamat sila na coma ko nun, NAKUUUU!!"
"Napag usapan nila Kenneth at Ytchee na iwasan nalang pansamantala ang isa't isa para hindi siya ma bully ng mga barkada ni Amber. Pero saglit lang yun kasi after nun na aksidente na siya." Singit na kwento ni Andi.
'Kaya pala galit na galit siya.'
"Ngayon ko-kombohin natin sila Lucky may alam akong "Fusion Technique" na makakatalo sa grupo nila! Bwahahaha!" nagtinginan lang kaming tatlo. Magaling na kaya talaga siya?
'Solvent PaMore!'
"Ses, sigurado ka bang magaling ka na?" naniniguradong tanong ni Marlon kay Ytchee.
"Oo naman, may saltik ka ba papasok ba ako kung hindi pa ako magaling?!" at sinimangutan niya yung dalawa.
"So, sasama ka sa Fieldtrip this coming weekend?" Si Andi na biglang na excite ang itsura.
Nakatalikod lang sa amin si Ytchee at malayo ang tingin habang nakapamewang. At bigla siyang humarap sa aming tatlo ng dahan dahan na parang si FPJ sa isang pelikula. May binunot siya sa bulsa.
"Wag mong sabihing malakas ka! Wag mong sabihing marami kang tauhan! At wag mo ring sabihing marami kang salapi... pare-pareho lang tayo... isang bala ka lang!" (Isang Bala Ka Lang, 1983) Panggagaya niya kay FPJ habang hawak sa isang kamay ang waiver na ginawa nyang baril-barilan.
'Guide us oh Lord!'
Mabilis tumakbo ang araw at walang ibang usapan ang mga senior kundi ang paparating na fieldtrip sa Baguio. Kahit ako nakakaramdam ng excitement lalo't madalas itong topic sa classroom. Iniisip ko pa lang na makakasama ko si Sir Adam sa Baguio kinikilig na akong todo.
THURSDAY.
Halos abala na ang lahat ng senior students sa paghahanda sa fieldtrip nagaganapin bukas. Half day na lang ang klase. Unti unti ng nagdadatingan ang lahat ng Tour Bus na gagamitin sa fieldtrip. Kaya halos lahat ng senior ay sobrang excited. Habang nasa tambayan kami ay naramdaman ko din ang excitement.
"Grabe ses nakita mo yung mga tour bus ang bo-bonggels!" walang pagsidlan ang kasiyahn ni Marlon habang nakatanaw kaming tatlo sa field.
"Oo naman para kahit papaano relax ang biyahe natin mahaba haba din ang biyahe natin papuntang Baguio." si Andi habang kumakain ng binili naming meryenda.
"Si Ytchee i-text mo ses, ang call time 4:00AM baka atakihin ng amnesia makalimot siya." Maaga kasi umuwe si Ytchee para magpa check up muna para siguradong safe siya sa biyahe.
"Ikaw Lucky nakapag handa ka na ba?" tanong si Marlon sa akin habang nakatingin ako sa field.
"Oo kaninang umaga tinulungan ako ni Tita Jack mag impake." sagot ko pero hindi ako lumingon sa kanila. Nag iisip lang ako kasi bukas fieldtrip namin tapos wala akong cellphone na gagamitin. Hindi ko pa kasi sinasabi sa bahay na sira na yung cellphone ko. Ayokong bumili ng bago kahit may ipon akong pera. Nakakainis ka talaga MJ binibigyan mo na naman ako ng bagong problema.
"Ses may sasabihin pala ako sayo. Nung isang araw bago ka namin puntahan dun sa Palma Hall nakunan ng isang ka grupo ko ng video yung awayan niyo ni MJ." Bigla akong napalingon kay Marlon sa sinabi niya.
"Seriously?" Nangunot yung noo ko sa nalaman kong balita.
"Oo ses, sorry pero huli na ng nalaman ko, na i-post na nila sa isang blog site namin yung video." At napabuntong hininga ako ng malalim.
"Nag viral yung video sa site andaming nag view na mga student sa Carlisle. Sa huling nasagap ko kanina, nahahati na yung opinyon ng mga students ng Carlisle sa grupo nila Amber. Unti unti ng nagiging aware yung ibang students sa pag pa-power tripping nila. Maraming nainis sa ginawa ni MJ sayo kahapon ses. Huwag kang matakot dahil marami ka ng kakampi ngayon." mahabang paliwanag niya pero wala akong ganang makinig.
"Ang kinakatakot ko lang naman kasi baka makita nila Nanay at Kuya Jiggs yung video. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa sinasabing nasira yung phone ko malalagot ako sigurado." at bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya.
"Gusto mo ses pahiramin kita ng bagong phone may back up phone pa ako sa balur." Alok ni Andi at bakas sa mukha nito ang pag aalala at gusto niya talagang makatulong.
"Huwag na malaking halaga na nga yung binayad niyo ni Marlon sa fieldtrip pati ba naman cellphone po-problemahin niyo pa." seryosong sagot ko kay Andi.
"Anong gagawin mo ses, kelan mo sasabihin sa kanila? Mamaya hindi ka payagan ni Tita na sumama kapag nalaman niya yung nangyari sayo nung isang araw." linapitan nila akong dalawa.
"Bahala na. Sige na text text na lang. Uuwi ako ng maaga papa good shot pa ako baka sakaling makalusot." Natatawang biro ko sa kanila.
"Seshie, tawagan mo ko kung may problema para kapag hindi ka pinasama hindi na din ako sasama bukas." Nagulat ako sa sinabi ni Andi. Lumapit din si Marlon.
"Ako din ses, hindi ako sasama kapag wala ka." malungkot na sali ni Marlon sa emote ni Andi.
"Hoy mga bakla kayo, hindi bente pesos yung contribution na binayaran niyo para makasama ako. Maka arte kayo parang nagtatae kayo ng pera." sigaw ko sa kanilang dalawa at pareho silang natawa.
"Si Andi madalas nagtatae pero hindi pera, totoong tae talaga! Ha ha ha!" banat ni Marlon at sabay sabay kaming tumawa.
"Thank you guys, huwag kayong mag alala pipilitin kong sumama bayad na kaya ako, aarte pa ba?" At bigla akong hinila ni Andi at niyakap at gumaya na din si Marlon at inakap kaming dalawa. Nanatili kaming ganun ng ilang segundo.
'Masarap sa pakiramdam na may ganitong klase kang mga kaibigan. Dadamayan ka sa hirap at ginhawa.'
"Ang da-drama ng mga friend ko! Fieldtrip lang to 'oy, akala mo may mangingibang bansa na sa atin bukas." natatawang sabi ko.
"Anong madrama, niyakap ko lang kayo kasi kailangan ko ng sapat na enerhiya para maka-utot ako ng bongga!" Pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang umutot ng malakas at sobrang baho.
Halos magbanggaan na kami ni Marlon sa sobrang taranta kung saang direksyon kami pupunta. Halos magkan dapa dapa na kami sa pagtakbo. Masuka suka ako habang tumatakbo at kahit usok ng sasakyan sisinghutin ko maka layo lang sa mabahong utot ni Andi. Iniwan namin si Andi sa tambayan na tumatawa ng malakas sa kagaguhan niya.
'Pakyu ka Negraaaahhh!'
KENNETH'S POV
Maaga kaming pinauwe ng mga instructor namin para makapag handa kami sa fieldtrip namin bukas. Naisip kong pumunta sa Mall para bumili ng babaunin ko at bumili ng bagong damit na gagamitin sa Baguio. Dumaan ako ng SM North Edsa mas malapit at less traffic kapag umuwi ako mamaya.
Habang naglalakad vibrate yung phone ko at binasa ko ang text message ni Wesley.
+639162345678
Wesley O.
Hey bro, check this out.
See you later. Damihan mo yung bibilhan mong food share tayo. He he!
Binuksan ko yung link naka attach sa text niya. And isang video from blog site sa Carlisle. Video ni Lucky at MJ. Pinakita sa video kung paano banggain ni MJ si Lucky habang nakatayo ito sa ibaba ng stairs. Sinubukan pa siyang tulungan ni Lucky pero ng makita ni MJ si Lucky at bigla niya itong tinulak ng malakas mabuti may babaeng nakasalo kay Lucky bago siya matumba.
Kagaya ni Amber wala ding binatbat si MJ sa pagiging pilosopo ni Lucky. In a way na matatawa ka imbes na magalit ka. Ramdam mo na ayaw niyang patulan ang kababawan ni MJ kaya pinaglalaruan lang siya kaya ang ending pikon na pikon yung isa.
Malinaw ang capture ng video pati yung usapan nila ay malinaw na nakuha. Makikitang mahinahon lang na nakikipag usap si Lucky, samantalang galit na galit si MJ na kung tutuusin siya naman ang nakabangga sa isa.
Nagulat ako sa huling part ng video dahil dahan dahang ibinagsak ni MJ yung hawak niyang cellphone at mabilis itong hinabol ni Lucky. Kitang kita kung papaano ito apakan ni MJ ng buong pwersa. Hanggang dumating na ang mga kaibigan niya. Hawak hawak pa din niya ang sirang cellphone niya at kitang kita mo ang lungkot sa mga mata niya.
Hindi ko alam pero bigla akong nainis pagkatapos kung mapanuod yung video. Naiinis ba ako dahil wala akong nagawa para tulungan siya? O naiinis ako dahil ayokong nakikitang malungkot siya? Sanay kasi akong nakikita siyang masaya siya at palaging nakatawa. Matagal tagal na din yung huling nakita ko siyang ganyan ang itsura dahil naman yun sa ex boyfriend niya.
'Bakit ka ba concern ka sa kanya ka ano ano mo ba siya? Syota mo ba siya para mag alala ka?'
Naalala ko na naman tuloy nung gabing tinanong niya ako kung pwedeng maging kami nalang.
'Seryoso kaya siya dun sa sinabi niya? Tss, Tokshit din eh.'
Kaya sa sobrang inis naglakad ulit ako para mag ikot ng mabibili.
After an hour na pag iikot nabili ko na lahat ng ka-kailanganin ko kaya bumalik ako ng parking lot para ilagay ang mga napamili sa kotse. Shit, wala pala akong headphone! Kaya napilitan akong bumalik sa mall at nagpunta sa SM Annex na karugtong din ng SM North Edsa at The Block.
Pagpasok ko sa isang store namili agad akong ng magandang klaseng headphones. Habang namimili at nakasilip ako sa glass shelves display ng headphones kung saan makikita ko ang labas ng store . Napaatras ako bigla sa gulat dahil sa taong nakasilip din sa shelves na tinitingnan ko. Nasa labas siya at nasa loob naman ako ng store.
Pareho kaming nagulat sa isa't isa. Mabilis akong lumabas dahil hindi ako makapaniwala at makumpirmang siya nga ang nakita kong nakasilip kanina. Pero paglabas ko wala na siya. Lumingon ako kung saan saan pero hindi ko siya makita sa dami ng tao sa Mall. Imagination ko lang ba yun? Yan kakaisip mo kasi sa kanya kaya siya palagi ang nakikita mo. Bagsak ang balikat na tinahak ko ang direksiyon pabalik sa pinanggalingan ko.
"Huli ka!" dinig kong sambit ng pamilyar na boses. Napahinto ako dahil biglang may humawak sa kaliwang braso ko pagtalikod ko. "Kapag lumingon ka akin ka." Naiinis akong lumingon ako at hindi nga ako nagkamali sa nakita. "Makulit ka rin 'e di ngayon akin ka na." Nakangiting sabi niya. Natulala lang ako sa harap niya. Naramdaman ko na naman kasi ulet yung pamilyar na hawak niya. Mukhang hindi nakalimutan ng balat ko yung nakaka kiliting haplos niya. Parang nanabik ako sa hawak niya at ayokong bumitiw siya. Hindi ko maipaliwanag pero ang weird talaga ng nararamdaman ko ngayong nasa harap ko si Lucky.
"Funny, but I don't belong to anyone else." Masungit na sagot ko at binawi ang braso ko na hawak niya.
"Wrong answer Kenneth James Ang.." at umiling iling siya.
"And what makes you think that i belong to you?"nakapamewang na tanong ko.
"Simple lang, finders keepers nga di ba? So it means, you belong with me now Ungas." Mayabang na sagot niya. Wala akong mahanap na sagot sa sinabi niya. Natulala at nailang ako sa pagkakangiti niya. Nasa gitna kami ng maraming taong naglalakad sa mall habang hawak pa din niya ang braso ko.
"Are you stalking me?"
"Stalk? Hindi pa ako nababaliw para i-stalk ka tanga." at bigla ko siyang kinonyatan ng mahina sa sinabi niya.
"A-Aray! Makapanakit ka Kenneth miss na miss?!"malakas na sigaw niya kaya biglang napahinto ang mga taong naglalakad at tiningnan kaming dalawa. Anong miss na miss? Siraulo! Sa sobrang hiya ko hinila ko siya papalabas ng SM ANNEX papunta sa Sky Garden.
'Naiinis din ako dahil... dahil.. dahil... Bakit nga ba? Siguro dahil sa napanuod ko kanina? Basta ang alam ko lang naiinis at mainit ang ulo ko ngayon.
Ang totoo nabigla din ako sa ginawa ko kanina. Hindi ako ang uri ng taong nananakit ng walang dahilan. Nainis lang siguro ako sa mga choice of words niya. Ako tanga? Psh!
"Anong ginawa mo dito? Sinusundan mo ba ako Lucky?" Hinila ko siya sa hindi mataong part ng Sky Garden saka ko binitawan ko ang braso niya.
"Bakit naman kita susundan bakit amo ba kita?" painosenteng sagot niya. Napipika talaga ako kapag ganyan niya ako kausapin. Mabilis nasisimot ang pasensiya ko.
"Kahit kailan hindi ka ba pwedeng kausapin ng matino?" naiinis na sagot ko sa kanya pakiramdam ko uminit ang tenga ko sa galit.
"Magtanong ka din kasi ng matino! Normal ko na 'to okay, bakit ba palaging ang dating sayo kakaiba?" nakakabilib yung pagiging natural niya. Ibang iba talaga siya sa mga nakasalamuha ko. Kung kausapin niya ako parang matagal na kaming magkakilala.
"Kasi kakaiba ka Lucky..." Bigla siyang natulala sa sinabi ko. Kinagat kagat niya yung pang ibabang labi niya na parang may gustong sabihin pero ayaw niyang isa tinig.
"Ano bang kailangan mo bilisan mo dahil baka mag sara yung Mall wala akong mabiling cellphone lagot ka sa akin!" bigla niyang iniba yung usapan at hindi makatingin ng tuwid sa mata ko. Weird niya.
'Pakshet, engot ka talaga Kenneth. Ngayon ko lang naisip sinira nga pala ni MJ ang cellphone niya. Malamang bibili siya ng bago. Engot ka!'
"Bibili ka ng phone bakit nasaan na yung cellphone mo?" Maang maangang tanong ko.
"Mamaya ka na magtanong ang mahalaga makabili ako ngayon dahil kapag nalaman sa bahay na nasira yung phone ko siguradong lagot ako!" may halong pag aalala sagot niya.
Tumingin ako relos ko at nakita kong quarter to seven na pala. May oras pa, kaya hinila ko ulit siya pabalik sa loob ng mall.
"Hoy hoy Kenneth bitawan mo nga ako mamaya mapagkamalan pa tayong mag dyowa." Napahinto ako sa sinabi niya at nagulat akong hawak ko pala ang kamay niya kaya binitawan ko ito ng dahan dahan.
"Psh, bakit di ba yun naman talaga ang gusto mo nung isang gabi pa ang maging tayo?" Ganting sagot ko sa kanya at natulala na naman siya.
"Patola ka, biro lang yun tanga!"
"Shut up Lucky at tigilan mo yang kakatawag mo sa akin ng tanga dahil buong buhay ko walang pang tumawag sa akin ng tanga!" pikang pika na ako sa kadaldalan niya.
"Good news 'tol meron na. Welcome to my world!" sarkatiskong sagot niya habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere na wini-welcome ako sa mundo niya. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Hindi ako mananalo kahit magdamag akong makipagtalo.
"Lets talk later. Akin na yung lumang phone mo." mariing utos ko at nagtaka siya kung bakit.
"Ayoko nga akin to 'e." tinago niya yung maliit na bag sa likod niya. Sa inis pwersahan kong kinuha ang maliit niyang bag at dinukot sa bulsa ang sirang cellphone niya.
Wala siyang nagawa at mabilis akong pumasok sa loob isang store.
"Hi Good evening Ma'am/Sir Welcome to Electro World how may i help you?" Nakangiting bati ng sales clerk. Nilapag ko sa harap niya ang sirang phone ni Lucky.
"Hi, I want the same model and color of this smartphone." mahinahong sabi ko sa clerk.
"Let me just check the unit sir. Samsung S6 Edge. Do you need anything else sir, tempered glass, case or powerbank?" magalang na tanong ng clerk.
"Does it come with some sort of freebie like memory card or something?" Sagot ko sa clerk kaya parang nataranta siya at nagpaalam saglit para i-check kung meron. "May kailangan ka pang iba?" pabulong na tanong ko sa kanya. Pero marahan lang siyang umiling. Akala ko makikipag talo pa siya sa akin dahil sa ginawa ko kanina
Pagbalik ng clerk dala na din niya yung bagong unit na kagaya ng phone ni Lucky at may kasama pang free 32GB SD Card at Screen Protector.
"Anything else sir?" Tinuro ko yung Doraemon na Case at dalawang Beats Wireless Headphones, isang red at blue.
"I'll use my credit card.." inabot ko yung credit card ko at nag antay lang kami ng kaunti sa clerk at pinirmahan ko na yung receipt. Napansin kong abala siya kakatingin sa ibang naka display sa mga glass shelves. "Kain muna tayo nagugutom na ako." Inabot ko sa kanya yung paper bag at saka ako lumabas ng store para maghanap ng makakainan namin.
LUCKY'S POV
"Kahit kailan hindi ka ba pwedeng kausapin ng matino?" napipikang sagot niya sa akin.I nit naman ng ulo nito. Tch!
"Magtanong ka din kasi ng matino! Normal ko na 'to okay, bakit ba palaging ang dating sayo kakaiba?" ano kayang hindi matino dun sinagot ko naman ko lang naman yung tanong niya.
"Kasi kakaiba ka Lucky..." parang may kumalembang na kampana sa magkabilang tenga ko dahil paulit ulit kong naririnig yung huling sinabi niya. He reminds me of Jasper. Si Jasper na pinakamamahal ko pero pinakawalan ko dahil sa takot na maulit muli yung bangungot na pilit na tinatakasan ko.
Parati ding ganyan ang sinasabi niya kapag kausap ako. Na mahirap akong kausapin, na pilosopo ako, hindi makausap ng matino at higit sa lahat na kakaiba daw ako. Pero kahit panay ang reklamo niya mahal na mahal niya ako.
Natulala ako ng ilang segundo sa sinabi niya. Ano ba kasing kakaiba dun? Normal naman ako kagaya nila ah?
May sampung mga sampung daliri, kamay at paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda. Maliliit na ngipin masarap kumain. Dilang maliit nagsasabing huwag kang magsinungaling.
Huwag kang magsinungaling? Kasinungalingan nga lang ba ang lahat ng naririnig at nakikita ko sa kanya ngayon o assuming lang talaga ako?
'Oo Lucky asyumera ka talaga!'
Kakaiba na kasing Kenneth ang nababasa ko sa kanya ngayon 'e. Oo, nandun padin yung pagiging masungit, suplado, madalas salubong ang kilay at mayabang. Pero nitong huli kakaiba na siya kapag nakakasama ko. Marunong ng magbiro, tumawa kaso lalong umiksi ang pasensiya.
"Kain muna tayo nagugutom na ako." bigla niyang inabot yung paper bag sa akin at nilayasan ako. Mabilis naman akong humabol sa kanya.
Nakita ko siyang umuorder sa Army Navy. Maliit lang yung store pero cute at lalong gumanda tingnan dahil sa kagandahan ng Sky Garden. Nasa labas lang ang mga table nila at agad akong pumili ng table na pwede akong mag smoke kaya nagsindi ako ng isa.
Minamasdan ko lang siya habang umoorder siya... Ayokong manghusga pero alam kong pini-flirt na naman siya ng kahera. Ang mga babaeng nasa kabilang table ay panay ang sulyap sa kanya. Matangkad kasi at gwapo si Kenneth kaya takaw mata ang kabuuan niya. Makinis, tsinito, mukhang artista at halatang mayaman. Kaso mayabang, masungit, mainitin ang ulo at higit sa lahat payatot. Kainis feeling gwapo kahit Oo.
Habang naninigarilyo kinalikot ko yung bagong phone ko. Sinalpak ko yung lumang sim at memory card ko. Pag open kong ng phone inayos ko lang kaunti yung settings and tadaaahh! Welcome back S6 Edge ko at inakap akap ko na parang bata.
'Ligtas kana sa galit nila Nanay makakasama kapa sa fieldtrip ang saya saya ng buhay.'
"Tss, wala ka na bang ibang mayakap pati yang phone mo pinag tiya-tiyagaan mo?" Nagulat ako dahil hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya.
"Sino gusto mong yakapin ko, ikaw?"
"T-Technically yes.." nag aalangang sagot niya.
"At bakit ko naman gagawin yun?"
"Sino ba ang bumili niyang hawak mo? Diba ako?" mayabang na sagot niya. Mabilis kong kinapa sa bulsa ng bag ko yung 35 thousand cash na fresh pa galing ATM machine. Kahit nanghihinayang ako at malaki ang mawawala sa savings ko no choice ako kundi ang ibayad yun kay Kenneth.
"Oh ayan bayad sa cellphone, mamaya hindi ka pa makatulog dahil iniisip mong may utang ako!" Nilapag ko sa harap niya ang pera.
"Hoy, hoy Lucky anong pinagsasabi mo diyan ha, sinong hindi makakatulog?" Parang batang sagot niya at inusog pabalik sa harap ko yung pera.
"Wala hina mo pumick up, salamat nadin dahil kahit papaano nabawasan ang mga problema ko." Napabuntong hiningang sagot ko.
"Just keep your money for now, I don't need it." At nag iwas ng tingin.
"Hoy, Kenneth hindi fake ang pera ko ang haba ng pinila ko sa ATM machine pa ma-withdraw ko lang lahat yan kanina. Anong keep it keep it?" Nakangiwing sagot ko.
"Ma'am/Sir here's your order, sorry for kept you waiting." nakangiting singit ng crew at nilapag yung food sa table. Napahawak ako sa tiyan ko dahil biglang siyang kumulo sa gutom dahil sa naamoy ko.
"Thank you po." Mahinang tugon ko sa crew at nginitian ako ng malaki kaya ngumiti din ako bago siya umalis.
"Tch, kahit gutom na nakuha pang mag pa cute sa crew." Mahinang bulong niya habang nilalapag sa harap ko yung malaking burger na nakabalot sa foil. Problema nito may narinig ba siya saken ng magpa cute sa kanya yung kahera? Sikuhin ko 'to sa batok 'e!
Hindi ko na siya pinansin sinunggaban pinagtuunan ko nalang ng pansin ang malaki at mainit na burger sa harap ko. Para akong hayop na hayuk na hayuk sa nahuli kong pagkaen. Sunod sunod na malalaking kagat ang ginawa ko saka ako ngumuya ng todo.
'HONG SORRRROOOPPP!'
"What do i expect.." umiiling at dismayadong bulong niya habang kumakaen ako. Wala akong paki kanina pa ako hindi kumakaen dahil sa mga problemang hatid ng haliparot na MJ na yan. Ilang araw nadin akong walang ganang kumaen kakaisip. Ngayon kailangan kong bumawi at kailangan kong makarami. Kainis iniisip ko pa namang mag Mang Inasal kanina para sa unli rice. "Jesus Lucky, will you eat slowly wala ka namang kaagaw diyan sa food mo." Hinampas niya yung kamay ko kaya nabitawan ko yung malaking burger na ngayo'y nangangalahati nalang sa foil. Epal!
"OH MY GOD GIRL ANG CUTE CUTE NUNG GUY."
"CELEBRITY BA SIYA? PARANG NAKITA KO NA SIYA MAGAZINE."
"ANG SWERTE NAMAN NUNG GIRL!"
"ANO KAYANG NAME NIYA! ANG HOT HOT NIYA SOBRA!"
"NAKAKAINGGIT NAMAN SI ATE!"
Bulungan ng mga babaeng kinikilig na dumadaan sa harap ng table namin. Lumingon lang si Kenneth at bahagyang ngumiti kaya parang kinurot ang mga pigi ng mga babaing nagtitili habang naglalakad. Nginitian ko rin si Kenneth ng malaki habang puno pa ang bibig ko at sa inis niya inirapan niya ako.
"Girl? May girl bang ganyan kumain?" bakas ang sarkasmo sa tono. Kalalaking tao makairap wagas!' "Ganyan kaba talaga kumaen para kang construction worker." habang inilapag ang can drink niya at alam kong naiinis na naman siya. Nilunok ko muna ang lahat ng nasa bibig ko at uminum ako ng soft drink.
'Eh bakit ba gutom ako pakialam mo!'
"Gutom na gutom na ako, kanina pa ako hindi kumakaen." Derechong sagot ko sa kanya. "Anong gusto mo gayahin ko yung pabebeng pagkagat kagat mo diyan sa burger mo at magpa cute sa mga babaeng dumadaan sa harap ko?" Hindi ko maintindihan kung bakit andami dami niyang napapansin. Bakit may batas ba sa tamang pagkaen o pagnguya ng burger?
"Bakit hindi ka ba pwedeng kumaen ng dahan dahan? Para kang taga bundok wala kang ka finesse finesse .." singhal niya sa harap ko.
'Ano daw Finesse? Hindi pa kaya ako finesse kumain. Hehehe!'
"Ano naman? Eh di lumipat ka ng ibang table kung ayaw mo akong kasabay." Pormal na sagot ko at tumuwid ako ng upo.
'Dali dali ng solusiyon sa problema pinahihirapan ang sarili niya.'
Kumagat ulit ako sa burger ko pero hindi na gaanong malaki. Nawala na ako sa momentum eh.
"Its not what i meant, I'm talking about table manners Lucky." pormal na sagot niya na pakiramdam ko parang bobo bobo ko sa sinabi niya.
"Aanhin ko naman yang manners kung nag aalburuto na sa gutom yung tiyan ko?" naiinis na sagot ko at aaminin ko nawalan na ako ng gana kumain sa pinag kukuda niya.
"You can do better than that Lucky, you know what i mean." hindi parin natatapos na sermon niya. Dinampot ko yung tissue at nagpunas ako ng bibig habang ngumunguya pa ako.
"Look kung naghahanap ka ng... kasamang may manners...kumaen. I'm sorry...pero maling tao ang nakasama mo." Hirap na hirap akong lunukin yung natirang pagkain sa bibig ko pero pinipilit ko pa rin. Tinungga ko yung softdrink sa plastic cup. "Enjoy your dinner YOUR HIGHNESS!" padabog akong tumayo, dinampot ko yung mga gamit ko sa mesa at iniwan siyang natulala sa pag wa-walk out ko.
"L-LUCKY!" Tawag niya at di ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
'Buset na to daming alam sa buhay. Ikaw na mayaman!!'
"LUCKY STOP!" bigla niya akong hinawakan sa braso kaya napahinto ako. Nagpipigil ako huwag siyang masapak bago ako humarap sa kanya.
"What now Kenneth? Hindi ka paba tapos sa pang iinsulto mo?"
"I"m sorry please let's go back I'm still hungry.." Pakiusap niya at parang natatawa.
"Kingena mo magsama kayo ni MJ mga panira kayo ng appetite!" sigaw ko sa mukha niya at bigla niyang binitawan ang braso ko. Biglang nagbago yung tingin niya sa akin na parang hindi niya na ako kilala. Salubong ang kilay at kunot ang noo niya.
Siya naman ngayon ang nag walk out. Naglakad siya pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Kanina nang iirap ngayon nag wa-walk out? Husay nito manggaya mahihiya ang Kage Bunshin Technique ni Naruto!!
Ayoko sanang habulin kaso inatake ako ng konsensiya dahil bigla ko siyang namura. Pakshet!
"KENNETH!" Ako naman ang mukhang tangang sumisigaw ngayon at ako naman ang hindi niya pinapansin. Kinuha lang niya yung naiwang gamit sa table namin kanina at saka umalis. Hindi man lang ako nilingon at seryoso siyang naglakad palayo sa Army Navy.
Iniwan din niya yung nilapag kong pera sa mesa kaya madali ko yung dinampot at isinuksok sa bag.
'Taena nakakahiya pinagtitinginan na kami ng ibang customer.'
Mabilis ko siyang hinabol hanggang makarating kami ng parking lot sa tapat ng The Block. Pinindot niya yung car remote key at mabilis hinawakan yung door handle ng kotse niya. Bago niya pa mabuksan ang pinto, humihingal na humarang ako sa harap niya.
"What do you want?" blangko ang mukhang niya. Hindi ko alam kong galit ba siya o ano.
"I-Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." habang dinuro-duro ko ang dibdib niya. Peste! Hiningal ako kakahabol.
"Oh ngayon nasa harap muna ako anong kailangan mo?" Malamig na tugon niya. Nanibago ako sa panlalamig niya.
"Okay, I'm sorry."pakumbaba ko. "Nakakainis ka naman kasi nag e-enjoy ako sa pagkain kanina tapos dadaragin mo ko dahil wala akong manners kumaen." kinakapos ako ng hininga kakapaliwanag.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin uuwe na ako at umuwe kana rin." Kinabahan ako dahil hanggang ngayon alam kong galit pa din siya.
"Ayoko pang umuwe, kausapin mo muna ako." Sa inis ko napapadyak ako sa lupa na parang bata.
"Fine, kung ayaw mong umuwi ako na lang ang uuwi.." muli niyang hahawakan yung door handle pero mabilis kong hinawakan ang pinto ng kotse niya. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa ibabaw ng kamay niya. Mabilis niyang inalis ang kamay at nag cross arm sa harap ko.
"Sasama ako.." Nakangusong sagot ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko pero hindi ko na binawi dahil nahiya na ako. Nag angat siya ng tingin sa akin at nakita ko yung pagtataka sa mukha niya.
"Bakit sa bahay ka ba nakatira para sumama ka?"
"Kapag sumama sa inyo na agad nakatira? Hindi ba pwedeng dumadalaw lang muna?"
"Humanap ka ng ibang kausap wala akong panahong makakipag lokohan sayo." muli niyang bubuksan ang pinto ng kotse pero napigilan ko.
"Sige seryoso na. Alam kong galit ka pero sana naman tanggapin mo yung bayad ko sa phone, pinaghirapan at pinag ipinunan ko yan ng matagal." at pilit kong inaabot sa kanya yung pera.
Nagbago ng konti yung facial expression niya at tinanggap yung pera sa kamay ko at pinasok sa loob ng bag niya.
"I have to go." Umaaktong bubuksan niya na yung pinto ng kotse pero hinawakan ko siya sa braso pagkabukas niya ng pinto.
"Sunduin mo ko bukas sa bahay. Kapag hindi mo ko sinundo hindi ako sasama sa fieldtrip." pananakot ko sa kanya at wala ng tatalim sa tinging ipinukol niya.
"Bakit ko naman gagawin yun, ano ko tanga?!" Sigaw niya sakin at parang maiiyak na ako sa galit na ipinapakita niya. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Ano bang ginagawa mo Lucky Gonzaga?
'Ouch ang sakit sakit pala kapag nanggaling sa kanya yung salitang TANGA.'
"Kapag hindi mo ako sinundo ikaw ang sisihin nila Marlon at Andi." naninikip ang dibdib ko sa kaba at takot. "Hindi din sila sasama kapag hindi ako sumama." Nakipag matigasan parin ako kahit alam kong wala namang pagasa.
"Walang problema eh 'di huwag kang sumama." balewalang sagot niya. Wala talagang pag asa. Galit talaga siya.
"Hindi ka nila patatahimikin, araw araw mong aamoy yung nakakalasong utot ni Andi hanggang mahilo ka." pananakot ko at hindi man lang nagbago ang blank expression niya.
"Ano namang pakialam ko sa kanila? Umalis ka nga diyan." masungit na sagot niya at tinabig ako sa balikat. Mabilis siyang sumakay sa kotse at iniwan akong mag isa sa parking lot.
Hindi ko na alam kung sino ang mas tanga. Yung sardinas sa lata o si Lucky Gonzaga?
Nagsindi na lang ako ng sigarilyo habang binabagtas ang daan papunta sa sakayan.
"Oo nga naman Lucky, ano nga bang pake niya. Ha ha ha!" hindi ko maintindihan ang sarili kung. maiiyak ako o matatawa sa sitwasiyon ko.
'Spell ASA without vowels. Hala! Paano nga ba spelling nun?'
'Maganda ka lang Lucky, pero hindi ka Best in Spelling. Shunga!'
To be continued....